Ang balat ng babae ay napakaputla at ang mga markang nasa balat nito ay parang sariwa pa. Ang mga gilid nito ay unti-unting lumabo, ngunit hindi ganap na kumupas. Nang makita ni Andrew ang mga iyon, nagbago ang kanyang ekspresyon. Itinuon niya ang kanyang tingin kay Chloe, at ang kanyang aura ay hindi na maintindihan. "Saan nanggaling ang mga markang ito sa iyong katawan?" “Mr. Lim…” Takot na takot si Chloe sa inasta ng binata at nagpa-panic nitong inayos ang damit gamit ang mga kamay. Sa pagharap sa pagtatanong ng amo, sadyang umiiwas mga mata ng dalaga.Hinawakan ni Andrew ang pulsohan ng babae at pinisil ang panga nito gamit ang kanyang mga kamay. “Sabihin mo sa akin! Saan ito nanggaling?” Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Chloe mula sa gilid ng mga mata, ngunit napakagat ito sa labi at hindi umimik. “Eldrew!” sigaw ni Andrew at malamig na nagsalita, "Dito ka lang at tapusin ang nasa loob." “Oo.” Tumango si Eldrew. Kinaladkad ni Andrew si Chloe hanggang sa elevat
Matanda na ang Lola niya at ang pinakamalaking hiling nito ay maikasal siya sa lalong madaling panahon. Una ay wala siyang plano sa bagay na iyon ngunit ngayon na umabot na siya gantong pangyayari, tama sigurong bigyan niya ang sarili at ni Chloe ng pagkakataon."Oo!" Sagot ni Chloe, "Handa akong umalis at mag-resign sa trabaho sa Lim Corporation para sa iyo.""Okay." Tumango Mr. Lim.——Umalis si Angelica sa teahouse at nalaman niyang napakalayo pala ng lugar na iyon, dose-dosenang kilometro ang layo mula sa lungsod. Karamihan sa mga pumunta dito ay ang pakay ay negosyo. Mayaman at marangal ang pumupunta roon kung kaya imposibleng makakuha siya ng taxi. Wala siyang mapupuntahan, kaya umupo na lamang siya sandali sa tabi ng fountain nang siya ay nakaramdam ng pagod."Angelica?" Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga.Lumingon si Angelica at nakita si Fernan.Mayroong ilang iba pang mga lalaki na naka-suit ang kasama ni Fernan.Nang makita nila si Angelica, tumigil s
"Mr. Lim..." Naglakad papasok si Andrew na may buhat-buhat na isang tao, "Pupunta tayo sa ospital." "Oo." Hindi na nagtanong pa si Eldrew at nagmamadaling pinindot ang elevator at bumaba. Nagtungo si Eldrew sa driver seat para magmaneho ng kotse at nakatayo namam doon sina Angelica at Mr. Lim na naghihintay, samantala si Chloe naman ay nakayakap pa rin sa binata. Nang umihip ang hangin sa gabi, nanginig naman si Chloe dahil sa lamig. Nakita naman ni Angelica na humigpit ang mga braso ni Mr. Lim sa dalaga. Nang umandar ang kotse sa harap nila, binuksan ni Angelica ang pinto sa likod at pinauna sina Andrew at Chloe na makapasok. Ang orihinal na intensyon ni Mr. Lim ay hayaang maupo sina Chloe at Angelica sa likurang upuan ngunit sa sandaling ibinaba niya ang dalaga ay nagising si Chloe, binuksan nito ang mga mata na medyo namamaga dahil sa pag-iyak at mahigpit na hinawakan ang kwelyo ni Andrew.Nang makita iyon, sinasadya ni Angelica na buksan ang pinto ng passenger’s sea
Ngumiti si Chloe, "Salamat, Angelica." ... Nang gabing iyon, halos hindi nakatulog si Angelica. Sa unang kalahating gabi, tumulong ang dalaga sa pagbabantay ng bote ng IV at sa ikalawang kalahati ng gabi— sa sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata, napanaginipan niya ang nangyari sa kanila ni Mr. Lim sa tent noong gabing iyon. Buong magdamag siyang nahihirapan at muntik ng mahimatay. Nang halos madaling araw na, nakarinig si Angelica ng mga yabag at nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakasalubong niya ang tingin ni Andrew Lim. "Hindi ka makatulog?" Nang makita ni Andrew na idinilat ng dalaga ang mga mata, umupo ang lalaki sa tabi ng dalaga at inilagay ang bag sa mesa. "Dinalhan kita ng almusal. Nagsumikap kang magtrabaho." Umupo si Angelica, "At dahil nandito ka na, babalik na ako." "Angelica." Tawag ni Andrew sa dalaga, "Dalhin mo na ang almusal mo." Umiling si Angelica, "Hindi, pwede mo namang ibigay iyan kay Chloe." Pagkatapos noon, binuksan ni Angelica
