Share

Kabanata 32

Sa kabilang banda, sinundan ni Eldrew si Mr. Lim palabas at bahagyang sumulyap sa loob upang makita lang na walang tao ang mesa ni Angelica. Huminto siya upang magtanong at hanapin kung nasaan ang dalaga.

“Nasaan si Angelica?”

Maang-maangang tumayo na doon si Joriel.

“Hindi ko alam. Parang may hawak siyang tambak na mga dokumento kanina. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.” pagsisinungaling pa nito sa kanya.

“Naku naman, ang pasaway! Hindi ba at sinabi ko sa kanya na maghanda siya at lalabas siya kasama si President Lim? Saan pa iyon pumunta? Talaga naman!”

Tiningnan ni Eldrew ang mukha ni Mr. Lim na biglang naging seryoso na. Kinasusuklaman pa naman nito ang mga taong hindi nasa tamang oras ng pinag-usapan nila at iyong ang daming ikot. Lingid sa kaalaman nilang dalawa na sa ganoong mahalagang sandali, gumagawa pa rin ng paraan si Angelica para makalabas ng naturang room. Itinaas ni Andrew ang kanyang isang bisig para tingnan na ang oras.

“Tawagan mo siya ngayon at itanong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status