“Oh, Angelica…” banayad na banggit ni Andrew sa pangalan niya, nakaramdam pa ng hiya sa kanila si Angelica. “May kailangan ka ba?”Tumayo ng tuwid si Angelica, hindi maiwasang biglang makaramdam ng hiya. Ganunpaman ay kailangan niyang kapalan ang mukha upang makaalis na rin siya doon.“Hinahanap ko si Chloe…Mr. Lim…”“Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?” mabilis na tanong ni Andrew, halatang mahalaga ang pangangailan ng babae sa kanyang kasama.Itinaas ni Patrick ang dulo ng kanyang isang kilay at tiningnan siya ng makahulugan. Naisip ni Angelica na hindi mahalaga kung kanino siya makakahiram ng pera. Ang mahalaga ay mabayaran na niya ang kinain nila. Isa pa babayaran din naman niya iyon. “Mr. Lim, pwede bang makahiram ng pera sa iyo?”“Magkano?” mabilis nitong sagot na hindi na kinailangan pa ng paliwanag.“Isang libo.”“Paano ko ito ibibigay sa iyo? Bank transfer? O gusto mo ng cash?” Hindi man lang nagtanong si Andrew kung para saan iyon kaya siya humihiram. Bigla tuloy
“Okay,” malapad ang ngiting tango ni Chloe, bakas na ang excited sa katawan. “Sige…ikaw ang bahala, Mr. Lim.”Nagpatuloy na sinundan ng magkapatid ang sasakyan hanggang sa makita nila sina Andrew at Chloe na bumaba ng sasakyan at magkasabay na pumasok sa loob ng villa ng lalaki. Tumingin si Jared sa kanyang kapatid. Nagtatanong na ang mga mata nito.“Ano? Naniniwala ka na ba ngayon? Pumasok na sila sa loob.”“Hindi pa rin!” mukhang mas nagalit pa si Celine sa kanyang nakita, “Tiyak na may daya dito! Kuya Jared, dito muna tayo mananatili kahit na ngayong gabi lang, sigurado akong aalis ang babaeng iyon sa kalagitnaan ng gabi oras na umalis na tayo.”“Celine, ano ka ba? Ang daming isda sa dagat, hindi na natin kailangang magtiis dito. Maghanap ka na lang ng iba. At saka anong pakialam natin sa kanila? Tama na. Tanggapin mo na lang!” si Jared na iniisip pa lang magpapalipas ng gabi sa kotse ay nahihirapan na siya. Ganunpaman ay mukhang determinado si Celine na gawin ang kanyang gust
“Maling kwarto ang napuntahan?” hindi kumbinsido ang matandang babae, hindi siya pinanganak kahapon lang. “Hindi. Imposible iyang rason mo. Nakakaloko na sinadya mong pumunta sa maling silid? Sa kalagitnaan ng gabi, pumuslit ka sa silid ng ibang tao. Okay lang sana kung namali ka, pero bakit naghubad? Anong kalokohan iyon? Niyakap mo pa ako nang mahigpit. Sino ang nakakaalam kung ano ang gusto mong gawin sa ganung action ha? Huwag ka ngang sinungaling babae ka!”“Hindi…maling kwarto talaga ang napuntahan ko...maniwala po kayo.” Humihingal na nagpatuloy na umiyak si Chloe, nakaramdam ng matinding hinanakit. Nang makita siyang ganito, hindi na siya masisisi ni Andrew. Nangyari rin kasi ito sa kanilang dalawa noon. Ang kaibahan lang, may alak sa kanilang katawan kung kaya naman nauunawaan ni Andrew ang hinaing ni Chloe. Naiintindihan niya ang punto nito.“Lola, paumanhin po kung nangyari ito. Kasalanan ko ang lahat. Normal lang na hindi pamilyar si Chloe sa lugar dahil ito ang unang b
Lumalabas na wala siyang physiological reaction kay Chloe, ni kahit katiting na interes. Pagbaba niya sa unang palapag, si Chloe ay naghahanda na ng almusal. Nang lumingon siya at nakita siya ay malapad na itong ngumiti sa kanya. “Mr. Lim, ready na ang almusal.”Sumulyap si Andrew sa mesa at umupo. “Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng ito?”“Hmm. May nakita akong mga fresh ingredients sa ref, kaya pinakialaman ko na at ako na ang gumawa ng almusal. Ewan ko lang kung bagay at papasa sa panlasa niyo ni Lola ang mga niluto ko.” feeling maybahay ng sagot ni Chloe.Nagmamadaling iniabot sa kanya ni Chloe ang pinggan. Tinikman na iyon ni Andrew.“Masarap. Papasa na sa panlasa ko.”Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Chloe sa naging papuri ni Andrew. Subalit nang lumingon siya at nakita niya ang matandang babae na papalapit na, agad na napawi ang kanyang matingkad na mga ngiti. Nagpatuloy naman sa pagkain si Andrew na nang makita ang Lola ay binaba ang utensils upang harapin na ang m
