Share

Kabanata 4

Hindi makapaniwala si Angelica na lolokohin siya ng kan’yang nobyo at matalik na kaibigan. Palagi siyang naniniwala na hindi naman totoo ang pinanunuod niyang palabas sa telenobela, tipong ipagpapalit ng lalaki ang bidang babae sa matalik na kaibigan nito, ngunit nangyari iyon sa kan’ya. Roon niya na-realize ang kasabihang “parang sining ang buhay”.

Malinaw pa sa kan’yang alaala kung gaano siya nagulat nong araw na binuksan niya ang pinto sa domirtoryo ng kan’yang kaibigan at nakita si Patrick na nakayakap kay Jasmine. Pareho silang mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan—ang kan’yang bukod tanging makatalik na kaibigan at itinuring na kapatid bukod sa kan’yang Ate Elaiza. Sobrang nagdurugo ang puso niya sa mga oras na iyon.

“A-Angelica?” tawag ni Jasmine sa dalaga.

Umiwas ng tingin si Angelica at ginaya ang kan’yang maleta sa gilid. Wala siyang planong makipag-usap sa dalawa; pagkatapos ng lahat ng nangyari’t ginawa nila sa kan’ya, ayaw na niya itong kausapin pa. Tapos na sila ni Patrick at pinaubaya na niya ito sa ahas niyang kaibigan kung kaya’t wala na siyang pakialam sa mga ito. Simula noon, ayaw na niyang masangkot pa o ‘di kaya’y makipag-usap pa sa dalawang taong pinagtaksilan siya.

Pinulupot ni Jasmine ang braso nito kay Patrick at pumasok sa evelator. Nang sumara ang pinto ay lumingon ito kay Angelica at nagsalita, “Balita ko, nakahanap ka na ng trabaho? May pupuntahan ka bang business trip?”

Napayuko si Angelica at mahinang sumagot, “Yeah.”

Nang makitang tipid lamang na sumagot si Angelica ay hindi na nagsalita pa si Jasmine. Nang makarating sila sa unang palapag, mabilis na hinila ni Angelica ang kan’yang maleta upang lumabas. Bagama’t sa pagmamadali niya, ang isang gulong ng maleta ay naipit sa puwang ng elevator. Agad na hinatak ito ni Angelica ngunit nahihirapan siyang kunin ito dahil sa sobrang bigat.

Nang ma-realize na wala na siyang lakas pa ay agad na tinulungan siya ni Patrick. Isang tulak lang nito ay agad na lumabas ang gulong ng maleta niya.

“S-Salamat,” mahinang sabi ni Angelica at naiilang na naglakad habang hila-hila ang kan’yang maleta.

Muling sumara ang pinto ng elevator at patuloy na umandar.

Napatingin naman si Jasmine sa kasintahan, “Mukhang malaki ang pagbabago ni Angelica. Iniisip kong galit pa rin siguro siya sa atin. Sa tingin mo ba, kailangan ko siyang kausapin at humingi ng tawad sa lahat?”

“Kailangan mo pa bang gawin ‘yan?” walang pakialam na sagot ni Patrick. “Nangyari na ang lahat ng ito, saka matagal na iyon. Bakit ngayon pa tayo hihingi ng tawad sa kan’ya?”

Napanguso si Jasmine at nakaramdam ng hinanakit. “Sinisisi mo ba ako?”

Nanatiling tahimik si Patrick. Binawi ni Jasmine ang kan’yang kamay sa pagkakapulupot sa braso nito. “Patrick, kung hindi mo kayang mag-move on kay Angelica, pwede ko namang ipaliwanag ang lahat sa kan’ya. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ‘di ba? Kaya ko namang tanggapin ang responsibilidad. Mabait naman si Angelica; tiyak na mapapatawad niya tayong dalawa…”

Bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa kanila ang liwanag na nagmumula sa parking lot sa level 2.

Hindi napigilan ni Jasmine ang emosyon, tumakbo ito palabas ng elevator saka pumalahaw ng iyak. Nakatayo ang dalaga sa gitna ng kalsada’t naramdaman ang panlalamig dahil sa simoy ng hangin. Itinaas ni Jasmine ang kamay upang protektahan ang kan’yang mga mata sa ilaw ng paparating na kotse ngunit nakalimutang tumabi.

Mabuti na lamang ay mabilis ang pagkilos ni Patrick, hinila ni Patrick ang braso ng dalaga. Napahinto naman ang kotse at muntik na silang masagasaan. Dumungaw ang driver sa bintana, pinagmumura sila at mabilis na umalis.

 Bumalik si Angelica sa kan’yang dormitoryo sa paaralan nila, ang tanging kanlungan niya ngayong umalis siya sa lugar ng kapatid. Noong una, apat na tao ang dorm, ngunit dahil second semester na ng senior year nila at lahat ay nakahanap na ng trabaho, unti-unti na itong nagsilipatan.

