Isinalang ni Issa ang frying pan sa induction stove bagama't hindi iyon binuksan. May mga karne at isda sa loob ng fridge ni Vince pero hindi malaman kung alin sa mga iyon ang lulutuin. Kinse minutos na ang nakalipas matapos ang naganap sa silid nito but his touch lingered. Pakiwari niya'y nakayakap pa rin ang binata sa kanya at sapat na para iligaw ang kanyang isip.
It was quarter after six ayon sa wall clock sa kusina. Walang nabanggit si Vince kung sa labas magdi-dinner o magpapa-deliver na lang kaya ng pagkain. Hindi niya gustong makialam sa kitchen nito pero base sa nangyari'y tiyak na hindi nito gugustuhing lumabas kasama siya. Wala rin siyang ideya sa pagkaing gusto nito kaya hindi maaring basta na lang siya magpa-deliver. Sa huli'y ibinalik ng dalaga ang pan sa pinaglagyan niyon. Hihintayin na lamang niyang bumaba sa silid nito si Vince at ito na ang magpasya. Nasa sala siya nang maulinigan ang pagtunog ng doorbell sa unit ni Vince. Tinungo niya ang main door at sumilip sa peephole. A blonde, curlyhead woman stood patiently outside the door. Pino ang kulot ng buhok na maihahambing sa isang banyaga. Her skin was sunkissed and freckled, and she was oozing with congenial smile. "Dinner time, Vince! Oh, you're taking so much time in there. Open the door, honey," mahihimigan ang lambing sa boses ng bisita. Kung sinasadya nito iyon ay 'di niya alam. Isang intercom doorbell ang nasa labas ng unit at alam niyang nakakonekta iyon sa cellphone ni Vince. Nakumpirma ang hinala niya nang kusang mag-unlock ang main door gamit ang pa rin ang smartphone nito. Bago pa makahuma ay bumukas ang pinto at iniluwa ang magandang babae. Sandali silang nagkagulatan nito at higit na mas matangkad ang bagong-dating. Isang berdeng summer dress at flat sandals ang suot nito, nakangiti ngunit agad din siyang nilagpasan nang mabungaran si Vince na bumababa ng hagdan. "Honey, it's good to see you again. It's been two weeks since the last time we had dinner together. Naaalagaan mo pa ba ang sarili mo?" si Lucy na sinalubong ng yakap ang binata. Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Vince para sa bisita. Bale-wala rito kung parang sawa na nakalingkis dito ang babae. Malayo man siya sa binata'y nasasamyo pa rin niya ang natural scent ng sabong-panligo nito. He was clear-cut and handsome with his polo shirt and walking shorts. Gaya ni Lucy ay parang gusto niyang ipulupot ang mga braso rito at manatili sa tabi nito. "I'm fine, Lucy. And since you're here, I'd like you to meet Issa, the only daughter of Mr. Jaime Galvez," ani Vince na kumalas kay Lucy at saka lumapit sa kanya. Sa gulat niya'y bigla siya nitong hinapit sa beywang at kulang na lang ay malunok niya ang dila sa pagkabigla. "And soon to be my wife." Magkahalo ang gulat at pagkadismaya sa mukha ni Lucy, mga emosyong kaagad naitago sa pagngiti nito. "That's... quite a good news, Vince! Finally, you found the right girl, pero kailan pa? Hindi ko alam na may itinatago kang girlfriend sa cabinet mo," mahihimigan ang biro sa tinig nito. "It's a long story." "You are a mystery, honey—I mean, Vince. Sa tagal nating magkakilala, may mga bagay ka pa ring hindi sinasabi sa 'kin. You're hurting my feelings, Vincent!" Vince chuckled. "Don't be silly. You have known me from head to toe." "I guess so, that's why I always come here. Alam kong takot ka sa mantika and you always rely on me pagdating sa mga favorite dishes mo," wika ni Lucy bago lumapit at inilahad ang kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap. "I'm Lucy, by the way. Best of friends kami ni Vince since high school. And I'll tell you a secret..." humagikhik ito at kunwa'y bumulong. "Vince has a mole on the left side of his butt—" "Lucy!" maagap na pigil ni Vince sa kaibigan. Natatawang lumayo si Lucy bago naglakad patungo sa kitchen. Gusto niyang makitawa kay Lucy lalo't bakas ang pamumula sa mukha ng binata, ngunit ang isiping nakita na ng babae ang bahaging iyon ng katawan ng binata ay hindi niya ikinatuwa. Lucy exuded with warmth and friendliness. Ipinagpalagay niyang panunukso lang iyon at hindi kahahaluan ng malisya. And if the second-mentioned was the case, wala siyang karapatan na makadama ng disgusto. Malaya si Vince na magustuhan ang kahit na sino sa kabila ng kasunduang nakapagitan sa kanila, anuman ang damdamin niya. Niyakag siya ng binata patungo sa kusina. "Aalis na sana kami para mag-dinner sa labas," anito kay Lucy na noo'y inihahanda ang mga rekado sa kitchen counter. "Oh, don't bother. Ako na ang bahala sa dinner. Mas safe kapag lutong-bahay ang kakainin mo, Vince. Mas mapapanatag ako." Tumikhim si Issa at pasimpleng kumawala mula sa pagkakayapos ng lalaki sa kanya. Naupo siya sa stool, saka nagsalita. "Kailangan mo ba ng tulong?" Ngumiti si Lucy. Iwinasiwas ang kamay at saka nagsuot ng apron. "Okay lang, Issa. Madalas ay si Vince ang kasa-kasama kong magluto—" bigla'y preno sa nahihiyang tono, "But since you're here, iyong-iyo si Vince ngayon. Kung alam ko lang na makakaistorbo ako, 'di sana'y hindi ako nagpunta. 'Eto kasing si Vince, hindi man lang ako sinabihan." "Tyron said you're too busy with your resto. Dalawang branches ang itatayo niyo at hindi ka na raw halos nakakatulog ng maayos. For once, Lucy, makinig ka kay Tyron kapag sinabi niyang magpahinga ka." Sumandal si Vince sa counter at kaswal na nakipag-usap. He was slackened. Hindi tulad kanina sa silid nito na halos maglabasan ang litid sa galit sa kanya. "Let's not talk about Tyron. He's overprotective. Parang ikaw ang kaibigan mong 'yun, bossy and authoritative." Ismid lang ang isinagot ni Vince bago siya nito hinila paalis sa kinauupuan niya. Pumasok sila nito sa kitchen. "Then let us help you, Lucy. Kung tititigan lang kita, 'di sana'y nanood na lang ako ng cooking show sa TV." "Vince, nakakahiya sa girlfriend mo, ano! Pakikilusin mo lang sa kusina." "Hindi, okay lang. I can help at mukhang marami akong matututunan sa 'yo," sinserong sabi ni Issa. Base sa narinig na pag-uusap ng dalawa ay natitiyak niyang malaki ang nalalaman ni Lucy sa kusina. "Minsan ko lang sasabihin 'to," si Vince habang isinasalang ang pot sa stove. "But Lucy's a master chef of her own. Kahit kumukulong mantika ay napapasunod niya." Amused na napatingin siya sa bisita. "Parang oil-bender?" Napuno ng halakhakan ang unit sa itinuran niya. Kasunod ay ang bahagyang pagpisil ni Vince sa tagiliran niya, pulling her closer to him. "You must be a fan of Avatar, darling.""Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty.At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito."Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal r
Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin. Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan. All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo. Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss
Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu
"Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit
Literal na napanganga si Issa. Her eyes drifted across. Sa harap niya ay ang mataas na gusaling hindi bababa sa fifty floors and was undergoing seafront construction. Isa iyong five-star hotel sa ilalim ng Sevilla Land project, another luxury property sa pamamahala ni Vince at kumpanya nito. Meters away was the immense sea of El Nido, karst coastline and salty breeze, and yes... paradise.Sa tabi nila ay ang SUV ng binata na siyang sinakyan nila mula sa hotel na tutuluyan nila sa loob ng isang linggong bakasyon doon."It was a joint venture with the Japanese investors. About eight-hundred feet, spread nearly over twenty-acres beachfront hotel," Vince said, arms akimbo. Tulad niyang nakatanaw ito sa labas ng ginagawang gusali at kakikitaan ng pagmamalaki ang tingin. Proud but not boastful.Napalingon siya rito. Hindi malaman kung saan mas hahanga—sa mala-paraisong dagat o kay Vince na hindi miminsang nililingon ng mga kadalagahang naka-bikini sa coastland. Nakasuot ito ng jeans at cla
