Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal.
Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya. Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa akin. "Where is my lunch?" tanong niya, seryoso ang boses at nakataas ang isang kilay. Napalunok ako, ramdam ang bigat ng tanong. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol doon dahil sa oras na nakatuon ako sa paglilinis at, aminin ko man o hindi, sa kanya. Napa-check ako sa relo, alas-dose na pala ng tanghali. Sa totoo lang, ni hindi pa ako nakakakain simula kaninang umaga, pero tila nawili ako sa presensya niya. Mabilis akong tumango at lumapit. "Right away, Sir," sambit ko, medyo nahihiya at halatang kinakabahan. Kinuha ko ang telepono, pinipilit i-compose ang sarili. Inis na inis ako sa pagiging malimutin ko, pero mas inis ako sa ideya na muntik ko na siyang mapaghintay. Habang naghihintay sa linya, napatingin ulit ako sa kanya. Pigil ang bawat kilos niya, tahimik ngunit may puwersang dala ang kanyang presensya. Nakapangalumbaba siya habang seryosong nagbabasa, ang bawat detalye ng kanyang mukha ay parang larawang hindi mo kayang itaboy sa isipan. Minsan, may mga tao talagang hindi mo magawang balewalain. “Good afternoon, I'd like to place an order for Mr. Salfuego’s lunch,” sabi ko sa kausap sa telepono, pilit pinapakalma ang boses para hindi mahalata ang kaba. Napansin kong nakatingin ulit siya sa akin, nakasandal sa sofa at pinagmamasdan ang bawat kilos ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ramdam ko ang mga mata niyang sumusuri, na para bang may tinatantiya sa bawat galaw ko. “Please, make it quick,” madiing bulong ko sa telepono bago ibaba. Pagkatapos ay humarap ako kay Mr. Salfuego, pilit pinapakita ang kumpyansa sa kabila ng kumakabog na dibdib. Bago pa man ako makapagsalita para humingi ng pasensya, binalingan na niya ulit ang mga dokumento. Napabuntong-hininga na lang ako, inis na napakamot sa noo. Sana nga ay napabilis ko ang pag-order. Habang nakatayo ako sa isang tabi, ramdam ko ang bawat minutong lumilipas na tila mas mabagal kaysa karaniwan. Alas-dose y trenta na, pero wala pa rin ang pagkain ni Mr. Salfuego. Minsan pa, napapansin kong bahagyang napapatingin siya sa orasan, kahit na nagkukunwari siyang abala pa rin sa kanyang mga papeles. Kitang-kita ko ang kunot sa kanyang noo, at alam kong kanina pa rin siya naiinip. Siguro nga, hindi lang niya magawang magreklamo. Nakaramdam ako ng kaba habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung paano aayusin ang sitwasyon, ngunit kailangan kong subukan. "Uh, Sir..." bahagyang nanginginig ang boses ko habang dahan-dahan akong lumapit sa gilid niya. "Habang inaantay niyo po ang lunch niyo, may gusto pa po ba kayong ipagawa?" Saglit siyang tumigil sa pagbasa ng dokumento, saka tumingin sa akin. “Nothing, I just need my lunch. I still have an appointment, and I shouldn’t be late,” mahinahon ngunit may diin ang boses niya. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon, may bahid ng pagkadismaya, kahit pilit niyang tinatago. "M-Matagal pa ba?" tanong niya, bahagyang kumunot ang noo, ang tingin niya ngayon ay nakatutok nang direkta sa akin. Parang gusto kong tumakbo sa kaba, pero pinilit kong maging kalmado at kontrolado. "Pasensya na po, Sir. I’ll check right now kung gano’n pa katagal," mabilis kong sagot habang agad na tinawagan ulit ang restawran. Sa loob-loob ko, kinakabahan na akong baka mawalan siya ng pasensya. Sa linya ng telepono, kinulit ko ang kausap na pabilisin ang pag-deliver. Habang hinihintay ang sagot, bumalik ako sa kinaroroonan niya at nagbigay ng magalang na ngiti. "Sir, I’ve followed up on it. Darating na po ang order niyo shortly." Pinagmasdan niya akong saglit, at tila may gusto