"Ma'am, hindi basta-basta tumatanggap ng biglaang bisita si Mr. Sevilla. Kung gusto mo'y isi-set ko muna ang appointment mo with him, at saka ka bumalik."
Napabuntong-hininga si Issa. Naroon siya ngayon sa reception sa mataas na gusali ng Sevilla Land & Cityscape main office—ang real-estate company na pinamamahalaan ni Vince Sevilla bilang Chief Executive. Hindi niya alam ang eksaktong ipinunta niya roon. Siguro'y hihingi siya ng palugit upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa niya rito, na hindi kailangang siya ang maging kabayaran. "Please, kailangan kong makausap si Mr. Sevilla. Importante lang," mahinahong pakiusap ni Issa sa receptionist. "Tatawagan ko ang secretary sa itaas. Ipapaalam muna niya kay Mr. Sevilla." Matapos iyon ay dinampot nito ang telepono sa cradle at may kinausap. Ilang segundo lang ang itinagal niyon bago siya pinaupo ng receptionist. "May client na kausap si Mr. Sevilla. Tatawag na lang daw ang secretary kapag p'wede ka nang umakyat." Isang ngiti at tango ang isinagot niya bago naupo sa mahabang couch sa reception. She's having cold feet. Parang nagkakandabuhol ang bituka niya sa pinagsamang kaba at antisipasyon. After long thirteen years, ngayon lang niya muling makikita si Vince. Gayunma'y kabaligtaran ng tuwa ang nadarama niya. Tumuwid ng upo ang dalaga at matyagang naghintay. Kinse minutos din ang itinagal bago nag-ring ang telepono ng receptionist at tinawag siya. "Makakaakyat ka na. Proceed to the twelfth floor, naroon ang opisina ni Mr. Sevilla." Wala siyang inaksayang sandali at dali-daling tinungo ang elevator. Gaya ng bilin ay tumigil siya sa binanggit na palapag at doo'y sinalubong siya ng pamilyar na mukha, ang nagpakilalang executive assistant ni Vince noong isang araw. "This way, Ms. Galvez," anito sa pormal na tono. Pinuno ni Issa ng hangin ang kanyang dibdib nang mapatapat sila ng sekretarya sa isang frosted glass door kung saan bahagya lang na naaaninag ang tao sa loob. Kasabay ang pagtalikod ng lalaki ay ang pagpasok niya sa loob ng pribadong opisina. She gulped as she looked straight at the familiar sight of a man she thought she had long forgotten. Still remarkable and handsome ang panganay na anak ni Lucio Sevilla. Vince's taller and way more virile than he had been. His chiseled jawline and Roman nose were eloquently dominating. His gaze ceased to meet her dubious eyes. Mataman kung tignan siya nito na parang nakakapaso iyon. "Ms. Galvez," his voice laced with staid seriousness. Isinara nito ang folder na binabasa at saka umayos ng pagkakaupo sa revolving chair. "Would you mind taking a seat?" maaliw na pinagmasdan nito ang pagkakatulala niya. "Thanks," she almost whispered as she sat down next to his office desk. "I-I... came here to talk things out, Mr. Sevilla," she sighed inwardly at naipagpasalamat na naitawid niya nang maayos ang mga salitang iyon sa kabila ng pagkakaturete. "Speak up," pag-udyok nito. "Tungkol ito sa pagkakautang ng papa ko sa 'yo at ang kabayaran na gusto mo." Pinatatag ni Issa ang anyo. Hindi madali sa kanyang salubungin ang intensidad sa tingin nito. He's posing with such stillness yet firm stance. "I'm afraid there's nothing to talk about it," anito sa uncompromising na tono. "Pero—" "Malaking pera ang naipatalo ng ama mo sa casino. Kung hindi sa pinansiyal na tulong ko, your father would definitely spend the rest of his life in jail. Tatlong negosyante ang nagsampa ng kasong e****a sa daddy mo," he said as matter-of-factly. She suppressed a