Share

Kabanata 3

Apat na bote ng saline solution ang nilagay kay Angelica hanggang sa humupa ang lagnat nito. Gayunpaman, sinabi ng doktor na mayroon siyang bacterial infection at nananakit pa rin ang kan’yang buong katawan.

Bagama’t pansalamantalang bumababa ang kan’yang lagnat, kailangan niya pa ring manatili sa ospital ng dalawang araw upang suruin pa ang lagay niya.

Kinagabihan, nagmamadaling itinulak ni Elaiza ang pinto ng silid ni Angelica at pumasok. “Angelica, okay ka lang??”

Nang makita ni Angelica ang kan’yang kapatid na nag-aalala ay agad na nakaramdam siya ng sakit sa dibdib at pamamasa  ng mga mata. “Okay lang ako, Ate Elaiza.”

“Paano nangyari ito? Paanong lumalala ang nararamdaman mo?” tanong ni Elaiza sa kapatid.

Bata pa lamang ay nawalan na ng magulang sina Elaiza at Angelica. Si Elaiza ang panganay at pitong taon ang pagitan kay Angelica. Ito ang nagsilbing ina at ama sa kan’ya. Ang kanilang samahan ay napakatibay kung kaya’t labis ang pag-aalala ng kapatid kapag may nangyayaring masama sa kan’ya.

Ayaw namang pag-alalahanin pa ni Angelica ang kan’yang kapatid kung kaya’t pinigilan niya ang maiyak at nagsalita, “Marahil ay nahamugan lamang ako kagabi kaya nilagnat ako. Okay naman na ako, Ate huwag kang mag-alala.”

Nang makita naman ni Elaiza na masigla ang kapatid ay agad na napahangos ng maluwag ang dalaga. Napalingon ito kay Chloe na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng kama. “Ikaw si?”

“Hello, ako po si Chloe, katrabaho ako ni Angelica,” magalang na pakilala ni Chloe at nakipagkamay sa nakakatandang kapatid ni Angelica.

“Ah! Ikaw ba ang nagdala sa kapatid ko rito?” tanong ni Elaiza.

“Hindi.” Napailing-iling si Chloe saka nagpatuloy, “Ang boss ho namin ang nagdala kay Angelica. Binantayan ko lamang po siya.”

“Ay naku! Maraming salamat! Ang aking kapatid ay sobrang sakitin talaga, sobrang swerte ni Angelica dahil mayroon siyang katrabahong handang tumulong sa kan’ya.”

“Hindi naman ho’t napakabait niyo,” sagot ni Chloe at tiningnan ang orasan sa harap nila. Iniisip niyang hindi naman na siguro babalik ang kanilang boss kung kaya’t napagpasyahan niyang umalis na. Kinuha niya ang bag sa sofa at nagsalita, “Dahil narito ka na, ipapaubaya ko na sa iyo si Angelica. Uuwi na rin kasi ako.”

Nang makita ni Elaiza si Chloe na umalis ay agad na ngumiti siya kay Angelica. “Mukhang mabait ang katrabaho mo. Bago mo ba siyang kaibigan?”

Umiling si Angelica. “Hindi naman kami nagpapansin niyan sa kompanya, Ate.”

Okay naman si Chloe, ngunit isa lang ang pinaka-close nito sa kanilang departamento at si Joriel iyon. Habang siya ay naka-focus lamang sa trabaho sa kompanya at minsan lamang nakikihalubilo sa katrabaho. Medyo naiilang siya dahil pinansin siya ngayon ni Chloe.

“Hmm. Okay naman siguro siya dahil binantayan ka nito buong araw,” sagot ni Elaiza sa kapatid.

“Oo.” Iniisip ni Angelica kung ano ang gagawin niya upang mabayaran ang kabaitang ginagawa sa kan’ya ni Chloe; ayaw niya rin kasing may utang na loob sa iba.

Nabanggit ni Elaiza na masyadong maingay sa ospital kung kaya’t minungkahi niya sa doktor na umuwi na lamang sila. Okay lang naman kay Angelica ang ingay ngunit kapag wala sa tabi niya ang Ate niya ay nakakaramdam siya ng kaba kung kaya’t pumayag na lamang siya sa gusto nito.

