Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.
Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento. Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot. Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Default na ako sa role na iyon, kahit sa pamilya. Laging inaasahan. Ngayon, ibang-iba na ang mga kabataan. Halos hindi ko na makita ang mga batang naglalaro sa labas. Mas inuubos nila ang oras sa harap ng mga gadgets. Bata pa lang, parang mas iniisip na nila ang pag-ibig kaysa sa sarili nila. Naiisip ko, bakit parang minamadali nila ang mga bagay-bagay? Nadaanan ko ang tindahan ni Aling Tesa. Parang wala nang bibili ng mga gulay niya, nilalangaw na ang mga paninda. Nakakalungkot, pero parang hindi na rin ako magugulat. Parang walang nagbabago dito, kahit pa ilang taon na ang lumipas. "Pams!" narinig kong tawag ng kaibigan kong si Mikay. Nakaupo siya sa tindahan, may bitbit na basket na puno ng skincare products. Online seller kasi siya. Lumapit siya at tinignan ako. "Ang aga-aga, pero mukha ka nang pagod," puna niya, diretso sa punto. Napatigil ako sandali. Hindi ko masisisi si Mikay. Hindi ko rin naman kayang itanggi. Simula pagkabata, palagi akong nagmamadali, palaging may iniisip. At ngayon, dala ko pa rin ang mga problema. Kung may salamin lang ako ngayon, siguro makikita kong pati mukha ko, hindi na maikakaila ang pagod. "May bago akong skincare," sabi ni Mikay, tinutulak ang produkto sa akin na parang sagot iyon sa lahat ng problema ko. "Baka makatulong sa'yo." Tumingin ako sa hawak niyang produkto, pero hindi ko talaga iyon pinagtuunan ng pansin. Sa totoo lang, hindi naman skincare ang makakapagbago sa lahat ng nararamdaman ko. Napagod na rin akong magbago para sa mga inaasahan ng iba. "Sige na, kunin mo na. Tulungan mo naman ako ako sa negosyo ko," sabi niya, kahit alam kong ginagawa niya lang iyon para sa sales niya. Kinuha ko na rin ang skincare, kahit alam kong hindi iyon ang sagot. "Utang muna, Mikay," sabi ko habang naglalakad palayo. Alam kong hindi pa ako makakabayad ngayon. "Wala akong pera." "Pam, ano ba!" sigaw niya mula sa likod, pero hindi na ako lumingon. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Mama na abala sa pagtutupi ng mga damit. Napansin ko ang mga lumang sofa na nandiyan pa rin, hindi namin napapalitan. Lumapit si Danica mula sa kwarto at tiningnan ako nang may pagtataka. Pero lamang ang gulat niya habang sinusuri ako mula talampakan at ulunan. "Bakit hindi ka naka-uniform?" tanong niya. "Hindi ka papasok?" Ngumiti ako ng bahagya. "Papasok din, magbibihis lang," sagot ko, sabay pasok sa kwarto. Sa aming magkakapatid, si Danica ang pinaka-malapit sa akin. Mula pagkabata, siya na ang tagapagtanggol ko. Kahit dalawang taon lang ang pagitan namin, parang ang layo ng aming estado sa buhay. Mas maganda siya, mas maayos ang lahat sa kanya. Samantalang ako, madalas ko pa ring tanungin ang sarili ko kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Hindi ko naman ginusto ang hitsura ko, ang buhay ko. Pero wala akong magawa. Habang nagbibihis ako ng uniform, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Huli na ako sa trabaho, pero wala nang bago doon. Ang mas nakakapagod ay ang paulit-ulit na nararamdaman ko, na parang wala akong ibang magagawa kundi sumabay sa agos, kahit gaano man kalalim o kahirap. First time kong male-late kaya medyo kinakabahan ako. Pero kailangan ko pa ring ituloy. Para sa sahod, kailangan kumayod. Alam naman natin, mahalaga ang pera. Hindi pwedeng panghabambuhay ang instant noodles. Habang nagbibihis ako, nakaupo si Danica sa kama ko, tahimik akong pinapanood. Wala siyang lakad ngayon, na medyo ikinagulat ko. Karaniwan, palagi siyang nasa labas, paroo't parito, madalas kasama si Trisha o gumagala kung saan-saan. Pero ngayon, nandito siya. Siguro, oras na para pag-isipan niyang seryosohin ang buhay at i-apply ang tinapos niyang kurso. Nursing ang kinuha niya, at dalawang taon na mula nang makapagtapos. Sa halip na magtrabaho sa ospital at makatulong sa bahay, pinili niyang manatili dito. Sa totoo lang, ang tagal na rin naming umaasa na magbabago ang takbo ng mga bagay. "Ate, kumusta na kayo ni Kuya Albie?" tanong ni Danica, na nagbigay