“Kasalukuyang na sa kanyang boutique si Madam Sierra, Boss.”
Muling ibinuka ni Nathan ang kanyang bibig upang magsalita ulit. “Is her stomach still aching?”
“Mukha naman pong maayos na,” sagot ni Travis kay Nathan.
“Okay,” mahinang sabi ni Nathan at saka ibinalik ang kanyang atensyon sa trabaho. Hindi na siya nagsalita pa.
Bigla namang naalala ni Travis ang binigay ni Sierra kanina kaya ibinigay niya ito kay Nathan at sinabing, “Inutusan ako ni Madam Sierra na ibigay sa inyo ito, Boss.”
“Basahin mo.” Hindi man lang tumingin si Nathan sa kanya at inutusan na lamang siya.
“Sige po...” sagot ni Travis sa kanya at binuksan ang envelope. Nagulat siya nang mabasa ang dalawang letra na nakasulat doon.
‘Annulment Agreement?’
Natuod si Travis sa kanyang direksyon at hindi sinubukang basahin ito.
“Why are you still not reading it?” takang tanong ni Nathan sa kanya.
“Gustong makipaghiwalay ni Madam Sierra sa 'yo, Boss Nathan. Sinabi dito na ang dahilan ng pagkikipaghiwalay ay dahil hindi mo na magampanan ang tungkulin mo bilang asawa niya...”
Walang ibang pagpipilian si Travis kung hindi ang basahin ito ng malakas kay Nathan.
“What the hell?” gulat at nandidilim ang gwapong mukha ni Nathan nang sabihin niya 'yon.
“I-Ito ang annulment agreement na gustong ipabigay sa 'yo ni Madam Sierra,” ani Travis sa kinakabahang boses. Halos hindi na siya huminga dahil sa sobrang takot niya kay Nathan.
Nalaman niya ang dapat sekreto lang sana kaya hindi niya na sinubukan pang basahin ito. Iniabot niya ang annulment agreement kay Nathan.
Hinablot ito ni Nathan at saka siya na ang nagbasa sa malamig nitong reaksyon. Nakapaloob rin sa kasunduan na kukunin ni Sierra ang dating property ng kanyang ama na si Albert sa Laguna kung saan nakatayo ang dating bahay nito.
“She's ridiculous!” singhal na sabi ni Nathan.
Alam ni Sierra ang dahilan kung bakit pinakasal siya kay Nathan pero hindi niya binanggit ang tungkol sa pera ngunit kahit hindi niya 'yon binanggit, alam na ng lahat kung ano ang dahilan ng pagkikipaghiwalay. Sapat na rin 'yon para mangati ang bibig ng mga tao.
Agad niyang tinawagan si Sierra upang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng kasunduan.
“Ano itong binigay mo sa 'kin, Sierra!?” tanong niya sa kabilang linya.
Samantala magkasama naman sina Sierra at Ynnah sa mga oras na ito dahil naghahanap sila ng mga gamit para sa bahay. Nang makarating si Sierra sa boutique ay agad niyang tinawagan ang kaibigan na si Ynnah dahil gusto niya na bumalik sa bahay nila sa Laguna.
Dalawang taon na rin na walang tao ang bahay nila at kailangan niya munang bumili ng mga gamit bago siya lumipat doon.
“Halata naman sigurong annulment agreement iyan,” sagot niya sa malamig na boses. Agad namang sinagot ni Sierra ang tawag nito.
“Ang gusto kong malaman ay bakit ganito ang dahilan ng pagkikipaghiwalayan? Bakit mo sinabing may kakulangan ako sa pakikipagtalik? Kailan ba ako nabigo sa pagpapaligaya sa 'yo, ha?”
Alam ni Sierra kung gaano na kadilim ang reaksyon ni Nathan ngayon dahil dignidad nito ang tinamaan.
Napangisi si Sierra. “Halos isang beses kang umuuwi sa loob ng sampung araw at minsan umaabot pa ng halos kalahating buwan ay saka ka lang umuuwi. Minsan nga ay umaabot ka ng isang buwan o halos dalawang buwan saka mo naisip umuwi kaya totoo namang hindi mo nagagampanan ang tungkulin mo sa akin bilang asawa.”
