Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."
Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya? "Ano nga pala ang pangalan niya?" Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito. Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan." Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido. Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin." Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangalan ng kaniyang asawa. --- Ayaw masyadong abalahin ni Morgan ang sarili kay Alex, kaya’t sumandal siya sa upuan ng sasakyan at pumikit upang magpahinga. Sampung minuto lang ang biyahe mula sa Hotel papunta sa kaniyang bahay. Nang makarating ang convoy ng mga luxury car sa gate ng Hight View Village, si Morgan ay lumipat sa kaniyang mumurahing sasakyan at mag-isang pumasok sa komunidad. Bagaman hindi maalala ang pangalan ng bagong asawa, natatandaan pa rin ni Morgan ang bahay na binili niya. --- Pagdating niya sa pintuan ng kanyang bahay, napansin niya ang isang pares ng pamilyar na tsinelas sa labas ng pinto. Tsinelas niya ba ito? Paano ito napunta rito? Siguradong si Alex ang naglabas nito! Nanlamig ang tingin ni Morgan, at ang gwapo niyang mukha ay biglang nagdilim. Dati siyang nagpapasalamat sa dalagang nagligtas sa kanyang lola, ngunit nang labis siyang pinuri ng kanyang lola at inudyok na pakasalan si Alex, nawala ang lahat ng simpatya niya rito. Pakiramdam niya, si Alex ay may ibang binabalak. Bagaman sa huli ay pumayag siya sa kahilingan ng kanyang lola at pinakasalan si Alex... Bagamat pinakasalan niya si Alex, nakipagkasundo si Morgan sa kanyang lola na pagkatapos ng kasal, itatago niya ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at susubukan ang ugali ni Alex. Kung pumasa si Alex sa pagsubok, magiging tunay silang mag-asawa at magkasama habang buhay. Ngunit kung matuklasan niyang si Alex ay may planong hindi maganda, huwag siyang sisihin ng kaniyang lola kung magiging malupit siya. Sinumang mangahas na magplano ng masama laban sa kanilang pamilya ay tiyak na hindi makakatakas! Paglabas ng susi, sinubukan ni Morgan na buksan ang pinto, ngunit hindi niya ito maipasok. Napagtanto niyang ang babaeng nasa loob ng bahay ang nag-lock ng pinto. Lalo siyang nainis. Bahay niya ito! Pinayagan na nga niyang tumira si Alex, tapos pagbabawalan pa siyang makapasok sa sarili niyang bahay? Nag-init ang ulo ni Morgan at tinadyakan ang pinto, kaya tumunog ito nang malakas. Kasabay nito, tinawagan niya si Alex. Dahil sa nakaraang karanasan, inedit niya ang pangalan ni Alex sa kaniyang telepono at idinagdag ang salitang "asawa" para maalala niya kung sino ito. Kung hindi niya ginawa iyon, malamang na nakalimutan na niya at tinanggal si Alex sa listahan ng mga naka save na numero sa kaniya. --- Nang tinadyakan ni Morgan ang pinto, nagising si Alex. "Sino ba ang kumakatok sa kalagitnaan ng gabi? Hindi ba puwedeng matulog ako ng tahimik at walang istorbo?" Pagbangon, may konting inis si Alex, lalo na’t ginising siya ng maaga. Hinila niya ang kumot palayo, naglakad palabas ng kwarto, at naka-pajama pa. Iniwan niya ang cellphone niya sa kwarto, kaya hindi niya alam na tinawagan siya ni Morgan. "Sino ka? Halos masira na ang pintuan sa pagkatok mo?" Galit na binuksan ni Alex ang pinto at sinimulang pagalitan ang lalaking nasa labas. Ngunit nang makita niya kung sino ang nakatayo sa harap, napahinto siya. Tinitigan niya nang matagal si Morgan bago siya natauhan. Agad siyang ngumiti nang may pagka-hiya at nagsabing, "Mr. Morgan, ikaw pala." Tinawagan siya ni Morgan, ngunit hindi niya sinagot. Lalo tuloy itong nagalit. Sa mga sandaling iyon, wala nang gana si Morgan na kausapin si Alex. Madilim