Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce

Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce

By:   Nyx Rai  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
2 Mga Ratings. 2 Rebyu
50Mga Kabanata
6.4Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“Ma…Mayroon lang akong isang tanong bago ang lahat ng ito.” Nagkunwari akong hindi ko nakikita ang nasasaktan niyang itsura habang nakatitig ako sa kaniyang dibdib, “…Pakiusap.” Magbabago ba ang lahat kung nabuntis mo ako? Gusto ko lang magtanong pero hindi ko alam kung paano. Huminga ako ng malalim bago ko itaas ang aking paningin nang makita ko ang umiirap niyang mga mat ana sumabay sa kaniyang pabubuntong hininga: “Wala na akong panahon makipaglaro sa iyo, Scar.” Tahanan? Mapait kong pagtawa. Wala na tayong tahanan, Sebastian. Bumuo ako ng tahanan para sa atin pero sinira mo ito.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1 Ang Matagal na Niyang Pinakahihintay

POV ni ScarletHindi naging regular ang aking mga period, pero nalaman ko pa rin dapat ito.Pagkahilo, pagod, pagbabago ng panlasa…Iniisip mo siguro na masyado nang obvious ang mga sintomas pero hindi mo pa rin ito mapapansin hangga’t hindi ka nakakaranas ng ilan sa mga ito…Gaya noong hindi ko mapansin ang mga senyales na sumisigaw sa akin para gisingin ako sa katotohanang hindi ako mamahalin kailanman ng lalaking pinakasalan ko kahit na ano pa ang gawin ko. Nagpunta ako para magpahealth screen habang nagiisip ng, ano pa bang dapat kong ipagalala? Kaya ko ito kahit na cancer pa ang maging sakit ko. Pero hindi ko inaasahan na mahahandle ko ang naging diagnosis sa akin ng doktor.Isang bata sa aking sinapupunan.Ito na yata ang pinakamagandang bagay na nangyari sa pinakamaling timing.Hindi ko alam kung kailan ko mararamdaman ang napakalakas na pagmamahal ng isang ina na aking naririnig sa ibang tao, pero sigurado na ako sa magiging reaksyon NIYA. Kamumuhian niya ang batang ito....

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Alexa Joy T Loyola
Update please
2025-01-08 14:02:29
0
user avatar
Je Lyn Navs
more chapter update pa pleaseeeeeeeeeeeee
2024-12-28 03:32:12
0
50 Kabanata
Kabanata 1 Ang Matagal na Niyang Pinakahihintay
POV ni ScarletHindi naging regular ang aking mga period, pero nalaman ko pa rin dapat ito.Pagkahilo, pagod, pagbabago ng panlasa…Iniisip mo siguro na masyado nang obvious ang mga sintomas pero hindi mo pa rin ito mapapansin hangga’t hindi ka nakakaranas ng ilan sa mga ito…Gaya noong hindi ko mapansin ang mga senyales na sumisigaw sa akin para gisingin ako sa katotohanang hindi ako mamahalin kailanman ng lalaking pinakasalan ko kahit na ano pa ang gawin ko. Nagpunta ako para magpahealth screen habang nagiisip ng, ano pa bang dapat kong ipagalala? Kaya ko ito kahit na cancer pa ang maging sakit ko. Pero hindi ko inaasahan na mahahandle ko ang naging diagnosis sa akin ng doktor.Isang bata sa aking sinapupunan.Ito na yata ang pinakamagandang bagay na nangyari sa pinakamaling timing.Hindi ko alam kung kailan ko mararamdaman ang napakalakas na pagmamahal ng isang ina na aking naririnig sa ibang tao, pero sigurado na ako sa magiging reaksyon NIYA. Kamumuhian niya ang batang ito.
Magbasa pa
Kabanata 2 Isang Ticket para sa Dalawang Tao
POV ni ScarlettHabang nakaupo sa loob ng isang taxi papunta sa isa pang ospital—sa ospital na kinaroroonan NIYA. Naramdaman ko na para akong masusuka. Dahil ba ito sa pabango ng taxi, morning sick, o…nasusuka lang talaga ako sa biyaheng ito.Ito ang biyahe na pinakakinaaayawan ko, at ito ang biyahe na dinadaanan ko ng sampung taon, palagi siyang nasa ospital, at palagi siyang kasama ng aking asawa kahit na noong bago pa kami ikasal.Ano ang mangyayari kung mahal ng iyong crush ang iyong kapatid na mayroong Willebrand at RH na blood type.Oo, mayroon siyang sakit na kung saan hindi titigil ang pagdurugo sa kanyiang katawan, at mayroon siyang pambihirang blood type ngayong 0.3% lang ng mga tao ang mayroon nito sa mundo.Maging ang maliit na hiwa sa kaniyang daliri ay maaari na niyang ikamatay. Ito ang dahilan kung bakit siya ang pinakaiingat ingatang kayamanan ng buong pamilya, ang untouchable, ang himala na makakakuha sa lahat ng gusto niya sa pamamagitan lamang ng pagkabuhay. 