ng tono ng biglaang pag-uusap. Umupo ako sa harap ng vanity mirror, sinimulan ang pagme-make-up, habang patuloy ang pagtanong niya. "Bakit mo naitanong?" tanong ko, habang abala sa pagpapahid ng foundation. "Curious lang," sagot niya. "Hindi na siya dumadalaw dito." Napahinga ako ng malalim. Kanina sa condo, malinaw na sa akin ang nangyari. Tapos na kami ni Albie. Wala nang balikan, at hindi ko na nakikitang magbabago pa iyon. Ang tanong ay kung paano ko ito ipapaliwanag, lalo na sa pamilya, lalo na kay Mama at kay Danica, na tila mas boto pa sa kanya kaysa sa akin. Ayoko nang magsinungaling. "Break na kami," diretso kong sinabi. Hindi agad nakapagsalita si Danica, halatang nagulat. Pinagpatuloy ko lang ang pag-aayos ng mukha ko. Wala nang balikan sa amin ni Albie, at wala akong balak na magsinungaling tungkol dito. "Bakit? Dalawang taon na rin kayo," naguguluhan pa rin siya. "Wala na. Bumalik na siya sa Japan, at ayoko nang bumalik pa siya sa buhay ko." Sinabi ko na lang nang diretso. "Kailangan ko nang mag-focus sa sarili ko." Tahimik siyang nakinig. Hindi ko na idinagdag ang mga detalye. Ayokong pag-usapan pa ang mga nangyari. Mas mabuting mag-move on kaysa sa magpatuloy sa isang relasyong walang patutunguhan. "Paano na ngayon?" tanong niya, marahang nagtanong tungkol sa susunod kong plano. "Magda-date ka ulit?" "Hindi ko na iniisip 'yun," sagot ko. Mas gusto kong mag-focus sa sarili ko at sa trabaho. Hindi madali ang sitwasyon ngayon, lalo na't kailangan ko ng katatagan sa personal kong buhay. Matapos ang maikling pag-uusap namin ni Danica, umalis na ako, may halong kaba at guilt. Iniisip ko ang magiging reaksyon ng boss ko sa pagiging late. Nang makarating ako sa hotel, alam kong 15 minutes na akong late. Pagpasok ko pa lang sa reception area, tanaw ko na si Mrs. Torris, nakatayo at malinaw ang pagkadismaya. Para siyang isang guro na naghihintay ng pasaway na estudyante. "Good morning po, Mrs. Torris," bati ko habang nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. "Pamala Salmonte, you're late," madiin niyang sinabi. Halata ang pagkagalit. Hindi ko na kailangan ng paalala. Alam kong mali ang nangyari. "Pasensya na po, may emergency lang po," sagot ko, sinusubukang magpaliwanag. "Bakit hindi ka tumawag?" tanong niya, malalim at matigas ang tono. Wala akong maisagot agad. Naiwan ko ang cellphone ko sa condo, at ngayon, parang wala na akong maipaliwanag pa. "Nawala po kasi cellphone ko," palusot kong sinabi, kahit totoo naman ito. "This will be your first and last warning, Ms. Salmonte," seryoso niyang sabi, na parang binibigyan ako ng huling pagkakataon. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko, mawawalan na ako ng trabaho. Napakalaking problema kung mawalan ako ng trabaho, lalo na't kailangan kong suportahan ang pamilya ko. "But, I have to give you punishment," sabi ni Mrs. Torris, nang hindi nagpapakita ng emosyon. Napatingin ako sa kanya, kinakabahan. "Ano po 'yung punishment?" "For today, ikaw muna ang magiging personal helper sa isang private suite dito sa hotel," paliwanag niya habang inaabot ang mga key cards. Alam kong walang choice, kaya tinanggap ko na lang ito. Nagpatuloy ako sa trabaho, dala ang mga key cards, iniisip kung sino ang VIP na ito. Pero wala akong magagawa kundi sundin ang mga utos. Malalim ang hininga ko habang papunta sa suite, naghahanda para sa kung anuman ang hinihintay sa akin. Pagdating ko sa harap ng pinto ng suite, napansin ko agad ang pagkakaiba nito. Iba ang tahimik na atmospera sa palapag na ito kumpara sa karaniwang abala sa iba pang bahagi ng hotel. Ang mga pinto ng suite dito ay mas malaki, mas elegante, at halatang para lamang sa piling mga bisita. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Alam kong ang trabaho bilang personal helper ay hindi biro, lahat ng detalye, lahat ng utos, kailangan kong masunod ng walang pagkakamali. Pinagmasdan ko ang key card na hawak ko, parang mabigat ito sa kamay ko, hindi dahil sa bigat ng materyal, kundi sa bigat ng responsibilidad na kasama nito. Huminga ako ng malalim at itinapat ang card sa lock. Narinig ko ang pag-click ng pinto, tanda na handa na akong pumasok. Nang bumukas ang pinto, agad kong naramdaman ang lamig ng air-conditioning. Malinis at moderno ang disenyo ng suite, halos hindi mo mararamdamang may tao. May malalaking bintanang may tanawin ng buong lungsod, at mga kagamitan na mukhang hindi man lang nagalaw. Sa gitna ng sala, may mga malalaking maleta, halatang kararating lang ng bisita. Wala pa ring tao. Tahimik pa rin. "Hello?" mahina kong tawag, kahit alam kong walang sumagot. Dahan-dahan akong pumasok, nagtataka kung nasaan ang VIP. Inayos ko ang ilang gamit, pinagpatuloy ang routine ng pagtiyak na maayos ang lahat sa paligid. Maingat kong isinagawa ang mga gawain, iniisip ang bawat galaw, dapat walang pagkakamali, walang palpak. Habang inaayos ko ang mga unan sa sofa, narinig ko ang tunog ng pagpatay ng gripo mula sa bathroom. Hindi ko na gaanong binigyang-pansin iyon at itinuloy ang pag-aayos ng sala. Maingat kong pinapagpag ang mga unan, sinisiguro na malinis at walang bakas ng alikabok. Maya-maya, narinig ko ang mabigat na yabag ng isang tao papalapit sa sala. Agad na kinabahan ang dibdib ko. Hindi ko alam kung anong klaseng bisita ang makakaharap ko, pero sa paglapit ng mga yabag, ramdam ko ang bigat ng presensya nito. Tumigil ako saglit, inaasahan ang kung anuman ang mangyayari. Nang maramdaman kong malapit na ang tao, marahan akong lumingon. Agad akong napanganga, tila nawala sa sarili sa gulat. Nakatayo sa harap ko ang isang lalaki, balot lamang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Lantad ang matipuno at batak na katawan na halatang hinubog ng oras sa gym. Basa pa ang kanyang buhok, na pinupunasan niya gamit ang isa pang tuwalya. Napako ang tingin ko sa kanyang makapal na kilay at seryosong mukha, tila walang emosyon pero may taglay na awtoridad. Ang mga mata niya ay parang mabibigat na dagat na tahimik pero malalim, at sa isang iglap, nakilala ko siya. Oh My God, si Mr. Salfuego! Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang mismong may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan ko ang nakatayo sa harap ko, halos hubad, at sa isang napakapribadong sandali. Alam kong ang pamilya Salfuego ay may mga ari-ariang kalibre ng mga luxury hotel at resort sa iba't ibang bansa, pero hindi ko akalain na makakasalamuha ko nang ganito ang mismong tagapagmana at CEO ng Salfuego Enterprises. Nang mapansin kong lilingon siya sa akin, mabilis kong kinuha ang unan sa sofa at itinakip sa mukha ko. Tumagilid pa ako para hindi niya tuluyang makita. Please, magdamit ka naman! May babae kang kaharap! Napalunok ako nang bigla siyang magsalita, mababa at seryoso ang boses niya. "Who are you? What are you doing here?" Tuloy-tuloy niyang tanong, parang nagdududa. "Sorry, Sir. Ako po muna ang magiging personal helper n'yo," sagot ko nang halos pabulong, habang nakatakip pa rin ang unan sa mukha ko. "Ganun ba?" sagot niya. Narinig kong dumaan siya sa gilid ko, kaya mabilis akong umikot, takip pa rin ang unan. "Why are you covering your face?" inosente niyang tanong, halatang nagtataka na sa kinikilos ko. Gusto ko sana siyang sagutin ng, "Eh kasi, Sir, naka-topless ka eh. Conservative ako!" Pero syempre, hindi ko puwedeng sabihin iyon sa harap niya. "Ah... t-tinitingnan ko lang kung m-may dumi sa unan," utal-utal kong palusot, habang ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. "Why?" Ano ba! Tigilan mo na ang pagtatanong at magdamit ka na lang! Baka magkasala pa ako! Jusko naman! Hindi na ako sumagot sa tanong niya at tumalikod na lang ako, naghahanap ng ibang gagawin. Kahit ano, basta malayo sa kanya. Inayos ko na lang ang mga libro sa shelf akahit hindi naman ito magulo. Maya-maya, narinig kong pumasok siya sa isang kwarto na mukhang walk-in closet. Nakahinga ako nang maluwag, pero parang bigla namang uminit ang pakiramdam ko. Pinaypay ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Lord, bakit niyo ako binigyan ng ganitong pagsubok?Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a
"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k
Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2
"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an
Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a
Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau