Pagkatapos magtanong ni Mr. Lim ay natigilan na lang si Angelica sa kanyang pwesto. Hindi niya akalain na sasabihin ng amo ang mga salitang ito sa kanya. Napaisip pa siya kung nakainom ba siya ng sobra at nagkaroon ng biglaang hallucinations? Kung hindi, ay paano nasabi ni Mr. Lim ng walang kurap ang mga bagay na iyon sa kanya?“M-Mr. Lim?” Saglit ‘ding natigilan si Andre, na parang hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang magiging reaksyon niya. Nang makita niya itong pasuray-suray sa gilid na may hindi matatag na mga hakbang, hindi niya namamalayan na inabot niya ito upang tulungan siyang huwag doong matumba. Mainit sa pribadong silid na pinanggalingan nila, at matagal nang hinubad ni Angelica ang kanyang suot na jacket. Sa sandaling ito, nakasuot lamang siya ng maikling manggas na kamiseta, na nagpapakita ng mapuputi niyang mga braso. Nang hawakan siya ni Andrew, naramdaman niyang mainit at malambot ang balat sa ilalim ng palad niya. Agad na bumalik sa isip niya ang gabing iyon
Sa pagkakataong iyon ay mag-isa lang siyang pumunta at inimbitahan ng amo. Isa itong kakaibang karangalan para kay Chloe na siyang nagpalaki pa dito ng ulo. Inabutan siya ni Andrew ng isang pares ng tsinelas sa may pintuan ng villa. Pagpasok na pagpasok pa lang nila sa sala ng villa ay agad na siyang niyakap ni Chloe mula sa likuran, nanginginig ang boses nito sa labis na pananabik na matikman ang katawan.“Mr. Lim...huwag mo sanang buksan muna ang ilaw…” Kanina pa nagtitimpi si Mr. Lim at dahil sa tinig na iyon ni Chloe na puno ng pag-uudyok ay bigla na lang uminit ang kanyang ulo. Nilingon niya ito gamit ang nagdidilim na mga mata, walang anumang salitang lumabas sa bibig na mahigpit na nitong hinawakan ang pulso ng babae at marahas na hinila niya na patungo ng malapit na sofa. “Mr. Lim...ohhh…Mr. Lim…” wala pa man itong ginagawa ay ungol na ni Chloe sa gitna ng kadiliman. Makailang beses pang inulit iyon ng babae na sa pandinig ni Mr. Lim ay banayad at kasing lambot ng tubig. H
Mabilis na umalis ang sasakyan mula sa villa nina Mr. Lim. Halos mabali ang leeg na nakalingon doon si Chloe hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Hinarap na niya si Eldrew na abala ang mga mata sa binabagtas nilang kalsada. “Hindi ko pa nakita ang matandang iyon mula nang dumating ako sa bahay ni Mr. Lim. Siya ba talaga ang Lola ni Mr. Lim?”“Oo.” sagot ni Eldrew na abala pa rin sa kanyang pagmamaneho, “Ang matandang babae noon ay nakatira lang mag-isa. Sa pagkakataong ito siya ay may sakit. Nag-aalala si Mr. Lim sa kanyang pamumuhay mag-isa, kaya dinala na lang niya siya rito.”Napasimangot na doon si Chloe. Mukhang magiging kontrabida pa yata ang matanda. “Dito na ba siya titira habang nabubuhay?” Walang mali sa tanong na binitawan ni Chloe, ngunit sa pandinig ni Eldrew ay iba ang dating ng tono noon na tila may bahid ng paghamak, kaya kumunot ang noo niya sa babae. Kung si Mr. Lim ang makakarinig noon, mamasamain iyon ng kanilang amo.“Kailangan mong tan
Sa kabilang banda, sinundan ni Eldrew si Mr. Lim palabas at bahagyang sumulyap sa loob upang makita lang na walang tao ang mesa ni Angelica. Huminto siya upang magtanong at hanapin kung nasaan ang dalaga.“Nasaan si Angelica?”Maang-maangang tumayo na doon si Joriel. “Hindi ko alam. Parang may hawak siyang tambak na mga dokumento kanina. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.” pagsisinungaling pa nito sa kanya.“Naku naman, ang pasaway! Hindi ba at sinabi ko sa kanya na maghanda siya at lalabas siya kasama si President Lim? Saan pa iyon pumunta? Talaga naman!” Tiningnan ni Eldrew ang mukha ni Mr. Lim na biglang naging seryoso na. Kinasusuklaman pa naman nito ang mga taong hindi nasa tamang oras ng pinag-usapan nila at iyong ang daming ikot. Lingid sa kaalaman nilang dalawa na sa ganoong mahalagang sandali, gumagawa pa rin ng paraan si Angelica para makalabas ng naturang room. Itinaas ni Andrew ang kanyang isang bisig para tingnan na ang oras. “Tawagan mo siya ngayon at itanong
Napaawang na ang bibig ni Angelica nang makita ng boss na nasa harapan niya.“Hindi ba ikaw ang naroon sa loob ng iyong opisina?” Lumingon si Angelica at tumingin sa malaking upuan, nalaman lamang niya na may ibang lalaki pala na nakaupo doon. Agad na ginapangan ng takot si Angelica. “Mr. Salazar?”Si Jared Salazar ay ang pangmatagalang business partner ni Mr. Lim at isang mabuting kaibigan din niya rin ang binata. Hindi siya madalas pumupunta sa kumpanya, ngunit ilang beses na siyang nakita ni Angelica mula sa malayo at naaalala siya dahil sa kanyang natatanging hitsura. Gwapo ang binata, matikas din ang pangangatawan nito.Todo amin pa siya kanina pero maling tao pala ang nakarinig ng lahat noon?Ito ay naging walang kabuluhan lang!May hawak na dokumento si Andrew sa kamay, at tila kagagaling lang sa isang meeting. Ang kanyang mga mata ay bumagsak sa mukha ni Angelica, at nang makita niya ang mga pula sa sulok ng kanyang mga mata, ang kanyang puso ay tila bahagyang piniga s
“Kung ganun ay sino iyon?” puno ng tsismis ang mukha ni Jared nang itanong iyon.“Hindi mo siya kilala.”Lumabas ng opisina si Jared na puno ng pag-aalinlangan nang wala ng masabi kay Andrew. Punong-puno pa rin ng pagkalito ang kanyang mukha. Iniisip kung sino ang tinutukoy na girlfriend ni Andrew. Kailangan niyang malaman kung sino ang babae.“Mr. Salazar...” Lumapit si Joriel nang makita siya. Nakabalandra sa labi ang friendly na ngiti.“Ihahatid na kita sa labas.”Umiling si Jared at itinuro ang isang sulok kung saan patungo iyon sa table ni Angelica.“Hayaan mong siya ang maghatid sa akin.”Napalingon na ang lahat sa banda ng babae na agad nakatanggap ng bagyo ng mga mata mula sa lahat ng mga nakarinig. Sa ilalim ng nakamamatay na mga mata ni Joriel ay suklam na suklam na siya sa babae. Agad namang tumalima si Angelica sa utos sa kanya. Pinindot niya ang elevator button at sumakay na doon kasama si Jared. Nang sumara ang pinto ng elevator, nagtanong si Jared. “Ano ang
“A-Angelica…” nauutal na turan na ni Jasmine.Sa itsura nito ay mukhang ito pa ang labis na naagrabyado, na para bang si Angelica pa ang gumawa ng mali at siya ang nasaktan ng babae. Hindi ito pinansin ni Angelica.“Dahil wala naman si Patrick dito, hindi mo kailangang kumilos ng maayos at mapagpanggap sa harapan ko. Huwag mong gamitin sa akin ang iyong hindi makontrol na emosyon bilang isang dahilan para sa iyong mga plano. Kung talagang umabot ka sa puntong hindi mo makontrol ang iyong emosyon, ano ang pagkakaiba mo sa isang hayop? Wala, Jasmine, wala.” dire-diretso pang patutsada ni Angelica sa kanya.Hindi inaasahan ni Jasmine na napakatalim niyang magsalita. Namutla na ang mukha ng babae nang mapagtanto niya ang bagay na iyon. Mukhang palaban na siya ngayon.“Angelica, maaari mong sabihin ang anumang gusto mo sa akin, ngunit huwag mo ng idamay pa si Patrick dito…ako na lang ang—”“Hindi ako interesadong pag-usapan ang tungkol sa iyo, lalo na si Patrick, Jasmine. Ano bang mapa
