Share

KABANATA 1

last update Last Updated: 2024-02-11 14:56:20

Aianna's Point Of View

"Heto naman ang kwarto ng magiging mga alaga mo. Alam mo naman na siguro ang pinasok mo, ano? Mga bata, ang ibig sabihin ay makukulit at sutil kaya kailangan ng mahabang pasensya." Ani Ate Belen.

Ngumiti ako at tumango bago nagsalita, "Alam ko po. Mahaba naman po ang pasensya ko at talagang mahilig ako sa mga bata."

Totoo 'yon, sa probinsya namin ay madalas akong nag-aalaga ng aking mga pamangkin sa pinsan ko. Mahirap nga lang talaga kapag tinotoyo sila pero kahit papaano ay napapatahan ko naman sila sa pag-iyak. Kailangan lang talaga ng mga bata ng kaunting lambing at punong puno ng pagmamahal.

"Kung mayroon ka pang iba pang katanungan ay 'wag kang mahihiyang magtanong sa amin. Sa ngayon, maaari ka nang magsimula." Ani Ate Belen.

Pagkatapos kong huminga nang malalim ay agad akong kumatok sa pintuan ng kwarto na kung saan ay bunso sa magkapatid, walang iba kun'di si Alexander.

"Come in," aniya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna bago tuluyang pumasok. "Hello, Alexander. Ako si Yaya Aianna." Nayukong pakilala ko sa aking sarili pagkatapos ay nilahad ang aking kamay.

Subalit gano'n na lang ang pagtataka ko nang hindi niya kunin ang aking kamay at muling itinuon ang kaniyang pansin sa kaniyang laruan.

Pilit na nakangiti akong dahan-dahang tumango pagkatapos ay umayos ng tayo. "Ang ganda ng laruan mo. Alam mo ba, noong bata pa ako, kahit gusto ko ng laruan ay hindi-," buong akala ko ay pakikinggan niya ako subalit gano'n na lang ang gulat ko nang bigla siyang sumigaw dahilan para mapa-igtad ako.

"You're talking too much!! Get out!" Sigaw niya pagkatapos ay ginulo ang kaniyang mga laruan at dali-daling tumakbo sa kaniyang higaan at nagtalukbong ng kumot.

Kagat-labi akong tumango pagkatapos ay nagsalita bago umalis. "A-alis na muna ako, Alexander. Pasensya na."

Nang makalabas ako ay agad na bumungad si Ate Belen at Madam Mayett. Si Ate Belen ay abala sa pag-pupunas ng vase kahit wala namang alikabok habang si Ate Mayett ay nagwawalis kahit wala namang dapat walisin.

Gano'n lang siguro talaga sila kasipag. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagsimulang ayusin ang aking gamit. Sinabihan naman ako ni Madam Mayett na ayos lang daw kung bukas ako mag-uumpisa. Sadyang makulit lang talaga ako kasi binigla ko yata si Alexander.

Kahit kailan kasi talaga hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Oo nga naman, hindi niya naman ako tinanong kung may laruan ba ako noong bata pa ako. Aba'y kahit sino talaga ay maiinis kung gano'n.

Nang matapos akong mag-ayos ng aking mga gamit ay agad among lumibot sa mansyon upang makabisado ang mga pasikot-sikot. Agad akong napatingin sa mga pictures ng pamilya nila na nakalagay sa picture frame. Napakaganda ng kanilang mga mukha. Nagmana ang mga bata kay Doc.

Cardiologist ang aking amo kaya madalas ay wala siya rito. Gano'n nga ang respeto ko kay Doc kasi alam ko na hindi gano'n kadali ang maging Doktor pero kinaya niya. Nawa'y sa tamang panahon ay maging isa akong ganap na nars. Kapag nangyari 'yon ay tutulong ako sa mga taong nangangailangan.

Nang matapos akong mag-libot sa mansyon ay agad akong tinawag ni Madam Mayett. "Tawagin mo na sina Alexander at Alexandria, Aianna. Kakain na kamo." Ani Madam Mayett.

"Sige po," nakangiting wika ko.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Ma'am Alexandria ay agad akong kumatok pagkatapos ay inantay siyang magsalita. Subalit ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin akong narinig na nagsalit sa loob. Muli akong kumatok at gano'n na lang ang gulat nang bumukas ang pinto. "What?!" Galit na aniya habang hawak hawak ang sketch pad niya.

"Ay! Pasensya na po, Ma'am. K-kakain na raw po." Gulat na turan ko.

"I'll be there in a minute." Turan niya pagkatapos ay agad na sinara ang kaniyang pintuan.

Sunod ko namang kinatok ang pintuan ni Alexander. Akmang kakatok na sana akong muli subalit biglang bumukas ang pinto dahilan para bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Alexander.

"What now?" Iritadong tanong niya.