“You are just telling me how obsessed you are about that thing? Do you want to do it seven times every night? Is that what you want, Sierra?” pasinghal na tanong ni Nathan kay Sierra.
Namula ang mukha ni Sierra sa sinabi nito pero walang bahid ng pag-aalangan at takot nang sagutin niya ito. “Yes, that's it. Hindi ako satisfied sa mga ginagawa mo at ramdam kong nanlalamig ka na kaya gusto ko na makipaghiwalay.”
“I'll make sure to satisfy you tonight when I come back. You won't be able to get out of bed tomorrow, I'll make sure of that.” Pasinghal ang pagkakasabi ni Nathan dito kay Sierra.
‘Ano naman kaya ang naiisip ng babaeng ito? Ito ba talaga ang gusto niya ngayon?’ tanong ni Nathan sa kanyang isip.
Hindi siya makapaniwala na gusto nitong pakipahiwalay sa kanya.
“Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan dahil hindi na ako babalik kahit kailan. Pirmahan mo na ang agreement sa mas lalong madaling panahon at maghiwalay na tayo ng landas!” malamig na sagot ni Sierra sa kanya.
Nang marinig ni Nathan ang sinabi ni Sierra na hindi na ito babalik ay mas lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha at sinabing, “Nangako ba ako ng hiwalayan sa 'yo?”
“Hindi na effective sa akin ang pagbabanta diyan sa boses mo dahil hihiwalayan na kita. May hawak rin ako laban sa 'yo. Niloko mo ako kay Maurice at kapag hindi ka makikipaghiwalay sa 'kin ay ilalabas ko sa internet ang panlolokong ginawa mo sa akin. Kapag nadawit ang pangalan mo sa cheating issue na ito masisira ang pangalan mo. Sa tingin mo ba sino sa ating dalawa ang magdudusa?”
“Ang lakas na ng loob mo para takutin ako nang ganyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa malamig na tono.
“Oo!” aniya habang nakataas ang dalawang kilay.
Hindi habang buhay na mananatili siyang tahimik at hindi lumaban. Hindi siya mananatiling duwag. Subalit hindi na siya dadating sa puno na kailangan pa niya itong labanan.
Aminado sa sarili si Sierra na maraming naitulong si Nathan sa kanya kaya binigyan niya ito ng daan para makalabas.
“Pirmaham mo ang kasunduan at tapusin na natin ang kasal na ito. Kailangan mong tratuhin nang maayos si Maurice dahil buntis siya. Kumalma ka na at huwag mo nang hayaan na malungkot ang babae mo.” Pagpapatuloy ni Sierra sa pagsasalita.
Natawa naman si Nathan at sinabing, “Naawa ka ba talaga sa kanya o gusto mo lang panindigan ang sarili mo, Sierra?”
“I don't need a bastard like you anymore, Nathan.”
Bago pa ito makapagsalita ay pinatay na ni Sierra ang cellphone.
Walang nagawa si Nathan kung hindi ang mapatitig sa itim na screen ng kanyang cellphone habang madilim pa rin ang mukha. Makalipas ang ilang minuto, muling tumunog ang kanyang cellphone.
Pagkabukas ni Nathan ay ang impormasyon tungkol sa nabawas na laman ng account ang kanyang nakita. Nalaman niyang bumili si Sierra ng iba't-ibang gamit sa bahay at mas lalong lumalaki ang nabawas sa account.
Naalala ni Nathan ang nakasulat sa loob ng kasunduan ng annulment agreement kaya naman ang kanyang gwapong mukha ay bigla na lang nabalot ng inis.
“Alamin mo kung nagtungo ba siya sa Laguna ngayong araw.” Utos ni Nathan kay Travis sa tabi niya.
“Copy, Boss.”
Agad namang umalis si Travis upang alamin ang tungkol doon. Ilang sandali lang ay bumalik ito dala ang impormasyon na hinihingi niya.
“Nagpunta nga doon sa Laguna si Madam Sierra at may inutusan siyang maglinis doon,” ani Travis sa kanya.
Napagtanto ni Nathan na gusto talaga ng asawa niyang lumipat sa Laguna. Dahil sa inis ay ginusot niya ang annulment agreement gamit ang kanyang kamay.
