“A-Angelica…” nauutal na turan na ni Jasmine.Sa itsura nito ay mukhang ito pa ang labis na naagrabyado, na para bang si Angelica pa ang gumawa ng mali at siya ang nasaktan ng babae. Hindi ito pinansin ni Angelica.“Dahil wala naman si Patrick dito, hindi mo kailangang kumilos ng maayos at mapagpanggap sa harapan ko. Huwag mong gamitin sa akin ang iyong hindi makontrol na emosyon bilang isang dahilan para sa iyong mga plano. Kung talagang umabot ka sa puntong hindi mo makontrol ang iyong emosyon, ano ang pagkakaiba mo sa isang hayop? Wala, Jasmine, wala.” dire-diretso pang patutsada ni Angelica sa kanya.Hindi inaasahan ni Jasmine na napakatalim niyang magsalita. Namutla na ang mukha ng babae nang mapagtanto niya ang bagay na iyon. Mukhang palaban na siya ngayon.“Angelica, maaari mong sabihin ang anumang gusto mo sa akin, ngunit huwag mo ng idamay pa si Patrick dito…ako na lang ang—”“Hindi ako interesadong pag-usapan ang tungkol sa iyo, lalo na si Patrick, Jasmine. Ano bang mapa
Saglit na nag-alinlangan doon si Elaiza. Doon kasi ang gustong kainan ng asawa niya.“Manlilibre namann si Fernan ngayon kahit walang okasyon. May bonus lang siyang natanggap, kaya hindi mo kailangang mag-isip ng malaking gastos. Siya ang magbabayad. Okay na? Huwag ka ng mag-alala, Angelica Malapit na kami doon. Magkita na lang tayo doon. Ingat ka!”“Okay…sige…”Nakaramdam ng pagkalito si Angelica ngunit sa huli ay pumayag na rin. Hindi sinasabi ni Angelica na kilalang-kilala niya na ang kanyang bayaw na si Fernan, ngunit alam niya ang 70% kung anong uri ito ng tao. Kung handa siyang gumastos ng napakaraming pera para i-treat sila sa isang mamahaling restaurant, tiyak may balak itong masama.Sumakay na si Angelica ng taxi upang magtungo na doon, ngunit hindi pa dumarating sina Elaiza at Fernan nang sapitin niya ang restaurant. Sinabi niya sa waiter na maghintay lang para sa order dahil may mga kasamahan pa siyang parating. Dinala siya ng waiter sa nakareserbang mesa, binigyan siya
“Celine…” saway na ni Jared na bahagyang nahiya sa pangre-realtalk nito.Hinila ni Jared ang kapatid at tiningnan ng masama. Napanguso na doon si Celine. “Sinasabi ko lang naman ang totoo at nakikita ko. Anong masama doon? Anyway, kung sasabihin mong girlfriend siya ni Kuya Andrew, hindi ako maniniwala! Unless…”“Maliban kung ano?”“Unless maghalikan sila sa harapan ko. Saka pa lang ako doon maniniwala.” panunubok na nito sa kanilang relasyon, batid niyang hindi iyon kayang gawin ni Andrew sa babae.Nanginginig na ang kamay ni Chloe na nakahawak pa rin sa baso ng juice. Hindi niya namamalayan na tumingin na siya kay Andrew. Hawak naman ni Andrew ang mobile phone sa kanyang kamay, tahimik na nakaupo, ngunit ang kanyang atensyon ay halatang wala sa lamesang iyon. Bahagyang itinagilid niya ang kanyang ulo upang tumingin sa isang banda. Sa kanyang anggulo, nakikita na lang niya ang mesa ni Angelica at ang kabiyak na mukha ng dalaga. Tahimik siyang nakaupo. Bagaman siya ay nasa isang
Mabilis ng tinapik ni Elaiza sa balikat ang asawa upang kunin ang kaniyang atensyon. Hindi niya na nagugustuhan ang pinagsasabi ni Fernan sa kanyang kapatid.“Anong kalokohan ang sinasabi mo?”“Paano ito naging kalokohan? Kung ang lalaking iyon at kapatid mo ay wala namang asawa at umibig kay Angelica, ito ay isang malaking karangalan para sa inyong pamilya. Hindi ka ba doon masaya ha? Makakaahon na kayo kung nasaan kayo ngayon.”Tahimik na nakinig lang si Angelica. Kung alam niya lang na ganitoa ng mangyayari. Hindi na sana siya sumama sa kanila. Nagtanong siya pagkatapos magsalita ni Fernan. “Bayaw, kaya ba inimbitahan mo akong kumain ngayon para lang pag-usapan ito?”Huminto si Fernan sa pagsasalita, tumawa lang ito para mas mainis pa si Angelica.“Nabalitaan ko rin na ang presidente doon ay nagre-recruit ng mga kasosyo, na nagkataong katugma para sa bagong proyekto na binuo ng aming kumpanya. Angelica, maaari mo bang tulungan ang bayaw mo na makipag-ayos at makakuha ng isan