Hindi naman talaga  tumatambay si Angelica sa dormitoryo nila ngunit wala siyang choice na manatili rito. Bago pa man ang panloloko sa kan’ya nina Patrick at Jasmine, rito talaga siya nanatili sa dorm dahil malayo pa ang bahay ng kan’yang kapatid at hindi pa siya nakakakuha ng internship.

Nang gabing iyon, agad siyang bumalik sa dorm nang marinig sa kaibigan na nagkaroon ng pagkawala ng kuryente ang dorm nila. Sobra siyang nag-aalala sa kaibigang si Jasmine dahil takot na takot pa naman itong mapag-isa. Kaya napagdesisyonan niyang samahan ang dalaga. Ngunit nang mabuksan niya ang pinto, sinalubong siya ng nakakagulat na eksena…

Ngayon, wala na si Jasmine sa kanilang dorm. Bali-balita na nangupahan ang dalawa ng isang apartment sa labas ng bayan. Hindi naman niya inaasahan na nasa pareho pala sila ng building kung saan naninirahan ang kan’yang kapatid.

Hindi naman niya inisip kung nagkataon lang ba o sinadya talaga ng dalawa na mag-renta sa mismong building kung saan nangungupahan ang kan’yang ate at ang asawa nito, wala na siyang pakialam doon.

Na-realize niyang tama nga ang desisyon niyang umalis doon dahil ayaw niya namang magkasalubong ulit sila ng dating kaibigan at kasintahan.

Matapos ayusin ang kubre ng kan’yang kama ay tumunog ang telepono ni Angelica. Nakita niya sa screen ng cellphone niya ang pangalan ng kan’yang kapatid na si Elaiza.

“Angelica, anong nangyari? Bakit naman umalis ka ng wala man lang paalam sa akin? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita ngayon din!” nanginginig na sambit ng kan’yang Ate kung kaya’t nakaramdam siya ng kalungkutan.

Napasandal si Angelica sa headboard ng kan’yang kama saka nagsalita, “Ate, bumalik ako sa dormitoryo ng aming paaralan. Kapag natapos na ang internship ko, mag-a-apply agad ako ng trabaho at maghahanap ng malilipatan.”

“Malaki naman ang espasyo rito sa bahay! Bakit ka bumalik diyan? Hintayin mo ako riyan, pupuntahan kita at susunduin kaagad…”

“Ate!” seryosong sambit ni Angelica.

Natahimik naman ang kabilang linya. Napalunok si Angelica ng mariin at napatingin sa taas pinipigilang maiyak. “Ate, malaki na ako. Ayaw ko namang maging pabigat pa sa’yo; Gusto kong makabawi naman sa lahat ng sakripisyo mo sa akin.”

Kasalukuyang nakaupo si Elaiza sa labas ng kanilang apartment at hawak-hawak ang telepono ng mahigpit. Tahimik itong umiiyak dahil sa sinabi ng kapatid, mabilis niyang pinunasan ang luha at nagsalita, “Hindi mo naman kailangang bumawi sa akin. Ang nais ko lang ay nasa tabi kita palagi. Kahit gaano ka pa katanda, ikaw pa rin ang little sister ko.”

“Salamat, Ate. Pero sa ngayon, gusto ko na talagang tumayo sa sarili kong mga paa. Susuportahan mo naman ako ‘di ba?”

Nabasag ang boses ni Elaiza. “Paano kung ayoko? Paano kung ayaw kong suportahan ang desisyon mo? Babalik ka pa rin ba sa akin?”

“Hindi ako babalik diyan, Ate.” Ngumiti si Angelica at tahimik na umiyak. “Sa ilang taong nakalipas, kahit anong gusto ko ay lagi kang nakaalalay at sinuruportahan ako. Ikaw pinakamasuhay kong Ate sa buong mundo.”

Hindi nagsalita si Elaiza. Sa kabila ng pagpipigil nito sa pag-iyak ay hindi pa rin maiwasang marinig ni Angelica ang mumunti nitong paghikbi sa kabilang linya.

“Ate, kapag nakaipon ako ng malaking halaga ay magpapatayo ako ng isang malaking bahay! Magbubukas din ako ng isang malaking tindahan para hindi na kayo mahirapan ni Kuya Fernan.”

Napatawa naman si Elaiza sa sinabi ng kapatid. “Ikaw bata ka! Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay at tindahan. Isa lang naman kaming ordinaryong tao ng Kuya mo, hindi naman kami naghahangad na mamuhay ng marangya. Angelica, tandaan mo, wala akong ibang gusto kung ‘di ang maging maayos at masaya ka. Iyon lang ang nais ko.”

“Hmm.” Tumango si Angelica, “Tatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin, Ate!”

Matapos na ibaba ang tawag, nakaramdam pa rin ng kalungkutan si Angelica.

Knock, knock, knock—

Malakas na katok sa pinto ang nagpabalik kay Angelica sa realidad. Pinunasan ni Angelica ang mga luha niya sa pisngi. Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa kan’ya ang gwapong mukha ni Andrew Lim at papalapit na papalapit ito sa kan’ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status