Share

Kabanata 10

Kakagising pa lang ni Andrew at may bakas pa ng katamaran ang kan'yang boses. Ang huling salitang tinawag niya kay Angelica ay may pataas na tunog.

Uminit ang pisngi ni Angelica nang marinig ang sinabi ng amo at nagpaliwanag, “Isasauli ko lang ang bagay na binigay mo sa akin.”

Napatingin si Mr. Lim sa isang bag sa mesa, “Ayaw mo ba iyan?”

“Hindi.” Umiling si Angelica, “Hindi ko matatanggap ang gan'tong kamahal na bagay at wala akong rason para tanggapin ang mga ito.”

“Hindi naman iyan mahal, maliit lamang na regalo iyan tanda ng aking pagpapahalaga sa nararamdaman mo,” saad ni Mr. Lim. “O kaya sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo? Hihilingin ko kay Eldrew na bilhin ito, o pwede namang ikaw na lang ang pumili.”

Gusto niyang bumawi sa dalaga sa nagawa niya noong nakaraan.

“Mr. Lim, ang totoo niyan, hindi ko naman sineryoso ang nangyari noong nakaraang gabi at ayaw ko ng maalala iyon. Kapag tinanggap ko ito, ang regalo mo sa akin ay ang magpapaalala lamang sa akin sa lahat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status