ang ekspresyon niya habang dumiretso siya sa loob ng bahay, hindi man lang siya pinansin. Palihim na inilabas ni Alex ang dila niya. Ganito pala ang epekto ng isang "flash marriage." Lumabas siya nang kaunti upang tingnan ang paligid. Mabuti na lamang at hindi gaanong malakas ang pagkatok ni Morgan sa pinto kanina. Mabuti na lang at hindi nagising ang mga kapitbahay. Nang makita ni Alex ang pares ng tsinelas sa labas ng pinto, yumuko siya, pinulot ito, at bumalik sa loob ng bahay. Pagkatapos, muli niyang ni-lock ang pinto. "Madaling araw na nang makabalik ako. Nakita kong wala ka sa bahay, kaya akala ko hindi ka na uuwi ngayong gabi, kaya ni-lock ko ang pinto," paliwanag ni Alex. "Mag-isa akong babae sa bahay. Para sa kaligtasan, kinuha ko ang isang pares ng tsinelas mo at nilagay ito sa labas ng pinto, para makita ng iba na may lalaki sa bahay. Sa ganitong paraan, hindi sila magtatangkang gumawa ng masama." Bagamat may kaalaman si Alex sa Martial Arts at hindi siya natatakot sa mga kriminal, maingat pa rin siya pagdating sa kaligtasan ng bahay. Naupo si Morgan sa sofa at tinitigan siya gamit ang kanyang madilim na mga mata. Ang tingin niya ay matalas at malamig. Sa gabi ng Oktubre, bahagyang malamig ang hangin, ngunit ang titig ni Morgan ay nagdala kay Haitong ng pakiramdam na parang biglang sumapit ang taglamig—nakakapanginig sa lamig! "Mr. Morgan, patawad," sabi ni Alex habang inilalagay ang tsinelas sa paanan ni Morgan bilang tanda ng paghingi ng paumanhin. Dapat sana’y tinawagan niya ito para itanong kung uuwi siya. Pagkatapos ng ilang sandali, malamig na nagsalita si Morgan "Sinabi ko sa’yo, huwag mo akong alalahanin. Pero ito ang bahay ko. Isinara mo ako sa sarili kong bahay, at hindi ako natuwa." "Patawad po talaga. Sa susunod, tatawag muna ako para tanungin kung uuwi ka. Kung hindi ka uuwi, saka ko ulit ilalock ang pinto," sagot ni Alex, nag-aalala. Tahimik si Morgan nang ilang saglit bago muling nagsalita "Kung may business trip ako, sasabihin ko sa’yo nang maaga. Kung hindi ko sasabihin, ibig sabihin uuwi ako araw-araw, kaya hindi mo na kailangang tumawag. Abala ako sa trabaho at wala akong oras para sumagot sa mga tawag mula sa kahit sino." Tumango si Alex. "Oh." Kung ano ang sinabi niya, ganoon na nga. Bahay niya ito. Siya ang boss. "Mr. Morgan, gusto mo bang kumain ng midnight snack?" tanong ni Alex, iniisip na baka nagugutom si Morgan dahil ngayon lang siya nakauwi mula sa trabaho. "Hindi ako kumakain ng midnight snack. Nakakataba iyon." Napanguso na lamang si Alex at napatingin sa sarili. "Ay ganoon ba.."Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi
Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya.Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan."Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. Ikaw ang bumili ng bahay, pero kung titira ako rito, makakatipid ako sa upa. Ang mga gastusin sa bahay na ito ay hindi na puwedeng ikaw lang ang sumagot. Ako na ang magbabayad sa mga kailangan bilhin sa bahay.""Maliban na lang kung bibili ka ng gamit o muwebles na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso, dapat nating pag-usapan iyon, at magbigay ka kung ano ang kaya mo."Hindi mababa ang kanyang kita, kaya niyang sagutin ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Maliban na lang kung kailangan ng malaking halaga, hindi na niya kailangang umasa sa pera ni Morgan.Hindi naman sa hindi niya kayang tanggapin ang pera mula sa kanya, pero ang kanyang pag-uugali ang nagpapasama ng loob ni Alex, n
Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid.Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina."Ate.""Alex, nandito ka na pala."Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din kita ng isang mangkok?""Hindi na, kumain na ako. Ate, naluto mo na ba ang noodles? Kung hindi pa, huwag mo nang lutuin. Nagbalot ako ng almusal para sa'yo at kay Jack.""Hindi pa. Si Jack kasi, nilagnat kagabi, kaya halos hindi ako nakatulog buong magdamag! Late na rin akong nagising kaninang umaga. Ang bayaw mo naman, lumabas na lang para kumain ng almusal. Pinagalitan pa ako, sinabing wala raw akong ginagawa sa bahay buong araw, nag-aalaga lang ng bata, at hindi man lang marunong gumising nang maaga para maghanda ng almusal para sa kanya."Bahagyang nasaktan si Bea habang sinasabi ito.Nagngingitngit si Alex nang marinig ito. "Bakit nilagnat si Jack? Kahit bumaba na ang lagnat niya, ate, kaila
"Sige, alis na tayo."Tahimik na nainis si Morgan kay Alex, ngunit hindi siya nagsalita o gumawa ng anumang hakbang.Si Alex ay asawa niya sa papel lamang, ngunit sa totoo lang, parang hindi sila magkakilala.Hindi na muling nagsalita ang driver at pinaandar na ulit ang kotse.Walang kamalay-malay si Alex na muntik na niyang mabangga ang marangyang kotse ng kanyang asawa. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagsakay sa kanyang e-bike hanggang makarating sa tindahan. Ang bahay ni Carol ay malapit lang, kaya palagi itong nauunang dumating kaysa kay Alex."Alex."Pagkatapos magtrabaho, nag-order si Carol ng almusal para sa sarili. Habang kumakain, nakita niya ang kaibigan niyang si Alex na kararating lang. Ngumiti siya at tinanong ito, "Kumain ka na ba?""Kumain na ako," sagot ni Alex.Nagpatuloy si Carol sa pagkain habang si Alex naman ay umupo."May dala akong dalawang kahon ng meryenda. Masarap 'to, tikman mo," sabi ni Carol habang inilalapag ang isang supot sa counter.Ibinaba ni Alex ang s
Ang banquet ay ginanap sa isang malaki at prestihiyosong Hotel, isang lugar na hindi kailanman naisip ni Alex na mapuntahan sa normal na pagkakataon.Ang Okada Hotel, na kilala bilang isa sa pinakamaluhong hotel sa lungsod, ay madalas tawaging "seven-star hotel." Hindi alam ni Alex kung tunay bang may ganoong katayuan ito, at hindi rin siya gaanong interesado sa mga detalyeng iyon.---Naunang dumating ang tiyahin ni Carol na si Vilma sa hotel bago sina Alex at ang iba pa. Matapos makipagbatian sa mga babaeng kilala niya, inutusan niya ang kanyang anak na lalaki at babae na pumasok na sa hotel habang siya ay nanatiling naghihintay sa labas upang salubungin ang pamangkin niya.Nang makita ni Vilma ang kotse na inarkila niya para sa kanyang pamangkin na dumarating nang dahan-dahan sa likod ng ibang mga sasakyan, sumilay ang isang ngiti ng kasiyahan sa kanyang mukha.Makalipas ang ilang sandali, bumaba si Carol mula sa kotse kasama si Alex, at sabay silang lumakad papunta kay Vilma."Tit
Napapagitnaan siya ng napakaraming tao at hindi napansin ang kanyang bagong asawa sa sulok. Hindi nakita ni Alex ang mukha ng kanyang asawa dahil natatakpan ito ng maraming tao. Tumayo siya sa dulo ng kanyang mga daliri upang tumingin nang matagal, ngunit hindi niya nakita ang tao, kaya nawalan siya ng interes. Umupo siya muli, hinila ang kaibigan, at sinabi, "Huwag na nating hanapin. Ang daming tao at hindi natin makita. Kumain na lang tayo." Para sa kanya, ang pagkain ang pinakamahalaga sa pagpunta niya ngayong gabi! "Alex, hintayin mo ako dito. Pupuntahan ko ang tiyahin ko para itanong kung sino ang dumating kanina. Napakalaki ng eksena, parang pagdating ng Presidente." Napaka-usisa ni Carol. Si Alex ay mahinang umungol bilang tugon. Naglakad mag-isa si Carol. Naubos ni Alex ang lahat ng pagkaing kinuha niya. Tumayo siya dala ang kanyang walang lamang plato. Habang ang lahat ay abala sa panonood ng mga bigating tao, madali niyang nakukuha ang pagkain nang hindi kinakailangan