Saglit na nag-alinlangan doon si Elaiza. Doon kasi ang gustong kainan ng asawa niya.“Manlilibre namann si Fernan ngayon kahit walang okasyon. May bonus lang siyang natanggap, kaya hindi mo kailangang mag-isip ng malaking gastos. Siya ang magbabayad. Okay na? Huwag ka ng mag-alala, Angelica Malapit na kami doon. Magkita na lang tayo doon. Ingat ka!”“Okay…sige…”Nakaramdam ng pagkalito si Angelica ngunit sa huli ay pumayag na rin. Hindi sinasabi ni Angelica na kilalang-kilala niya na ang kanyang bayaw na si Fernan, ngunit alam niya ang 70% kung anong uri ito ng tao. Kung handa siyang gumastos ng napakaraming pera para i-treat sila sa isang mamahaling restaurant, tiyak may balak itong masama.Sumakay na si Angelica ng taxi upang magtungo na doon, ngunit hindi pa dumarating sina Elaiza at Fernan nang sapitin niya ang restaurant. Sinabi niya sa waiter na maghintay lang para sa order dahil may mga kasamahan pa siyang parating. Dinala siya ng waiter sa nakareserbang mesa, binigyan siya
Hindi naglaon, nakasama ni Jessica si Jared na uminom na parang inuming tubig lang ang alak at sobrang saya nilang nag-uusap na dalawa. Noong una, nag-aalala si Angelica kay Jessica, sa pag-aakalang bilang isang babae, tiyak na malalasing siya pagkatapos ng ilang sandali. Pinatunayan ng mga katotohanan na minamaliit niya si Jessica. Ang dami niyang nainom, pero hindi man lang namumula ang mukha niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Angelica, at naanod ang kanyang mga mata at nahulog kay Andrew. Kanina pa siya nakaupo, at bagamat maraming ingay at musika sa private room, mukhang hindi siya naapektuhan. Nakaupo lang siya at parang hindi niya kakayanin ang excitement na nasa harapan niya. Kung may kumausap sa kanya, magalang siyang magsasabi ng ilang salita, ngunit hindi siya nagkukusa na makipag-usap sa iba, at tahimik na umiinom nang mag-isa. Napaka-nonchalant nito.Tumingin si Angelica sa kanyang likuran at hindi maipaliwanag na naramdaman na siya ay lubos na nag-iisa. Sa sandali
Pagkatapos magpalit ng damit, inilabas siya ni Jessica sa pinagdalhang dressing room. Hindi tulad ng madilim at simpleng daanan ng mga empleyado, sa pagkakataong ito nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang isang pasilyo na puno ng karangyaan. Maging ang halimuyak sa hangin ay puno ng karangyaan. Ito ay ang first time ni Angelica na pumunta sa ganoong klase ng lugar. Siya ay labis na kinakabahan, tulad ng pananabik ng isang bata na palihim na pumupunta sa isang Internet cafe o parke upang maglaro nang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang. Pagdating nila sa pinto, inabot ni Jessica at kumatok sa pinto, sabay hilig ng ulo para ipaalala sa kanya. “Maging matalino at sweet-mouthed ka mamaya sa lahat ng customer mo. Kung may tip para sa iyo, kunin mo iyon. Huwag kang mahihiya. Bigay nila iyon sa iyo. Okay?”Nakinig nang mabuti si Angelica at tumango upang isa-isang tandaan. Bagama't marami na siyang ginawang sikolohikal na paghahanda, nang bumukas ang pinto, hindi mapigilan ni Angel