Gaya ng ipinangako, inilaan ng buong project team, common workers at executives, ang kalahating araw ng trabaho sa pristine beaches ng El Nido. Ang ilan ay inaliw ang sarili sa paliligo at outdoor activities. Some went to enjoy sports gaya ng paglalaro ng volleyball. Vince made the most out of it with her. Isinama siya nitong mag-parasailing, kayaking, and even snorkeling. Kung titignan ay tila totoo silang nag-iibigan nito, with all the laughing and stolen kisses from him mapa-ere man o sa dagat. At ilang beses na gusto rin niyang maniwala. Inayos ni Issa ang mahaba at puting coverup na isinuot niya matapos ang maghapong paliligo. Sa ilalim niyon ay ang light blue two-piece bikini na hindi niya gustong ihantad in broad daylight. Magdadapit-hapon na. Kipkip sa isang kamay ang goblet na may red wine na isinilbi ni Mr. Benitez na tinungo niya ang tahimik na bahagi ng isla. Isang foreign couple ang papaalis at nasalubong niya, at ilang saglit pa'y mag-isa na niyang tinatanaw ang papal
Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Wala si Vince nang magising siya. Nang dumating sila sa hotel na iyon ay hindi sila nagtabi nito sa pagtulog. Sa mahabang sofa sa kwarto ito natulog bagama't queen-size ang kama. Except yesterday. Natitiyak niyang magkatabi sila ni Vince at hindi siya tumanggi. Alas-siete y media ng umaga ang oras sa screen ng cellphone niyang nakalapag sa bedside table. Nakatanggap din siya ng mensahe mula kay Vince.'Need to go early. Meetup with the Japanese investors. I won't be long... will miss u.' She gently bit her lower lip to seize a smile. Hindi niya inaasahan ang huli. Akmang ilalapag niya ang cellphone nang mabungaran ang isang maliit at pink na box sa ibabaw din ng bedside table. Atubiling inabot niya iyon at binuksan. Natilihang napatitig doon ang dalaga. Bumungad ang pamilyar na timepiece. A rose gold wristwatch with diamonds na kaparehas ng isinangla niya. Tinubos iyon ni Vince. Pero kailan pa? Hindi rin matukoy ng dal
'He's not into a boring housewife material... Surely, you will bore him to death.' Issa gritted her teeth. Sheryl's such a bitch for telling that. Vince and Sheryl obviously had a thing in the past, at marahil ay nagseselos ito. Nang magbalik sa kwartong inookupa sa hotel ay napatda siya. Sa pagsara niya ng pinto ay siyang paglabas ni Vince mula sa shower room—nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at kasalukuyang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Maaga ka yata," bungad niya rito, fixing her eyes on his face, away from his big, muscular trunk. "Gaya ng sabi ko, I will miss you kung magtatagal ako," anitong pinasadahan siya ng humahangang tingin. "And now I'm having a hard time dealing with this male thing." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa halip ay humarap ito sa bintana at tumanaw. Labis niyang pinagtakhan ang ikinilos nito. Taliwas sa inaasahan niya ang pagtalikod nito.'Vince is like a feral in bed... Banta
