The Rich Man's Fall

The Rich Man's Fall

last updateLast Updated : 2024-12-02
By:   Kirstenn Wolf  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
20Chapters
122views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

A marriage of convenience sa pagitan ni Issa at real-estate billionaire na si Vince Sevilla. She's left with no choice but to come to terms with the devil. Upang isalba ang magulang sa pagkakabaon sa utang sa binata'y pinakasalan niya ito. But the Sevilla was a thorn in the past. Nangakong hindi siya iibig kay Vince, but not until Lucy—ang babaeng susukat sa tunay na kahulugan ng salitang "karibal" sa puso ng kanyang asawa. Nagising siya isang umaga na tila siya estranghero sa paningin ni Vince at si Lucy ang bukod-tanging naaalala nito...

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Nagbabadya ang luha sa mata ni Issa. Sa harap niya ay ang life-size painting ng kanyang abuelo suot ang glasses at barong suit nito, like an image of grandeur and a well-bred man. Kuha iyon sa opisina ng matandang Galvez noong nabubuhay pa ito."Tara?" ang nobyo niyang si Apolo iyon. Yumakap ito mula sa likuran niya. "Nasa labas na ang taxi. Nailagay ko na'ng lahat ang gamit ng Mama't Papa mo."Sumilay ang kapirasong ngiti sa labi niya. "Kukunin ko ang portrait ni Lolo.""Sandali at kukuha ako ng ladder," maagap na tumalima ang binata bago tumalikod. Pinahid ni Issa ang namimintanang luha sa sulok ng kanyang mata.Ang may kalumaang-istilo ngunit malaking bahay ng mga Galvez kung saan siya lumaki at nagkaisip ang ibinayad ng kanyang ama sa pagkakautang nito sa negosyanteng si Vince Sevilla. Mahigit tatlong henerasyon ang tanda ng mansion na sa pagkakatanda niya'y minana pa ng lolo niya sa ama nito.Pinanood niya ang pag-akyat ng nobyo sa ladder. Ilang saglit pa'y tinatanggal na ni Apol...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
20 Chapters
Chapter 1
Nagbabadya ang luha sa mata ni Issa. Sa harap niya ay ang life-size painting ng kanyang abuelo suot ang glasses at barong suit nito, like an image of grandeur and a well-bred man. Kuha iyon sa opisina ng matandang Galvez noong nabubuhay pa ito."Tara?" ang nobyo niyang si Apolo iyon. Yumakap ito mula sa likuran niya. "Nasa labas na ang taxi. Nailagay ko na'ng lahat ang gamit ng Mama't Papa mo."Sumilay ang kapirasong ngiti sa labi niya. "Kukunin ko ang portrait ni Lolo.""Sandali at kukuha ako ng ladder," maagap na tumalima ang binata bago tumalikod. Pinahid ni Issa ang namimintanang luha sa sulok ng kanyang mata.Ang may kalumaang-istilo ngunit malaking bahay ng mga Galvez kung saan siya lumaki at nagkaisip ang ibinayad ng kanyang ama sa pagkakautang nito sa negosyanteng si Vince Sevilla. Mahigit tatlong henerasyon ang tanda ng mansion na sa pagkakatanda niya'y minana pa ng lolo niya sa ama nito.Pinanood niya ang pag-akyat ng nobyo sa ladder. Ilang saglit pa'y tinatanggal na ni Apol
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more
Chapter 2
"Ma'am, hindi basta-basta tumatanggap ng biglaang bisita si Mr. Sevilla. Kung gusto mo'y isi-set ko muna ang appointment mo with him, at saka ka bumalik."Napabuntong-hininga si Issa. Naroon siya ngayon sa reception sa mataas na gusali ng Sevilla Land & Cityscape main office—ang real-estate company na pinamamahalaan ni Vince Sevilla bilang Chief Executive. Hindi niya alam ang eksaktong ipinunta niya roon. Siguro'y hihingi siya ng palugit upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa niya rito, na hindi kailangang siya ang maging kabayaran."Please, kailangan kong makausap si Mr. Sevilla. Importante lang," mahinahong pakiusap ni Issa sa receptionist."Tatawagan ko ang secretary sa itaas. Ipapaalam muna niya kay Mr. Sevilla." Matapos iyon ay dinampot nito ang telepono sa cradle at may kinausap. Ilang segundo lang ang itinagal niyon bago siya pinaupo ng receptionist. "May client na kausap si Mr. Sevilla. Tatawag na lang daw ang secretary kapag p'wede ka nang umakyat."Isang ngiti at
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more
Chapter 3
