“Just because of the husband’s incapability, he could no longer fulfill his duty.” “Tonight, you'll prove if I am incapable of my husband duty, Sierra Navarro-Delgado,” mahinang usal ng asawa sa kanya. Si Sierra Navarro-Delgado ay nakipaghiwalay sa kanyang asawa at nang araw din iyon, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanyang pakikipahiwalay sa asawang si Nathan Delgado. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan, naging sikat na international designer si Sierra at ngayo’y napapalibutan ng maraming mga gwapong lalaki. Napansin niya rin na ang kanyang dating asawa na bihirang umuwi, ay madalas na magpakita sa kanya. Malamig at malayo ito sa umaga, ngunit malapit at nakabantay naman ito tuwing gabi na ayaw siyang alisin sa pagkakayakap. “Sierra, please love me back.” Bulong ng asawa kay Sierra at hindi tinigilan sa paghalik sa kanya nq halos ayaw na nitong humiwalay sa kanya. Sa kabila ng kanyang muling kasikatan at dami ng mga manliligaw, hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang dating asawa dahil sa palagi nitong ginagawa sa kanya sa kabila ng kanilang paghihiwalayan. Ngayon nakikita ni Sierra ang kanyang sarili na nahihirapang alisin ang kanyang nararamdaman sa dating asawa kahit pa man sa masasakit na nakaraan na kanyang naranasan sa kamay nito. Paano pa kaya makakalimot si Sierra kung walang ibang ginawa ang kanyang dating asawa kung hindi ipadama sa kanya ang mga bagay na pinangarap niya lang noon sa piling nito? Will she give Nicholas Delgado a chance to fixed her broken heart?
View MoreNandilim ang mga mata ni Sierra dahil sa kanyang mga narinig. Nararamdaman niya na palaging may motibo ang bawat salitang binibitawan ni Maurice. Kung titignan ay sobrang bait at pormal ng babae ngunit ang mga salitang binitawan niya ay tila parang isang patalim na tumarak kay Sierra patalikod. Hindi basta-bastang babae si Maurice.Tila bigla namang nandilim ang ekspresyon ni Nathan nang marinig niya iyon kaya naman ay tinitigan niya nang masama si Maurice. Napakatalim ng kanyang mga titig kay Maurice at habang si Sierra naman ay hindi na nagtangkang salubungin ang mga mata ni Nathan. “Hey, what are you still doing here? The show is about to start, so please take your seats,” ani Damian pagbalik nito. Nagpakawala naman ng isang malalim na hininga si Sierra at agad na sumunod kay Damian sa likuran na tila ginamit pa ang lalaki bilang panangga upang iwasan ang mga titig ni Nathan sa kanya. “Kasama pala ni Sierra si Mr. Damian, Nathan,” sabat naman ni Maurice at sinubukang baguhin ang
“Oo naman, si Damian ay kaklase ko sa America noon,” sagot ni Maurice.Tumingin naman ito kay Damian at ngumiti. “Matagal na tayong hindi nagkita, Damian. Kumusta ka na?”“I'm alright,” sagot ni Damian at pilit ang ngiti nito na tila ba ang hirap alamin kung anong iniisip niya dahil nakasuot ito ng glasses. “Mag-usap na muna kayo dahil may kakausapin lang ako sa cellphone.”Naglakad ito palayo para sagutin ang cellphone niya.“Umaangat na ang career mo at ngayon nakikipag-usap ka pa sa A.B Group para sa isang kolaborasyon,” sambit ni Maurice.“Mr. Damian Del Fierro is also praising you,” sabat naman ni Sierra na nakangiti.Ayaw ni Sierra na maiwan kasama ni Maurice dahil palagi itong nagtatanong at naiinis si Sierra.Hindi niya gusto ang ugali ni Maurice na sobrang matanong kaya kung may pagkakataon siya ay iiwasan niya ito.“Alam mo parang may gusto sa 'yo si Damian at may sasabihin pala ako sa 'yo. Walang girlfriend si Damian. Kung gusto mo siya, pwede kang gumawa ng hakbang lalo na