"Ahm. Kakain na raw, baby." Pilit na nakangiting wika ko.

"I'm not a baby. Give me a sec." Aniya pagkatapos ay inirapan ako at binagsakan ng pinto.

Mahilig lang siguro talaga sila magdabog atp magsara ng pinto. Kibit balikat akong bumaba at agad naman akong tinanong nina Madam Mayett saktong pagkababa ko sa dining.

"Anong sabi?" Taas kilay na tanong ni Madam Mayett.

"Saglit lang daw po at pababa na." Kamot batok na wika ko.

"Kahit kailan talaga 'yang mga batang 'yan! Ang hilig pag-antayin ang pagkain!" Naiinis na bulong ni Madam Mayett.

Hindi na lang ako nagsalita at inantay na lang na kumain ang mga bata. Ilang minuto ang lumipas at magkasunod na bumaba ang mga bata dahilan para pumasok na kami sa kitchen upang bigyan ng pribadong oras ang mga bata para makapag-usap.

Pagkatapos nilang kumain ay agad kaming pumunta sa hapag upang ligpitin ang pinagkainan ng magkapatid.

"Nanny Aianna. Follow me upstairs, I'll give you something." Nakangiting ani Alexander.

Agad na nagpalakpakan ang tainga ko dahil sa pagtawag niya sa akin na Nanny dahilan para nakangiti akong sumunod sa kaniya. Naka lock ang pinto, dahilan para hindi agad 'yon mabuksan ni Alexander.

"It's happening again. Can you push the door instead? Itulak mo ng malakas. Sira na kasi 'yong doorknob." Kamot ulong ani Alexander.

"Sure baby." Nakangiting wika ko.

Agad naman akong kumuha nang lakas at tinulak ang pinto. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang biglang bumukas ang pinto dahilan para madapa ako sa sahig. Agad na tumawa si Alexander habang ang kaniyang magkabilaang kamay ay nasa tyan.

Masakit at malakas ang pagkakadapa ko. Pakiramdam ko ay magkakapasa ako sa aking tyan at hita dahil sa pagkalaglag ko.

"Stupid," tumatawang turan ni Alexander.

Agad naman nagsitakbuhan sina Ate Belen at Madam Mayett dahilan para pagalitan si Alexander. "Ano na namang ginawa mong bata ka?" Halatang naiinis na sabi ni Madam Mayett.

Ngunit imbis na matakot si Alexander ay inirapan niya pa si Madam Mayett at nagsalita. "Pakielamera." Aniya.

Agad naman akong tumayo sa tulong nina Ate Belen at Ate Mayett pagkatapos ay inalalayan akong lumabas sa kwarto ni Alexander. Pagkalabas ko ay saktong pabagsak niyang sinara ang kaniyang pinto.

"Kaya pa rin ba ng pasensya mo?" Kibit balikat na tanong ni Ate Belen.

"Kakayanin po." Positibong wika ko pagkatapos ay ngumiti sa kanilang dalawa ni Madam Mayett.

Gabi na at iniinda ko pa rin ang aking tyan at magkabilaang hita. Tulog na ang iba pang mga kasambahay na kasama ko. Iba ang kwarto ni Madam Mayett sa aming mga tipikal na kasambahay. Natigil ako sa pag-inda ng aking tyan at mga hita nang biglang magsalita si Ate Belen. "Hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganiyan. Lahat din ng mga naging kasambahay dito ay umalis dahil sa ugali ng mga bata." Aniya.

Agad akong napalingon kay Ate Belen na ngayon ay kasalukuyan nang nakaupo mula sa pagkakahiga. Pilit akong ngumiti pagkatapos ay umayos ng upo upang makaharap ko siya. Kung tutuusin ay maaari na akong umalis dahil sa ginawa ni Alexander pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. May kung ano sa aking puso na gusto ko silang alagaan, mahalin, at paka-ingatan.

"Bakit ho ba gano'n ang patuloy nilang ginagawa sa kanilang mga naging kasambahay? Hindi ho ba kaya gano'n ay dahil sinasaktan sila ng mga naging kasambahay nila?" Puno ng kuryosidad na tanong ko.