moan. Parang patalim na humihiwa sa dibdib ng dalaga ang katotohanang iyon. Batid niyang pilit na isinalba ng ama niya ang engineering firm nito kaya ito nalulong sa pagsusugal. Nagbaka-sakali itong suswertehin pero taliwas ay ang pagkalugmok nitong lalo. Maging ang spa na negosyo ng mama niya ay nasakripisyo sa kakulangan nila sa pinansiyal. Naipagpasalamat na lamang niya na bago tuluyang mag-file ng bankruptcy ang firm ay nakapagtapos siya sa kolehiyo. "At iyon din ang gagawin mo," mapait niyang tugon dito. "Ipakukulong mo rin ang papa ko." Issa choked a sob. Hindi siya iiyak sa harapan nito. Wala na siyang mukhang ihaharap kapag nangyari iyon. "Hindi kailangang umabot sa ganoon, Issa," makahulugang sagot ng binata. Strangely enough but she liked it more when he spoke her name. There was a sense of liberty in it, kung hindi lang sa kahulugan ng sinabi nito. "Oh, yes," sarkasmong umangat ang isang sulok ng labi niya. "Ako bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya ko." Gusto niyang masuya sa sinabi. Hindi niya maatim na binibigyang presyo ang pagkatao at dignidad niya. Hindi na baleng maghirap siya ngunit hindi ang ipagbili ang sarili niya. Nanginginig ang mga kamay na nagyuko siya ng ulo. Muli'y ang pag-ahon ng galit para dito. Matalik na magkaibigan ang kanyang abuelo at ama ni Vince Sevilla. Kwento ng magulang niya'y magkalapit na ang dalawang pamilya magmula pa noong kabataan ng mga ito. Matagal nang negosyo ng Sevilla ang property development at ilang retail businesses sa bansa habang pamumulitika naman ang pinagkakaabalahan ng angkan ng mga Galvez. Ilan sa mga kamag-anakan niya'y nasa posisyon ng gobyerno; tanging ang ama niya at kapatid nito ang nagsikap pamahalaan ang engineering firm ng pamilya. Sevilla and Galvez built a very strong connection. Pinagbuklod din ng negosyo ng dalawang pamilya. Ang Galvez Engineering sa eksklusibong partnership sa real-estate business ng Sevilla. Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang lolo. Ang dating matiwasay na pagsasama ng dalawang pamilya, sa isang iglap ay nagkasira. "Ang Uncle Ted mo ay muli kong tinanggap sa kumpanya. He is a good man at kasundo siya ni Dad," tukoy ni Vince sa inhinyerong kapatid ng kanyang ama at siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Hindi pa huli ang lahat para sa reconciliation. Maibabalik natin ang nasirang samahan ng ating pamilya kung magpapakasal tayo—" Salubong ang kilay na napalingon siya rito. "No, hindi ako magpapakasal sa 'yo," maagap niyang salag dito. Mas nanaisin niyang magkandakuba sa pagtatrabaho at tumira sa isang maliit na apartment kaysa ang maging asawa ito. Not to mention na may nobyo na siya, si Apolo—tulad niyang engineering student at kasabay niyang nagtapos sa kolehiyo. Kaibigan niya si Apolo all throughout their college years. Sa ikaapat na taon ay niligawan siya nito. Sa mismong araw ng graduation ay sinagot niya ito. "I understand. It won't be easy for you. Naiipit ka sa pagitan ng pangangailangan ng iyong pamilya at loyalty mo sa boyfriend mo," si Vince na tila ba nababasa ang nasa isip niya. Natigilan si Issa sa tinuran na iyon ng binata. Iglap ang talim sa mga mata nito. Prente itong nakaupo sa swivel chair but she could sense an incipient anger in his voice. "Gagawa ako ng paraan para mabayaran ko ang pagkakautang ni Papa sa 'yo, Mr. Sevilla, bigyan mo lang ako ng panahon," she didn't like the sound of herself na parang nagmamakaawa rito. "Thirty-five million pesos sa loob ng dalawang linggo. Sa paanong paraan mo mababayaran ang halagang iyon, Issa?" Nahigit niya ang hininga. "Thirty-five million? I-in two weeks time?" Parang gustong pangapusan ng hangin si Issa. Gumuhit ang realisasyon sa maamong mukha. Kahit pa bigyan siya ng tatlong buwang palugit na nais sana niya ay hindi sapat para mabayaran ang kahit man lang isang milyong piso. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang magpatuloy si Vince. Ang tingin ay nanatiling nasa kanya. "In two weeks time and you still have nothing to pay me back, makikipagkalas ka sa boyfriend mo at magpapakasal ka sa 'kin. Kung hindi mo man susundin ang alinman sa dalawa, your father would get imprisoned," clear and concise ang binata sa eskplanasyon nito pero pakiramdam niya'y lalong gumulo ang kanyang isip. Gumaling man ang papa niya'y naghihintay ang rehas sa paggising nito. Hindi iyon maaatim ng konsensiya niya. "Kung paraan mo 'to para makaganti sa pagkakakulong ng kapatid mo—" "Don't you even go there," bigla'y ang pagkulimlim ng mukha ni Vince. "Kung gano'n, bigyan mo ako ng rason kung bakit mo ginagawa 'to?" Nagpupuyos ang kanyang dibdib. She was trapped at sa harap niya ay isang mapanganib na leon. One mighty beast. "Ang ama mo ang nagtulak sa sarili niyang kumunoy, don't you get that? These are the consequences of his wrongful actions. Your family is a friend, Issa—" "Was a friend, Mr. Sevilla," pagdidiin niya. "We never turned our backs on you. Your father was too prideful he did cut all ties with the Sevilla. He even breached the partnership contract in Sevilla Land but my father still had given him the benefit of the doubt. He didn't sue him. Malaki ang galit ng pamilya mo sa pamilya ko and we tried to understand that," marahas na nagpakawala ng hininga ang binata. Waring nahulog ito sa malalim na pag-iisip bago tumayo at tumanaw sa glass wall ng opisina nito. Mula roon ay ang tanawin ng mga nagtataasang gusali at napakaabalang siyudad ng Maynila. Namulsa sa slacks nito si Vince. Gusto niyang purihin ang well-built physique and butt na hindi naikubli ng corporate attire nito ngunit pinigil niya ang sarili. She held her gaze to him. "May malubhang sakit si Dad. Brain cancer and only have two years to live." Sa kabila ng matuwid na tayo ay kababakasan ng matinding lungkot ang boses ng binata. Tunay siyang nabigla sa narinig. Pansamantalang isinantabi ang galit kay Vince at nakisimpatiya rito. "I-I'm sorry to hear that." "My father wants me to marry you, Issa. He wishes nothing but a reconciliation between our families. Kasama na roon ang mabigyan ko siya ng apo." Vince turned to look at her. "At kung hindi lang din ikaw ang mapapangasawa ko, he wouldn't choose to live." Napatda ang dalaga rito. Napailing-iling. "Hindi natin kilala ang isa't isa." "We have the rest of our lives to get to know each other." "May boyfriend ako," dagdag niya. A marriage of convenience. Nothing more, nothing less. Walang nakapagitan na pag-ibig. She has never been so disappointed in her life. "Forget about him. The whole damn situation is way bigger than him. Hindi sa lahat ng pagkakataon, puso ang dapat na pairalin." Naupong muli sa office chair nito ang binata ngunit siya namang pagtayo niya. "Oh, really? Hindi na rin naman ako nagtataka," she voiced her sarcasm. "Hindi puso ang ginagamit mo kundi pera. Sadly, hindi nabibili ang pagmamahal, Mr. Sevilla. Love is a lot more complicated than you think. Hindi ako batong singtigas mo. Tao ako at nakakaramdam ako." Nakatiim ang bagang na tumayo ang lalaki at saka siya mahigpit na hinawakan sa braso. "You're too quick to judge, aren't you? If love's the real issue here, then let me play my part as a lover, Issa. I promise you, you wouldn't miss a thing..." his gaze glinted with such fervor. "At malalaman mong tao rin ako at handang magkasala." Banayad nitong pinagapang ang palad sa kanyang braso bago siya binitawan, leaving her a flushed face. Saglit siyang napipi kasabay ang tila boltahe ng elektrisidad na gumapang sa buong sistema niya. "I-in two weeks time, babayaran kita," wika niya nang makabawi bagaman gusto lang niyang tapusin ang pag-uusap na iyon. Hindi niya maintindihan ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. It gave her goose bumps. Nunca siyang naapektuhan ng ganoon, not even with Apolo; na sa kabila ng mga paghalik at pagyakap ay hindi siya naligalig. Hiniling niya sa nobyo na hindi mamamagitan ang pre-marital sex hangga't hindi sila nito ikinakasal, kaya't ano ang nangyayari at tila hinahalukay ang sikmura niya sa simpleng pagkakadaiti ng kamay ni Vince sa balat niya? Isang estranghero kung tutuusin. "Thanks for your time. Aalis na ako," her voice flat and hurried. Hindi na niya binigyan ng pagkakataong makapagpaalam ang binata. She walked with haste at nang makalabas sa opisina'y saka huminga nang maluwag."We will send you an email for the initial interview," nakangiti ang clerk na tumanggap ng resume ni Issa. Mag-a-alas singko na ng hapon at 'di na mabilang sa daliri ang mga konstruksyon at engineering firm na in-applyan niya sa araw na iyon. Maliit man o malaking kumpanya. Kaagad nagpaalam ang dalaga pagkatapos iiwan ang kopya ng resume niya sa reception desk. Lumabas siya ng gusali, saka tinungo ang pinakamalapit na pawnshop sa lugar. Walang katiyakan ang mga pinasahan niyang trabaho lalo't kakatapos lang niya ng kolehiyo at hahabi pa lang ng karanasan. Kalimitan ay mga bihasang inhinyero ang mas may tsansang matanggap agad. Hindi siya maaring maghintay nang matagal at kung mangyari man ay madaling mauubos ang savings niya sa bangko. Inilalaan niya iyon para sa maintenance ng kanyang ama. 'We need to perform a bypass surgery, though it may cause complication, it will further increase the patient's heart rate recovery...' Iyon ang isinuhestiyon ng doctor bago inoperahan ang ama
"Ang mabuti pa, ibaba mo na 'ko," anang dalaga kay Vince."Stop being a lioness, Issa. We have to stop over somewhere and feast some dinner. Masama akong magutom."Ibubuka pa lang niya ang bibig nang lumangitngit ang gulong ng Lamborghini bago iyon tumigil sa parking sa tapat ng isang fine dining restaurant. Atubiling inalis niya ang kanyang seatbelt at akmang bababa. Pero mabilis si Vince na agad siyang pinagbuksan ng pinto.Nakasimangot pa rin siya rito. Hindi tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. "Dito na ako papara ng taxi.""Leave your bag inside. Hindi 'yan mananakaw sa loob ng kotse ko," sa halip ay ignora nito sa pagpupuyos niya.Her eyes squinted at him. "Personal kong gamit 'to, Mr. Sevilla. Karapatan kong dalhin kung saan ko gusto," mariin niyang hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa kanyang balikat."Suit yourself. But you will have dinner with me," he hinted with finality. Sa inis niya'y hinawakan siya nito sa braso at niyakag papasok sa resto."Bitiwa
