Share

The Rich Man's Fall
The Rich Man's Fall
Author: Kirstenn Wolf

Chapter 1

Author: Kirstenn Wolf
last update Huling Na-update: 2024-11-25 13:23:30

Nagbabadya ang luha sa mata ni Issa. Sa harap niya ay ang life-size painting ng kanyang abuelo suot ang glasses at barong suit nito, like an image of grandeur and a well-bred man. Kuha iyon sa opisina ng matandang Galvez noong nabubuhay pa ito.

"Tara?" ang nobyo niyang si Apolo iyon. Yumakap ito mula sa likuran niya. "Nasa labas na ang taxi. Nailagay ko na'ng lahat ang gamit ng Mama't Papa mo."

Sumilay ang kapirasong ngiti sa labi niya. "Kukunin ko ang portrait ni Lolo."

"Sandali at kukuha ako ng ladder," maagap na tumalima ang binata bago tumalikod. Pinahid ni Issa ang namimintanang luha sa sulok ng kanyang mata.

Ang may kalumaang-istilo ngunit malaking bahay ng mga Galvez kung saan siya lumaki at nagkaisip ang ibinayad ng kanyang ama sa pagkakautang nito sa negosyanteng si Vince Sevilla. Mahigit tatlong henerasyon ang tanda ng mansion na sa pagkakatanda niya'y minana pa ng lolo niya sa ama nito.

Pinanood niya ang pag-akyat ng nobyo sa ladder. Ilang saglit pa'y tinatanggal na ni Apolo ang painting na nakasabit sa pader.

"Maliit lang 'yung apartment na nahanap ko pero 'wag kang mag-alala, titingin ako ng may kalakihan pero affordable," anito habang papalabas sila ng mansion. Kipkip ng binata ang portrait at tangan naman niya ang kanyang maleta.

"'Wag muna nating isipin 'yon. Ang importante ngayo'y maging maayos ang lagay ni Papa sa ospital." Nabagabag ang damdamin ni Issa nang matanawan ang nakaabang na taxi sa labas ng bahay. Binigyan niya ng huling sulyap ang bahay. Tila batong nakadagan sa dibdib ang pag-alis niyang iyon.

Kasalukuyang isinasakay sa trunk ang maleta niya nang huminto sa 'di kalayuan ang puting SUV. Mula roon ay lumabas ang isang lalaki sa pormal na three-piece suit at itim na sapatos. Dire-diretso itong lumapit sa kanila.

"Miss Galvez?" anito sa kanya.

Saglit siyang napatingin sa pinanggalingan nitong sasakyan. Maliban dito'y lulan din ng SUV ang isang driver.

"Ako nga." A slight frown on her forehead.

"Teka, sino ka?" si Apolo dito. Hinawakan siya sa siko ng nobyo at bahagyang inilayo sa estranghero.

"Executive assistant ako ni Mr. Vince Sevilla. Bilin niyang ipasundo si Ms. Elisabeth Galvez at makipagkita rito," magalang ngunit maawtoridad na wika nito. Isang business card ang ipinakita nito bilang pagpapatunay.

Buong pagtatakang pinakatitigan niya ang tarheta kung saan nakaimprenta ang logo ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito—ang Sevilla Land & Cityscape. Tumigas ang anyo ng dalaga sa nakita.

"Pasensiya na pero nagmamadali ako," aniya sa malamig na pagdadahilan.

Maliban sa hindi niya ito kilala, nunca rin niyang gustong makipagkita sa sinumang Sevilla. Ang huling beses na nakaharap niya ang angkan ay noong walong taong gulang siya. At kung hindi lang sa issue ng pagkakautang ng papa niya'y matagal na niyang nakalimutan ang mga ito.

"Ms. Galvez—"

Hindi na naituloy ng assistant ang pagtawag nang lumulan na sila ni Apolo ng taxi at naiwan itong nakasunod lamang ng tingin. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit gustong makipagkita ni Vince sa kanya. Naisalin na sa pangalan nito ang bahay at lupa ng kanyang pamilya. Bayad na sa pagkakautang ang papa niya.