Dalawang taon ang nakalipas at may kinakaharap na pagsubok ang ama ni Sierra na si Albert sa kumpanya nito kaya lahat ng kanilang mga ari-arian ay naibenta kasama na doon ang kanilang mansyon sa Laguna.
Hiniling ni Sierra sa kanya na bilhin ang mansyon kalaunan, ngunit ngayon hindi niya inaasahan na ito pala ang gagamitin ng asawa para tuluyan na siyang makatakas.
“Travis, call the bank and tell them to suspend her card!” Singhal na sabi niya kay Travis.
Sa loob ng isang mall, kasalukuyang namimili ng mga gamit sina Sierra at Ynnah...
“Kailangan pa nating bumili ng marami at kung ano pang gusto mong bilhin dahil nalaman kong binilhan ng asawa mo nang halos isang daang milyon para sa kanyang kabit. Kung kaya niyang gastusan ang kabit niya nang ganiyan kalaki, bakit ikaw hindi? Kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang original na asawa at habang hindi pa kayo annulled, hayaan mong magdusa ang bastardong asawa mo,” sabi ni Ynnah kay Sierra.
Sa isip ni Sierra ay tama ang sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi na siya nakabalik ng bahay para makuha ang kanyang mga damit kaya bumili na rin siya ng bago sa mall. Bumili na rin siya ng isang dosenang bags at sapatos nang hapon ding iyon.
Ngumiti ang cashier sa kanya at tinawag siya bigla.
“3.6 million po ang total ng pinamili ninyo, Mrs. Delgado.”
Ibinigay naman ni Sierra ang kanyang black card sa cashier na kausap niya. Subalit walang perang lumabas sa card nang basahin ito ng machine.
“Mrs. Delgado, may limit po ang card ninyo,” ani ng cashier sa kanya.
Nagulat si Sierra sa kanyang narinig. Ang card na ito ay ang pangalawang card ni Nathan at imposibleng hindi ito gagana.
“That's impossible to happen,” aniya sa cashier.
Sumabat naman si Ynnah. “Hindi kaya kagagawan ito ng asawa mong si Nathan, Sierra?”
Natigilan siya at biglang naisip na posibleng may kinalaman ito sa nangyayari sa card niya ngayon. Nakabili na si Sierra ng maraming mga gamit at halos sampung milyon na ang kanyang nagastos para dito. Malalaman iyon ni Nathan.
Tinawagan ni Sierra ang bangko para malaman ang tungkol dito.
“Pinasara po ni Mr. Delgado ang card at para mabuksan ito ay kailangan niyong tawagan ito, Mrs. Hidalgo,” paliwanag ng bangko sa kanya.
Pakiramdam ni Sierra ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Tama nga siya na may kinalaman ang hayop niyang asawa tungkol sa pagkasara ng card niya.
“Sobra naman ‘yang asawa mo, Sierra. Ang bait niya sa kabit niya ngunit hindi niya magawang bigyan ka kahit kaonti lang!?” galit na usal ni Ynnah sa kanya.
“Palaging mababa ang tingin niya sa 'kin, Ynnah,” ani Sierra sa kaibigan.
“Anong gagawin mo tungkol diyan?” tanong ni Ynnah sa kanya.
“Huwag na muna natin kunin ang mga damit sa ngayon at bumalik na lang sa Laguna. Tatawagan ko na lang si Manang Lilian at sabihin sa kanya na ligpitin ang mga gamit ko,” ani Sierra, at sa madaling salita ay hindi na siya babalik pa sa bahay ni Nathan.
“Okay lang 'yan, Sierra. Nakabili ka na naman ng mga gamit sa bahay at pwede ka na magsimula ng bagong buhay!” masayang sambit ni Ynnah sa kanya.
Nang marinig niya 'yon, hindi niya maiwasang isipin ang kanyang magiging bagong buhay pagkatapos ng kanilang paghihiwalayan. Simula sa araw na ito ay sa Laguna na siya titira. Malaya na siyang kumain at uminom kasama ng kanyang mga kaibigan na hindi kailangang makita pa niya si Nathan.
Agad namang dinala ni Ynnah si Sierra sa Laguna at nang makarating sila ay gabi na rin.
