Ngumiti si Chloe, "Salamat, Angelica." ... Nang gabing iyon, halos hindi nakatulog si Angelica. Sa unang kalahating gabi, tumulong ang dalaga sa pagbabantay ng bote ng IV at sa ikalawang kalahati ng gabi— sa sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata, napanaginipan niya ang nangyari sa kanila ni Mr. Lim sa tent noong gabing iyon. Buong magdamag siyang nahihirapan at muntik ng mahimatay. Nang halos madaling araw na, nakarinig si Angelica ng mga yabag at nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakasalubong niya ang tingin ni Andrew Lim. "Hindi ka makatulog?" Nang makita ni Andrew na idinilat ng dalaga ang mga mata, umupo ang lalaki sa tabi ng dalaga at inilagay ang bag sa mesa. "Dinalhan kita ng almusal. Nagsumikap kang magtrabaho." Umupo si Angelica, "At dahil nandito ka na, babalik na ako." "Angelica." Tawag ni Andrew sa dalaga, "Dalhin mo na ang almusal mo." Umiling si Angelica, "Hindi, pwede mo namang ibigay iyan kay Chloe." Pagkatapos noon, binuksan ni Angelica
"Anong sabi mo?" Tinitigan ni Joriel si Angelica, "Tumatanggi ka ba?" Tiningnan ni Angelica ang palda ni Joriel, "Ayokong bayaran iyan. Sa kadahilanang, una, nakatayo ako rito at sinadya mo akong banggain kaya naman hindi ko iyon responsibilidad. Pangalawa, kahit naman na mali ako, hindi kita babayaran ng 50,000 pesos!" Hindi inaasahan ni Joriel na sasabihin iyon ni Angelica na karaniwang mahinhin at duwag at hayagang hinamon si Joriel ni Angelica. Nagulat si Joriel at mas nainis pa, "Naglalakad ako rito pero nakaharang ka. Kung hindi ka sana nakaharang, hindi sana kita mababangga! At itong palda ko ay nagkakahalaga ng 50,000 pesos, dapat lang na bayaran mo ito dahil kung hindi mananagot ka sa akin!" Alam ni Joriel na isang inosenteng dalaga si Angelica na takot nat takot sa kan’ya’t madali ring kontrolin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalita si Angelica, "Ang iyong palda ay hindi naman nagkakahalaga ng 50,000 pesos!" Agad namang nanlaki ang mga mata ni Joriel, "Anon
Alam ni Angelica na wala namang kwenta ang makipag-usap kay Joriel kaya nilingon niya si Eldrew, "Assistant Eldrew, gusto ko sanang tingnan ang CCTV footage doon sa tea room."Nagbago ang ekspresyon ni Joriel, "Anong ibig mong sabihin?"Hindi pinansin ni Angelica si Joriel bagkus tumingin lang kay Eldrew at muling nagtanong, "Okay lang ba? Assistant Eldrew?"Tiningnan ni Eldrew si Joriel na parang hindi mapakali at nakokonsensya, ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ni Joriel kaya kinagat na lamang nito ang bala at sumang-ayon, "Sige, tingnan natin ang CCTV footage, sino naman ang nagsasabing natatakot ako?” Nakakonekta ang mobile phone ni Eldrew sa CCTV ng silid, ngunit hindi si Eldrew makapasok doon nang walang pahintulot sa Presidente.Si Mr. Lim lamang ang kayang tumanggap ng hiling niya upang makita niya ang CCTV footage ng silid. Tinawagan ni Eldrew si Mr. Lim at kaswal namang nagtanong si Andrew kung ano ang nangyayari. Hindi naman maitago ni Eldrew ang nangyari s
Ganun pa rin ang sinabi ni Angelica, "Ayoko ng kabayaran, gusto ko lang naman humingi ka ng tawad sa akin sa harap ng lahat." May mali si Joriel sa pagkakataong ito at ngayon ay may ebidensya na. Matibay ang ebidensya at hindi ni Joriel iyon maitatanggi sa lahat."Assistant Eldrew!" Para bang naging isang spoiled na bata si Joriel kay Eldrew. Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Eldrew, "Joriel, pormal kang humingi ng tawad kay Angelica para matapos na ang kaguluhang ito." Nang makitang hindi siya tinulungan ni Eldrew, wala nang ibang maisip pa si Joriel. Binuksan ni Eldrew ang pinto ng maliit na silid at pinalabas ang dalawa, "Ang lahat ay magsitigil sa pagttrabaho! Inimbestigahan ko kanina ang insidente. Si Joriel ay aksidenteng binangga si Angelica nang siya ay dumaan sa dalaga. Ngayon na naisapubliko ko na ang nangyari, gusto ni Joriel na humingi ng tawad kay Angelica sa harap niyo mismo. Lahat ay magiging testigo at ipinagbabawal na rin ang pagbabanggit sa insidenteng it
Napakalabo ng sagot ni Chloe kay Joriel. Napagtanto naman agad ni Joriel na iba ang suot ng dalaga ngayon. "Bakit ka pumunta dito na nakasuot ng gan’yan?" Ang kumpanya nila ay may isang patakaran na nangangailangang pormal lamang ang kasuotan kapag pumapasok ang mga empleyado. Kadalasan ay pumapasok si Chloe na pormal ang kasuotan at sumusunod palagi sa mga tuntunin at patakaran ng kompanya ngunit ngayon ay nakasuot ang dalaga ng navy blue na palda, makapal na makeup, at alahas na para bang iba ng tao ito. Ngumiti si Chloe at nagsalita, "Narito ako para mag-resign." "Mag-resign?!" Nagulat ang lahat. Kinuha ni Joriel ang kamay ni Chloe at nagtanong ng napakarami.Sumagot naman ng tipid si Chloe. Hindi pa rin makapaniwala si Joriel sa sinabi ng kaibigan, "Nagbibiro ka ba?" "Hindi. Kinompleto ko na ang proseso ng resignation ko. Magkatrabaho tayo ng ilang taon kaya naman ay ililibre ko ang lahat ng hapunan mamayang gabi! Pinost ko na rin ang lokasyon sa ating group chat.
