[Salfuego Girl's Series #1] Pamela Salmonte is the breadwinner of her family. Siya rin ang pangunahing provider, lalo na sa mga kapatid niyang nag-aaral at sa kanilang ina na may sakit. Swerte siyang nakapasok sa isang malaki at kilalang hotel, ang Salfuego Palace, kahit na hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. Siya ang tumutugon sa lahat ng pangangailangan ng pamilya, kahit na hindi niya mabili ang mga bagay na kailangan niya para sa sarili. Sa kabila ng mabigat na responsibilidad, may boyfriend siya, isang Japanese na si Albie Yuan Hiroshi. Masaya na siya kahit paano dahil sa pagkakaroon ng isang understanding na boyfriend na laging nasa tabi niya. Pero mali ang akala niya, dahil ang inaasahan niyang marespeto at gentleman ay kabaligtaran pala sa tunay na ugali nito. Nang malaman niya ang totoo, she breaks up with him right away. In the middle of her heartbreak, she crosses paths with the hotel owner, Drevin Onyx Salfuego. Habang nakakasama niya si Onyx, hindi inaasahan ni Pamela na mapapalagayan niya ito ng loob. Sa kabila ng mga sakit at pagtitiis niya sa pamilya, tila nakahanap siya ng totoong tahanan, sa mismong tabi ni Onyx. But she didn't know, being with Onyx would bring her even more heartaches.
View MorePamelaPagmulat ko ng mata, ramdam ko agad ang bigat nito. Sobrang pagod ng pakiramdam ko, parang hindi ako nakatulog. Magdamag akong nag-iiyak matapos aminin ni Danica na matagal na silang may relasyon ni Albie. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Kahit sabihin pa nating wala na akong nararamdaman para kay Albie, masakit pa rin. Kasi kapatid ko si Danica, at ex ko si Albie. Pakiramdam ko, hindi lang puso ko ang nadurog, pati pagkatao ko.Sinusubukan kong intindihin ang sitwasyon ni Danica. Siguro nga blessing na rin ‘yon para sa kanya, at sa kanila ni Albie. Pero ang hindi ko matanggap, bakit si Albie? Tangina, kaya nga iniwan ko ‘yung tao dahil hindi talaga maganda ang ugali niya. Tapos ngayon, siya pa pala ang pinatulan ni Danica?Pumasok ba sa isip niya, kahit minsan, na masakit ito para sa akin? Na kahit wala na kami ni Albie, iba pa rin ang tama nito dahil pamilya kami? Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa ‘to sa akin. Parang lahat ng kwentuhan, tawanan, at pinagd
[THIRD PERSON POV]"I heard you're the second grandson of Mr. Benjamine Salfuego," sabi ng babaeng kaharap ni Nyx, nakangiti at may tonong puno ng pang-aakit. Malinaw ang intensyon niya, mula sa titig hanggang sa bahagyang pag-iling ng buhok sa balikat, kitang-kita ang kanyang pagsisikap na makuha ang atensyon ng binata.Pero si Nyx, ni hindi man lang nagpakita ng interes. Tahimik lang siyang nakatingin sa dalaga, seryoso ang ekspresyon, parang hindi narinig ang sinabi nito. Sanay na siya sa ganitong klaseng atensyon, mga babaeng masyadong halata at may kalabisan sa kilos.Napangiti ang babae, inakala niyang naisipan niyang mag-adjust ng posisyon para mas makuha ang atensyon ni Nyx, na tila hindi naaapektuhan. Tumikhim ang dalaga, tila sinusubukang masungkit ang kahit konting reaksyon mula sa binata, ngunit nanatiling malamig ang ekspresyon ni Nyx."Do you have anything to say, Ms. Javier?" malamig at walang emosyon na tanong ni Nyx, pinananatiling diretso ang tingin sa dalaga. Hindi
[THIRD PERSON POINT OF VIEW] Sa mundo ni Mr. Salfuego, kitang-kita ang agwat ng pamumuhay niya kumpara kay Pamela. Sa gitna ng mga gulo at alalahanin na bumabalot sa pamilya ng dalaga, ang buhay naman niya ay tahimik at nasa ayos, abala lang sa trabaho at negosyo. Habang nagbibihis siya para sa isang appointment, bigla niyang naalala ang kanyang temporary secretary. Matapos ang kanilang biyahe sa Zambales at sa isla, binigyan niya ito ng isang araw na day off para makabawi ng pahinga. Alam kasi niyang walang tuluy-tuloy na day off ang dalaga dahil pinili nitong magtrabaho kahit dapat sana ay may araw na off niya. Napabuntong-hininga siya. Kahit hindi nagrereklamo ang dalaga, ramdam niya ang pagod nito sa araw-araw na walang pahinga. Gusto niyang masiguro na habang nagtatrabaho ito para sa kanya, meron pa rin itong pagkakataong makapagpahinga at mag-enjoy kahit paminsan-minsan. Ngayong wala ang dalaga, alam ni Mr. Salfuego na kailangan niyang pumunta mag-isa. Wala siyang ibang choi
This chapter contains emotional trauma, sensitive scenes, and heavy themes. If you'd prefer to avoid any distress, feel free to skip this chapter. *** [THIRD PERSON POINT OF VIEW] Hindi alam ni Pamela kung ano ang dapat niyang maramdaman habang nakatingin sa kapatid niyang si Danica. Nagkatitigan sila; kahit walang salita, ramdam niya na may mabigat na bagay sa pagitan nila na parehong ayaw nilang harapin. Tahimik sila pareho, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lang lumalaki ang kaba sa dibdib ni Pamela. Alam niyang may sasabihin si Danica na hindi niya gustong marinig, pero handa siyang makinig. "Ate..." bulong ni Danica, halos hindi marinig ang boses at halatang takot. Parang hindi niya alam kung paano sasabihin ang matagal na niyang kinikimkim, lalo na't alam niyang baka magalit si Pamela. "Sabihin mong mali ako," sabi ni Pamela, matigas ang boses pero may halong kaba. "Danica, gusto kong marinig sa 'yo na mali ako... na hindi ka buntis, at nagkataon lang ang mga pag
Pamela Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Mama habang nakatayo siya sa harapan ko, nakatingin nang diretso sa akin na para bang sinisilip niya ang lahat ng pagkukulang ko. Napalunok ako, pero pinili kong hindi magsalita, ayaw kong humantong pa sa mas malalim na pag-aaway. Tahimik akong lumapit sa mga gamit ko at isa-isa kong pinulot ang mga iyon. Pero habang iniaayos ko ang mga ito, nararamdaman kong unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Kahit hindi ko gusto, parang naninikip ang loob ko, parang may bumabalot na lungkot na hindi ko mailabas. "Galing ako sa trabaho, Ma," mahina kong sabi, pilit pinipigilan ang nanginginig kong boses. "K-Kaya ngayon lang ako nakauwi. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam," dagdag ko, at dahan-dahan akong lumapit sa kanya, nagbabakasakaling maintindihan niya ang sitwasyon ko. Sinubukan kong magmano, pero tinabig niya lang ang kamay ko. "Trabaho?!" Galit na galit niyang sabi, tumataas ang boses sa bawat salitang binibitawan niya. "Trabaho bang matat
Pamela Pasakay na kami ngayon ng yate ni Mr. Salfuego, pasado alas-kwarto na ng hapon, at tiyak na gabi na kami makakarating sa Maynila. Habang nakatingin ako sa malawak na dagat, iniisip ko ang mangyayari sa bahay pag-uwi ko. Hindi ko alam kung magagalit si Mama dahil ito ang unang beses na hindi ako umuwi ng gabi. Nasanay kasi siya na laging nasa bahay ako sa tamang oras, palibhasa ako ang anak na laging nasa bahay lang at hindi mahilig maglakwatsya. Hindi kasi ako katulad ng kapatid kong si Danica na sanay nang wala sa bahay. Si Mama, hindi nag-aalala kapag hindi umuuwi si Danica kasi alam niyang nasa bahay lang iyon ni Trisha, nakikitulog kapag tinatamad na umuwi. Pero ako? Simula noong high school ako, school-bahay lang ang takbo ng buhay ko. Ako ang anak na hindi pa nakalalabas ng bahay na walang paalam, kaya sigurado akong magtataka si Mama ngayon kung bakit wala pa ako. Pero sa kabilang banda hindi ko rin sigurado kung hinahanap ba niya ako? Minsan kasi parang wala rin