Magbasa pa
Kabanata 3 Paano Pumatay ng isang Dragon
POV ni Scarlett“Tatlong buwan na ang nakalilipas mula noong sumailalim ka sa bone marrow transplant, kulit.” Sinundan siya ng tawa ni Sebastian palabas sa walang lamang corridor.Nilagay ko ang kamay ko sa doorknob pero hindi ko mahanap ang aking lakas para ikutin ito. Kitang kita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, ilang beses ko na silang nakikitang ganito.Habang tinotorture ko ang aking sarili, natitigilan lang akong nakinig sa usapan nilang dalawa.“Regular checkup lang ang gagawin s aiyo ngayong araw, at naging maganda ang resulta ng iyong mga checkup bago ito, hmm?” Comfort ni Sebastian.Nakikita ko ang mainit niyang ngiti sa aking ulo habang kinocomfort niya ang babaeng pinakamamahal niya, hinawakan ng napakalakas niyang palad ang ulo ng aking kapatid na parang pinakasensitive na bulaklak sa buong mundo. Ang init at pagmamahal na iyon ay ang mga bagay isang beses ko lang naranasan mula sa kaniya, at iyon na rin ang sandali ng paglapit ko sa apoy. Ito ang nagiisang
Magbasa pa
Kabanata 4 Kaming Tatlo
POV ni ScarlettPinatay ko ang sigarilyo sa basurahan nang magbukas ang pinto ng kwarto.Napasimangot si Sebastian sa akin habang nakatayo siya sa pinto na may layong kalahati ng corridor mula sa akin. Ayaw na ayaw niya sa mga naninigarilyo. Tinititigan, sinesermonan o tumatayo siya ng malayo sa akin habang nagpapakita ng pandidiri ang kaniyang mukha sa tuwing ginagawa ko ito.Isa itong nakakadiring habit pero kailangan ko pa rin ng isang OUTLET para mailabas ang lahat ng sakit sa aking dibdib bago pa ito sumabog. Pero kung magagawa ng pinakamamahal niyang si Ava ang bisyong ito, siguradong sasamahan pa niya ito.“Kung ganoon?” Nilagay niya ang isa niyang mga kamay sa kaniyang bulsa habang nakatitig siya sa akin nang makapaglakad siya palapit sa akin. Ginagawa niya ito kapag naiirita siya sa akin. As in palagi niya itong ginagawa sa akin.Tumitig ako sa kaniyang mukha, napakagwapo at napakadominante nito na para bang noong araw na nahanap niya ako sa gubat. Pero naging kasing lina
Magbasa pa
Kabanata 5 Huling Tawag
POV ni Scarlett Hinatid pa rin ako ni Aurora sa airport pero hindi niya maibigay sa akin ang aking ticket.Habang hawak ko ang isang baso ng mainit na cocoa sa aking mga kamay, tinitigan niya ako mula sa kabilang banda ng maliit na lamesa sa McDonald’s na parang isang ina na nanghuhusga sa pasaway niyang anak.“Ngayong araw ko lang nalaman—” Nahihiya kong sinabi nang bigla siyang sumagot ng—“Oo, sinabi mo na iyan!” Hindi ko naman ginusto ang mga bagay na ito. Tumama ang aking mga mata sa hawak kong cocoa, hindi ko siya magawang tingnan. Galit siya at alam ko kung bakit.Nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Maganda, sikat, may mahabang mga binti, atbp. Pero hindi siya ipinanganak na mayaman. Pinanood niyang magtrabaho na parang kalabaw ang kaniyang ina na magisang nagpalaki sa kaniya habang kinamumihian niya ang iresponsable niyang ama nang malaman niya na hindi talaga sila iniwan nito gaya ng sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina ang tungkol sa
Magbasa pa
Kabanata 6 Ang Blood Vessel
POV ni Scarlett“Tungkol saan naman iyan?” Kurap ni Aurora. Namangha siya nang isang linya lang ang sabihin ni Scarlett sa tawag.Hinawakan ko nang maigi ang aking phone, sa ikawalang pagkakataon ngayong araw, nahirapan akong isakatuparan ang aking plano. Gusto ko lang matapos ang sakit na nararamdaman ko. Sobra na ba para sa akin na hilingin ito? Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ng isang bahagi ng isip ko na kunin ang ticket at umalis at hayaang masunog ang mundo sa aking likuran.Pero hindi ito maaari. Kailangang nandoon ako sa sandaling salinan ng dugo si mom. Ito ang silbi ko sa aking pamilya. Ang maging blood vessel nilang lahat.Pakiusap, panginoon, sabihin niyo po sa akin na walang kinalaman ang tawag na ito sa mensaheng ipinadala ko kay Sebastian.Sa pagitan ng pagsailalim ni Mom sa blood transfusion at sa pagtakwil sa akin ni Sebastian… hindi ko na alam kung saan ko dapat ilagay ang natitira ko pang pagasa.“Mukhang hindi talaga ako aalis ngayong araw,” Nagbuntong h
Magbasa pa
Kabanata 7 Paglabas sa Ilalim ng Araw
POV ni SebastianHindi ako nagreply sa message ni Scar. Hinding hindi siya aalis. Nangmamanipula lang siya gamit ang mga pagbabanta niyang ito.Masyado ng marami ang oras na ginugugol ko kasama si Ava nitong nakaraan kaya nagtatantrum ngayon si Scar. Dapat niyang maintindihan na isang buhay ang nakataya sa ginagawa ko, kahit na pagmamayari pa ng kinamumuhian niyang kapatid ang buhay na iyon.Hindi naman sa hindi ko naiintindihan si Scar. Naiintindihan ko ang kaniyang pinagdadaanan. Bilang tao na may mas malinaw na pagiisip sa kaniya, nagseselos lang siya sa lahat ng atensyon na nakukuha ni Ava. Ito ang dahilan kung bakit naging problema siya ng lahat. Palagi siyang nagrerebelde na kaniya pang ipinagmamalaki sa lahat, palagi siyang walang pakialam habang humihingi siya ng pagmamahal sa iba. Mahilig siyang maghanap ng atensyon sa pamamagitan ng mapapait niyang mga mensahe, mga luha o divorce.Hindi ko inakala na bibigyan niya ako ng pirmadong divorce papers. Isipin niyo na lang ang p
Magbasa pa
Kabanata 8 Ang Dugo ng Dragon
POV ni ScarlettHabang nakaupo sa malamig na sahig, napagtanto ko na masyadong naging maaga ang aking pagdedesisyon.Inakala ko na impyerno ang buhay na mayroon ako. Dito ako nagkamali nang husto. Kahit na hindi naging maganda ang trato sa akin ng lahat, hindi nila ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Sabagay, ako pa rin ang mahalagang blood vessel para sa sakiting si Ava. Hindi nila hahayaang mawala ako.Pero hindi na ngayon.Hinawakan ko ang aking mukha habang dahan dahan akong tumitingala para tingnan ang lalaki na tinawag ko noong ama para lang mapagtanto sa nanlalamig niyang mga mata na isa pa rin akong blood vessel, pero hindi na ako masyadong “mahalaga” ngayon. Sinwerte na lang sila ngayong nandito ako.Sabagay, magaling na ngayon si Ava. Hindi nila ako nagawang itapon dahil maaaring mayroon pa akong pakinabang sa kanila. Ano ba ang mawawala sa kanila kung hindi ko makukuha ang normal na buhay na pinapangarap ko?Para sa hindi siguradong “maaari” nila, hindi ako pwedeng mag
Magbasa pa
Kabanata 9 Hinanakit sa Pagitan ng Magkapatid
POV ni SebastianNagkalat ang mga basag na bahagi ng vase sa sahig. Hindi ko magagawang ibaba si Ava rito. Maaari ngang umabot na sa normal level ang kaniyang platelet pero hindi ko pa rin ito maaaring subukan lalo na’t naririto ang halimaw na humahabol sa kaniya. Ang huling sandali na nangailangan si Ava ng dugo mula kay Scar ay dahil sa paghiwa sa kaniya ng isang papel. At si Scar ang may pakana ng bagay na iyon.“…Pakiusap?” Bulong ni Scar nang maglakad siya papunta sa akin, pero hindi niya ako nagawang tingnan ng diretso.“Hindi ko siya maaaring ibaba, alam mo naman kung bakit.”Nanlalamig na suminghal si Scar bago siya tumingin pataas sa ilalim ng magulo niyang buhok. Mukhang naging malakas ang pagsampal sa kaniya ni Jack para gumulo nang ganito ang kaniyang buhok at para magiwan ito ng marka ng palad sa kaniyang pisngi.“Excuse me,” sabi ni Scar gamit ang malinaw at nanlalamig na tono ng kaniyang boses na hindi ko kailanman narinig sa kaniya, “Dadaan ako.” Dinala ko si A
Magbasa pa
Kabanata 10 Ang Pinakamasalimuot na Krimen
POV ni SebastianAlam ko kung gaano kasensitive si Ava sa kaniyang kondisyon. Ang pagmamakaawa sa kaniyang kapatid na kinamumuhian niya nang paulit ulit. Ito ang bagay na ginamit ni Scar para mapilit ako sa kaniyang gusto na siyang nagresulta sa pagtindi ng hinanakit ni Ava sa kaniya.“Pwede ka siyempreng magsalita ng ganiyan sa akin,” Gigil na dura ni Scar kay Ava, “Ibida mo ang moralidad mo sa harapan ko hangga’t gusto mo dahil mga tauhan mo naman ang magtatali sa akin sa lamesa para ubusin ang aking dugo sa sandaling kailanganin mo ito.”“Scarlett Fuller!” Binalaan ko siya habang itinataas muli ni Ava ang kaniyang kamay. Agad akong umilag papunta sa tabi para hindi maabot ni Ava si Scar pero agad na nasalo ni Scar ang bras oni Ava. Masyadong naging mabilis ang pangyayari na sinabayan ng nasasaktang sigaw ni Ava. Kinailangan kong itulak palayo si Scar.Tumalsik siya papunta sa sahig at dumiin ang kaniyang kamay sa isang matalas na piraso ng vase. Kitang kita ito ng dalawa kong mg
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status