Aianna's Point Of View "Heto naman ang kwarto ng magiging mga alaga mo. Alam mo naman na siguro ang pinasok mo, ano? Mga bata, ang ibig sabihin ay makukulit at sutil kaya kailangan ng mahabang pasensya." Ani Ate Belen. Ngumiti ako at tumango bago nagsalita, "Alam ko po. Mahaba naman po ang pasensya ko at talagang mahilig ako sa mga bata." Totoo 'yon, sa probinsya namin ay madalas akong nag-aalaga ng aking mga pamangkin sa pinsan ko. Mahirap nga lang talaga kapag tinotoyo sila pero kahit papaano ay napapatahan ko naman sila sa pag-iyak. Kailangan lang talaga ng mga bata ng kaunting lambing at punong puno ng pagmamahal. "Kung mayroon ka pang iba pang katanungan ay 'wag kang mahihiyang magtanong sa amin. Sa ngayon, maaari ka nang magsimula." Ani Ate Belen. Pagkatapos kong huminga nang malalim ay agad akong kumatok sa pintuan ng kwarto na kung saan ay bunso sa magkapatid, walang iba kun'di si Alexander. "Come in," aniya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna bago tu
Last Updated : 2024-02-11 Read more