Hindi halos nagalaw ni Issa ang pagkain sa mesa. Nasa pribadong silid siya ng ama at nasa ospital pa rin. Isang linggo na ang lumipas matapos siyang makipagkalas kay Apolo at ipagtapat dito ang tungkol sa kasunduan nila ni Vince Sevilla. Magmula niyon ay hindi na nagparamdam pa ang dating-nobyo.Hindi niya malasahan ang cereal na kinakain. Laman ng isip niya ang pinag-uusapan ngayon ni Vince at kanyang ina sa labas ng silid. Batid niyang inaayos ng binata ang nalalapit nilang kasal at ang muling pagkakabawi ng magulang niya sa mansion.Kung hindi pa sa mahinang ungol mula sa nakaratay niyang ama ay hindi siya matatauhan. Nagising sa pagkakatulala si Issa at saka dali-daling nilapitan ang matandang lalaki."Pa..." her smile was faint. Natutuwa siyang gising at nakakapag-respond ang ama niya kahit sa mahinang pag-ungol lang. Gayunma'y hindi na halos naigagalaw ang buong katawan.Natatabunan ng oxygen mask ang ilong at bibig nito. Malimit ay sa mata lang niya nababasa ang nais nitong ipa
Isinalang ni Issa ang frying pan sa induction stove bagama't hindi iyon binuksan. May mga karne at isda sa loob ng fridge ni Vince pero hindi malaman kung alin sa mga iyon ang lulutuin. Kinse minutos na ang nakalipas matapos ang naganap sa silid nito but his touch lingered. Pakiwari niya'y nakayakap pa rin ang binata sa kanya at sapat na para iligaw ang kanyang isip.It was quarter after six ayon sa wall clock sa kusina. Walang nabanggit si Vince kung sa labas magdi-dinner o magpapa-deliver na lang kaya ng pagkain. Hindi niya gustong makialam sa kitchen nito pero base sa nangyari'y tiyak na hindi nito gugustuhing lumabas kasama siya. Wala rin siyang ideya sa pagkaing gusto nito kaya hindi maaring basta na lang siya magpa-deliver.Sa huli'y ibinalik ng dalaga ang pan sa pinaglagyan niyon. Hihintayin na lamang niyang bumaba sa silid nito si Vince at ito na ang magpasya. Nasa sala siya nang maulinigan ang pagtunog ng doorbell sa unit ni Vince. Tinungo niya ang main door at sumilip sa pee
"Alam kong medyo matabang ang Beef and Broccoli, but I hope you'd still enjoy it," Lucy winced while staring at her. Kasalukuyan silang nasa hapag at kumakain. Ang inumin nila'y fresh orange juice at aamining may katabangan ang pagkain bagama't masarap iyon.Ngumiti siya rito. "It's good. Maswerte si Vince na may kaibigang chef na namo-monitor ang diet niya," aniyang pinasadahan ng tingin ang iba pang putahe na nakahain. Isang whole chicken na niluto sa turbo broiler, pepper steak, at cucumber salad ang inihanda ni Lucy. Everything was cooked in moderation, less fat and less salty.At totoong maswerte si Vince kay Lucy. Maalaga na'y mahusay pang magluto. But for some reason, tila siya nakadama ng insekyuridad dito."Come on, tumulong ka rin naman sa pagluluto. Maswerte rin si Vince sa 'yo," anito na napatingin kay Vince at walang anu-anong humiwa ng manok, saka sinalinan ang plato ng binata. "Eat some, Vince. Crucial ang protein sa diet mo, and the salad, you should try it. Personal r
Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin. Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan. All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo. Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss
Maagang nagising ang dalaga kinabukasan. Karaniwan ay alas-siete ng umaga ang gising niya ngunit mag-a-alas-singko pa lang ay gising na ang diwa niya. Sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero sa huli'y ipinasyang bumangon na lamang.Napako ang tingin niya sa adjacent door patungo sa katabing silid kung saan natulog si Vince. Hindi pa niya nasisilip ang loob niyon ngunit natitiyak na malaking kwarto rin iyon, gayunma'y nakukunsensiyang doon nagpalipas ng gabi ang binata. Nang sabihin niyang sa silid na iyon siya matutulog ay hindi ito pumayag.Tumayo siya't marahang pinihit ang pintong nagdudugtong sa dalawang silid. Sa pag-aakalang tulog pa ang asawa ay sumilip siya roon pero sa halip ay bakante ang kwarto. Bahagya lamang nagusot ang bedsheet at duvet.She knew Vince lived a healthy and productive life at marahil ay maaga itong gumising para mag-jogging sa labas. Sa tuwina'y ginagawa rin niya iyon ngunit hindi na nang mga nakalipas na araw. Muling isinara ni Issa ang pinto at saka lu
"Don't worry, Vince. Maayos ang lagay ni Issa dito," si Giselle habang nakikipag-usap sa cellphone. Wala pang isang oras siyang nakakarating sa mansion ng magulang nang tawagan siya ng asawa at hindi iyon sagutin. Five missed calls at ang ina niya ang sunod na tinawagan nito.Mula sa villa ni Vince ay umalis siya nang hindi nagpapakita rito. Matapos ang kaganapan sa fitness room, naligo siya, nagbihis, at dinala ang kanyang maleta. Bahala na kung maghuramentado ito.Nasa balkonahe siya sa silid ng mag-asawang Galvez at kasalukuyang sinusubuan ng oatmeal ang kanyang ama para sa agahan nito. She even silent her phone para hindi na marinig ang mga pagtawag ng binata sa kanya.Nagpaalam ang ina sa kausap bago nag-aalalang nilapitan siya. "Anak, ano ba talaga ang nangyari at alalang-alala sa 'yo ang asawa mo?"Pinahid ni Issa ang bahagyang kumalat na pagkain sa bibig ng paralisadong ama gamit ang soft towel, pagkuwa'y tumingala sa ina. "Hindi kami totoong mag-asawa, Ma. At hindi ako magtit
Maiging pinagmasdan ni Issa ang nahihimbing na asawa. Vince was a demigod with prolific dark lashes and jetblack brows, mga katangiang minana nito sa griyegong ina na batid niyang namatay sa komplikasyon sa panganganak. She smiled as she stared down at his muted lips—luscious and firm at the same time, like a mix of sweet and spice in her craving mouth. Tumingala siya at hinagkan ang mga iyon.It was supposed to be light and quick. Pero sa gulat niya'y mabilis na pumulupot sa katawan niya ang mga braso ni Vince at mariin siyang siniil ng halik sa labi. "Good morning, wife..." anas nito kapagkuwan."G-good morning. Kanina ka pa ba gising?" she stuttered in sheepishness.His mouth twisted in mirth with hands all over her. Lalo siyang pinamulahan nang gumala ang palad nito sa kanyang pang-upo at kahubdan, pagkuwa'y sa kanyang dibdib. "Kung gaano katagal mo akong tinititigan at pinagnanasaan," wika nito sa bahagyang pagpisil sa kanyang tagiliran."Excuse me, hindi kita pinagnanasaan. A-an
Mula sa study table sa mismong silid ay ang mga magkakapatong na libro, papel at ballpen, at laptop. Mga gamit iyon ni Issa sa pagre-review para sa gaganaping board exam sa susunod na taon. Tutal ay wala ring balak si Vince na kausapin siya sa buong-magdamag ay inabala na lang niya ang sarili sa pag-aaral. Alas otso ng gabi, mag-iisang oras mula nang magkaayaan si Vince at Lucy maligo sa pool.Hati ang atensyon niya sa inaaral at sa manaka-nakang tawanan ng magkaibigan. Hindi niya nais bigyan ng kahulugan o malisya ang pagligong iyon ng dalawa, ngunit hindi rin gustong bale-walain ang tila pag-e-enjoy ni Vince kasama si Lucy.Inis na tinanggal ni Issa ang salamin sa mata na sa tuwina'y isinusuot niya kapag nagbabasa. Tinungo niya ang balkonahe na karugtong ng silid nilang mag-asawa kung saan matatanaw ang swimming pool sa likod ng mansion. Simangot na pinagmasdan niya ang pag-uunahan ng dalawa sa paglangoy at si Lucy sa suot nitong two-piece swimsuit. Namumuwalan ang dibdib nito sa d