Ilang sandali pa'y binabagtas na nila ni Apolo ang daan papunta sa lilipatang apartment. Iniwan lang nila ang mga kagamitan roon at kagyat din nagtungo sa ospital kung saan naka-confine ang kanyang papa. Si Apolo ay sumaglit sa isang fast food chain para mamili ng pagkain at pinauna siya.

Sa pribadong silid ay wala pa ring malay-tao ang amang si Jaime. Sa tabi nito ay kanyang inang si Giselle na nakatulugan na ang pagbabantay sa asawa. Nagising lamang ito nang lapitan niya. Mahigpit siyang yumakap dito.

"Ma, nailipat na ang lahat ng gamit sa bago nating tutuluyan. Two-bedroom apartment. Hindi kalakihan pero doon muna tayo pansamantala," aniya rito.

"Anak, pasensya ka na kung nararanasan mo ang lahat ng 'to—"

"Ma," agap niya rito. "Walang may kagustuhan ng nangyari. Minalas lang talaga tayo ngayon." Lumapit siya sa nakaratay na ama at buong pagkahabag na pinagmasdan ito.

Unconscious ang ama bagaman stable ang paghinga sa oxygen mask na nakakabit dito. Sa edad na singkuwenta'y sais, halos triple ang itinanda nito sa loob lamang ng ilang buwan. Dinibdib ni Jaime ang pagkakabagsak ng firm nito at mga milyones na pagkakautang. Ginupo ng depresyon at inatake sa puso. Hinihintay na lamang ang resulta ng laboratory tests ng ama bago ang sunod na hakbang sa gamutan nito.

"Bago kami umalis ng mansion ni Apolo, may lalaking lumapit at sinabing pinasusundo ako ni Mr. Sevilla," pagbibigay-alam niya sa ina at muli itong nilingon.

Waring tinakasan ng kulay ang mukha nitong hilam sa luha at pangamba. "Si Vince? A-anong sinabi mo?"

Kibit-balikat na nagtungo siya sa mesang naroon bago sinimulang hiwain ang mansanas at isinalin sa bowl. "Hindi ako sumama. Walang dahilan para magkausap kami."

"Pero, Issa, may mahalagang dahilan kung bakit gusto kang kausapin ni Vince," si Giselle sa anak. Banayad nitong ginagap ang kanyang kamay at sa alanganing tinig ay idinagdag, "H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin..."

Nahinto sa ginagawa si Issa. Napakunot sa tila implikasyon sa tinig nito.

"Anak, makinig ka," pakiusap ni Giselle sa unica hija. "Kung puntahan ka man ni Vince, please, makipag-usap ka sa kanya. Maging mabait ka sa kanya."

Nagsasalubong ang kilay na napamaang ang dalaga rito. Labis ang pagkadisgusto sa narinig. "Tubuan na ako ng sungay pero hindi ko gagawin 'yon. Nakuha na niya ang gusto niya kaya't para saan pa?"

"Issa..."

"Ma, ayoko."

"Elisabeth!" mariin at may kalakasang sabi nito na halos ikapatda niya. "Ikaw ang gustong kabayaran ni Vince," anitong napahagulhol ng iyak at saka umiling-iling. "God, forgive me... I'm sorry."

Nanigas sa kinatatayuan niya ang dalaga. "H-hindi ko naiintindihan," aniya sa pinagsamang kaba at kalituhan.

"Sa laki ng pagkakautang ng papa mo kay Vince, hindi sapat na ibayad ang mansion. Wala pa sa kalahati ng pagkakautang ng papa mo ang halaga niyon."

Hindi halos humihinga si Issa habang pinakikinggan ang ina. Parang siya ang sunod na aatakihin sa puso.

"Maraming kaso ng e****a ang isinampa sa papa mo. Napilitan siyang lumapit kay Vince para humiram ng pera at upang kahit papaano'y makabayad sa mga pagkakautang niya. Pero higit pa roon ang itinulong ni Vince kay Jaime. Nabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa mo sa kundisyong ikaw ang magiging kabayaran niyon."

Guilt was written all over her mother's face. Hindi rin maikakaila ang hopelessness. "Vince wants you to be his wife. Nangako siyang ibabangong muli ang negosyo ng papa mo oras na makasal kayo."