Nakatulala lang si Sierra habang naglalakad patungo sa opisina ng presidente ng A.B Group.“Maghintay po muna kayo dito, Ma'am Navarro, kasi may meeting pa po si Sir Damian at matatapos iyon maya-maya,” sabin ng secretary kay Sierra.“S-Sige,” kinakabahang sagot ni Sierra at saka tumayo sa loob ng opisina ni Damian Del Fierro.Sampung minuto lang ang nakalipas ay nagbukas na ang pinto ng opisina at isang matangkad na pigura ng lalaki ang biglang pumasok sa loob.Hindi naman nakaligtas sa pang-amoy ni Sierra ang pabango ni Damian. Lumingon siya sa likuran at nakita ang isang matangkad at guwapong lalaki na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan.Ang lalaking ito ay ang tumulong sa kanya na pulutin ang mga nagliparan niyang mga drafts kanina.“I-Ikaw?” ani Sierra sa gulat na reaksyon.“What a nice coincidence,” sagot naman ng lalaki na ngayon ay nakangiti na.“Ikaw po ba si President Damian ng A.B Group?” tanong niya nang may mapagtanto siya.“Yes, it's me,” sagot nito at agad na nagpunt
Kasalukuyang sinusuot ni Sierra ang kanyang skirt nang biglang marinig niya ang boses ng isang lalaki sa likod kaya naman ay natigilan siya.Nagsimula na siyang mag-panic at dahil doon nahirapan siyang isuot ito nang maayos kaya napasigaw siya dahil sa inis.“F*ck!”Napakunot naman ang noo ni Nathan kaya naglakad ito patungo sa direksyon ni Sierra upang tulungan itong mahila ang skirt niya.“Don't be so stupid as if I am going to kill you,” sagot nito sa kanya. Hindi naman kumibo si Sierra.Pagkatapos niyang masuot nang maayos ang skirt, bigla namang bumalik sa pagka-aliwalas ang mukha ni Sierra at nalaman niyang nakakulong na siya sa mga bisig nito.Tumingala si Sierra at nakita niya ang walang emosyon na gwapong mukha ni Nathan.“Bakit nandito ka pa rin?” tanong niya kay Nathan.“Bahay ko ito at pwede akong manatili dito hanggang kailan ko gusto,” sagot naman ni Nathan sa kanya.Tinitigan naman siya ni Sierra at hindi maiwasan na mapaisip siya kung bakit napakaingay na nito ngayon.
Naglakad paakyat sa ikalawang palapag si Nathan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.“Hello?” ani Nathan sa kabilang linya.“Is it true that you want to spend two million just to have a child?” tanong ng kabilang linya sa kanya.Nandilim naman ang mukha ni Nathan dahil sa kanyang narinig.“What the hell are you talking about? Why would I pay a huge sum of money just to have a child?” sambit ni Nathan.“This is about the advertisement you just made,” sagot naman ng na sa kabilang linya.“I never made that kind of advertisement at all!” ani Nathan.Mabilis niyang pinutol ang tawag at ngayon ay hindi na mapinta ang mukha ni Nathan. Wala na nga siya sa mood tapos bigla na naman niyang maririnig ang mga walang kwentang pinagsasabi ng iba kaya mas lalo tuloy siyang naging iritable ngayon.Makalipas ang ilang segundo, may tumawag na naman sa cellphone ni Nathan at ito pa rin 'yong taong nagsabi na magbibigay siya ng dalawang milyon para lan
Habang inaalala niya ang pangyayari noon, biglang nandilim ang mga mata ni Nathan.“Sa pangalang Mrs. Delgado ko ibinigay 'yon, hindi ba?” ani Nathan kay Sierra.Bigla namang napatigil sa paghinga si Sierra dahil biglang niyang naisip ang sinabi nito na kung saan kapag hiniwalayan niya si Nathan, wala siyang bahay na makukuha.Hindi niya akalain na ganoon na lamang ang pagkamanhid ni Nathan pero sinubukan niya pa rin na pilitin ito.“Matagal na rin na naging mag-asawa tayo at ngayon na maghihiwalay na tayo, kahit itong bahay man lang ay hindi mo ibibigay sa akin?” tanong niya sa asawang si Nathan.Walang ibang masasabi si Sierra kung hindi iyon. Pinagsilbihan niya ito sa loob ng dalawang taon pagkatapos sa huli ay wala man lang siyang mapapala.“Why? Did I promise an annulment to you?” tanong ni Nathan sa kanya.“Ako ang nagsabi na gusto ko na makipaghiwalay sa 'yo,” sagot naman ni Sierra sa tanong ni Nathan sa seryosong tono.May anak sa labas si Nathan kaya hindi niya alam kung paan