"Anong sabi mo?" Tinitigan ni Joriel si Angelica, "Tumatanggi ka ba?" Tiningnan ni Angelica ang palda ni Joriel, "Ayokong bayaran iyan. Sa kadahilanang, una, nakatayo ako rito at sinadya mo akong banggain kaya naman hindi ko iyon responsibilidad. Pangalawa, kahit naman na mali ako, hindi kita babayaran ng 50,000 pesos!" Hindi inaasahan ni Joriel na sasabihin iyon ni Angelica na karaniwang mahinhin at duwag at hayagang hinamon si Joriel ni Angelica. Nagulat si Joriel at mas nainis pa, "Naglalakad ako rito pero nakaharang ka. Kung hindi ka sana nakaharang, hindi sana kita mababangga! At itong palda ko ay nagkakahalaga ng 50,000 pesos, dapat lang na bayaran mo ito dahil kung hindi mananagot ka sa akin!" Alam ni Joriel na isang inosenteng dalaga si Angelica na takot nat takot sa kan’ya’t madali ring kontrolin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagsalita si Angelica, "Ang iyong palda ay hindi naman nagkakahalaga ng 50,000 pesos!" Agad namang nanlaki ang mga mata ni Joriel, "Anon
Alam ni Angelica na wala namang kwenta ang makipag-usap kay Joriel kaya nilingon niya si Eldrew, "Assistant Eldrew, gusto ko sanang tingnan ang CCTV footage doon sa tea room."Nagbago ang ekspresyon ni Joriel, "Anong ibig mong sabihin?"Hindi pinansin ni Angelica si Joriel bagkus tumingin lang kay Eldrew at muling nagtanong, "Okay lang ba? Assistant Eldrew?"Tiningnan ni Eldrew si Joriel na parang hindi mapakali at nakokonsensya, ngunit walang salita ang lumabas sa bibig ni Joriel kaya kinagat na lamang nito ang bala at sumang-ayon, "Sige, tingnan natin ang CCTV footage, sino naman ang nagsasabing natatakot ako?” Nakakonekta ang mobile phone ni Eldrew sa CCTV ng silid, ngunit hindi si Eldrew makapasok doon nang walang pahintulot sa Presidente.Si Mr. Lim lamang ang kayang tumanggap ng hiling niya upang makita niya ang CCTV footage ng silid. Tinawagan ni Eldrew si Mr. Lim at kaswal namang nagtanong si Andrew kung ano ang nangyayari. Hindi naman maitago ni Eldrew ang nangyari s
Ganun pa rin ang sinabi ni Angelica, "Ayoko ng kabayaran, gusto ko lang naman humingi ka ng tawad sa akin sa harap ng lahat." May mali si Joriel sa pagkakataong ito at ngayon ay may ebidensya na. Matibay ang ebidensya at hindi ni Joriel iyon maitatanggi sa lahat."Assistant Eldrew!" Para bang naging isang spoiled na bata si Joriel kay Eldrew. Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Eldrew, "Joriel, pormal kang humingi ng tawad kay Angelica para matapos na ang kaguluhang ito." Nang makitang hindi siya tinulungan ni Eldrew, wala nang ibang maisip pa si Joriel. Binuksan ni Eldrew ang pinto ng maliit na silid at pinalabas ang dalawa, "Ang lahat ay magsitigil sa pagttrabaho! Inimbestigahan ko kanina ang insidente. Si Joriel ay aksidenteng binangga si Angelica nang siya ay dumaan sa dalaga. Ngayon na naisapubliko ko na ang nangyari, gusto ni Joriel na humingi ng tawad kay Angelica sa harap niyo mismo. Lahat ay magiging testigo at ipinagbabawal na rin ang pagbabanggit sa insidenteng it
Napakalabo ng sagot ni Chloe kay Joriel. Napagtanto naman agad ni Joriel na iba ang suot ng dalaga ngayon. "Bakit ka pumunta dito na nakasuot ng gan’yan?" Ang kumpanya nila ay may isang patakaran na nangangailangang pormal lamang ang kasuotan kapag pumapasok ang mga empleyado. Kadalasan ay pumapasok si Chloe na pormal ang kasuotan at sumusunod palagi sa mga tuntunin at patakaran ng kompanya ngunit ngayon ay nakasuot ang dalaga ng navy blue na palda, makapal na makeup, at alahas na para bang iba ng tao ito. Ngumiti si Chloe at nagsalita, "Narito ako para mag-resign." "Mag-resign?!" Nagulat ang lahat. Kinuha ni Joriel ang kamay ni Chloe at nagtanong ng napakarami.Sumagot naman ng tipid si Chloe. Hindi pa rin makapaniwala si Joriel sa sinabi ng kaibigan, "Nagbibiro ka ba?" "Hindi. Kinompleto ko na ang proseso ng resignation ko. Magkatrabaho tayo ng ilang taon kaya naman ay ililibre ko ang lahat ng hapunan mamayang gabi! Pinost ko na rin ang lokasyon sa ating group chat.