Natutop ni Issa ang bibig. 'But, why?' Samu't sari ang katanungan sa kanyang isip... and hatred for Vince. Pinaikot nito ang kanyang ama gamit ang financial assets na hindi niya masasabi kung tulong nga ba.

"Kung hindi ako papayag ay ano?"

Bagsak ang balikat na napaiyak muli si Giselle. "I-ipakukulong niya ang Papa mo."

Nanlaki ang kanyang mata sa marahas na pagsinghap. "Malubha si Papa. Paano niya maaatim na..." she halted.

"Sa laki ng pagkakautang ng ama mo sa kanya'y desidido rin si Vince na makuha ang kapalit. Hindi masabi-sabi sa 'yo ng papa mo ang totoo. Palagi'y malalim ang kanyang iniisip. Minsan sinabi niyang 'di baleng mawala na lang siya, kaysa isakripisyo ka.

"Mahal ka namin ng papa mo, anak. Hindi kami sumasang-ayon sa kundisyon ni Vince. Pero wala nang ibang paraan."

Napakuyom ang dalaga. Kung nalaman lang niya kaagad ang tungkol sa kasunduan ng ama at ni Vince Sevilla, kusang-loob siyang sasama sa secretary nito at makipagkita rito. Kung bakit ganoon ang kundisyon ni Vince ang gusto niyang malaman.

'Vince wants you to be his wife.'

That's unfathomable.

Kaugnay na kabanata

  • The Rich Man's Fall   Chapter 2

    "Ma'am, hindi basta-basta tumatanggap ng biglaang bisita si Mr. Sevilla. Kung gusto mo'y isi-set ko muna ang appointment mo with him, at saka ka bumalik."Napabuntong-hininga si Issa. Naroon siya ngayon sa reception sa mataas na gusali ng Sevilla Land & Cityscape main office—ang real-estate company na pinamamahalaan ni Vince Sevilla bilang Chief Executive. Hindi niya alam ang eksaktong ipinunta niya roon. Siguro'y hihingi siya ng palugit upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa niya rito, na hindi kailangang siya ang maging kabayaran."Please, kailangan kong makausap si Mr. Sevilla. Importante lang," mahinahong pakiusap ni Issa sa receptionist."Tatawagan ko ang secretary sa itaas. Ipapaalam muna niya kay Mr. Sevilla." Matapos iyon ay dinampot nito ang telepono sa cradle at may kinausap. Ilang segundo lang ang itinagal niyon bago siya pinaupo ng receptionist. "May client na kausap si Mr. Sevilla. Tatawag na lang daw ang secretary kapag p'wede ka nang umakyat."Isang ngiti at

  • The Rich Man's Fall   Chapter 3

    "We will send you an email for the initial interview," nakangiti ang clerk na tumanggap ng resume ni Issa. Mag-a-alas singko na ng hapon at 'di na mabilang sa daliri ang mga konstruksyon at engineering firm na in-applyan niya sa araw na iyon. Maliit man o malaking kumpanya.Kaagad nagpaalam ang dalaga pagkatapos iiwan ang kopya ng resume niya sa reception desk. Lumabas siya ng gusali, saka tinungo ang pinakamalapit na pawnshop sa lugar. Walang katiyakan ang mga pinasahan niyang trabaho lalo't kakatapos lang niya ng kolehiyo at hahabi pa lang ng karanasan. Kalimitan ay mga bihasang inhinyero ang mas may tsansang matanggap agad.Hindi siya maaring maghintay nang matagal at kung mangyari man ay madaling mauubos ang savings niya sa bangko. Inilalaan niya iyon para sa maintenance ng kanyang ama.'We need to perform a bypass surgery, though it may cause complication right after. Stroke is common, but the graft will increase the patient's mortality...'Iyon ang isinuhestiyon ng doctor bago i