Paparating ang kotseng sinasakyan ni Issa. Minamaneho iyon ng driver ni Vince gamit ang isang pulang BMW. Kagagaling lamang niya mula sa bahay ng mga magulang but when Vince told her na aagahan nito ang pag-uwi ay ganoon na lang din ang pananabik niyang makabalik agad.She wanted to scold herself for feeling that way—for thinking about him all day long. Ngunit habang sinisikil ang damdamin ay tila mas lalo iyong kumakawala. Isinandal ni Issa ang ulo sa bintana ng sasakyan ngunit kaagad ding napaangat. Kasabay niyon ay ang pagtigil ng sasakyan sa mataas na gate ng villa.Sa 'di kalayuan ay ang nakahintong motorsiklo at si Apolo, at ang mga naaaligagang katulong sa loob ng villa. Halos magiba ang tarangkahan sa malakas na pagyugyog ng lalaki roon habang pauli-ulit na tinatawag ang kanyang pangalan."Issa, lumabas ka! Mag-usap tayo! Issa!"Tigalgal na napatitig ang dalaga rito. Mahihimigan ang desperasyon sa nagmamakaawang tinig ni Apolo. His eyes were tired and heavy. Pagkahabag ang hum
Sa isang top-line club sa Manila. Lucy took a sip of her margarita and a puff of her cigarette. Mariing idinutdot sa ashtray ang hindi pa nauupos na sigarilyo at saka tinitigan ang screen ng kanyang cellphone. Not a single message from Vince. She was asking him for a hang out na malimit na lamang nitong tanggihan nang ikasal kay Issa. Buong pagkainis na ibinagsak niya ang cellphone sa table na agad ikinataas ng kilay ng dalawa niyang kasama. "May dalaw ka yata, senyora," ang baklang si Raf sa dalaga. "I can't believe it," wala sa loob na naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Vince's totally ignoring me," she sighed. Sandaling napatda ang baklang kaibigan kay Lucy, sabay tutop sa dibdib. "Demanding na girlfriend lang ang peg... Girl, may asawa na 'yung tao. Cheer up! If I were you, hahanap na lang ako ng ibang fafa na pag-aalayan ko ng oras at landi, 'no!" wika nitong kanina pa hinahagod ng malisyosong tingin ang mga naglipanang male hunk sa loob ng bar. "Oo nga naman. Vince is
"Hello, everybody!" si Lucio, ang ama ni Vince. Casual sa suot na sports shirt at cargo shorts at kararating lamang. Nasa dining sila at nag-uumpisa na sa pagkain.They all stood up. Magaang yumakap si Vince sa daddy nito at sila ni Lucy sa pagbeso rito."Hey, dad, where have you been?" anang asawa bago naupo sa tabi niya sa mesa."Nagkaayaan ang mga ninong mo mag-golfing. Kahapon pa ako umalis at sa hotel muna tumuloy," ngiting wika ng matandang lalaki at saka naupo sa silya sa dulo ng mesa. Amused na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Lucy. "I'm so glad to see the both of you, ladies. Maswerte si Vince na may maalagang best friend at napakagandang asawa," anitong dinampot ang kutsara at tinidor."Nagpapalakas lang 'yang si Lucy. Magpa-pasko na raw kaya i-ready mo na ang aginaldo, Dad," pang-aalaska ni Vince sa dalaga."Oh, shut up, Vince! Palibhasa'y kuripot ka," irap ni Lucy.Iiling-iling at tatawa-tawang nagsalin ng pagkain sa plato nito si Lucio. "Kung bakit ay hind