Kumuha si Carol ng isang baso ng red wine at tumikim ng isang lagok. "Nasosobrahan ka na yata sa mga librong nababasa mo. Napakaraming tao sa mundo na may parehong pangalan at apelyido, lalo na ang magkapareho lang ng apelyido. Tingnan mo ang pinakamayamang tao sa isang port, ang apelyido niya ay Millares. Lahat ba ng mga taong may apelyidong Millares ay kapamilya niya?" Ngumiti si Coral, "Oo nga." "Ang asawa ko ay isang simpleng manggagawa lang. Ang kotse niya ay ay mumurahin at pang-komersyal na sasakyan. Sa tingin mo ba ang isang miyembro ng pamilyang Villamor ay magmamaneho ng ganitong kotse? Ikaw naman, huwag kang masyadong manghula." Hindi kailanman inisip ni Alex ang pangarap na bigla siyang magiging isang "socialite" sa isang mataas na posisyon. Para sa kanya, okay lang mangarap, pero hindi dapat ang klase ng pantasyang malayo sa katotohanan. "By the way, ganoon ba talaga ang tagapagmana ng mga Villamor, na iniiwasan niya ang paglapit ng mga kabataang babae? Baka naman ba
Sa mundo ng negosyo sa Pilipinas, ang sinumang makakuha ng pabor mula kay Morgan ay parang nabigyan ng panandaliang tagumpay sa buhay, at walang hanggan ang magiging tagumpay sa hinaharap. Dinala ng mag-asawa ang kanilang anak sa piging upang mabigyan ito ng pagkakataong makipagkaibigan at maglatag ng daan para sa magandang kinabukasan. "Iyong dalawang babaeng kasama mo, kanina ay..." "Inihatid ko lang ang dalawa kong ate palabas upang sumakay ng kotse at plano ko ring bumalik agad." Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Morgan, maagap nang nagpaliwanag si Aries sa ginawa niya, natatakot na baka isipin ni Morgan na hindi siya nasisiyahan sa ganitong okasyon o hindi nagustuhan ang serbisyo ng hotel. Isa sa mga hotel ng pamilya ni Morgan ang Okada Hotel. Tumango lang si Morgan at dumaan kay Aries, na para bang binati lamang siya dahil sa kagandahang-asal. Hindi maunawaan ni Aries ang nangyari. Ang alam lang niya, isang grupo ng mga tao ang sumunod kay Morgan habang siya’y naiwa
Bukod sa hindi pinapansin ni Morgan si Samantha, kahit pa maging bastos siya rito, babalik pa rin ito. Kahit masira ang kanyang reputasyon, hindi siya susuko maliban na lang kung bali na ang kanyang mga binti.Pagkatapos ibaba ni Morgan ang tawag, dumilim na naman ang mukha ni Warren. Hindi na niya napigilan at tinawagan ang kanyang kapatid upang pagalitan ito.Si Samantha naman ay pauwi na sakay ng isang taxi."Kuya, pauwi na ako. Wala naman akong ginawang kahihiyan ngayong araw. Hindi naman ako ganoon katalino, kaya hindi ko kayang magplano ng engrandeng bagay at sorpresa para kay Morgan""…Kung ginugugol mo na lang sana ang oras mo sa panunuyo kay Morgan para samahan si mama, siguradong mas magiging masaya siya.""Sinasamahan ko rin naman si mama. Pero may sakit siya sa puso, at ang sakit sa puso ay nangangailangan ng tamang lunas. Totoo namang ako ang pinakamamahal ni mama, pero hindi ako ang gamot niya."Ang dahilan ng sakit sa puso ng kanilang nanay ay ang matagal nang nawawalan
Hinarangan talaga ni Samantha ang gate ng kumpanya, kaya napilitang huminto ang sasakyan."Sir, gusto mo bang bumaba at kausapin si Miss Klein?"Lumingon ang driver at tinanong si Morgan.Nanatiling tahimik si Morgan sandali, pagkatapos ay ibinaba ang bintana.Nang makita ni Samantha na ibinaba niya ang bintana, tuwang-tuwa siya at agad na lumapit na may dalang bouquet ng bulaklak at insulated lunch box."Morgan!"Sa wakas, nakita na ni Samantha ang lalaking iniisip niya araw at gabi. Kahit na madalas siyang pumunta rito para ipahayag ang pagmamahal niya kay Morgan, matagal na rin silang hindi nagkikita nang harapan.Sobrang namiss niya ito!Pareho pa rin siyang kasing astig ng dati, at siya pa rin ang pinaka-gwapo sa paningin niya.Nang dumapo ang tingin niya sa mahigpit na nakapirming labi ni Morgan, gusto sanang lumapit ni Samantha at halikan ito ng dalawang beses.Maalala kaya niya kung malambot ba ang mga labi nito?Tinitigan ni Samantha si Morgan na punong puno ng pagmamahal, ka
Ibinunyag ni Samantha ang pagkakakilanlan ni Harold Galvez at nag-iwan ng mensahe sa opisyal na website ng kanilang kompanya, hinihiling sa punong tanggapan na tanggalin si Harold sa trabaho.Hindi inaasahan ni Alex na may makakakilala pa sa kanya base lamang sa kanyang lumang litrato noong bata pa siya. Sa tingin niya, siya na ngayon ang panalo, kaya ngumiti siya at umamin, "Ganda, magaling ang iyong mata at memorya.""Paano ko ba naman makakalimutan? Ang trending topic tungkol sa inyo ay nag-redirect ng atensyon ng maraming netizens. Hanggang ngayon, nasa listahan pa rin ng trending topics ang balita matapos mabunyag ang totoo."Sa narinig ni Alex, biglang may naisip siya at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Ganda, hindi ba… Ikaw ang anak ng may-ari ng Klein Corporation?"Napangiti si Samantha at pinuri siya, "Ang talino mo! Isang hulaan lang, tama agad."Natawa rin si Alex "Aba, tandahana nga naman. Kailangan kong pasalamatan si Miss Klein sa pagtulong, dahil sa pagpigil sa pagk
Nararamdaman ang saya pagkakaroon ng asawa, sa totoo lang medyo maganda nga talaga.Lumabas si Morgan na may dalang insulated lunch box.Pabalik sa kumpanya, ramdam niya ang pagmamahal sa almusal na inihanda para sa kanya ng kanyang asawa sa loob ng kotse.Kinain niya ito nang may kasabikan at labis siyang nasiyahan.Ang driver at ang mga bodyguard sa sasakyan ay medyo nagtataka. Ang almusal na inihanda ng asawa niya ay napakasimple, ngunit ang napaka pihikan na si Morgan ay kinain ito nang may kasiyahan. Siguro magaling talaga magluto ang napangasawa nito.Pagkaalis ni Morgan, tulad ng nakasanayan, tinawagan ni Alex ang kanyang kapatid. Nang malaman niyang maayos naman ito, lumabas na rin siya.Nang siya ay lumabas, rush hour na, at may mga senyales na ng pagsisikip ng trapiko sa daan. Habang patuloy siyang naglalakbay, lalong lumala ang traffic.Maraming taong nagmamadali papasok sa trabaho ang hindi mapakali at gusto ng magmura sa sobrang inis.Gusto na ring magmura ni Samantha.Si
Hindi talaga niya alam kung ano ang pag-uusapan nila.Ang mga batang mag-asawa sa paligid nila, karamihan ay bagong kasal, matamis na akala lalanggamin anumang oras, at naglalakad nang magkahawak-kamay. Samantalang ang mga mag-asawang may anak, ang usapan ay palaging tungkol sa mga bata, kaya marami silang napagkukwentuhan.Hindi tulad nila—walang pagmamahal, walang anak—kaya mahirap talagang makipag-usap.Nakita ni Alex ang tila nahihirapang itsura ni Morgan sa pakikipag-usap, kaya napangiti siya. Tumayo siya, saka hinila si Morgan. “Tara na, umuwi na tayo. Kung hindi, baka lalo kang hindi mapakali, na parang anytime, aatakihin kita.”“Alex, babae ka! Para kang lalaki kung makahila.”“Ano naman kung babae ako? Hindi naman nakakamatay ang pakikipag-usap.”Hinila niya ito palayo, pero sa damit lang niya hinawakan. Hindi siya nangahas na hawakan ang kamay nito, baka kasi pag-uwi nila, maghuhugas ito ng kamay nang maraming beses.“Hindi mo ba nakita ang trending topic dalawang araw na an