“Oh, Angelica…” banayad na banggit ni Andrew sa pangalan niya, nakaramdam pa ng hiya sa kanila si Angelica. “May kailangan ka ba?”Tumayo ng tuwid si Angelica, hindi maiwasang biglang makaramdam ng hiya. Ganunpaman ay kailangan niyang kapalan ang mukha upang makaalis na rin siya doon.“Hinahanap ko si Chloe…Mr. Lim…”“Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?” mabilis na tanong ni Andrew, halatang mahalaga ang pangangailan ng babae sa kanyang kasama.Itinaas ni Patrick ang dulo ng kanyang isang kilay at tiningnan siya ng makahulugan. Naisip ni Angelica na hindi mahalaga kung kanino siya makakahiram ng pera. Ang mahalaga ay mabayaran na niya ang kinain nila. Isa pa babayaran din naman niya iyon. “Mr. Lim, pwede bang makahiram ng pera sa iyo?”“Magkano?” mabilis nitong sagot na hindi na kinailangan pa ng paliwanag.“Isang libo.”“Paano ko ito ibibigay sa iyo? Bank transfer? O gusto mo ng cash?” Hindi man lang nagtanong si Andrew kung para saan iyon kaya siya humihiram. Bigla tuloy
“Okay,” malapad ang ngiting tango ni Chloe, bakas na ang excited sa katawan. “Sige…ikaw ang bahala, Mr. Lim.”Nagpatuloy na sinundan ng magkapatid ang sasakyan hanggang sa makita nila sina Andrew at Chloe na bumaba ng sasakyan at magkasabay na pumasok sa loob ng villa ng lalaki. Tumingin si Jared sa kanyang kapatid. Nagtatanong na ang mga mata nito.“Ano? Naniniwala ka na ba ngayon? Pumasok na sila sa loob.”“Hindi pa rin!” mukhang mas nagalit pa si Celine sa kanyang nakita, “Tiyak na may daya dito! Kuya Jared, dito muna tayo mananatili kahit na ngayong gabi lang, sigurado akong aalis ang babaeng iyon sa kalagitnaan ng gabi oras na umalis na tayo.”“Celine, ano ka ba? Ang daming isda sa dagat, hindi na natin kailangang magtiis dito. Maghanap ka na lang ng iba. At saka anong pakialam natin sa kanila? Tama na. Tanggapin mo na lang!” si Jared na iniisip pa lang magpapalipas ng gabi sa kotse ay nahihirapan na siya. Ganunpaman ay mukhang determinado si Celine na gawin ang kanyang gust
“Maling kwarto ang napuntahan?” hindi kumbinsido ang matandang babae, hindi siya pinanganak kahapon lang. “Hindi. Imposible iyang rason mo. Nakakaloko na sinadya mong pumunta sa maling silid? Sa kalagitnaan ng gabi, pumuslit ka sa silid ng ibang tao. Okay lang sana kung namali ka, pero bakit naghubad? Anong kalokohan iyon? Niyakap mo pa ako nang mahigpit. Sino ang nakakaalam kung ano ang gusto mong gawin sa ganung action ha? Huwag ka ngang sinungaling babae ka!”“Hindi…maling kwarto talaga ang napuntahan ko...maniwala po kayo.” Humihingal na nagpatuloy na umiyak si Chloe, nakaramdam ng matinding hinanakit. Nang makita siyang ganito, hindi na siya masisisi ni Andrew. Nangyari rin kasi ito sa kanilang dalawa noon. Ang kaibahan lang, may alak sa kanilang katawan kung kaya naman nauunawaan ni Andrew ang hinaing ni Chloe. Naiintindihan niya ang punto nito.“Lola, paumanhin po kung nangyari ito. Kasalanan ko ang lahat. Normal lang na hindi pamilyar si Chloe sa lugar dahil ito ang unang b
Lumalabas na wala siyang physiological reaction kay Chloe, ni kahit katiting na interes. Pagbaba niya sa unang palapag, si Chloe ay naghahanda na ng almusal. Nang lumingon siya at nakita siya ay malapad na itong ngumiti sa kanya. “Mr. Lim, ready na ang almusal.”Sumulyap si Andrew sa mesa at umupo. “Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng ito?”“Hmm. May nakita akong mga fresh ingredients sa ref, kaya pinakialaman ko na at ako na ang gumawa ng almusal. Ewan ko lang kung bagay at papasa sa panlasa niyo ni Lola ang mga niluto ko.” feeling maybahay ng sagot ni Chloe.Nagmamadaling iniabot sa kanya ni Chloe ang pinggan. Tinikman na iyon ni Andrew.“Masarap. Papasa na sa panlasa ko.”Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Chloe sa naging papuri ni Andrew. Subalit nang lumingon siya at nakita niya ang matandang babae na papalapit na, agad na napawi ang kanyang matingkad na mga ngiti. Nagpatuloy naman sa pagkain si Andrew na nang makita ang Lola ay binaba ang utensils upang harapin na ang m