Natapos ang isang linggong bakasyon ng mag-asawa sa El Nido, at sa buong byahe'y nanatili si Vince sa tabi ng dalaga. Mula sa eroplano hanggang sa lumapag sila sa Maynila. Vince held her hand habang pumapasok sila sa loob ng bahay."Kailan ang balik mo sa office?" untag niya at saglit na tumigil sa sala."Why? Do you miss me already?" si Vince sa banayad na paghila sa beywang niya.Nagpatangay lamang siya rito at kunwa'y inirapan ito. "You are so full of yourself. I just want to visit my parents habang wala ka rito sa bahay.""Anytime, darling. Kung gusto mo'y maaga akong uuwi para masamahan kita. Or how about we stay at your parents' house for a week, para hindi ka matagtag sa byahe kakaparoo't parito sa inyo at dito sa villa. We wouldn't know if..." Bumaba ang tingin ni Vince sabay haplos sa impis niyang tiyan.Hindi naikubli ang pamumula ng kanyang mukha. Sa loob ng isang linggong pagtatalik nila ng binata'y hindi malabong makabuo sila nito. He's never coy about that. He had the in
'He's not into a boring housewife material... Surely, you will bore him to death.' Issa gritted her teeth. Sheryl's such a bitch for telling that. Vince and Sheryl obviously had a thing in the past, at marahil ay nagseselos ito. Nang magbalik sa kwartong inookupa sa hotel ay napatda siya. Sa pagsara niya ng pinto ay siyang paglabas ni Vince mula sa shower room—nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan at kasalukuyang tinutuyo ng towel ang basang buhok. "Maaga ka yata," bungad niya rito, fixing her eyes on his face, away from his big, muscular trunk. "Gaya ng sabi ko, I will miss you kung magtatagal ako," anitong pinasadahan siya ng humahangang tingin. "And now I'm having a hard time dealing with this male thing." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Sa halip ay humarap ito sa bintana at tumanaw. Labis niyang pinagtakhan ang ikinilos nito. Taliwas sa inaasahan niya ang pagtalikod nito.'Vince is like a feral in bed... Banta
Nakasisilaw ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na kurtina. Wala si Vince nang magising siya. Nang dumating sila sa hotel na iyon ay hindi sila nagtabi nito sa pagtulog. Sa mahabang sofa sa kwarto ito natulog bagama't queen-size ang kama. Except yesterday. Natitiyak niyang magkatabi sila ni Vince at hindi siya tumanggi. Alas-siete y media ng umaga ang oras sa screen ng cellphone niyang nakalapag sa bedside table. Nakatanggap din siya ng mensahe mula kay Vince.'Need to go early. Meetup with the Japanese investors. I won't be long... will miss u.' She gently bit her lower lip to seize a smile. Hindi niya inaasahan ang huli. Akmang ilalapag niya ang cellphone nang mabungaran ang isang maliit at pink na box sa ibabaw din ng bedside table. Atubiling inabot niya iyon at binuksan. Natilihang napatitig doon ang dalaga. Bumungad ang pamilyar na timepiece. A rose gold wristwatch with diamonds na kaparehas ng isinangla niya. Tinubos iyon ni Vince. Pero kailan pa? Hindi rin matukoy ng dal
Gaya ng ipinangako, inilaan ng buong project team, common workers at executives, ang kalahating araw ng trabaho sa pristine beaches ng El Nido. Ang ilan ay inaliw ang sarili sa paliligo at outdoor activities. Some went to enjoy sports gaya ng paglalaro ng volleyball. Vince made the most out of it with her. Isinama siya nitong mag-parasailing, kayaking, and even snorkeling. Kung titignan ay tila totoo silang nag-iibigan nito, with all the laughing and stolen kisses from him mapa-ere man o sa dagat. At ilang beses na gusto rin niyang maniwala. Inayos ni Issa ang mahaba at puting coverup na isinuot niya matapos ang maghapong paliligo. Sa ilalim niyon ay ang light blue two-piece bikini na hindi niya gustong ihantad in broad daylight. Magdadapit-hapon na. Kipkip sa isang kamay ang goblet na may red wine na isinilbi ni Mr. Benitez na tinungo niya ang tahimik na bahagi ng isla. Isang foreign couple ang papaalis at nasalubong niya, at ilang saglit pa'y mag-isa na niyang tinatanaw ang papal