  • The Rich Man's Fall   Chapter 4

    "Ang mabuti pa, ibaba mo na 'ko," anang dalaga kay Vince."Stop being a lioness, Issa. We have to stop over somewhere and feast some dinner. Masama akong magutom."Ibubuka pa lang niya ang bibig nang lumangitngit ang gulong ng Lamborghini bago iyon tumigil sa parking sa tapat ng isang fine dining restaurant. Atubiling inalis niya ang kanyang seatbelt at akmang bababa. Pero mabilis si Vince na agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakasimangot pa rin siya rito. Hindi tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. "Dito na ako papara ng taxi.""Leave your bag inside. Hindi 'yan mananakaw sa loob ng kotse ko," sa halip ay ignora nito sa pagpupuyos niya.Her eyes squinted at him. "Personal kong gamit 'to, Mr. Sevilla. Karapatan kong dalhin kung saan ko gusto," mariin niyang hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa kanyang balikat."Suit yourself. But you will have dinner with me," he hinted with finality. Sa inis niya'y hinawakan siya nito sa braso at niyakag papasok sa resto."Bitiwa

  • The Rich Man's Fall   Chapter 5

    Hindi halos nagalaw ni Issa ang pagkain sa mesa. Nasa pribadong silid siya ng ama at nasa ospital pa rin. Isang linggo na ang lumipas matapos siyang makipagkalas kay Apolo at ipagtapat dito ang tungkol sa kasunduan nila ni Vince Sevilla. Magmula niyon ay hindi na nagparamdam pa ang dating-nobyo.Hindi niya malasahan ang cereal na kinakain. Laman ng isip niya ang pinag-uusapan ngayon ni Vince at kanyang ina sa labas ng silid. Batid niyang inaayos ng binata ang nalalapit nilang kasal at ang muling pagkakabawi ng magulang niya sa mansion.Kung hindi pa sa mahinang ungol mula sa nakaratay niyang ama ay hindi siya matatauhan. Nagising sa pagkakatulala si Issa at saka dali-daling nilapitan ang matandang lalaki."Pa..." her smile was faint. Natutuwa siyang gising at nakakapag-respond ang ama niya kahit sa mahinang pag-ungol lang. Gayunma'y hindi na halos naigagalaw ang buong katawan.Natatabunan ng oxygen mask ang ilong at bibig nito. Malimit ay sa mata lang niya nababasa ang nais nitong ipa

  • The Rich Man's Fall   Chapter 6

    Isinalang ni Issa ang frying pan sa induction stove bagama't hindi iyon binuksan. May mga karne at isda sa loob ng fridge ni Vince pero hindi malaman kung alin sa mga iyon ang lulutuin. Kinse minutos na ang nakalipas matapos ang naganap sa silid nito but his touch lingered. Pakiwari niya'y nakayakap pa rin ang binata sa kanya at sapat na para iligaw ang kanyang isip.It was quarter after six ayon sa wall clock sa kusina. Walang nabanggit si Vince kung sa labas magdi-dinner o magpapa-deliver na lang kaya ng pagkain. Hindi niya gustong makialam sa kitchen nito pero base sa nangyari'y tiyak na hindi nito gugustuhing lumabas kasama siya. Wala rin siyang ideya sa pagkaing gusto nito kaya hindi maaring basta na lang siya magpa-deliver.Sa huli'y ibinalik ng dalaga ang pan sa pinaglagyan niyon. Hihintayin na lamang niyang bumaba sa silid nito si Vince at ito na ang magpasya. Nasa sala siya nang maulinigan ang pagtunog ng doorbell sa unit ni Vince. Tinungo niya ang main door at sumilip sa pee

  • The Rich Man's Fall   Chapter 7

    "Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty.At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito."Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal r

  • The Rich Man's Fall   Chapter 8

    Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin.Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan.All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo.Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss the b

  • The Rich Man's Fall   Chapter 9

    Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu

Pinakabagong kabanata

  • The Rich Man's Fall   Chapter 17

    Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is

  • The Rich Man's Fall   Chapter 16

    "Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind

  • The Rich Man's Fall   Chapter 15

    Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in

  • The Rich Man's Fall   Chapter 14

    'He's not into a boring housewife material... Surely, you will bore him to death.' Issa gritted her teeth. Sheryl's such a bitch for telling that. Vince and Sheryl obviously had a thing in the past, at marahil ay nagseselos ito. Nang magbalik sa kwartong inookupa sa hotel ay napatda siya. Sa pagsara niya ng pinto ay siyang paglabas ni Vince mula sa shower room—nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at kasalukuyang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Maaga ka yata," bungad niya rito, fixing her eyes on his face, away from his big, muscular trunk. "Gaya ng sabi ko, I will miss you kung magtatagal ako," anitong pinasadahan siya ng humahangang tingin. "And now I'm having a hard time dealing with this male thing." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa halip ay humarap ito sa bintana at tumanaw. Labis niyang pinagtakhan ang ikinilos nito. Taliwas sa inaasahan niya ang pagtalikod nito.'Vince is like a feral in bed... Banta

  • The Rich Man's Fall   Chapter 13

    Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Wala si Vince nang magising siya. Nang dumating sila sa hotel na iyon ay hindi sila nagtabi nito sa pagtulog. Sa mahabang sofa sa kwarto ito natulog bagama't queen-size ang kama. Except yesterday. Natitiyak niyang magkatabi sila ni Vince at hindi siya tumanggi. Alas-siete y media ng umaga ang oras sa screen ng cellphone niyang nakalapag sa bedside table. Nakatanggap din siya ng mensahe mula kay Vince.'Need to go early. Meetup with the Japanese investors. I won't be long... will miss u.' She gently bit her lower lip to seize a smile. Hindi niya inaasahan ang huli. Akmang ilalapag niya ang cellphone nang mabungaran ang isang maliit at pink na box sa ibabaw din ng bedside table. Atubiling inabot niya iyon at binuksan. Natilihang napatitig doon ang dalaga. Bumungad ang pamilyar na timepiece. A rose gold wristwatch with diamonds na kaparehas ng isinangla niya. Tinubos iyon ni Vince. Pero kailan pa? Hindi rin matukoy ng dal

  • The Rich Man's Fall   Chapter 12

    Gaya ng ipinangako, inilaan ng buong project team, common workers at executives, ang kalahating araw ng trabaho sa pristine beaches ng El Nido. Ang ilan ay inaliw ang sarili sa paliligo at outdoor activities. Some went to enjoy sports gaya ng paglalaro ng volleyball.Vince made the most out of it with her. Isinama siya nitong mag-parasailing, kayaking, and even snorkeling. Kung titignan ay tila totoo silang nag-iibigan nito, with all the laughing and stolen kisses from him mapa-ere man o sa dagat. At ilang beses na gusto rin niyang maniwala.Inayos ni Issa ang mahaba at puting coverup na isinuot niya matapos ang maghapong paliligo. Sa ilalim niyon ay ang light blue two-piece bikini na hindi niya gustong ihantad in broad daylight. Magdadapit-hapon na. Kipkip sa isang kamay ang goblet na may red wine na isinilbi ni Mr. Benitez na tinungo niya ang tahimik na bahagi ng isla. Isang foreign couple ang papaalis at nasalubong niya, at ilang saglit pa'y mag-isa na niyang tinatanaw ang papalubo

  • The Rich Man's Fall   Chapter 11

    Literal na napanganga si Issa. Her eyes drifted across. Sa harap niya ay ang mataas na gusaling hindi bababa sa fifty floors and was undergoing seafront construction. Isa iyong five-star hotel sa ilalim ng Sevilla Land project, another luxury property sa pamamahala ni Vince at kumpanya nito. Meters away was the immense sea of El Nido, karst coastline and salty breeze, and yes... paradise.Sa tabi nila ay ang SUV ng binata na siyang sinakyan nila mula sa hotel na tutuluyan nila sa loob ng isang linggong bakasyon doon."It was a joint venture with the Japanese investors. About eight-hundred feet, spread nearly over twenty-acres beachfront hotel," Vince said, arms akimbo. Tulad niyang nakatanaw ito sa labas ng ginagawang gusali at kakikitaan ng pagmamalaki ang tingin. Proud but not boastful.Napalingon siya rito. Hindi malaman kung saan mas hahanga—sa mala-paraisong dagat o kay Vince na hindi miminsang nililingon ng mga kadalagahang naka-bikini sa coastland. Nakasuot ito ng jeans at cla

  • The Rich Man's Fall   Chapter 10

    "Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit

  • The Rich Man's Fall   Chapter 9

    Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu

DMCA.com Protection Status