Share

Kabanata 7: Part 1: You will prove it tonight

‘Anong ginagawa ng lalaking ito dito?’

Hindi mapigilan ni Sierra na itanong ito sa kanyang isipan nang makita niya si Nathan. Nagulat pa siya nang kaonti ngunit ilang sandali, bigla siyang nakaramdam ng galit.

Napapalibutan ng harang ang buong bahay habang may dalawang bodyguards naman na nakaharang sa harap ng pinto kaya nagtaka si Sierra.

“Bakit may harang itong bahay ko?” tanong niya sa kanila. “Umalis nga kayo diyan!”

“Pasensya ka na, Senyorita, dahil ideya ito ni Sir Nathan. Nakapangalan sa kanya ang buong villa na ito at kabilin-bilinan niya na walang sinuman ang maaaring manirahan dito o baka makasuhan ang sinuman na papasok ng trespassing,” ani Tristan sa kanya.

Ibig sabihin no'n maaari siyang makulong kaya naman sobrang nagngangalit na sa galit si Sierra. Hinarap niya si Nathan at masama itong tinitigan, ang kanyang mukha ay nababalot na ng galit.

“Sierra, come here,” ani Nathan sa kanya. Tila ba ang boses nito ay sumasabay sa dilim ng paligid.

Nagbuntong-hininga si Sierra at sinimulang ihakbang ang kanyang mga paa patungo sa direksyon ni Nathan. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan saka pumasok sa loob.

Nang makapasok naman siya sa loob, bigla na lamang siyang hinila ni Nathan at kinulong sa mga bisig nito kaya naman napaupo si Sierra sa kandungan niya.

Nakasuot siya ng skirt ngayon at naka-panty lamang siya kaya naman ganoon na lang ang kaba niya kaya mabilis niyang tinuwid ang katawan saka sinubukan magpumiglas.

“A-Anong ginagawa mo, Nathan?” tanong ni Sierra sa kinakabahang tono.

Subalit walang balak si Nathan na bitawan siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Mas lalo pang hinila ni Nathan palapit sa kanya si Sierra kaya naman ramdam ni Sierra ang kondisyon nito ngayon.

“Nathan, ano ba!?” sigaw ni Sierra at pakiramdam niya ay naging blanko ang kanyang isipan ngayon.

“Hindi ba sinabi mo sa akin na hindi ko nagagampanan ang tungkulin ko bilang asawa mo? Pwes, ngayon papatunayan ko sa 'yo kung totoo ba talagang may pagkukulang ako. You will prove it tonight,” sambit ni Nathan na ngayon ay nakahawak na sa baba ni Sierra. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Sierra.

Hindi makagalaw si Sierra dahil sa ginawa ni Nathan at pakiramdam niya ay nahiya siya ng sobra.

“Bitiwan mo na ako dahil maghihiwalay na tayo at wala kang karapatan na gawin sa 'kin ito!” matigas na sabi ni Sierra.

Napangisi si Nathan at saka sinabing, “Hindi ba ikaw itong nagbibintang sa akin? At dahil inakusahan mo ako na hindi kita napapaligaya ibig sabihin lang no'n ikaw talaga itong hindi makuntento, pwes papaligayahin kita. Gagawin nating pitong beses gabi-gabi simula ngayon,” ani Nathan na walang pag-aalinlangan.

Nanlaki ang mga mata ni Sierra, ang kanyang mukha naman ay nagsimulang mamula, at dahil diyan agad siyang nagsalita para pigilan ito.

“Bitiwan mo na ako, Nathan. Pag-usapan na lang natin ito,” aniya sa kinakabahang tono.

“Ano, sasabihin mo pa rin ba na hindi ko ito magagawa sa 'yo?” banta ni Nathan sa kanya sa pabulong na paraan sa kanyang tainga.

‘Ang demonyong ito!’ sabi niya sa kanyang isip.

Alam ni Sierra na nagkamali siya pero hindi siya nagsalita nang kahit na ano bagkus galit niyang pinagdikit ang kanyang mga ngipin saka sinabing, “Hindi na ako magsasalita nang kahit na ano, at pwede tayong mag-usap sa mahinahong paraan.”

Agad rin naman siyang binitawan ni Nathan, umupo ng maayos, at saka inayos niya rin ang kanyang damit.

“Alright,” sagot ni Nathan sa kanya pagkatapos.

Nang makaalis si Sierra mula sa pagkakakulong sa kanya ni Nathan sa mga bisig nito, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan sa tabi bilang paghahanda ng kanyang pagtakas anumang oras.

“Do you really think you can escape if I will catch you?” tanong ni Nathan sa kanya.

“Gusto ko lang naman makalanghap ng sariwang hangin,” depensa naman ni Sierra at huminga muna ng malalim bago siya muling nagsalita, “Bakit mo pinaharangan at pinabantayan ang bahay dito, Nathan?”

“I can seal this house anytime I want because this is mine, remember?” ani Nathan sa kanya kaya napakuyom ang kamao ni Sierra.

“Sinabi mo sa akin noon na akin na ang buong villa!” diin na sabi niya.

Napatitig naman si Nathan sa kanya at bigla niyang naalala ang gabing iyon at halos na sa kalahating taon na silang kasal.

Para mapapayag siya na bilhin ang buong villa sa Laguna, pumasok si Sierra sa loob ng study room habang nakasuot ito ng seksing damit.

“Pwede mo bang bilhin ang buong villa ng pamilya Navarro, Nathan?”

Nang mga panahon na 'yon, napatitig si Nathan sa kanya sa malamig nitong ekspresyon. Dahan-dahan namang naglalakad si Sierra na para bang hindi nito nakita ang kanyang malamig na ekspresyon at naupo pa talaga sa kandungan niya.

Noong panahon na 'yon, nakatitig naman ito sa kanya habang ang mga mata ay mamula-mula, at hindi napigilan ni Nathan na maakit. Simula sa araw na iyon, baliw na baliw na siya sa katawan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status