[Third person point of view]Alas otso y media na ng umaga, tirik na ang araw sa isla. Malakas ang sinag nito kaya't diretsong tumatama sa bintana ng kwartong tinutuluyan ni Pamela. Sa sofa siya nakatulog kagabi, kaya't ramdam niya ngayon ang liwanag na diretsong sumasampal sa mukha niya. Nakanganga siyang natutulog, gulo-gulo ang buhok, at ang kumot na inilagay sa kanya ni Mr. Salfuego kagabi ay nakalihis na. May bahid ng tuyong laway sa gilid ng kanyang labi, tanda ng mahimbing niyang tulog.Naalimpungatan siya at walang pag-aalinlangan na kinamot ang kanyang hita, kasunod ang pagkusot ng kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga ito, at nang makita ang kisame ng kwartong tinulugan, doon lang niya naalala na nasa isla sila. Agad siyang napabalikwas, ngunit kasabay ng mabilis niyang pagbangon ay ang biglaang pagsakit ng kanyang ulo."Hindi na talaga ako iinom," mahinang reklamo niya sa sarili habang hinihimas ang kumikirot niyang sentido. Inilibot niya ang tingin sa buon
[Third person point of view]Nagtipon ang mga taga-isla sa maliit na bahay kubo nila Aling Rosa. Masaya ang lahat sa pagdating ni Mr. Salfuego, ang pangalawang apo ni Don Benjamine, na labis na iginagalang sa isla.Si Don Benjamine ay kilalang matagumpay na negosyante, ngunit higit pa doon, kilala rin siya bilang mabuting tao na laging may malasakit sa iba.Matagal nang naninilbihan si Aling Rosa at Mang Lando sa resthouse ng mga Salfuego. Bago pa man ito naitayo, sila na ang inatasan na mag-asikaso sa mga unang proyekto ng pamilya sa isla. Dito na rin isinilang ang anak nilang si Josephine, o Phine, na ngayon ay dalaga na. Kasama rin nila sa malapit na pamilya ang mga gaya ni Aling Lucing, na dito na rin halos nagkapamilya at nanirahan kasama ang kanyang asawa at anak.Tatlong taon ding tumira si Onyx sa isla, isang desisyon na nagpatibay ng kanyang ugnayan sa mga taga-rito. Kahit sanay sa marangyang pamumuhay sa Maynila, natutunan ni Onyx ang mga simpleng gawain tulad ng pagtatanim
Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit sa amin ang isa sa mga tauhan ng Salfuego Resort at sinabing malapit na kami sa daungan ng isla. Naramdaman ko ang excitement na unti-unting sumisibol sa akin dahil sa bagong karanasang ito. Hindi ko inasahan na mararating ko ang ganitong lugar, kasama pa ang mismong may-ari ng resort. Sumama ako kay Mr. Salfuego palabas ng cabin at doon namin hinintay na tuluyang makalapit ang yate sa daungan.Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko ang isla. May ilang tao sa may daungan, kumakaway habang papalapit kami. Hindi ko alam kung mga empleyado sila o mga bisita, pero halatang sanay na sila sa mga dumarating na bangka. Napansin ko rin na ang isla ay hindi naman kalakihan, pero may sapat na espasyo para sa ilang bahay at isang resthouse. Ang resthouse ay may tamang laki para sa mga gustong magbakasyon at mag-relax, malayo sa ingay ng siyudad.Naalala ko tuloy, pagmamay-ari din kaya ito ng pamilya nila Mr. Salfuego? Grabe, parang lahat na lang ng ari-ari
"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments