“Ohhh…” Naramdaman ni Angelica ang halik ng lalaki na dumadampi sa kan’yang katawan. Para siyang nasa dagat at nakasakay sa isang bangkang nag-iindayog at sumasabay sa ritmo ng alon. Hindi niya alam kung gaano katagal ang nararamdaman niyang sarap, pero nalaman na lamang niyang tumigil iyon nang tumila na ang malakas na ulan at hangin. Naramdaman din niya ang mainit na yakap ng binata kung kaya’t nakatulog siya ng mahimbing. Kinabukasan…Napainat-inat si Angelica sa pagkakahiga at nang may nakapa siya ay agad niyang iminulat ang mga mata. Kita niya ang isang napaka-gwapong lalaki na mahimbing na natutulog sa harap niya. “B-Boss??” bulong ni Angelica. Ilang segundo ring na blanko ang kan’yang utak nang biglang may sumagi sa kan’yang isipan—Ang mainit na nangyari sa kanila ng boss niya kagabi. Nanlalaki ang kan’yang mga mata sa gulat at napaupo ng tuwid. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit sa gitnang sensitibong parte. Para siyang isang mataas na dugtong-dugtong na bloke
Sandaling nakatulog si Angelica at nakaramdam ng matinding pagkauhaw. Gumapang siya palabas ng tent hanggang sa bumugad sa kan’ya ang isang pares ng panlalaking sapatos sa harap niya. Mula sa sapatos ay tiningnan niya ito pataas, kita niya ang mahahabang hita ng lalaki. Ang sikat ng araw ay tumatagos at nagpapaliwanag sa lalaki, kitang-kitang niya ang malinaw na mukha ni Andrew Lim, halos himatayin siya nang makita ito sa harap ng tent niya. “M-Mr. A– L-Lim?” utal na tawag niya sa binata. Hindi ba’t nasa bundok ito at nag-hi-hiking? Bakit ito narito? Napayuko si Mr. Lima sa kan’yang harapan, matamang nakatingin sa kan’yang namumulang pisngi sanhi ng matinding lagnat. “May tanong ako sa’yo,” seryosong sabi nito sa kan’ya. Bumilis ang tibok ng puso ni Angelica at binasa ang nanunuyong labi. “A-Ano iyon?” “May nakita ka bang taong pumasok sa tent ko kagabi?” Nakatutok ang mga mata ni Andrew Lim kay Angelica, sobrang kinakabahan ang dalaga kung kaya’t kinuyom niya ang kamao. Hind
Apat na bote ng saline solution ang nilagay kay Angelica hanggang sa humupa ang lagnat nito. Gayunpaman, sinabi ng doktor na mayroon siyang bacterial infection at nananakit pa rin ang kan’yang buong katawan. Bagama’t pansalamantalang bumababa ang kan’yang lagnat, kailangan niya pa ring manatili sa ospital ng dalawang araw upang suruin pa ang lagay niya. Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Elaiza ang pinto ng silid ni Angelica at pumasok. “Angelica, okay ka lang??” Nang makita ni Angelica ang kan’yang kapatid na nag-aalala ay agad na nakaramdam siya ng sakit sa dibdib at pamamasa ng mga mata. “Okay lang ako, Ate Elaiza.” “Paano nangyari ito? Paanong lumalala ang nararamdaman mo?” tanong ni Elaiza sa kapatid. Bata pa lamang ay nawalan na ng magulang sina Elaiza at Angelica. Si Elaiza ang panganay at pitong taon ang pagitan kay Angelica. Ito ang nagsilbing ina at ama sa kan’ya. Ang kanilang samahan ay napakatibay kung kaya’t labis ang pag-aalala ng kapatid kapag may nangyaya
Hindi makapaniwala si Angelica na lolokohin siya ng kan’yang nobyo at matalik na kaibigan. Palagi siyang naniniwala na hindi naman totoo ang pinanunuod niyang palabas sa telenobela, tipong ipagpapalit ng lalaki ang bidang babae sa matalik na kaibigan nito, ngunit nangyari iyon sa kan’ya. Roon niya na-realize ang kasabihang “parang sining ang buhay”. Malinaw pa sa kan’yang alaala kung gaano siya nagulat nong araw na binuksan niya ang pinto sa domirtoryo ng kan’yang kaibigan at nakita si Patrick na nakayakap kay Jasmine. Pareho silang mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan—ang kan’yang bukod tanging makatalik na kaibigan at itinuring na kapatid bukod sa kan’yang Ate Elaiza. Sobrang nagdurugo ang puso niya sa mga oras na iyon. “A-Angelica?” tawag ni Jasmine sa dalaga. Umiwas ng tingin si Angelica at ginaya ang kan’yang maleta sa gilid. Wala siyang planong makipag-usap sa dalawa; pagkatapos ng lahat ng nangyari’t ginawa nila sa kan’ya, ayaw na niya itong kausapin pa. Tapos na sila
“Ahhh!” sigaw ni Angelica nang magising sa isang panaginip. Nang imulat niya ang kan'yang mga mata, nakita niya ang sarili niyang nakahiga sa isang kama sa ospital, at ang pigura ni Andrew Lim sa kan'yang panaginip ay biglag naglaho. Ang isang matandang babae ay nakangiti sa kan'ya at nakahiga rin katabi ng kama niya. “Hija, binangungot ka ata? Kanina pa kita nakikitang hindi mapakali at hawak-hawak ng mahigpit ang kumot habang natutulog ka. Ano ang napanaginipan mo?” tanong ng matanda.Nang bata pa si Angelica naniniwala siya na ang isang bangungot ay isa lamang panaginip na hinding-hindi naman totoo at mangyayari. “Ang boss ko po ang napanaginipan ko.” bulong na sagot ni Angelica sa matanda. Ang matandang babae naman ay napailing saka napahinga ng malalim. “Siguro'y nakakatakot ang boss mo.” Magsasalita pa sana si Angelica nang bumukas ang pintuan ng silid, isang mataas at hindi kalakihang pigura ang pumasok sa loob. Naisip ni Angelica na baka isa sa bisita lamang iyon at ak
“Hello, Angelica? Okay na ba ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Chloe sa kabilang linya. Tumango si Angelica at sumagot, “Oo. Okay na ang pakiramdam ko.” “Nilalagnat ka pa rin ba? Kumain ka na ba ng pananghalian? Gutom ka ba? Paano kung mag-order ako ng pagkain sa'yo? O kaya naman dalhan na lamang kita ng pagkain, ano nga ba ang gusto mo?” Sa harap ng pag-aalala ni Chloe ay nakaramdam si Angelica ng pagkalito at pagkagulo. Hindi naman talaga sila malapit sa isa't-isa at ang pag-aalala sa kan'ya ni Chloe ay sobrang nakakapagtataka at sobra-sobra. Dahil likas na mabait si Angelica, hindi na siya nagtaka pa at sumagot pa-isa-isa sa sunod-sunod na tanong ng dalaga. “Wala na akong lagnat, Chloe at kumain na rin ako ng pananghalian. Hindi ako nagugutom. Kung nagugutom man ako ay ako na lang ang mag-o-order para sa aking sarili. Salamat sa pag-aalala mo, Chloe.” “Ohh…” Natahimik si Chloe ng ilang segundo. “Uh… Nariyan ba si boss kasama mo?” “Umalis na siya kanina pa.” “O
Unang pumunta si Andrew sa opis ng doktor at nagtanong tungkol sa kalagayan ng kan’yang lola. Nang makabalik si Andrew sa silid, nagising naman si Angelica, kita ni Andrew ang paglagay ng kumot ng dalaga sa Lola niya. Nang makaranig ang dalaga ng ingay ay agad itong napalingon sa binata. “Mr. Lim…” Ang boses ng babae ay napakalambing, at kapag narinig ito ng ibang tao ay mapapalambot ang puso. Napatango ng marahan si Andrew, “Salamat sa pag-alaga sa aking Lola.” Alam ni Andrew ang rason kung bakit hindi pa umalis ang dalaga. Hindi kailanman pumupuri ng isang tao ang kan'yang Lola ng gano'n kadali, kaya naman alam niyang mabait ang dalaga. “Huwag kang magpasalamat, wala naman akong ginawa. Isa pa, kinain ko iyong dinala mong sabaw kanina.” Sabi nga sa kasabihan, kapag may kinuha ka sa isang tao, dapat lang na magpasalamat ka. Kinain niya ang sabaw na dapat para sa Lola nito, kaya naman hindi malaking bagay na tumulong siya sa pag-aalaga sa matanda. Napalingon si Andrew sa da
At nang maibaba ni Angelica ang damit niya, lumantad ang makinis at maputi niyang balat sa harap ni Andrew. Bakas sa mga mata ng lalaki ang pagkadismaya at mabilis na napaiwas ng tingin at nagsalita, “Sorry.” Mabilis na kinuha ni Angelica ang kan'yang kumot upang ibalot sa kan'yang katawan. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ni Angelica dahil sa sobrang kahihiyan. “Okay na ba, Mr. Lim? Napatunayan ko na na hindi ako iyong babaeng tinutukoy mo?” “...” Bumuka ang bibig ni Andrew ngunit walang lumabas na salita mula roon. Nang lumabas si Andrew sa silid ng dalaga ay agad itong napalingon ulit, mayroon pa ring ilaw sa loob ng silid. Dumaan sa isip niya ang imahe ng babaeng nanghihina. Siguro'y umiiyak ito ngayon? Agad na kinuha ni Andrew ang kan'yang telepono at tinawagan ang assistant niyang si Eldrew. “Maghanda ka ng isang regalong pambabae sa akin, iyong katangi-tangi.” — At nang mawala si Andrew sa silid ni Angelica ay agad na ni-lock ng babae ang pinto at mabilis na