Napakalabo ng sagot ni Chloe kay Joriel. Napagtanto naman agad ni Joriel na iba ang suot ng dalaga ngayon. "Bakit ka pumunta dito na nakasuot ng gan’yan?" Ang kumpanya nila ay may isang patakaran na nangangailangang pormal lamang ang kasuotan kapag pumapasok ang mga empleyado. Kadalasan ay pumapasok si Chloe na pormal ang kasuotan at sumusunod palagi sa mga tuntunin at patakaran ng kompanya ngunit ngayon ay nakasuot ang dalaga ng navy blue na palda, makapal na makeup, at alahas na para bang iba ng tao ito. Ngumiti si Chloe at nagsalita, "Narito ako para mag-resign." "Mag-resign?!" Nagulat ang lahat. Kinuha ni Joriel ang kamay ni Chloe at nagtanong ng napakarami.Sumagot naman ng tipid si Chloe. Hindi pa rin makapaniwala si Joriel sa sinabi ng kaibigan, "Nagbibiro ka ba?" "Hindi. Kinompleto ko na ang proseso ng resignation ko. Magkatrabaho tayo ng ilang taon kaya naman ay ililibre ko ang lahat ng hapunan mamayang gabi! Pinost ko na rin ang lokasyon sa ating group chat.
Ang biglaang pagtunog ng cellphone ni Angelica ang bumulaga sa kan’ya hindi lamang sa kanya, kung ‘di pati na rin kina Joriel at Chloe sa labas. Sinadya ng dalawang magkaibigan na umiwas sa lahat at pumunta sa banyo upang makapag-usap ng personal ngunit hindi nila inaasahan na may tao pala sa loob ng banyo. Uminit naman ang ulo ni Joriel at kumatok sa pinto pagkalapit niya, "Sino ang nasa loob?"Ilang segundo ang nakalipas, bumukas ang pinto ng maliit na cubicle at lumabas si Angelica. "Ikaw?" Nakita ni Joriel si Angelica, tila tumaas ang balahibo ng dalaga sa katawan, "Bakit ka nagtatago sa banyo at nakikinig ka ba sa usapan namin?" "Nagkakamali ka, hindi ko naman alam na papasok kayo, pumunta ako rito upang magbanyo lamang," sagot ni Angelica at naglakad patungo sa lababo. Lumapit naman si Joriel at hinawakan si Angelica, "Angelica, wala akong pakialam kung ano ang mayroon sa inyo Mr. Lim, pero ang maipapayo ko sa iyo, maging matapat ka lamang, kung hindi, marami akong par
Walang choice si Angelica kung ‘di ang sumakay sa kotse at umupo sa passenger seat.Tuloy-tuloy ang ingay mula sa likuran ngunit tila bingi ang driver at nakatutok lamang sa pagmamaneho. Gusto niyang bigyan ng isang thumbs up ang driver ngunit nang tumingala siya, nasagi ng kanyang mga mata ang rearview mirror sa loob ng kotse at nakasalubong niya ang madilim na tingin ng lalaki sa likuran.Tila ba nakonsensya at nahiya si Angelica kaya tumingin siya sa labas ng bintana.Makalipas ang sampung minuto, nakarating sila sa destinasyon.Nagbayad agad si Angelica ng pamasahe, bumaba ng sasakyan na para bang may tinatakasan at tumakbo papasok sa restaurant nang hindi na lumilingon pa.Hindi niya napansin na may nakasunod na palang tingin mula sa kan’yang likuran...-Nang dumating si Angelica, kita niya si Chloe na napapaligiran ng isang grupo ng mga kababaihan habang naghihiwa ng cake. Mabilis na hinati nito ang cake at agad na nakita siya ni Chloe saka iniabot sa kan’ya ang isang
Ito ang unang pagkakataon na dumalo si Mr. Andrew Lim sa isang despidida ng isang empleyado. Nakaupo sa isang sulok si Angelica at kumakain ng cake. Narinig naman niya ang ilang bulong-bulongan ng mga dalaga sa tabi. "Hindi ako makapaniwala na pinahahalagahan ni Mr. Lim si Chloe? Noong nakaraan, may mga kasamahan naman tayong nag-resign, sama-sama tayong naghapunan ngunit hindi gan’to kabongga ng katulad kay Chloe. Inimbitahan din ng mga ito si Mr. Lim ngunit mabilis nitong tinanggihan ang imbitasyon. Paano napa-oo ni Chloe si Mr. Lim?" "Oo nga, sa tingin ko parang may mali. Karaniwang empleyado lang naman si Chloe at wala namang kaambag-ambag sa kompanya.""Hoy, napansin mo ba? Palaging nakatingin si Chloe kay Mr. Lim ngayong gabi. Bakit parang may tinatagong relasyon ang dalaga?" "Hindi kaya? Maganda rin naman si Chloe ngunit pangkaraniwan lamang ang mukha nito. Hindi talaga sila bagay ni Mr. Lim." "Sa tingin ko, hindi rin talaga sila bagay. Ang isang lalaking tulad ni
