Share

One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!
One Night Mistake: Mr. Lim, I am bearing your child!
Author: Miles Smoky

Kabanata 1

“Ohhh…”

Naramdaman ni Angelica ang halik ng lalaki na dumadampi sa kan’yang katawan. Para siyang nasa dagat at nakasakay sa isang bangkang nag-iindayog at sumasabay sa ritmo ng alon.

Hindi niya alam kung gaano katagal ang nararamdaman niyang sarap, pero nalaman na lamang niyang tumigil iyon nang tumila na ang malakas na ulan at hangin.  Naramdaman din niya ang mainit na yakap ng binata kung kaya’t nakatulog siya ng mahimbing.

Kinabukasan…

Napainat-inat si Angelica sa pagkakahiga at nang may nakapa siya ay agad niyang iminulat ang mga mata. Kita niya ang isang napaka-gwapong lalaki na mahimbing na natutulog sa harap niya.

“B-Boss??” bulong ni Angelica. Ilang segundo ring na blanko ang kan’yang utak nang biglang may sumagi sa kan’yang isipan—Ang mainit na nangyari sa kanila ng boss niya kagabi. Nanlalaki ang kan’yang mga mata sa gulat at napaupo ng tuwid. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa gitnang sensitibong parte.

Para siyang isang mataas na dugtong-dugtong na bloke—anumang konting galaw ay makakaramdam siya ng pananakit ng katawan.

Ngunit sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng matinding hilo at para ba siyang sinasakal nang ma-realize niyang nasa loob pala siya ng tent, ang mga kubre kama ay nagkanda-gulo-gulo at higit sa lahat ang kan’yang boss ay nakahiga roon at naka hubo’t-hubad, mabuti na lamang ay natatabunan ang parteng baba nito ng puting kumot. Kita niya ang mahahabang binti ng binatang nakasandal sa kanyang mga paa at ang tagiliran naman nito ay puno ng mapupulang marka sanhi ng matinding kalmot.

“!!!” Para siyang tinamaan ng isang kidlat, parang gumuho rin ang kan’yang mundo dahil sa na-realize.

Ang nangyari kagabi ay hindi panaginip?

Siya na isang hamak na intern lamang at kakapasok pa lang sa kompanya ng kalahating buwan… Ay nakipagtalik na agad sa kan’yang boss na si Andrew Lim?!

Hindi pa nga nakakabawi si Angelica sa pagkagulat ay naramdaman niyang gumalaw ng bahagya ang kan’yang amo.

Para bang lumabas ang kaluluwa niya sa katawan dahil sa sobrang takot na magising ang binata, kung kaya’t nagmamadali niyang kinuha ang kan’yang mga damit at agad na nagbihis. Mabilis siyang umalis doon at hindi man lang napansin ang pulseras na nahulog sa kan’yang kamay na nakapatong sa unan.

Madilim pa nang makalabas si Angelica at ang bonfire kagabi ay umuusok pa. Nasa harap niya ang isang dosenang tents at tahimik na nakatayo sa iba’t-ibang direksyon. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kulay puti at rosas na tent at mabilis na pumasok doon.

Nang makahiga siya ay agad na nagtama ang mga mata nila ng kan’yang katrabahong si Chloe.

“...”

Halos tumigil ang paghinga ni Angelica sa sobrang gulat. Ngunit sinulyapan lamang siya ni Chloe at agad na pinikit ang mga mata saka nagsalita. “Saan ka galing? Ang aga-aga pa.”

“A…” Pakiramdam ni Angelica na para bang may nakabara sa lalamunan niya kung kaya’t hindi siya agad nakapagsalita. “Pumunta lamang ako sa banyo.”

Hindi naman nagtanong pa si Chloe at natulog ulit.

Nakahinga ng maluwag si Angelica ngunit nararamdaman niyang sobrang bilis ng tibok ng kan’yang puso. Nakatitig lamang siya sa taas ng tent hanggang sa lumiwanag ang kalangitan sa labas. Halos lahat ay nakabangon na ngunit nanatili lamang si Angelica na nakahiga sa tent.

 Rinig na rinig niya ang masasayang boses ng kan’yang katrabaho sa labas. Binalot niya ang sarili sa pamamagitan ng kumot at ulo lamang ang nakalabas.

Binuksan naman ni Chloe ang zipper ng tent nila at nagsalita, “Angelica, gumising ka na riyan! Handa na ang ating almusal; mag-hi-hiking pa tayo mamaya.”

Nasa isang team-building camping trip sila na inorganisa ng kompanya. Kung saan dose-dosenang trabahante ang inimbitahan upang makita ang naggagandahang bulubundukin sa loob ng tatlo hanggang limang araw. Kahapon ay ang unang araw nila; Buong araw silang naglakbay at kinagabihan ay nagplanong uminom. Kunti lang sana ang iinumin niya ngunit dahil sa kakasali pa lang niya sa kompanya at isang baguhan ay nakaramdam siya ng hiya sa mga katrabaho kung kaya’t naparami siya ng inom.

Hindi niya inaasahan na ang ilang inuming iyon ay hahantong sa isang kahindik-hindik na sitwasyon; wala siyang ka-ide-ideya kung paano siya nakapunta sa tent ng boss at hindi sinasadyang nakatulog doon, mas matindi ay may nangyari pa sa kanilang dalawa.

“Angelica? Angelica?” tawag ni Chloe ng ilang beses ngunit hindi man lang sumasagot ang dalaga. Kinuha nito ang kan’yang sapatos at sinuot. “Angelica, anong problema?”

Suminghot-singhot si Angelica, gusto niyang maiyak dahil sa nangyari.

“O-Okay lang ako,” mahina niyang sagot kay Chloe.

Inabot naman ni Chloe ang noo ni Angelica at hinawakan iyon, “Naku, nilalagnat ka!”

“Okay lang ako.” Kinagat ni Angelica ang kan’yang labi’t pinipigilang umiyak. “Magpapahinga lamang ako saglit; Humayo na kayo kahit wala ako.”

Tila hindi kumbinsido si Chloe at dinalhan ng dalawang tabletang gamot si Angelica para sa lagnat. Nang mainom naman ito ng dalaga ay tuluyang umalis si Chloe kasama ang grupo upang mag-hiking.

Nang magkaroon ng katahimikan, hindi napigilang umiyak ni Angelica dahil sa nangyari. Sobrang lala ng kan’yang nararamdaman, tila ba naroon pa rin ang bakas ng mga halik ni Mr. Lim sa katawan. At marahil dahil sa kan’yang pagiging sensitibo, pati amoy ni Mr. Lim ay nanunuot pa rin sa kan’yang ilong. Para siyang isang manok na niluluto sa mainit na oven dahil sa nararamdaman. Sobrang nilalagnat siya’t at sa puntong iyon,  gusto na niyang mamatay.

___

Samantala, ang grupo naman nila Chloe ay nagtipon-tipon sa paanan ng bundok.

Nang bumaba si Andrew Lim sa kan’yang kotse, lahat ng mga dalaga ay nakatuon lamang sa kan’ya.

“Wow, ang pogi talaga ni Mr. Lim!”

“Palagi ko lang siyang nakikitang naka-suit; hindi ko alam na mas gwapo pa pala siya kapag naka-casual na damit!”

“Hoy, girl! Naglalaway ka na riyan!”

“Hahaha, ngayon busog na busog na naman ang aking mga mata!”

Pirming nakatayo si Andrew Lim, dala-dala ang nakakaakit na atensyon. Sa likod ng kan’yang salamin, ang kan’yang maitim na mga mata ay nakatutok lamang sa mga tao. “Nakatulog ba ng maayos ang lahat kagabi?” tanong ni Andrew Lim sa mababang tono.

Sabay-sabay namang sumagot ang mga tao, “Opo!”

Bahagyang kumunot ang noo ni Andrew, ibinaling niya ang ulo sa assistant na si Eldrew.

Naunawaan naman agad ni Eldrew ang tingin ng amo, agad na sumeryoso ang mukha at nagsalita, “Sino ang pumasok sa loob ng tent ni Mr. Lim kagabi?”