Natakot si Angelica na makita siya ng dalawa, kaya naman nagtago siya sa ilalim ng mesa. Ngunit hindi sinasadyang natumba ang tasa ng tubig sa lamesa. Natapon ang tubig sa buong mesa, at tumulo sa gilid ng mesa sa kanyang buhok at manggas ng damit. Lumapit ang mga yabag, at lumitaw ang isang pares ng panlalaking leather na sapatos sa harapan ni Angelica, na sinundan ng boses ni Andrew mula sa itaas ng kanyang ulo. “Angelica? Anong ginagawa mo diyan?”Walang choice si Angelica kundi ang tumayo, tahimik na itinago ang tinapay sa likod niya, namumula na ang mukha sa sobrang hiya sa kanya. “Mr. Lim…”Huminto ang mga mata ni Andrew sa kanyang damit ng dalawang segundo. “Bakit hindi ka kumain?”“Ako? Hmm, hindi ako nagugutom.” pagsisinungaling sa kanya ni Angelica.Kabaligtaran ng sinabi niyang hindi siya gutom, tumunog doon ang kanyang tiyan. Nagmamadaling tinakpan ni Angelica ang kanyang tiyan gamit ang kanyang mga kamay, lalo pang namula ang mukha niya sa sobrang hiya sa kanyang
“Imposible iyon. Baka may gusto si Mr. Lim na isang binata sa katulad ni Angelica?”“Hindi iyan totoo. Sino ba naman ang magkakagusto sa college students? Baka kasi ang akala ni Mr. Lim ay pure pa siya kaya kinukuha ang loob niya.”“Bakit si Mr. Lim? Hindi ba pwedeng si Angelica ang kumakalantari sa amo natin?” singit na ng isa pa na bakas na ang labis na inggit sa kanyang katawan.“Ngunit hindi ba ipinagbabawal ng kumpanya ang mga relasyon sa opisina?”“Ano ka ba? Si Mr. Lim iyan! Ang mga patakaran ng kumpanya ay itinakda niya lahat para pigilan ang mga empleyado, at si Mr. Lim ay wala sa mga limitasyong iyon. Ibig sabihin ay pwede niyang gawin at baliin kung anuman ang rules na ginawa niya.”Hindi na nakilahok si Joriel sa usapan, ngunit kumuha ng litrato gamit ang kanyang mobile phone at ipinadala ito kay Chloe. Siguro dahil sanay na siyang magreklamo kay Chloe, kaya kahit na nagbitiw na ang babae ngayon, hindi pa rin mababago ni Joriel ang ugali na kausapin ito. Pagkatapos ipa
Nang ibinaba ang bintana ng kotse ay tumambad ang mukha ni Angelica sa paningin ni Andrew na puno na ng pagtataka kung bakit ginawa ng dalagang harangin siya. “Angelica? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ano pang ginagawa mo dito?”Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing tatawagin ni Mr. Lim ang kanyang pangalan, palaging may kaunting pag-aatubili si Angelica. Pinigilan niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso. “Mr. Lim, nakita mo na ba ang kumakalat na larawan sa grupo ng ating kumpanya?”“Ibig mong sabihin iyong litrato natin na palihim na kuha noong tanghali sa cafeteria?”“Opo…Mr. Lim.”“Nakita ko na. Ano bang meron doon?” Tiningnan ni Andrew ang kanyang mukha na kasing laki lang ng kanyang palad. “Nagdulot ba ito ng problema sa iyo? May nang-aaway ba sa iyon ng dahil dito?”Napahiya na doon si Angelica. Kung tutuusin, siya ang presidente ng kumpanya, kaya marapat lang na siya ang mahirapan at hindi siya ngunit siya pa talaga ang tinatanong ni Mr. Lim. Sa kanya pa ito ma
“Okay, sinabi mo iyan ha?” bahagyang ngumiti si Angelica na may iba ng tumatakbo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, “Kung gayon, gusto kong makipaghiwalay ka kay Patrick. Ano? Kaya mo bang gawin ang bagay na iyon ha? Sabi mo kahit na ano.”“Angelica, kahit na makipaghiwalay ako kay Patrick ngayon, hindi kayo magkakabalikan pa. Ano pang silbi noon? Wala na rin naman hindi ba?”“Tingnan mo na. Hindi mo kaya hindi ba?” hindi siya binigyan ni Angelica ng pagkakataon na magsalita ng walang kapararakan, “Kung hindi mo kaya, huwag kang magkunwari sa harapan ko na mabait ka. Ayokong nakikita kang kumilos ng masama.”Nagpalit si Angelica ng kanyang damit, kinuha ang kanyang bag, at binuksan ang pinto at umalis nang walang pakialam kung gaano kapangit ang mukha ni Jasmine. Tinadyakan ni Jasmine ng kanyang mga paa ang mesa at galaiting itinapon ang kanyang almusal sa basurahan. Halos manlisik na ang mga mata ni Jasmine noon.“Angelica, ano ang ipinagmamalaki mo? Kapag nakapasok ako sa o