"Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.
Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty. At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito. "Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal recipe ko 'yan." Sa maikling sandali ay tinapunan siya ng tingin ng binata. Naghihintay marahil sa reaksyon niya sa inakto ni Lucy. But she didn't make any expression. Tahimik siyang kumain habang pinagmamasdan ang mga ito. "Anyway, kailan nga pala ang kasal?" basag ni Lucy sa 'di nila pag-iimikan ni Vince. "Siguro naman, ako na ang maid-of‐honor sa wedding n'yo, unless may napili na kayo." "We still haven't thought about the exact date but it won't take any longer. Civil wedding ang gusto ni Issa," ang binata ang sumagot. Mahihimigan pa rin ang disgusto sa desisyon niyang iyon. Eksaheradang lumaylay ang balikat ni Lucy na tila dismayado at tumingin sa kanya. "But why? Minsan lang ang kasal, at kung si Vince ang tatanungin, for sure mapapakasalan ka niya sa kahit saang simbahan—" "I know," 'di niya napigilang putulin ito, even the sarcasm in her voice. "Vince can do anything nang hindi nagwo-worry sa gastos. Mabibili niya ang kahit ano... ang kahit na sino," she emphasized the last words. Natahimik si Lucy ngunit sa tabi niya'y ang marahas na paghinga ni Vince. Kung makikita lang niya ang pagtatagisan ng bagang ng huli'y baka pagsisihan niya ang nasabi. A moment of awkward silence filled the room. At kung hindi sa manaka-nakang pagsasalita ni Lucy ay tila sila estranghero ni Vince na hindi nag-uusap. Hindi tumagal ay natapos ang dinner at nagpaalam si Lucy na uuwi na. "I'll go ahead. It's nice meeting you, Issa," pahabol itong tumingin sa kanya mula sa bungad ng pintuan. Si Vince ay nakasunod dito. "Ihahatid na kita sa parking," wika ng binata. "Are you sure?" "Come on, Lucy. Kailan pa kita pinabayaang lumakad nang mag-isa palabas ng unit ko?" may bahid ng iritasyon na sabi ng binata. Ngunit natitiyak niyang hindi ito sa kaibigan nagagalit. Irap ang isinagot ni Lucy bago lumabas. Dinig pa niya ang huling sinabi nito. "Baka nakakalimutan mong sa iyo ang building na 'to. You got a tight security in this whole place." Hustong naisara ang pinto'y hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo si Issa. Hindi niya gusto ang closeness na nakikita sa dalawa. Sa buong oras na kasama si Lucy, pakiramdam niya'y isa siyang third wheel na nakikiamot ng kapirasong atensyon sa pagitan ng mga ito. Kilalang-kilala ng mga ito ang isa't isa and Lucy was not the type of person she would like to ignore. Her upbeat and smiling personality was like breath of fresh air. She would want to be her friend kung hindi lang parang kaagaw niya ito sa atensyon kay Vince. Natigilan siya sa isiping iyon. Naipilig ang kanyang ulo at saka nagtungo sa dining area. Sinimulan niyang iligpit ang mga pinagkainan. Aabalahin na lamang niya ang sarili dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. The hell she would care kung higit pa sa pagkakaibigan ang tunay na relasyon ni Lucy at Vince. Malinaw ang kasunduan nila ng huli. A marriage for convenience—no less, no more. Nailagay na niya ang mga pinggan sa automated dishwasher sa kusina nang marinig ang tinig ni Vince mula sa kanyang likuran. Sa lalim ng iniisip ay hindi na niya namalayan ang pagdating nito. "You shouldn't have said that. Ininsulto mo 'ko sa harapan ni Lucy," nagsasalubong ang mga kilay ni Vince. Hindi na niya kailangang hulaan kung alin sa sinabi niya ang tinutukoy nito. Nagtungo siya sa sink, naghugas ng kamay, at saka tinuyo ang palad sa towel doon. Naiinis na kailangan niyang tingalain ang binata dahil taas nitong hindi yata bababa sa anim na talampakan. "Uuwi na rin ako," sa halip ay tipid niyang sagot dito. Akmang lalagpasan niya ito ngunit para lang muling mapaharap dito. Mahigpit siyang hinawakan ng binata. "You can't leave this place without my permission. Stay still and talk," nag-uutos nitong sabi na ikinainis niyang lalo. "Bakit, Vince? Alin ang hindi totoo sa sinabi ko?" naghahamon ang tinig niya. Dumiin ang mga daliri nito sa balat niya. She winced and tried to step back, but his grip tightened even more. "You may be right. Binili kita. Pero sa asta mo, I don't think you are even worth a million, not even something I deem worthy—" Bago pa matapos ang huling pangungusap ni Vince ay mabilis na dumapo ang libreng palad niya sa pisngi nito. Nagtaas-baba ang balikat niya sa umahon na tensyon at galit sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan ang panunumbat na iyon mula rito. Sinasaktan siya nito sa paraang sinaktan din niya ito kanina. "How dare you! Pera lang ang inutang ng magulang ko sa 'yo, hindi ang pagkatao ko, kaya wala kang karapatang husgahan ako, Vince... wala!" Nagpupuyos ang damdamin na kumawala siya rito. Nabitawan siya nito dala ng kabiglaan. Kung sa sinabi niya o nasabi nito'y hindi niya alam. "Dammit!" he cussed as he hit the countertop with his fist. Hindi na niya hinintay pang makalapit muli ang binata at mabilis na tinungo niya ang main door. Habang naglalakad sa pasilyo'y tila gripong nabuksan ang kanyang mata at umagos ang mga luha. Naipagpasalamat na walang ibang nag-aabang sa elevator kundi siya lang kung kaya't malaya siyang makakaiyak. Hustong bumukas iyon nang maantala ang kanyang pagsakay. Sa tabi niya ay si Vince at mabilis siyang napigilan. Itutulak na lamang niya ito nang bigla siya nitong hapitin palapit, saka siya ikinulong sa mga bisig nito. He was hugging her in silence. And before she realized, nakayakap na rin siya rito.Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin. Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan. All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo. Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss
Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu
"Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit
Literal na napanganga si Issa. Her eyes drifted across. Sa harap niya ay ang mataas na gusaling hindi bababa sa fifty floors and was undergoing seafront construction. Isa iyong five-star hotel sa ilalim ng Sevilla Land project, another luxury property sa pamamahala ni Vince at kumpanya nito. Meters away was the immense sea of El Nido, karst coastline and salty breeze, and yes... paradise.Sa tabi nila ay ang SUV ng binata na siyang sinakyan nila mula sa hotel na tutuluyan nila sa loob ng isang linggong bakasyon doon."It was a joint venture with the Japanese investors. About eight-hundred feet, spread nearly over twenty-acres beachfront hotel," Vince said, arms akimbo. Tulad niyang nakatanaw ito sa labas ng ginagawang gusali at kakikitaan ng pagmamalaki ang tingin. Proud but not boastful.Napalingon siya rito. Hindi malaman kung saan mas hahanga—sa mala-paraisong dagat o kay Vince na hindi miminsang nililingon ng mga kadalagahang naka-bikini sa coastland. Nakasuot ito ng jeans at cla
Gaya ng ipinangako, inilaan ng buong project team, common workers at executives, ang kalahating araw ng trabaho sa pristine beaches ng El Nido. Ang ilan ay inaliw ang sarili sa paliligo at outdoor activities. Some went to enjoy sports gaya ng paglalaro ng volleyball. Vince made the most out of it with her. Isinama siya nitong mag-parasailing, kayaking, and even snorkeling. Kung titignan ay tila totoo silang nag-iibigan nito, with all the laughing and stolen kisses from him mapa-ere man o sa dagat. At ilang beses na gusto rin niyang maniwala. Inayos ni Issa ang mahaba at puting coverup na isinuot niya matapos ang maghapong paliligo. Sa ilalim niyon ay ang light blue two-piece bikini na hindi niya gustong ihantad in broad daylight. Magdadapit-hapon na. Kipkip sa isang kamay ang goblet na may red wine na isinilbi ni Mr. Benitez na tinungo niya ang tahimik na bahagi ng isla. Isang foreign couple ang papaalis at nasalubong niya, at ilang saglit pa'y mag-isa na niyang tinatanaw ang papal
Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Wala si Vince nang magising siya. Nang dumating sila sa hotel na iyon ay hindi sila nagtabi nito sa pagtulog. Sa mahabang sofa sa kwarto ito natulog bagama't queen-size ang kama. Except yesterday. Natitiyak niyang magkatabi sila ni Vince at hindi siya tumanggi. Alas-siete y media ng umaga ang oras sa screen ng cellphone niyang nakalapag sa bedside table. Nakatanggap din siya ng mensahe mula kay Vince.'Need to go early. Meetup with the Japanese investors. I won't be long... will miss u.' She gently bit her lower lip to seize a smile. Hindi niya inaasahan ang huli. Akmang ilalapag niya ang cellphone nang mabungaran ang isang maliit at pink na box sa ibabaw din ng bedside table. Atubiling inabot niya iyon at binuksan. Natilihang napatitig doon ang dalaga. Bumungad ang pamilyar na timepiece. A rose gold wristwatch with diamonds na kaparehas ng isinangla niya. Tinubos iyon ni Vince. Pero kailan pa? Hindi rin matukoy ng dal
'He's not into a boring housewife material... Surely, you will bore him to death.' Issa gritted her teeth. Sheryl's such a bitch for telling that. Vince and Sheryl obviously had a thing in the past, at marahil ay nagseselos ito. Nang magbalik sa kwartong inookupa sa hotel ay napatda siya. Sa pagsara niya ng pinto ay siyang paglabas ni Vince mula sa shower room—nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at kasalukuyang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Maaga ka yata," bungad niya rito, fixing her eyes on his face, away from his big, muscular trunk. "Gaya ng sabi ko, I will miss you kung magtatagal ako," anitong pinasadahan siya ng humahangang tingin. "And now I'm having a hard time dealing with this male thing." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa halip ay humarap ito sa bintana at tumanaw. Labis niyang pinagtakhan ang ikinilos nito. Taliwas sa inaasahan niya ang pagtalikod nito.'Vince is like a feral in bed... Banta
Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in
Maiging pinagmasdan ni Issa ang nahihimbing na asawa. Vince was a demigod with prolific dark lashes and jetblack brows, mga katangiang minana nito sa griyegong ina na batid niyang namatay sa komplikasyon sa panganganak. She smiled as she stared down at his muted lips—luscious and firm at the same time, like a mix of sweet and spice in her craving mouth. Tumingala siya at hinagkan ang mga iyon.It was supposed to be light and quick. Pero sa gulat niya'y mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso ni Vince at mariin siyang siniil ng halik sa labi. "Good morning, wife..." anas nito kapagkuwan."G-good morning. Kanina ka pa ba gising?" she stuttered in sheepishness.His mouth twisted in mirth with hands all over her. Lalo siyang pinamulahan nang gumala ang palad nito sa kanyang pang-upo at kahubdan, pagkuwa'y sa kanyang dibdib. "Kung gaano katagal mo akong tinititigan at pinagnanasaan," wika nito sa bahagyang pagpisil sa kanyang tagiliran."Excuse me, hindi kita pinagnanasaan. A-an
Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d
Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan."Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum
Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is
"Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind