Maagang bumangon si Alex at naghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang kapatid. Pagkatapos, inilagay niya ang kanyang mga importanteng dokumento sa bag at tahimik na umalis.
"Mula ngayon, hahatiin na natin ang mga gastusin, kahit na para sa mga gastusin sa bahay, pagkain, at mga bayarin, kailangan natin maghati! Nakatira ang kapatid mo sa bahay namin, at kailangan niyang magbayad ng kalahati. Anong silbi ng pagbibigay niya ng limang libong piso bawat buwan? Ano ang kaibahan noon sa libreng pagkain at libreng tirahan? Mahal ang mga gastusin ngayon." Ito ang narinig ni Alex na sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ang kanyang kapatid at bayaw kagabi. Kailangan niyang lumipat mula sa bahay ng kanyang kapatid. Pero para mapakalma ang kanyang kapatid, isa lang ang daan, magpakasal. Kilala niya ito. Hindi ito basta basta papayag na umalis nalang siya. Gusto niyang magpakasal sa lalong madaling panahon. Wala pa siyang boyfriend. Nagpasya siyang sumang-ayon sa kahilingan ni Lola Paula at pakasalan ang apo ng matandang babae na aksidenteng nailigtas niya, si Morgan, ang panganay na apo ni Lola Paula. Dalawampung minuto ang lumipas, bumaba si Alex sa sasakyan sa harap ng Munisipyo. "Alex." "Alex." Nang makababa siya sa sasakyan, narinig ni Alex ang isang pamilyar na boses na tumatawag. Si Lola Paula. "Lola.." dali dali niya itong sinalubong. Mabilis na lumakad si Alex at nakita ang isang matangkad at matikas na lalaking nakatayo sa tabi ni Lola Paula. Siya na siguro si Morgan, ang lalaking pakakasalan niya. Habang lumalapit siya, malinaw na nakita ni Alex ang hitsura ni Morgan at nagulat siya. Ayon kay Lola, ang kanyang panganay na apo na si Morgan ay tatlumpung taong gulang na at hindi pa rin nagkakaroon ng nobya o kahit kasintahan, na labis na ikinababahala ng matanda. Madalas niya tuloy naiisip na baka napakapangit na lalaki. Sa kabila ng lahat, sinasabi niya rin na siya rin ay isang mataas na opisyal ng isang malaking kompanya. Nang magkita sila sa sandaling ito, napagtanto niya na nagkamali siya ng akala. Dahil si Morgan ay napaka-guwapo, malamig ngalang ang ugali at masama kung tumingin. Lalo siyang nagmukhang makisig habang nakatayo sa tabi ni Lola Paula. Ang aura na kanyang inilalabas ay tila nagsasabing dapat siyang layuan. Bahagyang lumipat ang kanyang mga mata at tumingin sa isang itim na kotse ng kompanya na nakaparada hindi kalayuan. Hiindi ito isang mamahaling kotse na nagkakahalaga ng milyon. Dahil dito, naramdaman ni Alex na hindi siya malayo kay Morgan. Siya at ang dati niyang kaklase at kaibigan ay nagbukas ng isang tindahan ng aklat sa tapat ng Manila Science High School. Sa kanyang libreng oras, nag-aayos rin siya ng mga maliliit na Gadgets at ibinebenta ang mga ito online, at maganda naman ang benta nito. Sa pagtatapos ng buwan, ang kanyang buwanang kita ay maayos na umaabot sa higit sa 70,000 piso. Sa Manila, ang buwanang kita na 70,000 piso ay maituturing na kabilang sa estado na may magandang