“Hindi naman ako nagpapaka-espesyal, Joriel.” bulong ni Angelica na bahagyang napayuko na, “May importante lang talaga akong lakad ngayong gabi. Kung narito naman na ang lahat ng impormasyon na kailangan, pwede bang gawin ko na lang ito bukas ng umaga? Aagahan ko na lang pumasok.”Tumaas na naman ang kilay ni Joriel sa kanya. “Okay! Wala akong pakialam kung kailan mo gawin. Basta sinabi ko na sa’yong may meeting bukas ng 8:30 ng umaga at kailangan iyan doon. Kung hindi mo gagawin ngayon, bahala ka. Huwag kang gumawa ng dahilan na ikakapahamak ng iyong sarili.”Tumango lang si Angelica. “Salamat.”“Tsk~” Umikot si Joriel at tumalikod na sa kanya. Hindi na nagtagal si Angelica at nagmadali ng hanapin si Jessica sa tagpuang sinabi nito sa kanya. Pagtingin pa lang sa high-end na entertainment club na may matingkad na ilaw at nagpipiyesta sa harap niya, ang ambisyon ni Angelica, na kaka-alab pa lang ay agad na naglaho ng mga sandaling ito.“Ano? Hindi mo na kaya? Natatakot ka na b
Nang oras na para sa tanghalian, kumuha si Angelica ng tinapay at tubig at pumunta sa hagdanan. Higit sa lahat dahil natatakot siyang makita siya ni Andrew at dalhin na naman siya sa cafeteria para sa tanghalian tulad ng ginawa niya kahapon. Kaunti lang ang tao sa hagdanan, at napakatahimik. Habang kumakain ng tinapay, binuklat ni Angelica ang address book sa kanyang cellphone. Pagkaraan ng dalawang beses na pagkalikot nito, nalaman niyang walang sapat na pamilyar sa kanya para humingi ng tulong. Manghihiram siya at babayaran na lang niya oras na dumating ang sahod niya.Mayroon nang 99 na mga mensahe ng grupo sa naka-block sa kanya ng mga kaklase. Si Angelica ay karaniwang hindi kilala at tahimik lang sa grupo. Si Jasmine ang humila sa kanya sa grupong ito kaya wala talaga siyang kaalam-alam. Wala siyang interes dito at direktang hinarang ang mga mensahe ng grupo upang hindi makaabala sa kanya. Sa sandaling ito, nag-click siya para sa ilang kadahilanan. Napakaraming mensahe doon. D
“Okay, sinabi mo iyan ha?” bahagyang ngumiti si Angelica na may iba ng tumatakbo sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, “Kung gayon, gusto kong makipaghiwalay ka kay Patrick. Ano? Kaya mo bang gawin ang bagay na iyon ha? Sabi mo kahit na ano.”“Angelica, kahit na makipaghiwalay ako kay Patrick ngayon, hindi kayo magkakabalikan pa. Ano pang silbi noon? Wala na rin naman hindi ba?”“Tingnan mo na. Hindi mo kaya hindi ba?” hindi siya binigyan ni Angelica ng pagkakataon na magsalita ng walang kapararakan, “Kung hindi mo kaya, huwag kang magkunwari sa harapan ko na mabait ka. Ayokong nakikita kang kumilos ng masama.”Nagpalit si Angelica ng kanyang damit, kinuha ang kanyang bag, at binuksan ang pinto at umalis nang walang pakialam kung gaano kapangit ang mukha ni Jasmine. Tinadyakan ni Jasmine ng kanyang mga paa ang mesa at galaiting itinapon ang kanyang almusal sa basurahan. Halos manlisik na ang mga mata ni Jasmine noon.“Angelica, ano ang ipinagmamalaki mo? Kapag nakapasok ako sa o
Nang ibinaba ang bintana ng kotse ay tumambad ang mukha ni Angelica sa paningin ni Andrew na puno na ng pagtataka kung bakit ginawa ng dalagang harangin siya. “Angelica? Bakit hindi ka pa umuuwi? Ano pang ginagawa mo dito?”Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing tatawagin ni Mr. Lim ang kanyang pangalan, palaging may kaunting pag-aatubili si Angelica. Pinigilan niya ang kakaibang pintig ng kanyang puso. “Mr. Lim, nakita mo na ba ang kumakalat na larawan sa grupo ng ating kumpanya?”“Ibig mong sabihin iyong litrato natin na palihim na kuha noong tanghali sa cafeteria?”“Opo…Mr. Lim.”“Nakita ko na. Ano bang meron doon?” Tiningnan ni Andrew ang kanyang mukha na kasing laki lang ng kanyang palad. “Nagdulot ba ito ng problema sa iyo? May nang-aaway ba sa iyon ng dahil dito?”Napahiya na doon si Angelica. Kung tutuusin, siya ang presidente ng kumpanya, kaya marapat lang na siya ang mahirapan at hindi siya ngunit siya pa talaga ang tinatanong ni Mr. Lim. Sa kanya pa ito ma