Paglabas nila ng ospital, isang malamig ng simoy ng hangin ang yumakap sa katawan ni Angelica. Kahit na may suot siyang dyaket ay nakakaramdam pa rin siya ng lamig. Naramdaman niya ang yakap ng kan’yang kapatid sa kan’ya, siguro’y napansin nito na nilalamig siya. Mabilis silang tumakbo at agad na nagpara ng taxi.

Habang nasa sasakyan, tumawag ang kan’yang bayaw na si Fernan. Tumawag lamang si Fernan  upang sabihin nito na mahuhuli siya ng uwi dahil sa trabaho at huwag na itong hintayin sa hapunan. Pinaalalahanan naman ni Elaiza ang asawa ngunit hindi ito nagsalita at ibinaba na lamang ang telepono ng basta-basta.

Hinawakan ni Angelica ang kamay ng kapatid. “Ate Elaiza, gusto kong kumain ng mainit na pansit mamaya.”

Natawa naman si Elaiza sa kapatid, “Sige, magluluto ako mamaya kapag nakauwi na tayo sa bahay.”

“Hmm.”

Pagdating nila sa bahay, inalalayan ni Elaiza ang kapatid na makapasok sa silid nito. Inayos muna ni Elaiza ang kama ng kapatid at binigyan ng isang maligamgam na tubig. Sabik niyang hinawakan ang noo ni Angelica at sinabing, “Magpahinga ka na muna. Magluluto lamang ang Ate ng hiniling mong mainit na pansit. Kung may mangyari man sa’yo, tawagan mo lang ako.”

Tumango si Angelica sa kapatid. “Hmmm.”

Nang makapunta sa kusina ay isinuot agad ni Elaiza ang apron nito sa katawan at nagsimulang magluto ng mainit na pansit.

Rinig na rinig ni Angelica ang tunog ng nagluluto mula sa kusina kung kaya’t hinila niya ang kumot sa tabi at maingat na naglakad papunta sa maliit na mesa upang kunin ang dalawang tableta ng gamot at ininom ito.

Matapos ang kanilang hapunan, naligo naman si Angelica. Habang nakatayo sa harap ng salamin ay kitang-kita niya pa rin ang mapupulang marka sa kan’yang katawan. Pumasok sa kan’yang isipan ang mga alaala kagabi kung kaya’t hindi na naman siya mapakali.

Hindi niya maintidihan ang sarili, epekto siguro ito ng matinding pagtulog buong araw o ‘di kaya dahil sa kan’yang lagnat. Mayamaya ay nakarinig siya ng sigawan, tila ba may nagtatalo sa labas. Agad na pinunasan niya ang kan’yang katawan at naglakad palabas ng pintuan.

Bukas ang ilaw sa sala, nakakalat ang isang kurbata at sapatos panlalaki. Kita niyang nakahiga ang asawa ng ate niya sa sofa at nangangamoy ito alak.

Nakita niyang nag-aayos ang kan’yang kapatid habang pinagsasabihan ang asawa, “Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na bawas-bawasan mo na ang pag-inom mo ng alak? Tingnan mo ang sarili mo, gan’to ka na naman! Bukas na bukas ay sasakit na naman ang ulo mo niyan!”

“Blah! Blah! Blah! Puro ka dada! Sa tingin mo ginusto kong maging gan’to? Lahat ng ito ay ginagawa ko dahil sa pamilyang ito! At para sa pabigat mong kapatid na walang ginawa kung ‘di ang pasakitin ang ulo ko! Nagpapagod lang ako sa wala!”

Galit na galit si Elaiza dahil sa sinabi ni Fernan. “Sabihin mo na ang masasamang salita tungkol sa akin ngunit huwag mo lang madamay-damay rito ang kapatid ko!”

“Ano?!” Lalong tumaas ang boses ni Fernan. “Kinakain niya ang pagkain ko! Iniinom niya ang inumin ko at nakatira siya sa pamamahay ko! Bawal na ba akong magsalita ng kahit ano sa bahay na ito? Baka nga isipin ng mga kapitbahay natin ay siya na ang nagmamay-ari ng bahay na ito!”

“Nakahanap na ng trabaho si Angelica at nagbibigay na rin ito sa mga gastusin natin sa pamamahay na ito simula nang unang taon niya sa kolehiyo! Wala na ba siyang karapatan kumain o uminom sa pamamahay na ito?” pagtatangol ni Elaiza sa kapatid.

Dinuro-duro ni Fernan ang asawa, “Tama! May trabaho naman na pala siya! Pwede na siyang lumayas sa pamamahay ko! Bukas na bukas ay hindi ko na dapat makita ang pagmumukha ng babaeng iyon!”

“Kapatid ko si Angelica, Fernan! Siya lang ang natitira kong pamilya. Kakatanggap niya pa lang sa trabaho at kakasimula pa lang, papaalisin ko siya agad bukas? Anong klaseng tao ka?”

“Bahay ko ito! Ako ang may-ari at nagbabayad ng renta rito buwan-buwan. Ako dapat ang masusunod! Kung gusto ko siyang paalisin, kailangan niyang umalis!”

“Ikaw…” Sa sobrang galit ni Elaiza sa asawa ay nagsimula itong umiyak.

Bumagsak naman si Fernan sa sofa dahil sa kalasingan at nahimatay.

Pagkaraan ng ilang sandali, namayapa ang katahimikan sa bahay. Pinunasan ni Elaiza ang mga luha sa pisngi at muling nilapitan si Fernan. “Sige na, maglinis ka na ng katawan at humiga na sa ating kama.”

Tahimik na sinarado ni Angelica ang pinto ng kan’yang silid. Humiga siya’t malalim na huminga. Napabalikwas siya sa pagkakahiga at hindi makatulog buong gabi.

Kinaumagahan, maagang nagising si Angelica, naghanda siyag ng almusal at nag-iwan ng sulat sa kapatid. Bitbit ang kan’yang maleta, umalis siya sa bahay ng mag-asawa.

Ang kasal ng Ate Elaiza niya at ni Fernan ay para lamang sa kapakanan niya. Madalas na sabihin ng kan’yang kapatid na dahil pareho silang babae at sa sobrang hirap ng buhay, ang pagkakaroon ng isang lalaki sa bahay ay isang proteksyon para sa kanila. Hindi nakapag-aral ang kan’yang nakakatandang kapatid kung kaya’t nagbebenta lamang ito ng mga kakanin sa kalsada at kumikita ng maliit. Pangarap nilang magkaroon ng magadang buhay at magkaroon ng sariling bahay ngunit tingin niya’y malayo pang mangyari iyon.

Si Fernan ay nagtapos sa isang unibersidad na nakapagtrabaho sa isang kompanya. Sa una ay mabait ito ngunit kalauna’y nag-iba ang ugali. Madali na itong mairita. Madalas itong umuuwi ng lasing at palaging inaaway ang kan’yang kapatid.

Dahil sa kan’ya ay nanatiling nakaluhod lamang ang kapatid sa asawa. Tinitiis nito ang masasamang salitang binibitawan ng asawa at hindi man lang ipinagtatanggol ang sarili.

Naiintidihan naman niya na mahal pa rin ng kan’yang kapatid ang asawa nito. Bagama’t sobra na ang ginagawa ng asawa nito sa Ate niya dahil lang sa kan’ya. Kung kaya’t ayaw na niyang maging pasanin pa sa kapatid, ayaw na niyang dumating ang araw na maghiwalay ang mag-asawa dahil sa kan’ya. Ang kan’yang desisyon na lumipat sa ibang bahay ay makakatulong din siguro na ma-solo ni Fernan ang Ate niya at magkaroon ng oras sa isa’t-isa.

Nang huminto ang elevator sa ika-walong palapag agad na bumukas ang pinto, humigpit ang hawak ni Angelica nang makita ang isang pamilyar na pigura ng tao sa harapan niya. 
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhira Torres
next chapter please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status