“Maraming salamat sa pagsama mo sa akin ngayong araw, Ynn...” aniya sa kaibigan pagkababa niya sa sasakyan nito.
“Walang ano man 'yon, Sie.”
Agad namang umalis si Ynnah dahil may lakad pa ito kasama ng kanyang kasintahan. May date sila mamayang gabi kaya mabilis na siyang umalis. Sinimulan nang maglakad ni Sierra patungo sa bahay nila.
Nang makalapit siya sa bahay ay may napansin siyang Lamborghini na naka-park sa bakuran nila. Nakaupo sa sasakayan si Nathan habang ang kanyang mataas na pigura ay tila nakikisabay sa madilim na gabi.
Nang marinig niya ang papalapit na mga hakbang, itinaas niya ang kanyang ulo at tinitigan ang kararating na si Sierra sa kanyang misteryosong mukha na may kasamang pagbabanta.
‘Anong ginagawa ng lalaking ito dito?’Hindi mapigilan ni Sierra na itanong ito sa kanyang isipan nang makita niya si Nathan. Nagulat pa siya nang kaonti ngunit ilang sandali, bigla siyang nakaramdam ng galit.Napapalibutan ng harang ang buong bahay habang may dalawang bodyguards naman na nakaharang sa harap ng pinto kaya nagtaka si Sierra.“Bakit may harang itong bahay ko?” tanong niya sa kanila. “Umalis nga kayo diyan!”“Pasensya ka na, Senyorita, dahil ideya ito ni Sir Nathan. Nakapangalan sa kanya ang buong villa na ito at kabilin-bilinan niya na walang sinuman ang maaaring manirahan dito o baka makasuhan ang sinuman na papasok ng trespassing,” ani Tristan sa kanya.Ibig sabihin no'n maaari siyang makulong kaya naman sobrang nagngangalit na sa galit si Sierra. Hinarap niya si Nathan at masama itong tinitigan, ang kanyang mukha ay nababalot na ng galit.“Sierra, come here,” ani Nathan sa kanya. Tila ba ang boses nito ay sumasabay sa dilim ng paligid.Nagbuntong-hininga si Sierra at
Habang inaalala niya ang pangyayari noon, biglang nandilim ang mga mata ni Nathan.“Sa pangalang Mrs. Delgado ko ibinigay 'yon, hindi ba?” ani Nathan kay Sierra.Bigla namang napatigil sa paghinga si Sierra dahil biglang niyang naisip ang sinabi nito na kung saan kapag hiniwalayan niya si Nathan, wala siyang bahay na makukuha.Hindi niya akalain na ganoon na lamang ang pagkamanhid ni Nathan pero sinubukan niya pa rin na pilitin ito.“Matagal na rin na naging mag-asawa tayo at ngayon na maghihiwalay na tayo, kahit itong bahay man lang ay hindi mo ibibigay sa akin?” tanong niya sa asawang si Nathan.Walang ibang masasabi si Sierra kung hindi iyon. Pinagsilbihan niya ito sa loob ng dalawang taon pagkatapos sa huli ay wala man lang siyang mapapala.“Why? Did I promise an annulment to you?” tanong ni Nathan sa kanya.“Ako ang nagsabi na gusto ko na makipaghiwalay sa 'yo,” sagot naman ni Sierra sa tanong ni Nathan sa seryosong tono.May anak sa labas si Nathan kaya hindi niya alam kung paan
Naglakad paakyat sa ikalawang palapag si Nathan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.“Hello?” ani Nathan sa kabilang linya.“Is it true that you want to spend two million just to have a child?” tanong ng kabilang linya sa kanya.Nandilim naman ang mukha ni Nathan dahil sa kanyang narinig.“What the hell are you talking about? Why would I pay a huge sum of money just to have a child?” sambit ni Nathan.“This is about the advertisement you just made,” sagot naman ng na sa kabilang linya.“I never made that kind of advertisement at all!” ani Nathan.Mabilis niyang pinutol ang tawag at ngayon ay hindi na mapinta ang mukha ni Nathan. Wala na nga siya sa mood tapos bigla na naman niyang maririnig ang mga walang kwentang pinagsasabi ng iba kaya mas lalo tuloy siyang naging iritable ngayon.Makalipas ang ilang segundo, may tumawag na naman sa cellphone ni Nathan at ito pa rin 'yong taong nagsabi na magbibigay siya ng dalawang milyon para lan
Kasalukuyang sinusuot ni Sierra ang kanyang skirt nang biglang marinig niya ang boses ng isang lalaki sa likod kaya naman ay natigilan siya.Nagsimula na siyang mag-panic at dahil doon nahirapan siyang isuot ito nang maayos kaya napasigaw siya dahil sa inis.“F*ck!”Napakunot naman ang noo ni Nathan kaya naglakad ito patungo sa direksyon ni Sierra upang tulungan itong mahila ang skirt niya.“Don't be so stupid as if I am going to kill you,” sagot nito sa kanya. Hindi naman kumibo si Sierra.Pagkatapos niyang masuot nang maayos ang skirt, bigla namang bumalik sa pagka-aliwalas ang mukha ni Sierra at nalaman niyang nakakulong na siya sa mga bisig nito.Tumingala si Sierra at nakita niya ang walang emosyon na gwapong mukha ni Nathan.“Bakit nandito ka pa rin?” tanong niya kay Nathan.“Bahay ko ito at pwede akong manatili dito hanggang kailan ko gusto,” sagot naman ni Nathan sa kanya.Tinitigan naman siya ni Sierra at hindi maiwasan na mapaisip siya kung bakit napakaingay na nito ngayon.
Nakatulala lang si Sierra habang naglalakad patungo sa opisina ng presidente ng A.B Group.“Maghintay po muna kayo dito, Ma'am Navarro, kasi may meeting pa po si Sir Damian at matatapos iyon maya-maya,” sabin ng secretary kay Sierra.“S-Sige,” kinakabahang sagot ni Sierra at saka tumayo sa loob ng opisina ni Damian Del Fierro.Sampung minuto lang ang nakalipas ay nagbukas na ang pinto ng opisina at isang matangkad na pigura ng lalaki ang biglang pumasok sa loob.Hindi naman nakaligtas sa pang-amoy ni Sierra ang pabango ni Damian. Lumingon siya sa likuran at nakita ang isang matangkad at guwapong lalaki na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan.Ang lalaking ito ay ang tumulong sa kanya na pulutin ang mga nagliparan niyang mga drafts kanina.“I-Ikaw?” ani Sierra sa gulat na reaksyon.“What a nice coincidence,” sagot naman ng lalaki na ngayon ay nakangiti na.“Ikaw po ba si President Damian ng A.B Group?” tanong niya nang may mapagtanto siya.“Yes, it's me,” sagot nito at agad na nagpunt
“Oo naman, si Damian ay kaklase ko sa America noon,” sagot ni Maurice.Tumingin naman ito kay Damian at ngumiti. “Matagal na tayong hindi nagkita, Damian. Kumusta ka na?”“I'm alright,” sagot ni Damian at pilit ang ngiti nito na tila ba ang hirap alamin kung anong iniisip niya dahil nakasuot ito ng glasses. “Mag-usap na muna kayo dahil may kakausapin lang ako sa cellphone.”Naglakad ito palayo para sagutin ang cellphone niya.“Umaangat na ang career mo at ngayon nakikipag-usap ka pa sa A.B Group para sa isang kolaborasyon,” sambit ni Maurice.“Mr. Damian Del Fierro is also praising you,” sabat naman ni Sierra na nakangiti.Ayaw ni Sierra na maiwan kasama ni Maurice dahil palagi itong nagtatanong at naiinis si Sierra.Hindi niya gusto ang ugali ni Maurice na sobrang matanong kaya kung may pagkakataon siya ay iiwasan niya ito.“Alam mo parang may gusto sa 'yo si Damian at may sasabihin pala ako sa 'yo. Walang girlfriend si Damian. Kung gusto mo siya, pwede kang gumawa ng hakbang lalo na