Si Morgan ay medyo malungkot, pero nang pinag-isipan niya ito, naisip niya na si Haitong ang kumita ng pera, at ngayon ay asawa na niya si Alex, kaya hindi napunta sa iba ang pera. Dahil dito, gumaan ang loob ni Morgan.Matapos lutuin ni Alex ang mga ulam, inilabas niya ang mga ito at inilagay sa hapag-kainan.Magkasamang naupo ang mag-asawa at sabay na kumain ng hapunan.Maganda ang mood ni Morgan kaya lalo niyang na-enjoy ang pagkain.Hindi niya napigilang purihin si Alex—talagang magaling itong magluto, kaya isang malaking kasiyahan ang pagkain.Pagkatapos ng hapunan at paghuhugas ng pinggan, kinuha ni Alex ang bag ng mga damit mula sa sofa, inilabas ang mga ito, iniabot kay Morgan, at sinabi, “Sir Morgan, subukan mo itong dalawang set ng damit kung kasya sa iyo?”"Tumulong ka nang malaki sa akin, kaya pakiramdam ko hindi sapat na imbitahan lang kitang kumain. Kaya bumili ako ng dalawang bagong set ng damit at dalawang kurbata para sa iyo. Kulay itim ang mga damit, paborito mong ku
"Huwag kang magpatubo ng balbas habang bata ka pa, nagmumukha kang matanda.""Masiyado ka bang naging abala at pagod kamakailan? Mukha kang haggard at pagod. Mabuti ang pagiging masipag para sa mga kabataan, pero huwag mong pilitin ang sarili mo. Ang kalusugan ang puhunan ng rebolusyon, kaya dapat mong alagaan ang sarili mo.""Ayos lang ako, medyo busy lang sa trabaho."Sa totoo lang, pinalaki ni Clark ang kanyang balbas para kay Alex. Hindi pa ito ganoon kahaba, pero dahil sanay siyang malinis ang mukha, nagulat ang kanyang pinsan nang makita ito."Ate Carol, wala si Alex?"Nang makita niyang mag-isa lang ang pinsan niya sa tindahan, nagtanong si Clark."Ang ate mo, si Alex, ay sobrang nagpapasalamat sa kaniyang asawa sa lahat ng tulong niya. Kaya maaga siyang umuwi at personal na nagluto ng masasarap na pagkain para kay Sir Morgan bilang pasasalamat. May kailangan ka ba kay Alex? Sabihin mo lang, ipapaabot ko sa kanya.""Wala naman, nagtanong lang ako. Sabi ni ate Alex, ililibre niy
Napagtanto ni Karlos na alam na ng buong pamilya ang nangyari, pero hindi nila siya sinisisi. Sinabi niya, "Matapos manganak si Bea, lalo siyang tumaba. Unti-unti akong nawalan ng gana sa kanya. Sa kabilang banda si i Ruth ay maalalahanin, bata, at maganda. Pakiramdam ko, tunay ko siyang mahal."Diretsahang sumagot ang kaniyang nanay, "Ang mga tao ay naaakit lang sa estado at kita mo. Kung isa ka pa ring ordinaryong empleyado gaya noon, sino ang magkakagusto sa'yo?""Bagaman naging malupit si Bea at binugbog ka nang ganito, kung tutuusin, matagal na kayong mag-asawa at inalagaan ka niya nang mabuti pati ang pamilya. Isa siyang taong dumaan sa hirap at marunong mamuhay at magtaguyod ng pamilya. Hindi mo siya matatalo sa aspetong iyon."Bagama't may kinikilingan ang ginang sa kanyang anak, totoo ang kanyang mga sinabi tungkol kay Bea."Magpakasal ka sa isang mabuting asawa. Karlos, kung gusto mong maglaro sa labas, wala akong pakialam, pero kung pakakasalan mo ang babaeng iyon, mag-inga
Maging si Amang ni Karlos ay sumabat sa panunumbat "Pinalaki ko ang anak ko nang ganito katagal, ni hindi ko siya nagawang saktan. Pero ikaw, Bea, masyado kang mapangahas! Nasaan siya? Ako mismo ang magpaparusa sa kanya! Ipapakita ko sa kanya kung paano magpakumbaba.""Pinapakain mo siya, pinatitira sa bahay mo, ginagastusan mo, tapos nagawa ka pa niyang labanan? Wala na ba siyang takot sa buhay?"Nakita ng ama ni Karlos na mabilis nang tumakbo ang kanyang anak na babae papunta kay Bea, kaya agad niya itong sinundan."Papa, Ate! May hawak siyang kutsilyo!"Pasigaw na babala ni Karlos habang dali-dali siyang tumayo at sumunod kasama ang kanyang ina.Samantala, matapos magpahinga ng kaunti, napansin ni Bea ang kanyang biyenan at hipag na dumarating na may galit sa mukha. Dali-dali siyang tumayo, mahigpit na hinawakan ang kutsilyo, at matalim na tumitig sa pamilya na para bang handa siyang lumaban hanggang kamatayan.Paglapit ng pamilya, agad silang napahinto nang makita ang nag-aapoy na