‘Anong ginagawa ng lalaking ito dito?’Hindi mapigilan ni Sierra na itanong ito sa kanyang isipan nang makita niya si Nathan. Nagulat pa siya nang kaonti ngunit ilang sandali, bigla siyang nakaramdam ng galit.Napapalibutan ng harang ang buong bahay habang may dalawang bodyguards naman na nakaharang sa harap ng pinto kaya nagtaka si Sierra.“Bakit may harang itong bahay ko?” tanong niya sa kanila. “Umalis nga kayo diyan!”“Pasensya ka na, Senyorita, dahil ideya ito ni Sir Nathan. Nakapangalan sa kanya ang buong villa na ito at kabilin-bilinan niya na walang sinuman ang maaaring manirahan dito o baka makasuhan ang sinuman na papasok ng trespassing,” ani Tristan sa kanya.Ibig sabihin no'n maaari siyang makulong kaya naman sobrang nagngangalit na sa galit si Sierra. Hinarap niya si Nathan at masama itong tinitigan, ang kanyang mukha ay nababalot na ng galit.“Sierra, come here,” ani Nathan sa kanya. Tila ba ang boses nito ay sumasabay sa dilim ng paligid.Nagbuntong-hininga si Sierra at
“Kasalukuyang na sa kanyang boutique si Madam Sierra, Boss.”Muling ibinuka ni Nathan ang kanyang bibig upang magsalita ulit. “Is her stomach still aching?”“Mukha naman pong maayos na,” sagot ni Travis kay Nathan.“Okay,” mahinang sabi ni Nathan at saka ibinalik ang kanyang atensyon sa trabaho. Hindi na siya nagsalita pa. Bigla namang naalala ni Travis ang binigay ni Sierra kanina kaya ibinigay niya ito kay Nathan at sinabing, “Inutusan ako ni Madam Sierra na ibigay sa inyo ito, Boss.”“Basahin mo.” Hindi man lang tumingin si Nathan sa kanya at inutusan na lamang siya.“Sige po...” sagot ni Travis sa kanya at binuksan ang envelope. Nagulat siya nang mabasa ang dalawang letra na nakasulat doon. ‘Annulment Agreement?’Natuod si Travis sa kanyang direksyon at hindi sinubukang basahin ito.“Why are you still not reading it?” takang tanong ni Nathan sa kanya.“Gustong makipaghiwalay ni Madam Sierra sa 'yo, Boss Nathan. Sinabi dito na ang dahilan ng pagkikipaghiwalay ay dahil hindi mo na
“A-Ano?”Natuod si Sierra sa kanyang narinig at agad umalis nang tingin sa kanila.“Narinig ko sa labas ang sinasabi nila. Hindi mo ba gusto si Nathan?” tanong ni Maurice at biglang tinignan si Nathan upang makita ang kanilang mga reaksyon.Para namang walang narinig si Nathan at patuloy na kumakain ng isda.Natawa bigla si Sierra sa kanyang sarili at nagsalita ng malakas, “Hindi!”“Talaga?” tanong ni Maurice at parang hindi naniniwala sa kanya.Maraming alam si Maurice tungkol sa kanilang dalawa noong mga nakaraang araw. Narinig niya rin kung paano pinagpilitan ni Sierra ang kanyang sarili kay Nathan. Kahit saan magpunta si Nathan ay palagi itong nakabuntot sa kanya at kahit ang mga kaibigan ni Nathan ay tinatawag itong “Little Puppy” dahil sa patuloy na pagsunod sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala sa kanyang puso.“I was still a teenager at that time, so I didn't know anything about it. I did that just for fun.” Nakangiting sagot ni Sierra kay Maurice.Aminado naman si Si
“Senyorita, dumating na po ang asawa niyo.”Nang marinig ni Sierra ito, biglang nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis niyang hinawi ang kurtina sa kanyang harapan. “T-Totoo ba?” Isang Lamborghini ang biglang dumating. Sinuri niyang mabuti ang tao na nasa loob ng sasakyan. Isang lalaki ang nakita niya sa loob na may magandang mukha at bakas sa galaw nito ang malakas niyang presensya. Lumiwanag ang kanyang mukha nang malamang ang asawa nga ang dumating. Kumabog nang malakas ang puso ni Sierra.Namula ang kanyang pisngi nang maalala niya ang madalas na ginagawa ng asawa kapag dumating ito. Ang halik na kay tagal matapos at mapupusok...Bigla siyang kinabahan at nahihiyang harapin ito. Gusto niyang magbihis subalit biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang nakabihis ng pormal na lalaki.Napatitig si Sierra sa lalaki at ngumiti. “N-Nathan...”“Lumapit ka,” utos nito. Niluwagan ni Nathan ang kanyang suot na necktie habang ang braso naman ay may suot na isang mahahaling relo na mas
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments