Share

Kabanata 3: Annulment

Nakasimangot si Nathan nang magpatuloy siya sa paglalakad patungo sa direksyon ni Sierra. Nakapikit ang mga mata ng asawa pero ang mukha nito ay bakas pa rin ang pagkagiging isip-bata. Ngunit hindi matatago ang angking ganda. Ang kanyang kulay rosas na mga labi ay sobrang nakakaakit.

Habang nakatitig siya kay Sierra, pakiramdam ni Nathan ay biglang naglaho ang kanyang galit na bumabalot sa kanyang puso. Yumuko siya upang buhatin si Sierra. 

Biglang sumiksik sa mga braso ni Nathan si Sierra nang makaramdam ito ng init. Tinitigan ni Nathan si Sierra at lumalim bigla ang kanyang mata kaya walang nakakaalam kung ano ang naglalaro sa kanyang isip ngayon. 

Ibinaba niya ito sa kama. Aalis na sana siya nang biglang marinig niyang magsalita si Sierra.

“You are an asshole, Nathan...” 

Natigilan si Nathan sa kanyang narinig. Gamit ang kamay, inabot niya ang pisngi nito at saka hinaplos ang maganda nitong mukha. 

Biglang natulala si Sierra at inilipat ang ulo nito sa kabilang gilid kung saan nandoon ang kamay ni Nathan at saka ito hinalikan. 

Biglang tumigil sa paghinga si Nathan dahil sa ginawa ni Sierra at saka ito tinitigan.

“Sierra?” tawag niya sa pangalan ng asawa.

‘Gising ba siya?’ 

Hindi ito sumagot. Hinawakan nito ang kanyang kamay saka inilapat sa kanyang mukha. Lumalim ang kanyang paningin at hindi napigilan ni Nathan ang sarili kung hindi ibaba ang kanyang ulo at saka hinalikan ito. Naramdaman niya ang malambot nitong labi na nakalapat sa kanya.

Nagising naman bigla si Sierra at isang gwapong mukha ang bumungad sa kanyang harapan.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kakatapos mo lang manggaling doon sa babae mo tapos bigla kang pupunta sa akin. Hindi mo ba naisip ang dumi no'n?”

Natuod si Nathan sa kanyang nalaman at biglang nandilim ang mata habang nakatingin sa kanya. “Maurice is not my mistress, so stop talking about irrelevant things.”

“Hindi ba kabit ang tawag do'n kahit may anak na siya?” tanong niya.

Hindi sinagot ni Nathan ang tanong niya, bagkus nagsalita siya, “Don't you dare hurt her.”

Napangisi bigla si Sierra. “Anong kaya ng dalawa kong kamay para saktan siya? Ano bang kakayahan na meron ako para kalabanin ka?” tanong ni Sierra.

Tinitigan lamang siya ni Nathan saka nagtanong, “Kamusta ang tiyan mo?”

“Ano naman ang pakialam mo?” Hindi napigilan ni Sierra ang magalit nang banggitin ang tungkol sa kanyang tiyan. 

Nakaratay siya at namilipit nang sobra sa ward pero ang asawa naman niya ay na sa ibang babae. Hindi alam ni Sierra kung paano niya tatanggapin 'yon. 

“Mr. Hidalgo,” panimula niya habang nakatitig nang diretso kay Nathan at saka nagpatuloy, “Let's get annulled.”

“Tama ba ang narinig ko sa tawag mo sa 'kin?” Biglang nanlisik ang mga mata ni Nathan dahil sa kanyang narinig. Nathan ang tawag nito sa kanya pero ngayon ay bigla na lamang siyang tinawag sa ibang pangalan. 

Walong taon ang agwat ni Sierra at Nathan at bata pa ay malakas na ang pakiramdam ni Nathan pagdating sa pananakot at pang-aapi. 

Kung noon ay hinayaan ni Sierra na tignan siya nang ganito, hindi na ngayon lalo na at sinira na nito ang kanyang isipan kaya walang takot niya itong tinitigan at saka nagsalita, “Simula ngayon ay tatawagin na kita sa kung anong gusto kong itawag sa 'yo. At sabi ko, maghiwalay na tayo.”

Hindi na maalis sa puso ni Sierra ang paghihiwalay simula nang magising siya kaninang umaga at nang hindi niya ito makita. Kahit man lang ang samahan siya sa hospital ay hindi nito magawa. Tapos bigla na lamang itong darating at may lakas pang magalit sa kanya. 

“Will you say it again?”

Hindi naniniwala si Nathan sa sinabi niya.

“Nagsisisi na ako at hindi ko na gusto pang manatili kasama ka kaya maghiwalay na tayo. Let's get annulled, Nathan.” Nakatingin nang diretso si Sierra habang sinasabi niya ito nang paulit-ulit kay Nathan.

Sa isip ni Sierra ay tama lang na hiwalayan niya ang isang walang pusong katulad ni Nathan Hidalgo sa mas lalong madaling panahon. At saka, sinabi nito na hindi siya mamahalin nito kahit kailan. 

Natawa naman si Nathan, ngunit ang mga mata ay nabalot ng yelo nang magsalita, “What the hell are you doing?” 

Akala nito ay nakikipagbiruan siya kahit sa kabila ng sinabi niyang gusto niya na makipaghiwalay. Alam ni Sierra na kapag ang isang lalaki ay hindi siya mahal, ginagawang biro lahat ng mga sinasabi niya. 

Namanhid na ang puso ni Sierra habang ang kanyang mga mata ay nagsisimula na magdilim. “Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Lahat ng mga sinabi ko ay totoo dahil nadala na ako sa dalawang taon nating pagsasama. Sa dalawang taong pagsasama na walang pag-ibig.”