Nagsitinginan ang mga tao at umiling, walang nagsalita at umamin. Isa lamang silang empleyado, kahit na napaka-gwapo ng boss nila ay walang mangangahas na pumasok sa tent nito at baka masesante pa sila. Matapang lang ang taong gagawa no’n.

Nang makitang walang umaamin, lalong napasimangot si Andrew Lim. Itinaas niya ang isang kamay at ipinakita sa lahat ang isang puting pulseras na gawa sa jade. “Sino ang nagmamay-ari ng pulseras na ito?”

 Muling umiling ang lahat, nagpapahiwatig na hindi nila iyon nakita.

“Kung sino man sa inyo ang nakakaalam kung kanino ito, mangyaring ipaalam sa akin,” saad ni Andrew Lim sa malalim na boses at nagsalitang muli. “Magkakaroon ng pabuya ang siyang magsabi kung kanino ito.”

“Isa pa…” Huminto ng ilang segundo si Mr. Lim saka  nagsalita ulit,” “Madodoble ang iyong year-end bonus.”

Ang mga tao ay napasinghap sa sinabi ng boss nila. Nakaramdam ang mga ito ng pananabik.

“Doble?!”

“Ang year-end bonus ko ay isang daang libong piso, at kapag dodoblehin— Ibig sabihin magkakaroon ako ng dalawang daang libong piso! Ang galing!”

“Kanino kaya ang puting bracelet na iyan?”

“Mukhang napaka-ordinaryo naman ng bracelet at sigurado akong hindi naman kamahalan…”

“Chloe, kilala mo ba kung kanino iyan?”

“Huh?” Bumalik sa realidad si Chloe, medyo banayad ang kan’yang ekspresyon. “Uhh. Hindi ko alam.”

“Okay, magsimula na tayo sa ating attendance!” Nagsimulang tumawag ng mga pangalan ang assistant ni Mr. Lim na si Eldrew.

At nang tawagin nito ang pangalang “Angelica” ay walang sumagot.

“Nasaan si Angelica?” tanong ni Eldrew.

“May sakit po si Angelica at kasalukuyang nagpapahinga sa tent,” wika ni Chloe.

“May sakit?” Nag-alinlangang wika ni Eldrew at tumingin kay Mr. Lim.

Nakasandal lamang si Mr. Lim sa kan’yang itim na kotse, pinaglalaruan ang beads ng pulseras sa kan’yang kamay na tila ba malalim ang iniisip.

Hindi na nangahas pang isturbohin ni Eldrew ang amo kung kaya’t ipinagpatuloy na lamang nito ang pagtatawag ng pangalan. “Kung gayon, magsimula na tayo.”

Nang maisara ni Eldrew ang notebook ay agad lumapit ito papunta kay Mr. Lim. “Sasama ka ba sa amin, Boss?”

Tila ba walang interes si Mr. Lim, ang kan’yang tingin ay nakatuon lamang sa pulseras na nasa kan’yang kamay. Ilang segundo rin ang nakalipas nang sumagot siya, “Hindi ako sasama; ikaw na lamang muna ang sumama sa kanila. Ikaw na ang bahala sa lahat, Eldrew.”

“Makakaasa ho kayo, Mr. Lim.”

“Chloe, anong tintingnan mo?” Hinila ni Jewriel si Chloe, “Bilisan na natin, ang sampung taong mauuna sa pagdating sa tuktok ay makakakuha ng premyo!”

“Hmmm…” Tumango lamang si Chloe ngunit ibinaling ang ulo para sumulyap sa likod.

Kita ni Chloe ang itim na kotse na mabilis na lumayo at papunta sa direksyon ng kampo nila.

Biglang lumingon si Chloe kay  Eldrew at nagsalita, “Mr. Eldrew, nag-aalala ako sa kaibigan kong si Angelica kaya napagpasyahan kong hindi na muna ako makikilahok sa gagawin natin ngayon. Babalik na lang ako para alagaan siya.”

“Okay.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status