Natahimik ang lahat sa tinurang iyon ni Robert. Marahan siyang sinundot sa tagiliran ng katabi niyang si Joriel gamit ang kanyang siko upang sana ay sawayin pa siyang magsalita. “Hinay-hinay sa pananalita, mga kasamahan ko silang lahat sa trabaho. Sa tingin mo ba ay pareho silang lahat ng mga kaibigan mo?” Napakunot na doon ang noo si Robert, ngunit wala itong ibang sinabi. Nagpatuloy pa ang kanilang laro ngunit ni isang salita ay walang sumagi sa isipan niya na maaaring mamutawi sa bibig niya. Sa pagkakataong ito, nakuha ni Robert ang ‘main card’, na nangangahulugang kailangan niyang magbigay ng mga instructions at magtanong sa ibang mga kasama nila. Ang taong nakakuha naman ng ‘truth or dare card’ ay si Joriel. Matamis na tiningnan na ni Robert ang babae.“Ang pipiliin ko ay ang truth or dare, ano ang tanong mo?”Bahagyang kinagat na ni Robert ang kanyang labi at dalawang beses na itinapik ang kanyang mga daliri sa gilid ng kinaroroonan nilang lamesa. Makikita sa mukha niyang p
Kung mapapalitan ang card ni Angelica, maiiwasan ang pag-atake ni Robert sa kanya ng abnormal nitong mga instructions, ngunit paano naman doon si Mr. Lim?Sa sandaling ito, kinuyom na ni Angelica ang mga card sa kanyang kamay, ang kanyang nasa isip ng mga sandaling iyon ay ang umayaw at tumatakbo na lang para tumakas. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung paano niya gagawin ng hindi siya mapapansin.“Angelica?” biglang hinawakan ng intrimitidang si Chloe ang magkabilang balikat niya, kaya naman hindi magawa ng dalaga ang anumang pina-plano niya. “Saan ka pa pupunta? Ikaw na ang magpapakita ng card mo kay Robert.”Huminga nang malalim si Angelica at ipinakita na ang card sa nasa kanyang kamay.“Oh, ang truth?” nagliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Joriel nang makita niya ang card hawak ngayon ni Angelica. Kahit siya ay hindi nakayanan ang mga tanong ni Robert, ngayon pati pala si Angelica ay natatakot na baka gumawa siya ng mas malaking katangahan kaysa sa kanya.Ang iba sa mga kal
Sa pagkakataong ito ay sinunod niya ang proseso ng laro, kaya walang nagsabi ng anumanng masama sa kanya. Uminom si Angelica ng isa pang baso ng white wine. Habang wala pang epekto ang alak, mabilis na siyang tumayo mula sa kanyang upuan. Kailangan niyang makaalis doon ngayon anuman ang mangyari. Hindi pwedeng manatili siya tapos ganitong card na naman ang makuha niya. Kailangan niyang umiskapo bago pa muling makapagsimula ang panibagong round ng kanilang laro. “Pupunta lang ako sa banyo, kayo na lang muna ang maglaro.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang lumabas ng private room. Hindi na hinintay ang pagpayag ng kanyang mga kasamahan. Pagkaalis ni Angelica ay muling nagtanong si Robert. “Sino ang nakakakuha ng dare? Ipakita mo na.”Ipinakita ng lahat ang kanilang mga card, at ang nakakuha noon ay si Mr. Lim. Tiningnan ni Robert ang kanyang card at bahagyang ngumiti sa kanyang sarili. “Mr. Lim, kaya mo ba?” tunog nang-aasar iyong hamon sa kanya.Sumandal si Mr. Lim sa kanyang
Pagkatapos magtanong ni Mr. Lim ay natigilan na lang si Angelica sa kanyang pwesto. Hindi niya akalain na sasabihin ng amo ang mga salitang ito sa kanya. Napaisip pa siya kung nakainom ba siya ng sobra at nagkaroon ng biglaang hallucinations? Kung hindi, ay paano nasabi ni Mr. Lim ng walang kurap ang mga bagay na iyon sa kanya?“M-Mr. Lim?” Saglit ‘ding natigilan si Andre, na parang hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang magiging reaksyon niya. Nang makita niya itong pasuray-suray sa gilid na may hindi matatag na mga hakbang, hindi niya namamalayan na inabot niya ito upang tulungan siyang huwag doong matumba. Mainit sa pribadong silid na pinanggalingan nila, at matagal nang hinubad ni Angelica ang kanyang suot na jacket. Sa sandaling ito, nakasuot lamang siya ng maikling manggas na kamiseta, na nagpapakita ng mapuputi niyang mga braso. Nang hawakan siya ni Andrew, naramdaman niyang mainit at malambot ang balat sa ilalim ng palad niya. Agad na bumalik sa isip niya ang gabing iyon
