A Nanny's Love

A Nanny's Love

last updateLast Updated : 2024-07-15
By:  catherinnichole  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
376views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Aianna Bautista was raised by her parents as a kind-hearted woman. She is an aspiring nurse who forced herself to work as a nanny of two children. In addition, she also wants to save money for her education and assist her family in escaping poverty. After receiving a job offer from an agency, she promptly notified her family of her employment. Her parents first oppose her getting a job since they believe she should be studying. But after discussing her plans to save some money for the future with her parents, they were forced to agree. Andrew Sixto King is a grumpy cardiologist. He has two children but was being dumped by his partner due to unknown reasons. The negative attitude of his children makes him initially reluctant to hire a new nanny. However, he was forced by his Mother that's why he had no choice. Can Aianna fulfill her dreams despite the uncertainties or will she remain inert and continue being a Nanny of two children? On the other hand, after being abandoned by his partner, will Sixto still open his heart for a new lover and mother of his children or will he just continue being a single dad and an instrument to cure people's heart?

View More

Latest chapter

Free Preview

SIMULA

Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang kumatok ang aking ama sa kahoy kong pintuan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" Bungad na tanong niya pagkapasok. "Desidido na po ako, Tay." Nakangiting turan ko. Hindi nagkulang sa paalala ang aking ama. Sinabi niya rin na maaari akong bumalik dito sa baryo kung sakaling maltratuhin ako ng aking magiging amo. Hindi naman nila ako inu-obliga na mag-trabaho pero hindi ako manhid. Alam ko na nahihirapan na sila ni Nanay sa pagkayod para lang matustusan ang mga pangangailangan naming mga anak nila. "Kung gano'n, mag-iingat ka. Abala ang iyong Ina sa pagta-trabaho kaya hindi siya makakapag-paalam sa 'yo." Malungkot na nakangiting ani aking Ama. Abala si Nanay sa pagtitinda sa talipapa habang ang aking dalawang kapatid ay nasa eskwelahan. High School lang ang natpapos ko dahil hindi na kayang sustentuhan ng aking mga magulang ang pagko-kolehiyo ko. Sa kabila no'n ay hindi ako nagkaroon ng tampo o galit sa puso ko sa aking mga ma

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters

SIMULA

Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang kumatok ang aking ama sa kahoy kong pintuan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" Bungad na tanong niya pagkapasok. "Desidido na po ako, Tay." Nakangiting turan ko. Hindi nagkulang sa paalala ang aking ama. Sinabi niya rin na maaari akong bumalik dito sa baryo kung sakaling maltratuhin ako ng aking magiging amo. Hindi naman nila ako inu-obliga na mag-trabaho pero hindi ako manhid. Alam ko na nahihirapan na sila ni Nanay sa pagkayod para lang matustusan ang mga pangangailangan naming mga anak nila. "Kung gano'n, mag-iingat ka. Abala ang iyong Ina sa pagta-trabaho kaya hindi siya makakapag-paalam sa 'yo." Malungkot na nakangiting ani aking Ama. Abala si Nanay sa pagtitinda sa talipapa habang ang aking dalawang kapatid ay nasa eskwelahan. High School lang ang natpapos ko dahil hindi na kayang sustentuhan ng aking mga magulang ang pagko-kolehiyo ko. Sa kabila no'n ay hindi ako nagkaroon ng tampo o galit sa puso ko sa aking mga ma
Read more

KABANATA 1

Aianna's Point Of View "Heto naman ang kwarto ng magiging mga alaga mo. Alam mo naman na siguro ang pinasok mo, ano? Mga bata, ang ibig sabihin ay makukulit at sutil kaya kailangan ng mahabang pasensya." Ani Ate Belen. Ngumiti ako at tumango bago nagsalita, "Alam ko po. Mahaba naman po ang pasensya ko at talagang mahilig ako sa mga bata." Totoo 'yon, sa probinsya namin ay madalas akong nag-aalaga ng aking mga pamangkin sa pinsan ko. Mahirap nga lang talaga kapag tinotoyo sila pero kahit papaano ay napapatahan ko naman sila sa pag-iyak. Kailangan lang talaga ng mga bata ng kaunting lambing at punong puno ng pagmamahal. "Kung mayroon ka pang iba pang katanungan ay 'wag kang mahihiyang magtanong sa amin. Sa ngayon, maaari ka nang magsimula." Ani Ate Belen. Pagkatapos kong huminga nang malalim ay agad akong kumatok sa pintuan ng kwarto na kung saan ay bunso sa magkapatid, walang iba kun'di si Alexander. "Come in," aniya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna bago tu
Read more

KABANATA 2

"Sinaktan mo ba sila?" Agad na tanong ni Ate Belen dahilan para agad akong umiling. Rinig ko ang pag-hugot ni Ate Belen ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Maski ako ay hindi alam kung bakit pero base sa aking obserbasyon ay kailangan lang siguro talaga nila ng atensyon." Saad ni Ate Belen habang kinukutkot ang bagong kulay niyang mga kuko. "Eh 'yong Daddy po nila?" Tanong ko. Hinihiling na sasagutin niya subalit nagsibagsakan ang aking magkabilaang balikat nang humiga si Ate Belen mula sa pagkaka-upo pagkatapos ay nagsalita. "Gabi na, maaga pa tayo bukas." Aniya at agad naman din akong humiga pagkatapos ay natulog. Kinaumagahan ay nagising ako sa pagtunog ng aking dipindot na cellphone. Agad kong in-off ang alarm pagkatapos ay nag-unat at nag-ayos ng aking sarili. Nang matapos akong makapag-bihis at magsipilyo ay agad akong lumabas sa aming quarter pagkatapos ay nagprepara na ng pagkain ng mga bata. Kung tutuusin ay hindi ko na trabaho ang pagluluto ng pagkain nila subal
Read more