Nandilim ang mga mata ni Sierra dahil sa kanyang mga narinig. Nararamdaman niya na palaging may motibo ang bawat salitang binibitawan ni Maurice. Kung titignan ay sobrang bait at pormal ng babae ngunit ang mga salitang binitawan niya ay tila parang isang patalim na tumarak kay Sierra patalikod. Hindi basta-bastang babae si Maurice.Tila bigla namang nandilim ang ekspresyon ni Nathan nang marinig niya iyon kaya naman ay tinitigan niya nang masama si Maurice. Napakatalim ng kanyang mga titig kay Maurice at habang si Sierra naman ay hindi na nagtangkang salubungin ang mga mata ni Nathan. “Hey, what are you still doing here? The show is about to start, so please take your seats,” ani Damian pagbalik nito. Nagpakawala naman ng isang malalim na hininga si Sierra at agad na sumunod kay Damian sa likuran na tila ginamit pa ang lalaki bilang panangga upang iwasan ang mga titig ni Nathan sa kanya. “Kasama pala ni Sierra si Mr. Damian, Nathan,” sabat naman ni Maurice at sinubukang baguhin ang
Hindi na napigilan ni Damian ang kanyang sarili at natawa na siya dahil kay Sierra."Alam mo napansin ko lang na iba ka sa lahat ng mga babae. Halos lahat ng mga babae ay nangangarap na mapansin ng isang big boss ng kumpanya pero ikaw, hindi mo iyon pinapansin," sambit sa kanya ni Damian."Kilala ko nang lubos ang sarili, Mr. Del Fierro," sagot niya naman sa lalaki.Sa loob ng halos pitong daan na araw at gabi, napagtanto ni Sierra na ang puso ni Nathan at kailanman ay hindi lumambot at hindi na siya aasa pa na mangyayari 'yon.Samantala, nagpatuloy naman sa kanilang pag-uusap sina Sierra at Damian nang biglang may isang modelo ang dumaan at itinapon ang bag nito sa direksyon ni Sierra."Hey, just be careful!" sigaw na sabi ni Damian na hinila pa si Sierra upang ilayo sa papalipad na bag.Agad namang napatayo si Seirra sa upuan na natigilan habang nakatitig sa modelo sa stage. Nagpahayag naman ng isang tingin na pagpapatawad ang modelo nang daanan sila nito. Sa kabila pa man ng ekspre
Nang dahil sa labis na kalasingan, hindi na namalayan ni Sierra ang kanyang ginawa. Bigla na lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at pinulupot ito sa leeg ni Nathan. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Sierra,” sambit ni Nathan sa pag-aakala na iyon ang balak gawin ni Sierra. Malamig ang kanyang ekspresyon nang hawiin niya ang kamay ng babae.“Huwag ka na maghanap ng iba, Ethan…” ani Sierra habang pilit na inaangat ang katawan upang mapalapit kay Nathan. Nakahawak na ang mga kamay niya sa pisngi nito at saka muling nagpatuloy, “Hindi pa ba ako sapat para sa ‘yo?”Napatitig si Sierra sa kanya sa mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan, ngunit taglay no'n ang mabigat na emosyon.Namumula ang bawat sulok ng mga mata niya habang inaabot ang mukha ni Nathan upang hawakan ito.“Naging masunurin naman ako sa lahat ng gusto mo pero bakit hindi pa rin iyon sapat sa ‘yo?” dagdag na sabi ni Sierra. Gamit ang kanyang malalambot na mga daliri, sinimulang haplusin ni Sierra ang mukha ni
Napabalik si Sierra sa kanyang huwisyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot ang nasa kabilang linya.“Hello?” sambit ni Sierra sa kabilang linya.“Sierra…”Napatuwid ng upo si Sierra nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.“Si Maurice ito at may gusto lang sana akong itanong sa ‘yo,” ani ng babae sa kabilang linya.“Ano’ng kailangan mo?” tanong niya sa babae.“Gusto ko lang sana itanong sa ‘yo kung ano ang paboritong brand ng damit ang gustong isuot ni Nathan…” saad ni Maurice.Napatulala naman si Sierra dahil sa kanyang narinig at ilang segundo rin siyang natigilan.“A-Ano?” nauutal niyang sambit.“Dito kasi muna mananatili si Nathan mamayang gabi at balak ko siyang bilhan ng masusuot kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang suotin kaya ikaw ang tinawagan ko,” paliwanag ni Maurice sa kanya.Napapikit si Sierra sa kanyang mga mata upang pakalmahin ang kanyang sarili. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung ano dahil alam niya ang dahilan ku
Pagdating pa lang ni Nathan sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Manang Lilian, at ang mukha ay tila nag-aalala. “Manang Lilian, ano’ng problema?” tanong niya rito. Huminga muna nang malalim ang katulong at sinabi, “Tumawag po ang sekretarya ni senyor at pinapqsabi sa ‘yo na dalhin mo raw ang asawa sa sabado ng gabi.”Napabuntong-hininga si Nathan nang marinig niya ang sinabi ni Manang Lilian at napatango sa kanyang ulo bilang tugon. “Nasa kwarto na ba si Sierra, Manang Lilian? Nakakain na ba siya?” tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ng katulong. Nagtataka itong napatingin kay Nathan na para bang hindi niya alam ang sinasabi nito. “Umalis siya kanina pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik, Senyorito,” sagot ni Manang Lilian. Natuod si Nathan sa kanyang nalaman, ang dibdib ay kumakabog nang malakas kaya naman dali-dali siyang umakyat sa taas ng kwarto upang tignan ang asawa. Ang unang bumungad sa kanya ay ang nakabukas na pinto. Napatingin siya sa lamesa nito at
Pakiramdam ni Sierra ay natuod siya sa kanyang direksyon at tila ba nanlalamig na rin. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya maisipang lumabas ng sasakyan ni Nathan para umalis na. Hindi naman siya pinigilan ni Nathan sa kanyang pag-alis na mas lalong nagpasama sa loob ni Sierra. Nang makita ni Nathan na nakapasok na sa loob ng mansyon si Sierra ay agad na rin siyang umalis habang si Sierra naman ay napalingon sa likuran. Pinanood niyang umalis ang sasakyan ni Nathan sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, may bigla na lamang isang butil ng luha ang tumulo sa kanyang mata hanggang sa sunod-sunod na naglandasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. ‘Ano pa ba ang inaasahan ko? Sa isang tawag lang ni Maurice ay agad niya itong pupuntahan,’ ani Sierra sa kanyang isip habang ang puso niya ay tila nagsimulang sumikip sa sama ng loob. “Why am I crying?” tanong niya at agad pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi habang ang mga kamay naman ay nanginginig na. Isang malakas na bun
Nanigas ang buong katawan ni Sierra dahil sa paglapat ng mga labi ni Nathan sa kanya. Hindi alam ni Sierra kung ano ang gagawin niya kaya naitulak niya si Nathan palayo. Ngunit ang lakas niya ay walang panama kay Nathan dahil nang maramdaman ni Nathan ang kanyang pagkabalisa, mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. “N-Nathan…” nauutal na sambit ni Sierra sa pangalan niya at hanggang ngayon ay gulat pa rin sa hindi inaasahang halik na ginawa ni Nathan. “Wag ka na magsalita,” saad naman ni Nathan, at nagpatuloy ito, “Mas lalong ‘wag kang matakot, Sierra.”Ang boses ni Sierra na malambot ngunit nababalot ng kaba ay tila biglang gumising sa nararamdamang pilit niyang iwinawaksi. Ramdam na ramdam niya ang pagkailang at ang bahagyang pagdikit ng kanilang mga katawan ay nagdulot ito ng pag-init ng kanyang pisngi sa kabila pa man ng kapal ng kanilang saplot.Hindi sasapat ang kasuotang iyon upang maitago ni Sierra ang init na nadama niya mula kay Nathan. Bumilis ang mga paghin