“Imposible iyon. Baka may gusto si Mr. Lim na isang binata sa katulad ni Angelica?”“Hindi iyan totoo. Sino ba naman ang magkakagusto sa college students? Baka kasi ang akala ni Mr. Lim ay pure pa siya kaya kinukuha ang loob niya.”“Bakit si Mr. Lim? Hindi ba pwedeng si Angelica ang kumakalantari sa amo natin?” singit na ng isa pa na bakas na ang labis na inggit sa kanyang katawan.“Ngunit hindi ba ipinagbabawal ng kumpanya ang mga relasyon sa opisina?”“Ano ka ba? Si Mr. Lim iyan! Ang mga patakaran ng kumpanya ay itinakda niya lahat para pigilan ang mga empleyado, at si Mr. Lim ay wala sa mga limitasyong iyon. Ibig sabihin ay pwede niyang gawin at baliin kung anuman ang rules na ginawa niya.”Hindi na nakilahok si Joriel sa usapan, ngunit kumuha ng litrato gamit ang kanyang mobile phone at ipinadala ito kay Chloe. Siguro dahil sanay na siyang magreklamo kay Chloe, kaya kahit na nagbitiw na ang babae ngayon, hindi pa rin mababago ni Joriel ang ugali na kausapin ito. Pagkatapos ipa
Natakot si Angelica na makita siya ng dalawa, kaya naman nagtago siya sa ilalim ng mesa. Ngunit hindi sinasadyang natumba ang tasa ng tubig sa lamesa. Natapon ang tubig sa buong mesa, at tumulo sa gilid ng mesa sa kanyang buhok at manggas ng damit. Lumapit ang mga yabag, at lumitaw ang isang pares ng panlalaking leather na sapatos sa harapan ni Angelica, na sinundan ng boses ni Andrew mula sa itaas ng kanyang ulo. “Angelica? Anong ginagawa mo diyan?”Walang choice si Angelica kundi ang tumayo, tahimik na itinago ang tinapay sa likod niya, namumula na ang mukha sa sobrang hiya sa kanya. “Mr. Lim…”Huminto ang mga mata ni Andrew sa kanyang damit ng dalawang segundo. “Bakit hindi ka kumain?”“Ako? Hmm, hindi ako nagugutom.” pagsisinungaling sa kanya ni Angelica.Kabaligtaran ng sinabi niyang hindi siya gutom, tumunog doon ang kanyang tiyan. Nagmamadaling tinakpan ni Angelica ang kanyang tiyan gamit ang kanyang mga kamay, lalo pang namula ang mukha niya sa sobrang hiya sa kanyang
Lumalabas na wala siyang physiological reaction kay Chloe, ni kahit katiting na interes. Pagbaba niya sa unang palapag, si Chloe ay naghahanda na ng almusal. Nang lumingon siya at nakita siya ay malapad na itong ngumiti sa kanya. “Mr. Lim, ready na ang almusal.”Sumulyap si Andrew sa mesa at umupo. “Ikaw lang ba ang gumawa ng lahat ng ito?”“Hmm. May nakita akong mga fresh ingredients sa ref, kaya pinakialaman ko na at ako na ang gumawa ng almusal. Ewan ko lang kung bagay at papasa sa panlasa niyo ni Lola ang mga niluto ko.” feeling maybahay ng sagot ni Chloe.Nagmamadaling iniabot sa kanya ni Chloe ang pinggan. Tinikman na iyon ni Andrew.“Masarap. Papasa na sa panlasa ko.”Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Chloe sa naging papuri ni Andrew. Subalit nang lumingon siya at nakita niya ang matandang babae na papalapit na, agad na napawi ang kanyang matingkad na mga ngiti. Nagpatuloy naman sa pagkain si Andrew na nang makita ang Lola ay binaba ang utensils upang harapin na ang m