Maiging pinagmasdan ni Issa ang nahihimbing na asawa. Vince was a demigod with prolific dark lashes and jetblack brows, mga katangiang minana nito sa griyegong ina na batid niyang namatay sa komplikasyon sa panganganak. She smiled as she stared down at his muted lips—luscious and firm at the same time, like a mix of sweet and spice in her craving mouth. Tumingala siya at hinagkan ang mga iyon.It was supposed to be light and quick. Pero sa gulat niya'y mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso ni Vince at mariin siyang siniil ng halik sa labi. "Good morning, wife..." anas nito kapagkuwan."G-good morning. Kanina ka pa ba gising?" she stuttered in sheepishness.His mouth twisted in mirth with hands all over her. Lalo siyang pinamulahan nang gumala ang palad nito sa kanyang pang-upo at kahubdan, pagkuwa'y sa kanyang dibdib. "Kung gaano katagal mo akong tinititigan at pinagnanasaan," wika nito sa bahagyang pagpisil sa kanyang tagiliran."Excuse me, hindi kita pinagnanasaan. A-an
Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d
Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan."Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum
Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is
"Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind
Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in
'He's not into a boring housewife material... Surely, you will bore him to death.' Issa gritted her teeth. Sheryl's such a bitch for telling that. Vince and Sheryl obviously had a thing in the past, at marahil ay nagseselos ito. Nang magbalik sa kwartong inookupa sa hotel ay napatda siya. Sa pagsara niya ng pinto ay siyang paglabas ni Vince mula sa shower room—nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at kasalukuyang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Maaga ka yata," bungad niya rito, fixing her eyes on his face, away from his big, muscular trunk. "Gaya ng sabi ko, I will miss you kung magtatagal ako," anitong pinasadahan siya ng humahangang tingin. "And now I'm having a hard time dealing with this male thing." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa halip ay humarap ito sa bintana at tumanaw. Labis niyang pinagtakhan ang ikinilos nito. Taliwas sa inaasahan niya ang pagtalikod nito.'Vince is like a feral in bed... Banta
Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Wala si Vince nang magising siya. Nang dumating sila sa hotel na iyon ay hindi sila nagtabi nito sa pagtulog. Sa mahabang sofa sa kwarto ito natulog bagama't queen-size ang kama. Except yesterday. Natitiyak niyang magkatabi sila ni Vince at hindi siya tumanggi. Alas-siete y media ng umaga ang oras sa screen ng cellphone niyang nakalapag sa bedside table. Nakatanggap din siya ng mensahe mula kay Vince.'Need to go early. Meetup with the Japanese investors. I won't be long... will miss u.' She gently bit her lower lip to seize a smile. Hindi niya inaasahan ang huli. Akmang ilalapag niya ang cellphone nang mabungaran ang isang maliit at pink na box sa ibabaw din ng bedside table. Atubiling inabot niya iyon at binuksan. Natilihang napatitig doon ang dalaga. Bumungad ang pamilyar na timepiece. A rose gold wristwatch with diamonds na kaparehas ng isinangla niya. Tinubos iyon ni Vince. Pero kailan pa? Hindi rin matukoy ng dal
Gaya ng ipinangako, inilaan ng buong project team, common workers at executives, ang kalahating araw ng trabaho sa pristine beaches ng El Nido. Ang ilan ay inaliw ang sarili sa paliligo at outdoor activities. Some went to enjoy sports gaya ng paglalaro ng volleyball. Vince made the most out of it with her. Isinama siya nitong mag-parasailing, kayaking, and even snorkeling. Kung titignan ay tila totoo silang nag-iibigan nito, with all the laughing and stolen kisses from him mapa-ere man o sa dagat. At ilang beses na gusto rin niyang maniwala. Inayos ni Issa ang mahaba at puting coverup na isinuot niya matapos ang maghapong paliligo. Sa ilalim niyon ay ang light blue two-piece bikini na hindi niya gustong ihantad in broad daylight. Magdadapit-hapon na. Kipkip sa isang kamay ang goblet na may red wine na isinilbi ni Mr. Benitez na tinungo niya ang tahimik na bahagi ng isla. Isang foreign couple ang papaalis at nasalubong niya, at ilang saglit pa'y mag-isa na niyang tinatanaw ang papal