pamumuhay. Kaya’t buwan-buwan, nagbibigay siya ng 10,000 piso bilang gastusin sa bahay ng kanyang kapatid. Ngunit hindi alam ng kanyang bayaw ang totoong kita niya. Sinabi niya sa kanyang kapatid na magtabi ng 2,000, at sinabi lamang sa bayaw na ang binibigay niya ay 5,000 piso. “Alex, ito ang aking panganay na apo, si Morgan. Walang asawa o kahit nobya manlang simula noon. Ngunit kahit malamig ang ugali niya, maingat at maalaga siya. Nailigtas mo ang buhay ko, at tatlong buwan na tayong magkakilala. Maniwala ka, hindi kita ipapasa sa taong hindi ko mapagkakatiwalaan,” sabi ni Lola Paula. Narinig ni Morgan ang paglalarawan ng kanyang lola tungkol sa kanya, tiningnan si Alex gamit ang malamig at malalim na mga mata, ngunit wala siyang sinabi. Marahil dahil madalas na siyang pinupuna ng kanyang lola, kaya’t sanay na siya rito. Alam ni Alex na may tatlong anak na lalaki si Lola Paula, at ang bawat isa sa mga anak na iyon ay may tig-tatlong apo. Sa kabuuan, may siyam siyang apo, ngunit walang apo na babae. Kaya’t itinuring si Alex bilang parang apo na babae. Namula nang bahagya ang mukha ni Alex, pero iniabot pa rin niya ang kanyang kanang kamay kay Morgan at nagpakilala nang may ngiti. “Kumusta? Ako si Alex.” Tiningnan siya ni Morgan mula ulo hanggang paa, at mula paa hanggang ulo gamit ang matalim niyang mga mata. Matapos umubo ang kanyang lola bilang paalala, iniabot din niya ang kanyang kanang kamay at nakipagkamay kay Alex. Ang kanyang boses ay malamig at mababa. “Morgan.” Pagkatapos ng pakikipagkamay, tinaas ni Morgan ang kanyang kaliwang kamay upang tingnan ang relo at sinabi kay Alex, “Masyado akong abala sa trabaho. Tapusin na natin ito agad.” Tumango si Alex. Agad namang sinabi ni Lola Paula, “Kayong dalawa, pumasok na at ayusin ang mga papeles. Hihintayin ko nalang kayo dito.” “Lola, sumakay ka na po kayo sa sasakyan. Mainit dito sa labas,” sabi ni Morgan habang tinutulungan ang kanyang lola na bumalik sa kotse. Pinanood ni Alex ang kanyang mga kilos at naniwala sa sinabi ni Lola Paula. Si Morgan ay malamig nga, pero maingat at maalaga rin. Bagamat sila’y magkaibang tao, sinabi ni Lola Paula na may bahay si Morgan na nakapangalan sa kanya, at bayad na ito nang buo. Kung pakakasalan niya si Morgan, makalilipat siya mula sa bahay ng kanyang kapatid. Sa ganitong paraan, mapapanatag ang kanyang kapatid at hindi na mag-aaway ang mga ito ng kanyang bayaw dahil sa kanya. Ang kasal niya ay tila magiging isang kasunduan lamang sa pagtira nang magkasama. Hindi nagtagal, bumalik si Morgan kay Alex at sinabi, “Tara na.” Tumango si Alex at tahimik na sumunod sa kanya papasok sa Munisipyo. Sa opisina ng rehistrasyon ng kasal, pinaalala ni Morgan kay Alex, “Miss Alex, kung ayaw mo, maaari ka pang umatras. Huwag kang magpadala sa sinabi ng lola ko. Ang kasal ay isang mahalagang bagay at hindi dapat binabale-wala.” Umaasa siyang magbabago ang isip ni Alex. Dahil ayaw niyang magpakasal sa babaeng hindi niya lubusang kilala."Pumayag na ako kaya hindi na ako aatras."Nag-isip si Alex ng ilang araw bago gawin ang desisyon. At dahil nakapagdesisyon na siya, hindi na siya uurong.Narinig ni Morgan ang sinabi niya at hindi na siya pinilit pa. Kinuha niya ang kanyang ID at inilagay ito sa harap ng staff.Ginaya rin ito ni Alex.Mabilis na natapos ang proseso ng kanilang kasal, na tumagal nang wala pang sampung minuto.Nang matanggap ni Alex ang marriage certificate mula sa staff, kinuha ni Morgan ang isang bungkos ng susi na matagal na niyang inihanda mula sa bulsa ng kanyang pantalon, iniabot ito kay Alex, at sinabi, "Ang bahay na binili ko ay nasa High View Village. Narinig ko kay Lola na nagbukas ka ng bookstore sa tapat ng Manila Science High school. Hindi kalayuan ang bahay ko mula doon. Kung sasakay ka ng bus, aabutin lang ito ng mahigit ten minutes.""May lisensya ka ba? Kung meron, puwede kang bumili ng kotse. Matutulungan kitang bayaran ang down payment, at ikaw na ang magbayad ng buwanang hulog. Mas
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Opo Lola, gagawin ko po."Kaswal lang ang naging sagot ni Alex.Bagamat mabait si Lola Paula sa kanya, apo pa rin nito si Morgan, at siya ay asawa lamang ng apo nito. Kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang mag-asawa, kakampi kaya ang pamilya Villamor sa kanya?Hindi naniniwala si Alex.Katulad na lang ng mga magulang ng bayaw ng kanyang kapatid.Bago ang kasal, napakabait nila sa kanyang kapatid, sa puntong nagselos pa ang tunay nilang anak.Pagkatapos ng kasal, nagbago ang pakikitungo nila. Sa tuwing nagkakaroon ng alitan ang kanyang kapatid at ang bayaw niya, laging sinisisi ng biyenan ang kapatid niya sa pagiging masamang asawa.Ganito talaga—ang anak ng iba ay laging itinuturing na kamag-anak, at ang manugang ay laging taga-labas."May trabaho ka, kaya hindi na kita iistorbohin. Papupuntahin ko si Morgan para sunduin ka mamaya para sabay kayong maghapunan sa bahay.""Lola, hindi ko po puwedeng iwanan ang bookstore hanggang gabi. Hindi po kakayanin ng or
"Ituloy na natin ang meeting." Walang pakialam na sinabi ni Morgan. Lumapit si Clark at mahinang nagtanong, "Kuya Morgan, narinig ko ang sinabi ni lola tungkol sa’yo. Totoo bang pinakasalan mo si Alex? Iyong babaeng malapit kay lola?" Ang pinakamalapit sa kanya ay ang kanyang mas nakababatang pinsan na si Clark, isa ring binata kagaya niya. Halos magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa. Tinitigan siya ni Morgan na para bang tinataga ng kutsilyo. Hinawakan ni Clark ang kanyang ilong, umupo nang tuwid, at hindi na muling nagtanong. Ngunit di niya maiwasang makaramdam ng simpatya at awa dahil alam niyang hindi bukal sa loob nito ang ginawang pagpapakasal ng pinsan. Bagaman ang mga anak ng pamilya Villamor ay hindi kailangang gumamit ng kasal para mapalakas ang kanilang estado, ang kasal ng kanyang nakatatandang pinsan ay tila hindi maganda. Dahil lamang gusto ni lola ang babaeng nagngangalang Alex, napilitan ang kanyang kuya na pakasalan ito. Tunay na kaawa-awa ang kanyang kuya.
Pagkasakay ni Morgan sa Rolls-Royce, mahina niyang iniutos, "Sinugurado niyo bang dala niyo iyong isa pang sasakyan? Iyong mumurahin."Ginagamit niya ito para linlangin ang asawa niya. Ano nga ba ang pangalan ng asawa niya?"Ano nga pala ang pangalan niya?"Tinatamad si Morgan na kunin ang marriage certificate. Sa katunayan, nang suriin ito ng kanyang lola, tila hindi pa ito naibalik sa kanya. Sa ngayon, wala siya ni kopya nito.Bodyguard "...... Ang apelyido Acosta, at ang pangalan niya ay Alex. Dalawampu’t limang taong gulang siya ngayong taon. Dapat ay hindi niyo po ito kinakalikutan."Magaling ang memorya ng kanilang amo, pero hindi niya alalahanin ang mga taong ayaw niyang alalahanin—lalo na kung mga babae. Kahit araw-araw niyang makita, malamang hindi pa rin niya matandaan ang kanilang mga pangalan o apelyido.Morgan "Hmm, tandaan mo na lang. Tapos ay ipaalala mo saakin."Inisip ng bodyguard na malamang sa susunod na pagkakataon, hindi pa rin maaalala ng kanilang amo ang pangala
Pinahahalagahan ni Morgan ang kanyang pangangatawan at hindi niya hinahayaang mapasobra siya sa pagkain at inumin."Napakahirap magbawas ng timbang."Ngumiti si Alex, "Kung sabagay, maganda nga ang pangangatawan mo." Mahina niyang bulong."Kung gano’n, babalik na muna ako sa kwarto para matulog?"Tumango si Morgan."Magandang gabi."Nagpaalam si Alex sa kanya at tumalikod na upang umalis."Sandali, Alex."Tinawag siya ni Morgan.Huminto si Alex, lumingon, at nagtanong: "May kailangan pa ba?"Tinitigan siya ni Morgan at sinabing: "Huwag ka nang lalabas nang pajama lang ang suot sa susunod."Doon lang napagtanto ni Alex na hindi siya nagsuot ng panloob sa ilalim ng kanyang pajama. Matulis ang mata ni Morgan at nakita niya ang dapat at hindi dapat makita.Mag-asawa sila, at nakita na niya iyon, pero paano kung ibang tao ang makakita?Ayaw niyang makita ng ibang lalaki ang katawan ng kanyang asawa.Namula si Alex, tumakbo pabalik sa kanyang kwarto, at isinara nang malakas ang pinto.Hindi
Walang sabing inilabas ni Morgan ang kaniyang wallet para iabot ang isang card sa kaniya.Itinulak niya pabalik kay Morgan ang bank card at ang papel na may nakasulat na password, at hindi man lang niya ito tinignan."Sir Morgan, ang tahanang ito ay hindi lang sa iyo. Ako rin ay nakatira dito. Ikaw ang bumili ng bahay, pero kung titira ako rito, makakatipid ako sa upa. Ang mga gastusin sa bahay na ito ay hindi na puwedeng ikaw lang ang sumagot. Ako na ang magbabayad sa mga kailangan bilhin sa bahay.""Maliban na lang kung bibili ka ng gamit o muwebles na nagkakahalaga ng higit sa limang libong piso, dapat nating pag-usapan iyon, at magbigay ka kung ano ang kaya mo."Hindi mababa ang kanyang kita, kaya niyang sagutin ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya. Maliban na lang kung kailangan ng malaking halaga, hindi na niya kailangang umasa sa pera ni Morgan.Hindi naman sa hindi niya kayang tanggapin ang pera mula sa kanya, pero ang kanyang pag-uugali ang nagpapasama ng loob ni Alex, n
Pumunta si Alex sa bahay ng kanyang kapatid.Pagbukas ng pinto at pagpasok sa bahay, napansin niyang abala na ang kanyang kapatid sa kusina."Ate.""Alex, nandito ka na pala."Lumabas si Bea mula sa kusina at masayang nakita ang kapatid. "Kumain ka na ba? Nagluluto ako ng noodles, gagawan din kita ng isang mangkok?""Hindi na, kumain na ako. Ate, naluto mo na ba ang noodles? Kung hindi pa, huwag mo nang lutuin. Nagbalot ako ng almusal para sa'yo at kay Jack.""Hindi pa. Si Jack kasi, nilagnat kagabi, kaya halos hindi ako nakatulog buong magdamag! Late na rin akong nagising kaninang umaga. Ang bayaw mo naman, lumabas na lang para kumain ng almusal. Pinagalitan pa ako, sinabing wala raw akong ginagawa sa bahay buong araw, nag-aalaga lang ng bata, at hindi man lang marunong gumising nang maaga para maghanda ng almusal para sa kanya."Bahagyang nasaktan si Bea habang sinasabi ito.Nagngingitngit si Alex nang marinig ito. "Bakit nilagnat si Jack? Kahit bumaba na ang lagnat niya, ate, kaila
Bukod sa hindi pinapansin ni Morgan si Samantha, kahit pa maging bastos siya rito, babalik pa rin ito. Kahit masira ang kanyang reputasyon, hindi siya susuko maliban na lang kung bali na ang kanyang mga binti.Pagkatapos ibaba ni Morgan ang tawag, dumilim na naman ang mukha ni Warren. Hindi na niya napigilan at tinawagan ang kanyang kapatid upang pagalitan ito.Si Samantha naman ay pauwi na sakay ng isang taxi."Kuya, pauwi na ako. Wala naman akong ginawang kahihiyan ngayong araw. Hindi naman ako ganoon katalino, kaya hindi ko kayang magplano ng engrandeng bagay at sorpresa para kay Morgan""…Kung ginugugol mo na lang sana ang oras mo sa panunuyo kay Morgan para samahan si mama, siguradong mas magiging masaya siya.""Sinasamahan ko rin naman si mama. Pero may sakit siya sa puso, at ang sakit sa puso ay nangangailangan ng tamang lunas. Totoo namang ako ang pinakamamahal ni mama, pero hindi ako ang gamot niya."Ang dahilan ng sakit sa puso ng kanilang nanay ay ang matagal nang nawawalan
Hinarangan talaga ni Samantha ang gate ng kumpanya, kaya napilitang huminto ang sasakyan."Sir, gusto mo bang bumaba at kausapin si Miss Klein?"Lumingon ang driver at tinanong si Morgan.Nanatiling tahimik si Morgan sandali, pagkatapos ay ibinaba ang bintana.Nang makita ni Samantha na ibinaba niya ang bintana, tuwang-tuwa siya at agad na lumapit na may dalang bouquet ng bulaklak at insulated lunch box."Morgan!"Sa wakas, nakita na ni Samantha ang lalaking iniisip niya araw at gabi. Kahit na madalas siyang pumunta rito para ipahayag ang pagmamahal niya kay Morgan, matagal na rin silang hindi nagkikita nang harapan.Sobrang namiss niya ito!Pareho pa rin siyang kasing astig ng dati, at siya pa rin ang pinaka-gwapo sa paningin niya.Nang dumapo ang tingin niya sa mahigpit na nakapirming labi ni Morgan, gusto sanang lumapit ni Samantha at halikan ito ng dalawang beses.Maalala kaya niya kung malambot ba ang mga labi nito?Tinitigan ni Samantha si Morgan na punong puno ng pagmamahal, ka
Ibinunyag ni Samantha ang pagkakakilanlan ni Harold Galvez at nag-iwan ng mensahe sa opisyal na website ng kanilang kompanya, hinihiling sa punong tanggapan na tanggalin si Harold sa trabaho.Hindi inaasahan ni Alex na may makakakilala pa sa kanya base lamang sa kanyang lumang litrato noong bata pa siya. Sa tingin niya, siya na ngayon ang panalo, kaya ngumiti siya at umamin, "Ganda, magaling ang iyong mata at memorya.""Paano ko ba naman makakalimutan? Ang trending topic tungkol sa inyo ay nag-redirect ng atensyon ng maraming netizens. Hanggang ngayon, nasa listahan pa rin ng trending topics ang balita matapos mabunyag ang totoo."Sa narinig ni Alex, biglang may naisip siya at nagtanong nang may pag-aalinlangan, "Ganda, hindi ba… Ikaw ang anak ng may-ari ng Klein Corporation?"Napangiti si Samantha at pinuri siya, "Ang talino mo! Isang hulaan lang, tama agad."Natawa rin si Alex "Aba, tandahana nga naman. Kailangan kong pasalamatan si Miss Klein sa pagtulong, dahil sa pagpigil sa pagk
Nararamdaman ang saya pagkakaroon ng asawa, sa totoo lang medyo maganda nga talaga.Lumabas si Morgan na may dalang insulated lunch box.Pabalik sa kumpanya, ramdam niya ang pagmamahal sa almusal na inihanda para sa kanya ng kanyang asawa sa loob ng kotse.Kinain niya ito nang may kasabikan at labis siyang nasiyahan.Ang driver at ang mga bodyguard sa sasakyan ay medyo nagtataka. Ang almusal na inihanda ng asawa niya ay napakasimple, ngunit ang napaka pihikan na si Morgan ay kinain ito nang may kasiyahan. Siguro magaling talaga magluto ang napangasawa nito.Pagkaalis ni Morgan, tulad ng nakasanayan, tinawagan ni Alex ang kanyang kapatid. Nang malaman niyang maayos naman ito, lumabas na rin siya.Nang siya ay lumabas, rush hour na, at may mga senyales na ng pagsisikip ng trapiko sa daan. Habang patuloy siyang naglalakbay, lalong lumala ang traffic.Maraming taong nagmamadali papasok sa trabaho ang hindi mapakali at gusto ng magmura sa sobrang inis.Gusto na ring magmura ni Samantha.Si
Hindi talaga niya alam kung ano ang pag-uusapan nila.Ang mga batang mag-asawa sa paligid nila, karamihan ay bagong kasal, matamis na akala lalanggamin anumang oras, at naglalakad nang magkahawak-kamay. Samantalang ang mga mag-asawang may anak, ang usapan ay palaging tungkol sa mga bata, kaya marami silang napagkukwentuhan.Hindi tulad nila—walang pagmamahal, walang anak—kaya mahirap talagang makipag-usap.Nakita ni Alex ang tila nahihirapang itsura ni Morgan sa pakikipag-usap, kaya napangiti siya. Tumayo siya, saka hinila si Morgan. “Tara na, umuwi na tayo. Kung hindi, baka lalo kang hindi mapakali, na parang anytime, aatakihin kita.”“Alex, babae ka! Para kang lalaki kung makahila.”“Ano naman kung babae ako? Hindi naman nakakamatay ang pakikipag-usap.”Hinila niya ito palayo, pero sa damit lang niya hinawakan. Hindi siya nangahas na hawakan ang kamay nito, baka kasi pag-uwi nila, maghuhugas ito ng kamay nang maraming beses.“Hindi mo ba nakita ang trending topic dalawang araw na an
Si Morgan ay medyo malungkot, pero nang pinag-isipan niya ito, naisip niya na si Haitong ang kumita ng pera, at ngayon ay asawa na niya si Alex, kaya hindi napunta sa iba ang pera. Dahil dito, gumaan ang loob ni Morgan.Matapos lutuin ni Alex ang mga ulam, inilabas niya ang mga ito at inilagay sa hapag-kainan.Magkasamang naupo ang mag-asawa at sabay na kumain ng hapunan.Maganda ang mood ni Morgan kaya lalo niyang na-enjoy ang pagkain.Hindi niya napigilang purihin si Alex—talagang magaling itong magluto, kaya isang malaking kasiyahan ang pagkain.Pagkatapos ng hapunan at paghuhugas ng pinggan, kinuha ni Alex ang bag ng mga damit mula sa sofa, inilabas ang mga ito, iniabot kay Morgan, at sinabi, “Sir Morgan, subukan mo itong dalawang set ng damit kung kasya sa iyo?”"Tumulong ka nang malaki sa akin, kaya pakiramdam ko hindi sapat na imbitahan lang kitang kumain. Kaya bumili ako ng dalawang bagong set ng damit at dalawang kurbata para sa iyo. Kulay itim ang mga damit, paborito mong ku