Natahimik ang lahat sa tinurang iyon ni Robert. Marahan siyang sinundot sa tagiliran ng katabi niyang si Joriel gamit ang kanyang siko upang sana ay sawayin pa siyang magsalita. “Hinay-hinay sa pananalita, mga kasamahan ko silang lahat sa trabaho. Sa tingin mo ba ay pareho silang lahat ng mga kaibigan mo?” Napakunot na doon ang noo si Robert, ngunit wala itong ibang sinabi. Nagpatuloy pa ang kanilang laro ngunit ni isang salita ay walang sumagi sa isipan niya na maaaring mamutawi sa bibig niya. Sa pagkakataong ito, nakuha ni Robert ang ‘main card’, na nangangahulugang kailangan niyang magbigay ng mga instructions at magtanong sa ibang mga kasama nila. Ang taong nakakuha naman ng ‘truth or dare card’ ay si Joriel. Matamis na tiningnan na ni Robert ang babae.“Ang pipiliin ko ay ang truth or dare, ano ang tanong mo?”Bahagyang kinagat na ni Robert ang kanyang labi at dalawang beses na itinapik ang kanyang mga daliri sa gilid ng kinaroroonan nilang lamesa. Makikita sa mukha niyang p
Kung mapapalitan ang card ni Angelica, maiiwasan ang pag-atake ni Robert sa kanya ng abnormal nitong mga instructions, ngunit paano naman doon si Mr. Lim?Sa sandaling ito, kinuyom na ni Angelica ang mga card sa kanyang kamay, ang kanyang nasa isip ng mga sandaling iyon ay ang umayaw at tumatakbo na lang para tumakas. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung paano niya gagawin ng hindi siya mapapansin.“Angelica?” biglang hinawakan ng intrimitidang si Chloe ang magkabilang balikat niya, kaya naman hindi magawa ng dalaga ang anumang pina-plano niya. “Saan ka pa pupunta? Ikaw na ang magpapakita ng card mo kay Robert.”Huminga nang malalim si Angelica at ipinakita na ang card sa nasa kanyang kamay.“Oh, ang truth?” nagliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Joriel nang makita niya ang card hawak ngayon ni Angelica. Kahit siya ay hindi nakayanan ang mga tanong ni Robert, ngayon pati pala si Angelica ay natatakot na baka gumawa siya ng mas malaking katangahan kaysa sa kanya.Ang iba sa mga kal
Sa pagkakataong ito ay sinunod niya ang proseso ng laro, kaya walang nagsabi ng anumanng masama sa kanya. Uminom si Angelica ng isa pang baso ng white wine. Habang wala pang epekto ang alak, mabilis na siyang tumayo mula sa kanyang upuan. Kailangan niyang makaalis doon ngayon anuman ang mangyari. Hindi pwedeng manatili siya tapos ganitong card na naman ang makuha niya. Kailangan niyang umiskapo bago pa muling makapagsimula ang panibagong round ng kanilang laro. “Pupunta lang ako sa banyo, kayo na lang muna ang maglaro.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang lumabas ng private room. Hindi na hinintay ang pagpayag ng kanyang mga kasamahan. Pagkaalis ni Angelica ay muling nagtanong si Robert. “Sino ang nakakakuha ng dare? Ipakita mo na.”Ipinakita ng lahat ang kanilang mga card, at ang nakakuha noon ay si Mr. Lim. Tiningnan ni Robert ang kanyang card at bahagyang ngumiti sa kanyang sarili. “Mr. Lim, kaya mo ba?” tunog nang-aasar iyong hamon sa kanya.Sumandal si Mr. Lim sa kanyang
Pagkatapos magtanong ni Mr. Lim ay natigilan na lang si Angelica sa kanyang pwesto. Hindi niya akalain na sasabihin ng amo ang mga salitang ito sa kanya. Napaisip pa siya kung nakainom ba siya ng sobra at nagkaroon ng biglaang hallucinations? Kung hindi, ay paano nasabi ni Mr. Lim ng walang kurap ang mga bagay na iyon sa kanya?“M-Mr. Lim?” Saglit ‘ding natigilan si Andre, na parang hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang magiging reaksyon niya. Nang makita niya itong pasuray-suray sa gilid na may hindi matatag na mga hakbang, hindi niya namamalayan na inabot niya ito upang tulungan siyang huwag doong matumba. Mainit sa pribadong silid na pinanggalingan nila, at matagal nang hinubad ni Angelica ang kanyang suot na jacket. Sa sandaling ito, nakasuot lamang siya ng maikling manggas na kamiseta, na nagpapakita ng mapuputi niyang mga braso. Nang hawakan siya ni Andrew, naramdaman niyang mainit at malambot ang balat sa ilalim ng palad niya. Agad na bumalik sa isip niya ang gabing iyon