"We will send you an email for the initial interview," nakangiti ang clerk na tumanggap ng resume ni Issa. Mag-a-alas singko na ng hapon at 'di na mabilang sa daliri ang mga konstruksyon at engineering firm na in-applyan niya sa araw na iyon. Maliit man o malaking kumpanya. Kaagad nagpaalam ang dalaga pagkatapos iiwan ang kopya ng resume niya sa reception desk. Lumabas siya ng gusali, saka tinungo ang pinakamalapit na pawnshop sa lugar. Walang katiyakan ang mga pinasahan niyang trabaho lalo't kakatapos lang niya ng kolehiyo at hahabi pa lang ng karanasan. Kalimitan ay mga bihasang inhinyero ang mas may tsansang matanggap agad. Hindi siya maaring maghintay nang matagal at kung mangyari man ay madaling mauubos ang savings niya sa bangko. Inilalaan niya iyon para sa maintenance ng kanyang ama. 'We need to perform a bypass surgery, though it may cause complication, it will further increase the patient's heart rate recovery...' Iyon ang isinuhestiyon ng doctor bago inoperahan ang ama
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more
Chapter 4
"Ang mabuti pa, ibaba mo na 'ko," anang dalaga kay Vince."Stop being a lioness, Issa. We have to stop over somewhere and feast some dinner. Masama akong magutom."Ibubuka pa lang niya ang bibig nang lumangitngit ang gulong ng Lamborghini bago iyon tumigil sa parking sa tapat ng isang fine dining restaurant. Atubiling inalis niya ang kanyang seatbelt at akmang bababa. Pero mabilis si Vince na agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakasimangot pa rin siya rito. Hindi tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. "Dito na ako papara ng taxi.""Leave your bag inside. Hindi 'yan mananakaw sa loob ng kotse ko," sa halip ay ignora nito sa pagpupuyos niya.Her eyes squinted at him. "Personal kong gamit 'to, Mr. Sevilla. Karapatan kong dalhin kung saan ko gusto," mariin niyang hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa kanyang balikat."Suit yourself. But you will have dinner with me," he hinted with finality. Sa inis niya'y hinawakan siya nito sa braso at niyakag papasok sa resto."Bitiwa
last updateLast Updated : 2024-11-21
Read more
Chapter 5
Hindi halos nagalaw ni Issa ang pagkain sa mesa. Nasa pribadong silid siya ng ama at nasa ospital pa rin. Isang linggo na ang lumipas matapos siyang makipagkalas kay Apolo at ipagtapat dito ang tungkol sa kasunduan nila ni Vince Sevilla. Magmula niyon ay hindi na nagparamdam pa ang dating-nobyo.Hindi niya malasahan ang cereal na kinakain. Laman ng isip niya ang pinag-uusapan ngayon ni Vince at kanyang ina sa labas ng silid. Batid niyang inaayos ng binata ang nalalapit nilang kasal at ang muling pagkakabawi ng magulang niya sa mansion.Kung hindi pa sa mahinang ungol mula sa nakaratay niyang ama ay hindi siya matatauhan. Nagising sa pagkakatulala si Issa at saka dali-daling nilapitan ang matandang lalaki."Pa..." her smile was faint. Natutuwa siyang gising at nakakapag-respond ang ama niya kahit sa mahinang pag-ungol lang. Gayunma'y hindi na halos naigagalaw ang buong katawan.Natatabunan ng oxygen mask ang ilong at bibig nito. Malimit ay sa mata lang niya nababasa ang nais nitong ipa
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Chapter 6
Isinalang ni Issa ang frying pan sa induction stove bagama't hindi iyon binuksan. May mga karne at isda sa loob ng fridge ni Vince pero hindi malaman kung alin sa mga iyon ang lulutuin. Kinse minutos na ang nakalipas matapos ang naganap sa silid nito but his touch lingered. Pakiwari niya'y nakayakap pa rin ang binata sa kanya at sapat na para iligaw ang kanyang isip.It was quarter after six ayon sa wall clock sa kusina. Walang nabanggit si Vince kung sa labas magdi-dinner o magpapa-deliver na lang kaya ng pagkain. Hindi niya gustong makialam sa kitchen nito pero base sa nangyari'y tiyak na hindi nito gugustuhing lumabas kasama siya. Wala rin siyang ideya sa pagkaing gusto nito kaya hindi maaring basta na lang siya magpa-deliver.Sa huli'y ibinalik ng dalaga ang pan sa pinaglagyan niyon. Hihintayin na lamang niyang bumaba sa silid nito si Vince at ito na ang magpasya. Nasa sala siya nang maulinigan ang pagtunog ng doorbell sa unit ni Vince. Tinungo niya ang main door at sumilip sa pee
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Chapter 7
"Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty.At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito."Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal r
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Chapter 8
Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin. Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan. All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo. Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Chapter 9
Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Chapter 10
"Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit
last updateLast Updated : 2024-11-22
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status