"Huwag kang magpatubo ng balbas habang bata ka pa, nagmumukha kang matanda.""Masiyado ka bang naging abala at pagod kamakailan? Mukha kang haggard at pagod. Mabuti ang pagiging masipag para sa mga kabataan, pero huwag mong pilitin ang sarili mo. Ang kalusugan ang puhunan ng rebolusyon, kaya dapat mong alagaan ang sarili mo.""Ayos lang ako, medyo busy lang sa trabaho."Sa totoo lang, pinalaki ni Clark ang kanyang balbas para kay Alex. Hindi pa ito ganoon kahaba, pero dahil sanay siyang malinis ang mukha, nagulat ang kanyang pinsan nang makita ito."Ate Carol, wala si Alex?"Nang makita niyang mag-isa lang ang pinsan niya sa tindahan, nagtanong si Clark."Ang ate mo, si Alex, ay sobrang nagpapasalamat sa kaniyang asawa sa lahat ng tulong niya. Kaya maaga siyang umuwi at personal na nagluto ng masasarap na pagkain para kay Sir Morgan bilang pasasalamat. May kailangan ka ba kay Alex? Sabihin mo lang, ipapaabot ko sa kanya.""Wala naman, nagtanong lang ako. Sabi ni ate Alex, ililibre niy
Napagtanto ni Karlos na alam na ng buong pamilya ang nangyari, pero hindi nila siya sinisisi. Sinabi niya, "Matapos manganak si Bea, lalo siyang tumaba. Unti-unti akong nawalan ng gana sa kanya. Sa kabilang banda si i Ruth ay maalalahanin, bata, at maganda. Pakiramdam ko, tunay ko siyang mahal."Diretsahang sumagot ang kaniyang nanay, "Ang mga tao ay naaakit lang sa estado at kita mo. Kung isa ka pa ring ordinaryong empleyado gaya noon, sino ang magkakagusto sa'yo?""Bagaman naging malupit si Bea at binugbog ka nang ganito, kung tutuusin, matagal na kayong mag-asawa at inalagaan ka niya nang mabuti pati ang pamilya. Isa siyang taong dumaan sa hirap at marunong mamuhay at magtaguyod ng pamilya. Hindi mo siya matatalo sa aspetong iyon."Bagama't may kinikilingan ang ginang sa kanyang anak, totoo ang kanyang mga sinabi tungkol kay Bea."Magpakasal ka sa isang mabuting asawa. Karlos, kung gusto mong maglaro sa labas, wala akong pakialam, pero kung pakakasalan mo ang babaeng iyon, mag-inga
Maging si Amang ni Karlos ay sumabat sa panunumbat "Pinalaki ko ang anak ko nang ganito katagal, ni hindi ko siya nagawang saktan. Pero ikaw, Bea, masyado kang mapangahas! Nasaan siya? Ako mismo ang magpaparusa sa kanya! Ipapakita ko sa kanya kung paano magpakumbaba.""Pinapakain mo siya, pinatitira sa bahay mo, ginagastusan mo, tapos nagawa ka pa niyang labanan? Wala na ba siyang takot sa buhay?"Nakita ng ama ni Karlos na mabilis nang tumakbo ang kanyang anak na babae papunta kay Bea, kaya agad niya itong sinundan."Papa, Ate! May hawak siyang kutsilyo!"Pasigaw na babala ni Karlos habang dali-dali siyang tumayo at sumunod kasama ang kanyang ina.Samantala, matapos magpahinga ng kaunti, napansin ni Bea ang kanyang biyenan at hipag na dumarating na may galit sa mukha. Dali-dali siyang tumayo, mahigpit na hinawakan ang kutsilyo, at matalim na tumitig sa pamilya na para bang handa siyang lumaban hanggang kamatayan.Paglapit ng pamilya, agad silang napahinto nang makita ang nag-aapoy na