Share

Kabanata 31

Mabilis na umalis ang sasakyan mula sa villa nina Mr. Lim. Halos mabali ang leeg na nakalingon doon si Chloe hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Hinarap na niya si Eldrew na abala ang mga mata sa binabagtas nilang kalsada.

“Hindi ko pa nakita ang matandang iyon mula nang dumating ako sa bahay ni Mr. Lim. Siya ba talaga ang Lola ni Mr. Lim?”

“Oo.” sagot ni Eldrew na abala pa rin sa kanyang pagmamaneho, “Ang matandang babae noon ay nakatira lang mag-isa. Sa pagkakataong ito siya ay may sakit. Nag-aalala si Mr. Lim sa kanyang pamumuhay mag-isa, kaya dinala na lang niya siya rito.”

Napasimangot na doon si Chloe. Mukhang magiging kontrabida pa yata ang matanda.

“Dito na ba siya titira habang nabubuhay?”

Walang mali sa tanong na binitawan ni Chloe, ngunit sa pandinig ni Eldrew ay iba ang dating ng tono noon na tila may bahid ng paghamak, kaya kumunot ang noo niya sa babae. Kung si Mr. Lim ang makakarinig noon, mamasamain iyon ng kanilang amo.

“Kailangan mong tan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status