Habang papalapit si Nathan sa sasakyan, pinilit ni Sierra na huwag itong tingnan hanggang sa makapasok na ang lalaki sa loob. Pagpasok niya, nagtaka itong napatingin sa kanya na tila ba may napapansin sa naging reaksyon ni Sierra.“May problema ba?” tanong ni Nathan sa kanya ngunit tinitigan lamang siya ni Sierra at yumuko. Pinilit niyang iwasan ang titig nito dahil gusto niyang alisin ang mga alaala niya noon. Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang hinawakan ni Nathan ang pisngi ni Sierra kaya napatingin siya rito na nakabuka ang mga labi.Nagsimula naman na kumabog ang kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Nathan. “A-Ano ang gagawin mo, Nathan?” tanong niya sa lalaki. Tinitigan lamang siya ni Nathan at saka bumaba ang tingin nito sa dalang paper bag. Hindi napansin ni Sierra na may dala pala itong yelo.Gamit ang panyo ni Nathan, nilagyan niya ito ng yelo saka inilapat sa namamagang mukha ni Sierra na siyang ikinagulat niya nang labis. “Kung sasaktan ka nila ulit,
Kulang ang pera ngayon ni Sierra kaya mas mabuting sa kanya na lamang ito ibigay. Napalingon naman ang lahat kay Sierra na ngayon ay bahagyang ngumisi. “O, bakit? Mayaman ka naman, hindi ba? Huwag mong sabihin, hindi ka magbabayad para sa gastos ng pagpapagamot?” sambit ni Sierra. Si Abigail na hindi kinaya ang paghamon sa kanya ni Sierra ay itinaas ang kanyang baba.“At sinong nagsabi na hindi ko kaya? Magkano ba ang kailangan mo? Sabihin mo sa ‘kin kung ilan ang gusto mo,” sagot ni Abigail. “Fifty thousand,” mabilis na sagot ni Sierra sa kanya sa takot na baka umatras si Abigail.Mabilis na binuksan ni Sierra ang kanyang bank account at kinuha ang QR Code nito. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Abigail ang kanyang cellphone at in-scan ang code na binigay ni Sierra sa kanya.“O, ayan na. Napadala na ang pera kaya tignan mo na lang. Huwag ka na bumalik mamaya at sabihing may utang pa ako sa ‘yo,” sambit ni Abigail.“I got it,” ani Sierra bilang pagkumpirma rito, at umaliwala
Kumabog naman ng malakas ang dibdib ni Abigail dahil sa takot kay Nathan, ngunit nagmatigas siya na humingi ng tawad kay Sierra. “Kuya, siya ang naunang sampalin ako!” singhal ni Abigail sa kanyang namumulang mata.“Sinasabi mo ba na siya ang unang umatake sa inyong lahat?” tanong ni Nathan at kay Abigail na nakatuon ang kanyang malamig na titig. Ang tanong na iyon ni Nathan ay mabilisang nagpatuod kay Sierra sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya akalain na dedepensahan siya ni Nathan. Para sa kanya ay isa iyong nakakagulat na galaw. Pakiramdam ni Sierra ay tila biglang nag-iba si Nathan ngayon. Bigla na lamang siya nitong dinepensahan.“H-Hindi…” nauutal na sagot ni Abigail habang mamutla-mutla pa at dahil sa kanyang pagiging desperada, naglabas siya ng walang kwentang bintang. “Gusto niyang kunin ang lalaki ko!”“Lalaki mo?” sambit ni Nathan at ang malamig na boses niyang ‘yon ay tila may bigat na dala na siyang nagpatuod sa lahat. “Sino ang lalaking ito?”“Si Damian Del Fierro!” s
Kabanata 15: Ang pag-atake kay SierraIsa lamang mahirap na babae si Sierra na pinagpalang magkaroon ng magandang itsura ngunit wala siyang lakas na protektahan ang kanyang sarili. Ang pagkakaroon ng ganyang kagandahan at pagka-inosente ay kadalasang nagiging biktima ng mga masasamang uri na mandaragit.Higit sa lahat, maraming tao ang pinagalit noon ng ama ni Samantha na si Robert at hindi nababawasan ang mga lalaking sabik siyang pagsamantalahan sa panahon ng kanyang kasawian. “Wala kang pakialam doon!” ani Sierra sa kanyang malamig na tono. Ang katotohanan na binuntis ni Nathan si Maurice ay siyang nagpadama sa kanya ng pagkadisgusto. Wala na siyang balak makipagpalitan pa ng salita sa lalaki kaya tumalikod siya upang umalis.Paglingon ni Sierra sa kabilang direksyon, bigla na lamang siyang binuhusan ng isang basong kape. “Malandi ka! Ang kapal ng mukha mo na akitin si Damian Del Fierro! Sino ka ba sa akala mo, ha!?” Ang boses na ito ay nagmula kay Abigail na ngayon ay nakatayo