KABANATA 3

"Nainip ka?" Bungad ni Cherry sa 'kin pagkapasok ko sa maid's quarter. Agad akong umiling at inayos ang aking mga gamit bago nagsalita, "May mga nakausap naman akong mga kasambahay na katulad ko roon." Nakangiting wika ko. "Ah gano'n ba? Eh bakit parang may malalim kang iniisip?" Usisa niyang muli. Totoo naman na may iniisip akong malalim. Tungkol lang naman 'yon sa Mommy ng magkapatid. Hindi ko lubos akalain na may magulang na kayang iwan ang kanilang mga sa murang gulang. "A-ah, wala. I-iniisip ko lang ng mga magulang at kapatid ko sa probinsya." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman ni Cherry na may nalalaman ako sa nakaraan ng pamilyang King dahil paniguradong huhusgahan niya ako. Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero paraan ko lang naman 'to para mas makilala ang mga bata."Gano'n ba? Masasanay ka rin. Ganyan talaga sa umpisa, Aianna." Aniya at nagpaalam na magsisinula na siyang gawin ang mga dapat niyang gawin. Ako naman ay tinapos ang pag-aayos ng aking mga gamit bago c
Read more

KABANATA 4

"P-pasensya na ho, Doc." Tanging nasabi ko habang nahikbi. "Take this as a warning, woman. Get out!" Halatang nagpipigil na sigaw niya. Nang makarating ako sa maid's quarter ay agad akong dinaluhan nina Cherry at Ate Belen. Agad nilang pinagaan ang aking loob at binahagian ako ng kanilang kaalaman tungkol sa ugali ng pamilyang King. Si Doc Sixto ay ayaw sa mga taong kumokontra sa kaniya dahil para sa kaniya ay lagi siyang tama. Hindi naman daw siya ganito noon, nagbago lang nang iwan sila ng kaniyang ex-partner. Bilang kasambahay niya, dapat ay sumusunod lang kami sa mga gusto niya at ginagawa dapat lamang namin ang trabaho na nakaatang sa amin. In short, gawin lang namin ang trabaho at walang kaming magiging bulilyaso. Si Ma'am Alexandria ay isang happy-go-lucky na dalaga. Madalas ay binabayaran niya ang iba sa mga kasambahay para pagtakpan ang kaniyang kasalanan. Gaya ng pagtakas kahit grounded siya at pag-inom ng alak nang hindi nagpapaalam. Sabi rin nina Ate Belen ay marami na
Read more

KABANATA 5

"N-nandito lang si Yaya kapag kailangan mo n-nang makakausap ah? L-lagi mong tatandaan 'yan. Love ka ni Y-yaya." Humihikbing wika ko. Ngayon, alam kong walang ibang kailangan si baby Alexander kun'di ay ang makikinig sa lahat ng hinaing niya. Punong puno ng takot at kakulangan ang bata kaya gusto kong maalis ang kaniyang takot at punan lahat ng kakulangan sa kaniyang puso. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit mula sa kaniyang likuran. Hindi ko alam pero ramdam ko lahat ng sakit na nararamdaman niya nang yakapin niya rin ako pabalik. Sobra ang ginagawa ng Daddy nila sa kanila. Kung tingin niya ay tama ang pangangaral niya sa kaniyang mga anak, nagkakamali siya. Pwede naman silang kausapin nang hindi sinisigawan at pagalitan ng hindi sinasaktan. "Y-yaya," umiiyak na tawag sa akin ni baby Alexander habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Mas tumulo ang aking mga luha nang tawagin niya ako. Ramdam ko ang pangungulila at takot sa tono ng kaniyang pananalita at kung paan
Read more

KABANATA 6

Nagtataka kong hinanap ang mga kasamahan ko noong unang punta ko rIto sa eskwelahan. Wala na ang mga nakausap kong kasambahay noon. Iba na ang mga narito. Marahil ay umalis na sila kaya gano'n. Nang natapos ang klase ni Baby Alexander ay agad ko siyang sinalubong at pinunasan ang kaniyang pawis. Huli yata kasi nilang subject ngayon ay PE kaya siguro pawis na pawis siya. "Thank you, Yaya. Hindi ko nakakalimutan 'yong promise mo, ah? You'll teach me in Science and I'll be a good Alexander. I-I promise!" Aniya at itinaas ang kaniyang kanang kamay bilang simbolo ng pangako. Ngumiti ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Oo naman! Pinapangako ko 'yon." Agad naman kaming sumakay sa sasakyan pagkatapos naming mag-usap ni Baby Alexander. "Kuya Leo, can you connect your phone on the speaker? I wanna listen to music." Turan ni Baby Alexander. Bahagyang natulala si Leo at tinignan pa ako. Kahit ako ay nagulat. Bihira magsalita si Baby Alexander kapag nasa loob kami ng sasakyan at aya
Read more
DMCA.com Protection Status