siyang sabihin, ngunit bumuntong-hininga lamang siya at binalik ang tingin sa mga dokumento. Tahimik akong lumayo nang hindi ko napipigilang mapailing sa sarili. Hay. Sana hindi niya ako bigyan ng verbal feedback tungkol sa performance ko sa trabaho. Matapos ang tila isang dekadang paghihintay, sa wakas ay may kumatok na sa pinto. Mabilis ko itong binuksan at pinagbuksan ang waiter na may dalang pagkain. Agad ko silang iginaya papunta kay Mr. Salfuego. "Sir, here's your lunch," nakangiti akong nag-sambit pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Nagsuklian kami ng pasasalamat ng waiter na agad din namang umalis. Pagkaalis ng waiter, nagsimula akong asikasuhin si Mr. Salfuego. Ibinigay ko sa kanya ang table napkin, plate, at mga kubyertos bago binuksan ang cloche para ipakita ang pagkain. Hindi ko mapigilang mapatitig sa manok, juicy ang hitsura nito, mala-restaurante ang pagkakaluto, at amoy pa lang ay alam mong masarap. Kumalam ang sikmura ko, tanda ng gutom ko mula pa kagabi. Salamat kay Albie, litse siya. Napalunok na lang ako. Hindi ko kayang tumingin nang diretso sa manok, kaya tumingin na lang ako sa malayo, para hindi ako matukso. Nang maayos ko na ang lahat ng kailangan ni Mr. Salfuego, bahagya akong lumayo at inisip kung gaano kasarap ang buhay kapag mayaman ka. Wala kang kailangan isipin, ang pagkain, laging masarap, ang buhay, tila walang problema. Nakakainggit. Pinanood ko siya habang hinihiwa niya ang manok at inasalin ito sa kanyang pinggan. Sa isip ko, maswerte ang magiging asawa nito, mayaman, malakas ang dating, at mukhang responsable. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin kahapon sa reception area. Akala ko noon mayabang siya, pero habang tumatagal, parang hindi naman pala. "Have you eaten already?" Napapitlag ako sa biglaang tanong niya, lalo pa’t ang lalim ng boses niya. Nakatingin siya sa akin, tila hinihintay ang sagot ko. "Huh?" nauutal kong tugon, naguguluhan at hindi makapaniwala sa narinig ko. "Sabayan mo ako kumain," seryoso niyang sabi habang itinuturo ang silya sa tabi niya. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, pero ramdam ko na hindi siya nagbibiro. Napalunok ako ulit, hindi alam kung ano ang gagawin. Totoo ba ito? Inaaya niya akong kumain kasama siya? "Po?" tila bingi kong tanong, naghahanap ng kumpirmasyon. "I said, join me," ulit niya, mas matatag ang tono ng boses. Hindi na ako makaiwas sa titig niya. Parang hinihila ako ng presensya niya papunta sa upuan. "Ah... s-sige po," nahihiyang sagot ko, hindi pa rin makapaniwala. Naupo ako sa tabi niya, nanginginig pa ang kamay ko habang maingat na iniayos ang sarili. Hindi ko alam kung dapat bang ngumiti o magpakaseryoso. Nasanay na akong nakikitang kumakain ang mga boss ng hotel na parang hindi kami umiiral, kaya ito, para sa akin, ay napaka-awkward. Kumuha siya ng extra plate at sinimulang hatiin ang pagkain sa harap niya, para bang natural lang na kasama ako. Nagtataka ako, bakit kaya niya ako inaaya? Naisip ko na baka may kailangan siyang itanong o baka nagkamali lang siya ng pag-aaya. "Here," inabot niya sa akin ang pinggan ng manok na inihanda niya mismo. "Eat," utos pa niya. Dahan-dahan kong inabot ang pinggan, pero ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa gutom o dahil sa kaba. "T-thank you po," mahina kong sagot, pilit na nagpipigil ng ngiti. Hindi ko na napigilang tignan ang pagkain, ang bango, ang sarap tingnan, at halatang lutong-luto. Nang maisubo ko ang unang piraso, parang may sumabog na flavor sa bibig ko. Nakalimutan ko na halos na katabi ko si Mr. Salfuego. Natahimik ako saglit, napapikit pa dahil sa sarap ng pagkain. Nang magmulat ako ng mata, napansin ko ang bahagyang pagngiti ni Mr. Salfuego habang tahimik akong pinapanood. "Masarap?" tanong niya. Ngumiti ako nang hindi sinasadya, "Opo, ang sarap po." "Good," sagot niya, tumuloy sa pagkain, at para bang wala lang nangyari. Ako naman, tahimik na kinain ang natira sa plato ko, hindi pa rin makapaniwala sa sitwasyon ko ngayon, nasa harap ko si Mr. Salfuego, at dito kami, sabay na kumakain ng masarap na pagkain. Sino bang mag-aakala? "Are you the receptionist?" biglang tanong niya kaya napabaling ako sa kanya. "Po?" Hindi naman ako bingi, pero sa harap niya, parang nagiging tanga ako. Nakatitig siya sa akin, seryoso ang tingin na tila hinuhukay ang buong pagkatao ko. "Kahapon?" tanong niya, nakataas ang kilay. Mukhang may ini-expect na sagot. Nakilala pala niya ako? Hindi ko akalain na napakalinaw ng memorya niya. "Ah, opo. Ako po yung isa sa mga receptionist," sagot ko, pilit ipinapakita ang pinaka-magiliw kong ngiti. Pero habang nakatitig siya, pakiramdam ko may mali sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko, may dumi ba ako sa mukha? O baka naman may tinga ako sa ngipin. "B-Bakit po, Sir? May dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko, kunwaring pinupunasan ang pisngi at baba ko kahit wala naman talaga akong nararamdaman. Tumikhim siya at umiwas ng tingin, tapos kinuha niya ang baso at uminom ng tubig. Nagpunas siya ng bibig gamit ang table napkin bago tumayo, saka inayos ang kanyang pormal na suit at tie. Kahit hindi ko gustong umamin, napansin ko kung gaano siya ka-neat, lahat ng kilos niya maingat, na para bang bawat galaw ay may saysay at may dahilan. "I should go. I have an appointment to attend," sabi niya, seryoso at mahigpit ang tono. "Ikaw na ang bahala rito," dagdag niya bago tumalikod at naglakad palabas ng pinto, iniwan akong naguguluhan at hindi maipinta ang reaksyon. Napasunod na lang ang tingin ko, at kahit na anong pilit ko, hindi ko mapigilan ang isang maliit na ngiti na tumakas sa labi ko. Parang sa isang saglit, naramdaman kong tila ba nag-paalam siya… sa asawa niya? Napailing ako sa naisip ko at natawa na lang sa sarili ko. Ano bang pinagsasabi ko? Siraulo ka talaga, Pamela, iniisip mo pa yan. Agad ko nang niligpit ang kalat sa dining table, nagmamadaling bumalik sa katinuan habang bumubulong ng “Focus ka, girl.” Pero hindi ko mapigilan ang isiping, iba siya… may kakaiba sa kanya na hindi ko kayang basta kalimutan. Ibang-iba siya kay Albie. Habang bumabalik ang alaala ni Albie, naramdaman ko ang bahagyang kurot sa dibdib ko. Hindi madaling kalimutan ang isang taong nakasama ko nang dalawang taon, kaya kahit paano, medyo nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa break up namin. Ang daming alaala, ang daming "sana," pero heto ako ngayon, sinusubukang kalimutan ang lahat. Ngunit sa kabilang banda, sa tingin ko, tama lang naman ang desisyon ko. Hindi kasi maganda ang naging ugali niya sa bandang huli. Ngayon ko lang talaga nare-realize na hindi rin niya ako nakita sa tunay kong halaga. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa pinto kung saan siya lumabas kanina. Si Sir Salfuego… siya yung tipo ng tao na simple lang ang kilos pero may bigat ang presensya. Hindi ko alam kung bakit parang ang laki ng epekto niya sa akin kahit ilang beses pa lang kaming nagkakausap."Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k
Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2
"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an
Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau
Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a
Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau
Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an
"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2
"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k