Sa mahigit pitong daang araw at gabi na lumipas, ang mataas niyang pag-asa ay papunta na sa pagsuko dahil sobrang napagod na siya. Marami na siyang nagawa sa panahong 'yon. 

“Baka nakalimutan mo na ang ama mong si Albert ang nagdala mismo sa 'yo sa kama ko noon?” ani Nathan sa nandidilim na paningin at saka nagpatuloy, “Siya ang nagpwersa sa 'kin na pakasalan ka at ngayon gusto mong makipaghiwalay? Dapat alam mo kung saan ka lulugar lalo na dapat alam mo kung paano bawasan 'yang pagkamainipin mo. Mabilis lang mainis ang mga lalaki sa ganiyang pag-uugali.”

Natatandaan pa ni Sierra ang nangyari noong nakaraang dalawang taon. Si Albert mismo ang naghatid sa kanya sa kama ni Nathan dahil noong panahon na 'yon, may malaking problema ang kumpanya.

Sa takot ni Albert na makulong at balikan ng mga kalaban ang kanyang anak upang maghiganti, dinala niya si Sierra sa pamilya Hidalgo. Nang dahil doon, hindi nakaligtas sa mga reporter ang tungkol sa ginawa niya kaya pinilit ng pamilya ni Nathan na pakasalan niya si Sierra. 

Hawak ni Albert ang sekretong iniingatan ng Hidalgo Enterprise kaya binantaan niya si Nathan na kapag hindi niya pinrotektahan ang anak ay ilalabas niya ang tungkol sa sekreto ng Hidalgo Enterprise. Kaya ang kasal na ito ay dahil kay Albert. Nang dahil doon, nabalot ng galit ang puso ni Nathan.

Unang gabi pa lamang ay binantaan na ni Nathan si Sierra. 

“Ipinagkatiwala ka ng ama mo sa akin kaya simula sa araw na ito ay kailangan mong magbayad sa lahat ng mga kasalanang ginawa niyo. Kailangan mong makinig sa akin at wala kang pwedeng hindi sundin.”

Noong panahong yo'n ay dalawampu pa lamang si Sierra. Sa takot niya ay tumango na lamang siya at sinunod ito.

“Y-Yes, Mr. Hidalgo,”

“You are not allowed to call me Mr. Hidalgo!”

Pinagalitan siya nito sa malamig na pananalita.

“H-Hindi na po mauulit at mag-iingat ako sa susunod kaya patawad po.”

Nang maalala niya ang nakaraan, nabalot ng pighati ang kanyang mga mata. Walang kahit na anong galit si Sierra para sa kanyang ama dahil ang ginawa nito ay para sa kanyang kapakanan. Pinakasal siya ng ama kay Nathan para sa proteksyon. 

Dalawang taon na rin simula ng mangyari ang bagay na 'yon. Nakakulong ang kanyang ama pero ilang taon na lang at makakalaya na ito at sobrang dami rin ng mga nangyari. 

“Alam ko naman na hindi mo ako gustong pakasalan noon kaya galit ka sa akin kaya nga pinapalaya na kita,” sagot ni Sierra sa asawa.

Galit man siya sa asawa dahil sa panloloko nito pero nagpapasalamat pa rin siya dahil prinrotektahan siya nito sa loob ng dalawang taon. Hindi niya 'yon makakalimutan.

Tinitigan siya nito ng masama at biglang ngumisi, “Your small store doesn't make any money anymore. How can you support yourself after the annulment?” 

Nagbukas siya at si Ynnah ng maliit na boutique bilang panimula nila sa pagnenegosyo at hindi pa sila nagkakaroon ng income sa ngayon. 

“Hindi agad-agad kikita ang negosyo lalo na at kabubukas lang nito. Mahabang proseso ito at alam ko na wala pa akong nabubuong pera pero magsisikap ako, Nathan. Nakapagtapos na ako ng pag-aaral at malaki na rin ako. Hindi ko na kailangan ang proteksyon mo.”

Napailing si Nathan at sabay sinabing, “This only proved you are just using me. You want an annulment now after you used me. The moment that your family needed me, you forced me to marry you and now that you're done with me, you want us to separate?” 

“Oo, may kasalanan ang ama ko tungkol dito pero hindi pa ba ako bayad sa mga nagawa niya sa loob ng dalawang taon? Ginawa ko naman lahat ng mga gusto mo. Nakinig ako sa 'yo at kailanman ay hindi kita sinuway. Hindi ba kalayaan naman ang gusto mo? Ayaw mo bang gawing opisyal ang babae at magiging anak mo?”

“Do not bring my affair on this matter, Sierra.” Malamig na sagot ni Nathan sa kanya.

Bigla siyang natahimik at tama ang asawa niya. Hindi siya hinahayaan nito na itanong ang tungkol sa mga karelasyon niya. 

Tumalikod si Sierra at naglakad para lumabas ng kwarto ngunit bigla na lamang siyang hinila pabalik ni Nathan. Itinulak siya nito sa malambot na kutson, at biglang ikinulong sa kanyang mga braso. Nakatitig na rin sa kanya ang mala-lawin niyang mga mata.

“A-Ano ang g-ginawa mo?” kinakabahang tanong ni Sierra sa kanya.

“'Di ba palagi mo namang sinasabi na mahal mo ako? Halos araw-araw mo 'yon sinasabi sa akin, hindi ba?” tanong niya sa paasik na tono. “Makakaya mo ba akong makita na kasama ng iba, ha?”

Ibinaba ni Sierra ang kanyang mata saka mahinang sinagot ang asawa. “Hindi na.”

Simula sa araw na 'yon, alam niyang ayaw niya na talaga. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status