Sa pagkakataong iyon ay mag-isa lang siyang pumunta at inimbitahan ng amo. Isa itong kakaibang karangalan para kay Chloe na siyang nagpalaki pa dito ng ulo. Inabutan siya ni Andrew ng isang pares ng tsinelas sa may pintuan ng villa. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa sala ng villa ay agad na siyang niyakap ni Chloe mula sa likuran, nanginginig ang boses nito sa labis na pananabik na matikman ang katawan.“Mr. Lim...huwag mo sanang buksan muna ang ilaw…” Kanina pa nagtitimpi si Mr. Lim at dahil sa tinig na iyon ni Chloe na puno ng pag-uudyok ay bigla na lang uminit ang kanyang ulo. Nilingon niya ito gamit ang nagdidilim na mga mata, walang anumang salitang lumabas sa bibig na mahigpit na nitong hinawakan ang pulso ng babae at marahas na hinila niya na patungo ng malapit na sofa. “Mr. Lim...ohhh…Mr. Lim…” wala pa man itong ginagawa ay ungol na ni Chloe sa gitna ng kadiliman. Makailang beses pang inulit iyon ng babae na sa pandinig ni Mr. Lim ay banayad at kasing lambot ng tubig. H
Mabilis na umalis ang sasakyan mula sa villa nina Mr. Lim. Halos mabali ang leeg na nakalingon doon si Chloe hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Hinarap na niya si Eldrew na abala ang mga mata sa binabagtas nilang kalsada. “Hindi ko pa nakita ang matandang iyon mula nang dumating ako sa bahay ni Mr. Lim. Siya ba talaga ang Lola ni Mr. Lim?”“Oo.” sagot ni Eldrew na abala pa rin sa kanyang pagmamaneho, “Ang matandang babae noon ay nakatira lang mag-isa. Sa pagkakataong ito siya ay may sakit. Nag-aalala si Mr. Lim sa kanyang pamumuhay mag-isa, kaya dinala na lang niya siya rito.”Napasimangot na doon si Chloe. Mukhang magiging kontrabida pa yata ang matanda. “Dito na ba siya titira habang nabubuhay?” Walang mali sa tanong na binitawan ni Chloe, ngunit sa pandinig ni Eldrew ay iba ang dating ng tono noon na tila may bahid ng paghamak, kaya kumunot ang noo niya sa babae. Kung si Mr. Lim ang makakarinig noon, mamasamain iyon ng kanilang amo.“Kailangan mong tan
Sa kabilang banda, sinundan ni Eldrew si Mr. Lim palabas at bahagyang sumulyap sa loob upang makita lang na walang tao ang mesa ni Angelica. Huminto siya upang magtanong at hanapin kung nasaan ang dalaga.“Nasaan si Angelica?”Maang-maangang tumayo na doon si Joriel. “Hindi ko alam. Parang may hawak siyang tambak na mga dokumento kanina. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.” pagsisinungaling pa nito sa kanya.“Naku naman, ang pasaway! Hindi ba at sinabi ko sa kanya na maghanda siya at lalabas siya kasama si President Lim? Saan pa iyon pumunta? Talaga naman!” Tiningnan ni Eldrew ang mukha ni Mr. Lim na biglang naging seryoso na. Kinasusuklaman pa naman nito ang mga taong hindi nasa tamang oras ng pinag-usapan nila at iyong ang daming ikot. Lingid sa kaalaman nilang dalawa na sa ganoong mahalagang sandali, gumagawa pa rin ng paraan si Angelica para makalabas ng naturang room. Itinaas ni Andrew ang kanyang isang bisig para tingnan na ang oras. “Tawagan mo siya ngayon at itanong
Napaawang na ang bibig ni Angelica nang makita ng boss na nasa harapan niya.“Hindi ba ikaw ang naroon sa loob ng iyong opisina?” Lumingon si Angelica at tumingin sa malaking upuan, nalaman lamang niya na may ibang lalaki pala na nakaupo doon. Agad na ginapangan ng takot si Angelica. “Mr. Salazar?”Si Jared Salazar ay ang pangmatagalang business partner ni Mr. Lim at isang mabuting kaibigan din niya rin ang binata. Hindi siya madalas pumupunta sa kumpanya, ngunit ilang beses na siyang nakita ni Angelica mula sa malayo at naaalala siya dahil sa kanyang natatanging hitsura. Gwapo ang binata, matikas din ang pangangatawan nito.Todo amin pa siya kanina pero maling tao pala ang nakarinig ng lahat noon?Ito ay naging walang kabuluhan lang!May hawak na dokumento si Andrew sa kamay, at tila kagagaling lang sa isang meeting. Ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Angelica, at nang makita niya ang mga pula sa sulok ng kanyang mga mata, ang kanyang puso ay tila bahagyang piniga s