All Chapters of Unwanted Divorce: The CEO Wants Me Back: Chapter 1 - Chapter 10

12 Chapters

Kabanata 1: He's Back

“Senyorita, dumating na po ang asawa niyo.”Nang marinig ni Sierra ito, biglang nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis niyang hinawi ang kurtina sa kanyang harapan. “T-Totoo ba?” Isang Lamborghini ang biglang dumating. Sinuri niyang mabuti ang tao na nasa loob ng sasakyan. Isang lalaki ang nakita niya sa loob na may magandang mukha at bakas sa galaw nito ang malakas niyang presensya. Lumiwanag ang kanyang mukha nang malamang ang asawa nga ang dumating. Kumabog nang malakas ang puso ni Sierra.Namula ang kanyang pisngi nang maalala niya ang madalas na ginagawa ng asawa kapag dumating ito. Ang halik na kay tagal matapos at mapupusok...Bigla siyang kinabahan at nahihiyang harapin ito. Gusto niyang magbihis subalit biglang nagbukas ang pinto at pumasok ang isang nakabihis ng pormal na lalaki.Napatitig si Sierra sa lalaki at ngumiti. “N-Nathan...”“Lumapit ka,” utos nito. Niluwagan ni Nathan ang kanyang suot na necktie habang ang braso naman ay may suot na isang mahahaling relo na mas
Read more

Kabanata 2: Nathan's Happiness

“May isang babae sa puso ni Nathan na nakilala niya sa America. Itinago niya ito ng ilang taon sa kanyang puso at magkapareha kayong dalawa,”Bigla niyang naalala ang sinabi ng kaibigan ni Nathan sa kanya. Nang malaman ni Sierra iyon ay hindi siya naniniwala dahil alam niyang parte lamang ito ng nakaraan ng asawa. Alam niyang hindi ito magiging katulad niya.Pakiramdam ni Sierra ay isang panaginip lang ang lahat.Nang makita niya kung paano alalayan ni Nathan ang babae, pakiramdam niya ay parang tinarak ng kutsilyo ang kanyang puso habang ang kanyang buong kalamnan ay namimilipit na sa sobrang sakit.Inalalayan ni Nathan ang babae upang umalis na ngunit nakita niya si Sierra hindi malayo sa kanilang direksyon kasama si Manang Lilian. Biglang nagbago ang timpla ng kanyang mukha dahil sa nakita.“Kilala mo ba siya, Nathan?”Hindi napigilan ng babae ang magtanong tungkol sa tinitignan ni Nathan.“Yeah, I know her. She's Sierra, my wife,” ani Nathan sa babae at nagpatuloy. “Get in the car
Read more

Kabanata 3: Annulment

Nakasimangot si Nathan nang magpatuloy siya sa paglalakad patungo sa direksyon ni Sierra. Nakapikit ang mga mata ng asawa pero ang mukha nito ay bakas pa rin ang pagkagiging isip-bata. Ngunit hindi matatago ang angking ganda. Ang kanyang kulay rosas na mga labi ay sobrang nakakaakit.Habang nakatitig siya kay Sierra, pakiramdam ni Nathan ay biglang naglaho ang kanyang galit na bumabalot sa kanyang puso. Yumuko siya upang buhatin si Sierra. Biglang sumiksik sa mga braso ni Nathan si Sierra nang makaramdam ito ng init. Tinitigan ni Nathan si Sierra at lumalim bigla ang kanyang mata kaya walang nakakaalam kung ano ang naglalaro sa kanyang isip ngayon. Ibinaba niya ito sa kama. Aalis na sana siya nang biglang marinig niyang magsalita si Sierra.“You are an asshole, Nathan...” Natigilan si Nathan sa kanyang narinig. Gamit ang kamay, inabot niya ang pisngi nito at saka hinaplos ang maganda nitong mukha. Biglang natulala si Sierra at inilipat ang ulo nito sa kabilang gilid kung saan nand
Read more

Kabanata 4: Habambuhay na Parusa

“Did you regret it? How is it possible that your love suddenly just disappeared like that in two years?”Ang mga salitang ito ay nanggaling sa bibig ni Nathan habang nakatingin pa rin sa kanya nang diretso.Nakahiga pa rin si Sierra habang na sa ibabaw niya si Nathan. Walang kahit anong emosyon ang kanyang maputlang mukha sa mga oras na ito.“Oo, nagsisisi na ako at hinding-hindi na kita magugustuhan kahit kailan!” sambit ni Sierra.Alam niyang hindi niya deserve ang ganito kaya susuko na siya.Habang tumatagal ay mas lalong nandidilim ang mukha ni Nathan at walang prenong sinabi, “That's good to know. I don't care if you don't love me anymore, I still don't want to let you go. You have to stay with me to pay for what you did. You will stay beside me for a long time and that's your punishment.”Natuod si Sierra sa kanyang narinig.“Porket may plano ang ama ko laban sa 'yo ay hindi mo na kami mapapatawad?” tanong niya.“Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yong may mga balak laban sa akin.
Read more

Kabanata 5: Her Realization

“A-Ano?”Natuod si Sierra sa kanyang narinig at agad umalis nang tingin sa kanila.“Narinig ko sa labas ang sinasabi nila. Hindi mo ba gusto si Nathan?” tanong ni Maurice at biglang tinignan si Nathan upang makita ang kanilang mga reaksyon.Para namang walang narinig si Nathan at patuloy na kumakain ng isda.Natawa bigla si Sierra sa kanyang sarili at nagsalita ng malakas, “Hindi!”“Talaga?” tanong ni Maurice at parang hindi naniniwala sa kanya.Maraming alam si Maurice tungkol sa kanilang dalawa noong mga nakaraang araw. Narinig niya rin kung paano pinagpilitan ni Sierra ang kanyang sarili kay Nathan. Kahit saan magpunta si Nathan ay palagi itong nakabuntot sa kanya at kahit ang mga kaibigan ni Nathan ay tinatawag itong “Little Puppy” dahil sa patuloy na pagsunod sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala sa kanyang puso.“I was still a teenager at that time, so I didn't know anything about it. I did that just for fun.” Nakangiting sagot ni Sierra kay Maurice.Aminado naman si Si
Read more

Kabanata 6: His Wife's Decision

“Kasalukuyang na sa kanyang boutique si Madam Sierra, Boss.”Muling ibinuka ni Nathan ang kanyang bibig upang magsalita ulit. “Is her stomach still aching?”“Mukha naman pong maayos na,” sagot ni Travis kay Nathan.“Okay,” mahinang sabi ni Nathan at saka ibinalik ang kanyang atensyon sa trabaho. Hindi na siya nagsalita pa. Bigla namang naalala ni Travis ang binigay ni Sierra kanina kaya ibinigay niya ito kay Nathan at sinabing, “Inutusan ako ni Madam Sierra na ibigay sa inyo ito, Boss.”“Basahin mo.” Hindi man lang tumingin si Nathan sa kanya at inutusan na lamang siya.“Sige po...” sagot ni Travis sa kanya at binuksan ang envelope. Nagulat siya nang mabasa ang dalawang letra na nakasulat doon. ‘Annulment Agreement?’Natuod si Travis sa kanyang direksyon at hindi sinubukang basahin ito.“Why are you still not reading it?” takang tanong ni Nathan sa kanya.“Gustong makipaghiwalay ni Madam Sierra sa 'yo, Boss Nathan. Sinabi dito na ang dahilan ng pagkikipaghiwalay ay dahil hindi mo na
Read more

Kabanata 7: Part 1: You will prove it tonight

‘Anong ginagawa ng lalaking ito dito?’Hindi mapigilan ni Sierra na itanong ito sa kanyang isipan nang makita niya si Nathan. Nagulat pa siya nang kaonti ngunit ilang sandali, bigla siyang nakaramdam ng galit.Napapalibutan ng harang ang buong bahay habang may dalawang bodyguards naman na nakaharang sa harap ng pinto kaya nagtaka si Sierra.“Bakit may harang itong bahay ko?” tanong niya sa kanila. “Umalis nga kayo diyan!”“Pasensya ka na, Senyorita, dahil ideya ito ni Sir Nathan. Nakapangalan sa kanya ang buong villa na ito at kabilin-bilinan niya na walang sinuman ang maaaring manirahan dito o baka makasuhan ang sinuman na papasok ng trespassing,” ani Tristan sa kanya.Ibig sabihin no'n maaari siyang makulong kaya naman sobrang nagngangalit na sa galit si Sierra. Hinarap niya si Nathan at masama itong tinitigan, ang kanyang mukha ay nababalot na ng galit.“Sierra, come here,” ani Nathan sa kanya. Tila ba ang boses nito ay sumasabay sa dilim ng paligid.Nagbuntong-hininga si Sierra at
Read more