Related chapters

  • A Nanny's Love    KABANATA 2

    "Sinaktan mo ba sila?" Agad na tanong ni Ate Belen dahilan para agad akong umiling. Rinig ko ang pag-hugot ni Ate Belen ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Maski ako ay hindi alam kung bakit pero base sa aking obserbasyon ay kailangan lang siguro talaga nila ng atensyon." Saad ni Ate Belen habang kinukutkot ang bagong kulay niyang mga kuko. "Eh 'yong Daddy po nila?" Tanong ko. Hinihiling na sasagutin niya subalit nagsibagsakan ang aking magkabilaang balikat nang humiga si Ate Belen mula sa pagkaka-upo pagkatapos ay nagsalita. "Gabi na, maaga pa tayo bukas." Aniya at agad naman din akong humiga pagkatapos ay natulog. Kinaumagahan ay nagising ako sa pagtunog ng aking dipindot na cellphone. Agad kong in-off ang alarm pagkatapos ay nag-unat at nag-ayos ng aking sarili. Nang matapos akong makapag-bihis at magsipilyo ay agad akong lumabas sa aming quarter pagkatapos ay nagprepara na ng pagkain ng mga bata. Kung tutuusin ay hindi ko na trabaho ang pagluluto ng pagkain nila subal

    Last Updated : 2024-02-11
  • A Nanny's Love    KABANATA 3

    "Nainip ka?" Bungad ni Cherry sa 'kin pagkapasok ko sa maid's quarter. Agad akong umiling at inayos ang aking mga gamit bago nagsalita, "May mga nakausap naman akong mga kasambahay na katulad ko roon." Nakangiting wika ko. "Ah gano'n ba? Eh bakit parang may malalim kang iniisip?" Usisa niyang muli. Totoo naman na may iniisip akong malalim. Tungkol lang naman 'yon sa Mommy ng magkapatid. Hindi ko lubos akalain na may magulang na kayang iwan ang kanilang mga sa murang gulang. "A-ah, wala. I-iniisip ko lang ng mga magulang at kapatid ko sa probinsya." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong malaman ni Cherry na may nalalaman ako sa nakaraan ng pamilyang King dahil paniguradong huhusgahan niya ako. Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero paraan ko lang naman 'to para mas makilala ang mga bata."Gano'n ba? Masasanay ka rin. Ganyan talaga sa umpisa, Aianna." Aniya at nagpaalam na magsisinula na siyang gawin ang mga dapat niyang gawin. Ako naman ay tinapos ang pag-aayos ng aking mga gamit bago c

    Last Updated : 2024-02-11
  • A Nanny's Love    KABANATA 4

    "P-pasensya na ho, Doc." Tanging nasabi ko habang nahikbi. "Take this as a warning, woman. Get out!" Halatang nagpipigil na sigaw niya. Nang makarating ako sa maid's quarter ay agad akong dinaluhan nina Cherry at Ate Belen. Agad nilang pinagaan ang aking loob at binahagian ako ng kanilang kaalaman tungkol sa ugali ng pamilyang King. Si Doc Sixto ay ayaw sa mga taong kumokontra sa kaniya dahil para sa kaniya ay lagi siyang tama. Hindi naman daw siya ganito noon, nagbago lang nang iwan sila ng kaniyang ex-partner. Bilang kasambahay niya, dapat ay sumusunod lang kami sa mga gusto niya at ginagawa dapat lamang namin ang trabaho na nakaatang sa amin. In short, gawin lang namin ang trabaho at walang kaming magiging bulilyaso. Si Ma'am Alexandria ay isang happy-go-lucky na dalaga. Madalas ay binabayaran niya ang iba sa mga kasambahay para pagtakpan ang kaniyang kasalanan. Gaya ng pagtakas kahit grounded siya at pag-inom ng alak nang hindi nagpapaalam. Sabi rin nina Ate Belen ay marami na

    Last Updated : 2024-02-11
  • A Nanny's Love    KABANATA 5

    "N-nandito lang si Yaya kapag kailangan mo n-nang makakausap ah? L-lagi mong tatandaan 'yan. Love ka ni Y-yaya." Humihikbing wika ko. Ngayon, alam kong walang ibang kailangan si baby Alexander kun'di ay ang makikinig sa lahat ng hinaing niya. Punong puno ng takot at kakulangan ang bata kaya gusto kong maalis ang kaniyang takot at punan lahat ng kakulangan sa kaniyang puso. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit mula sa kaniyang likuran. Hindi ko alam pero ramdam ko lahat ng sakit na nararamdaman niya nang yakapin niya rin ako pabalik. Sobra ang ginagawa ng Daddy nila sa kanila. Kung tingin niya ay tama ang pangangaral niya sa kaniyang mga anak, nagkakamali siya. Pwede naman silang kausapin nang hindi sinisigawan at pagalitan ng hindi sinasaktan. "Y-yaya," umiiyak na tawag sa akin ni baby Alexander habang nakayakap sa akin nang mahigpit. Mas tumulo ang aking mga luha nang tawagin niya ako. Ramdam ko ang pangungulila at takot sa tono ng kaniyang pananalita at kung paan

    Last Updated : 2024-07-13
  • A Nanny's Love    KABANATA 6

    Nagtataka kong hinanap ang mga kasamahan ko noong unang punta ko rIto sa eskwelahan. Wala na ang mga nakausap kong kasambahay noon. Iba na ang mga narito. Marahil ay umalis na sila kaya gano'n. Nang natapos ang klase ni Baby Alexander ay agad ko siyang sinalubong at pinunasan ang kaniyang pawis. Huli yata kasi nilang subject ngayon ay PE kaya siguro pawis na pawis siya. "Thank you, Yaya. Hindi ko nakakalimutan 'yong promise mo, ah? You'll teach me in Science and I'll be a good Alexander. I-I promise!" Aniya at itinaas ang kaniyang kanang kamay bilang simbolo ng pangako. Ngumiti ako sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. "Oo naman! Pinapangako ko 'yon." Agad naman kaming sumakay sa sasakyan pagkatapos naming mag-usap ni Baby Alexander. "Kuya Leo, can you connect your phone on the speaker? I wanna listen to music." Turan ni Baby Alexander. Bahagyang natulala si Leo at tinignan pa ako. Kahit ako ay nagulat. Bihira magsalita si Baby Alexander kapag nasa loob kami ng sasakyan at aya

    Last Updated : 2024-07-15
  • A Nanny's Love    SIMULA

    Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang kumatok ang aking ama sa kahoy kong pintuan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" Bungad na tanong niya pagkapasok. "Desidido na po ako, Tay." Nakangiting turan ko. Hindi nagkulang sa paalala ang aking ama. Sinabi niya rin na maaari akong bumalik dito sa baryo kung sakaling maltratuhin ako ng aking magiging amo. Hindi naman nila ako inu-obliga na mag-trabaho pero hindi ako manhid. Alam ko na nahihirapan na sila ni Nanay sa pagkayod para lang matustusan ang mga pangangailangan naming mga anak nila. "Kung gano'n, mag-iingat ka. Abala ang iyong Ina sa pagta-trabaho kaya hindi siya makakapag-paalam sa 'yo." Malungkot na nakangiting ani aking Ama. Abala si Nanay sa pagtitinda sa talipapa habang ang aking dalawang kapatid ay nasa eskwelahan. High School lang ang natpapos ko dahil hindi na kayang sustentuhan ng aking mga magulang ang pagko-kolehiyo ko. Sa kabila no'n ay hindi ako nagkaroon ng tampo o galit sa puso ko sa aking mga ma

    Last Updated : 2024-02-11

Latest chapter

  • A Nanny's Love    KABANATA 1

    Aianna's Point Of View "Heto naman ang kwarto ng magiging mga alaga mo. Alam mo naman na siguro ang pinasok mo, ano? Mga bata, ang ibig sabihin ay makukulit at sutil kaya kailangan ng mahabang pasensya." Ani Ate Belen. Ngumiti ako at tumango bago nagsalita, "Alam ko po. Mahaba naman po ang pasensya ko at talagang mahilig ako sa mga bata." Totoo 'yon, sa probinsya namin ay madalas akong nag-aalaga ng aking mga pamangkin sa pinsan ko. Mahirap nga lang talaga kapag tinotoyo sila pero kahit papaano ay napapatahan ko naman sila sa pag-iyak. Kailangan lang talaga ng mga bata ng kaunting lambing at punong puno ng pagmamahal. "Kung mayroon ka pang iba pang katanungan ay 'wag kang mahihiyang magtanong sa amin. Sa ngayon, maaari ka nang magsimula." Ani Ate Belen. Pagkatapos kong huminga nang malalim ay agad akong kumatok sa pintuan ng kwarto na kung saan ay bunso sa magkapatid, walang iba kun'di si Alexander. "Come in," aniya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna bago tu

  • A Nanny's Love    SIMULA

    Abala ako sa pag-aayos ng aking gamit nang biglang kumatok ang aking ama sa kahoy kong pintuan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" Bungad na tanong niya pagkapasok. "Desidido na po ako, Tay." Nakangiting turan ko. Hindi nagkulang sa paalala ang aking ama. Sinabi niya rin na maaari akong bumalik dito sa baryo kung sakaling maltratuhin ako ng aking magiging amo. Hindi naman nila ako inu-obliga na mag-trabaho pero hindi ako manhid. Alam ko na nahihirapan na sila ni Nanay sa pagkayod para lang matustusan ang mga pangangailangan naming mga anak nila. "Kung gano'n, mag-iingat ka. Abala ang iyong Ina sa pagta-trabaho kaya hindi siya makakapag-paalam sa 'yo." Malungkot na nakangiting ani aking Ama. Abala si Nanay sa pagtitinda sa talipapa habang ang aking dalawang kapatid ay nasa eskwelahan. High School lang ang natpapos ko dahil hindi na kayang sustentuhan ng aking mga magulang ang pagko-kolehiyo ko. Sa kabila no'n ay hindi ako nagkaroon ng tampo o galit sa puso ko sa aking mga ma

DMCA.com Protection Status