Ang biglaang pagtunog ng cellphone ni Angelica ang bumulaga sa kan’ya hindi lamang sa kanya, kung ‘di pati na rin kina Joriel at Chloe sa labas. Sinadya ng dalawang magkaibigan na umiwas sa lahat at pumunta sa banyo upang makapag-usap ng personal ngunit hindi nila inaasahan na may tao pala sa loob ng banyo. Uminit naman ang ulo ni Joriel at kumatok sa pinto pagkalapit niya, "Sino ang nasa loob?"Ilang segundo ang nakalipas, bumukas ang pinto ng maliit na cubicle at lumabas si Angelica. "Ikaw?" Nakita ni Joriel si Angelica, tila tumaas ang balahibo ng dalaga sa katawan, "Bakit ka nagtatago sa banyo at nakikinig ka ba sa usapan namin?" "Nagkakamali ka, hindi ko naman alam na papasok kayo, pumunta ako rito upang magbanyo lamang," sagot ni Angelica at naglakad patungo sa lababo. Lumapit naman si Joriel at hinawakan si Angelica, "Angelica, wala akong pakialam kung ano ang mayroon sa inyo Mr. Lim, pero ang maipapayo ko sa iyo, maging matapat ka lamang, kung hindi, marami akong par
Walang choice si Angelica kung ‘di ang sumakay sa kotse at umupo sa passenger seat.Tuloy-tuloy ang ingay mula sa likuran ngunit tila bingi ang driver at nakatutok lamang sa pagmamaneho. Gusto niyang bigyan ng isang thumbs up ang driver ngunit nang tumingala siya, nasagi ng kanyang mga mata ang rearview mirror sa loob ng kotse at nakasalubong niya ang madilim na tingin ng lalaki sa likuran.Tila ba nakonsensya at nahiya si Angelica kaya tumingin siya sa labas ng bintana.Makalipas ang sampung minuto, nakarating sila sa destinasyon.Nagbayad agad si Angelica ng pamasahe, bumaba ng sasakyan na para bang may tinatakasan at tumakbo papasok sa restaurant nang hindi na lumilingon pa.Hindi niya napansin na may nakasunod na palang tingin mula sa kan’yang likuran...-Nang dumating si Angelica, kita niya si Chloe na napapaligiran ng isang grupo ng mga kababaihan habang naghihiwa ng cake. Mabilis na hinati nito ang cake at agad na nakita siya ni Chloe saka iniabot sa kan’ya ang isang
Ito ang unang pagkakataon na dumalo si Mr. Andrew Lim sa isang despidida ng isang empleyado. Nakaupo sa isang sulok si Angelica at kumakain ng cake. Narinig naman niya ang ilang bulong-bulongan ng mga dalaga sa tabi. "Hindi ako makapaniwala na pinahahalagahan ni Mr. Lim si Chloe? Noong nakaraan, may mga kasamahan naman tayong nag-resign, sama-sama tayong naghapunan ngunit hindi gan’to kabongga ng katulad kay Chloe. Inimbitahan din ng mga ito si Mr. Lim ngunit mabilis nitong tinanggihan ang imbitasyon. Paano napa-oo ni Chloe si Mr. Lim?" "Oo nga, sa tingin ko parang may mali. Karaniwang empleyado lang naman si Chloe at wala namang kaambag-ambag sa kompanya.""Hoy, napansin mo ba? Palaging nakatingin si Chloe kay Mr. Lim ngayong gabi. Bakit parang may tinatagong relasyon ang dalaga?" "Hindi kaya? Maganda rin naman si Chloe ngunit pangkaraniwan lamang ang mukha nito. Hindi talaga sila bagay ni Mr. Lim." "Sa tingin ko, hindi rin talaga sila bagay. Ang isang lalaking tulad ni