Kabanata 8: Part 2: You will prove it tonight

Habang inaalala niya ang pangyayari noon, biglang nandilim ang mga mata ni Nathan.“Sa pangalang Mrs. Delgado ko ibinigay 'yon, hindi ba?” ani Nathan kay Sierra.Bigla namang napatigil sa paghinga si Sierra dahil biglang niyang naisip ang sinabi nito na kung saan kapag hiniwalayan niya si Nathan, wala siyang bahay na makukuha.Hindi niya akalain na ganoon na lamang ang pagkamanhid ni Nathan pero sinubukan niya pa rin na pilitin ito.“Matagal na rin na naging mag-asawa tayo at ngayon na maghihiwalay na tayo, kahit itong bahay man lang ay hindi mo ibibigay sa akin?” tanong niya sa asawang si Nathan.Walang ibang masasabi si Sierra kung hindi iyon. Pinagsilbihan niya ito sa loob ng dalawang taon pagkatapos sa huli ay wala man lang siyang mapapala.“Why? Did I promise an annulment to you?” tanong ni Nathan sa kanya.“Ako ang nagsabi na gusto ko na makipaghiwalay sa 'yo,” sagot naman ni Sierra sa tanong ni Nathan sa seryosong tono.May anak sa labas si Nathan kaya hindi niya alam kung paan
Read more

Kabanata 9: The call for the CEO

Naglakad paakyat sa ikalawang palapag si Nathan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.“Hello?” ani Nathan sa kabilang linya.“Is it true that you want to spend two million just to have a child?” tanong ng kabilang linya sa kanya.Nandilim naman ang mukha ni Nathan dahil sa kanyang narinig.“What the hell are you talking about? Why would I pay a huge sum of money just to have a child?” sambit ni Nathan.“This is about the advertisement you just made,” sagot naman ng na sa kabilang linya.“I never made that kind of advertisement at all!” ani Nathan.Mabilis niyang pinutol ang tawag at ngayon ay hindi na mapinta ang mukha ni Nathan. Wala na nga siya sa mood tapos bigla na naman niyang maririnig ang mga walang kwentang pinagsasabi ng iba kaya mas lalo tuloy siyang naging iritable ngayon.Makalipas ang ilang segundo, may tumawag na naman sa cellphone ni Nathan at ito pa rin 'yong taong nagsabi na magbibigay siya ng dalawang milyon para lan
Read more

Kabanata 10: Damian Del Fierro

Kasalukuyang sinusuot ni Sierra ang kanyang skirt nang biglang marinig niya ang boses ng isang lalaki sa likod kaya naman ay natigilan siya.Nagsimula na siyang mag-panic at dahil doon nahirapan siyang isuot ito nang maayos kaya napasigaw siya dahil sa inis.“F*ck!”Napakunot naman ang noo ni Nathan kaya naglakad ito patungo sa direksyon ni Sierra upang tulungan itong mahila ang skirt niya.“Don't be so stupid as if I am going to kill you,” sagot nito sa kanya. Hindi naman kumibo si Sierra.Pagkatapos niyang masuot nang maayos ang skirt, bigla namang bumalik sa pagka-aliwalas ang mukha ni Sierra at nalaman niyang nakakulong na siya sa mga bisig nito.Tumingala si Sierra at nakita niya ang walang emosyon na gwapong mukha ni Nathan.“Bakit nandito ka pa rin?” tanong niya kay Nathan.“Bahay ko ito at pwede akong manatili dito hanggang kailan ko gusto,” sagot naman ni Nathan sa kanya.Tinitigan naman siya ni Sierra at hindi maiwasan na mapaisip siya kung bakit napakaingay na nito ngayon.
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status