Share

Chapter 3

Author: Mahalima
last update Huling Na-update: 2024-11-28 19:05:20

Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.

Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.

Si Albie.

Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong ang paulit-ulit na sumisigaw sa isip ko: Anong nangyari kagabi? May nangyari ba sa amin ni Albie? Pinagsamantalahan ba niya ako?

Sunud-sunod na pumasok ang mga tanong sa isip ko, parang kulog na hindi ko kayang pigilan. Unti-unti, naramdaman ko ang luha na namumuo sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang hikbi. Niyakap ko ang sarili ko habang tahimik na umiiyak. Anong ginawa nila sa akin kagabi?

Tumingin ako kay Albie, at habang iniisip kung kasama ba siya sa nangyari, naramdaman ko ang takot at panghihinayang na bumabalot sa akin.

Parang napakaraming bagay ang hindi ko matandaan, at natatakot ako sa kung ano ang magiging katotohanan.

Maya-maya, gumalaw si Albie at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya nang makita akong umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya bago umupo at sinubukang hawakan ako.

Mabilis kong tinulak ang kamay niya, at sa isang iglap, naramdaman kong parang bumalik ang kaunting kontrol sa sarili ko. Nagulat siya, pero mas nagulat ako. Hindi ko akalaing kaya ko siyang itulak ng ganun, na kaya kong ipaglaban ang sarili ko sa gitna ng takot.

Pero kailangan ko itong gawin. Hindi na ako pwedeng magpakatanga sa kanya. Pilit kong pinigil ang paghikbi, pero hindi ko maalis ang pandidiri ko, hindi lang sa kanya, kundi pati sa sarili ko.

Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw, pero may parte ng sarili ko na natatakot lumaban, natatakot malaman ang totoo. Pinilit kong buuin ang loob ko. Tinignan ko siya nang mariin. Hindi ko na kayang magpanggap na wala akong nararamdaman.

"Anong ginawa mo sa akin kagabi?" halos pabulong kong tanong, kahit umaasa akong mali ang hinala ko.

Kumamot siya sa pisngi niya. "Ano sa tingin mo?" sagot niya nang pabalik.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kinuha ko ang unan at hinampas siya sa mukha. Natamaan siya sa headboard ng kama, at narinig ko ang pag-ungol niya sa sakit.

Buti nga sa'yo!

"Bakit ka nanghahampas?!" galit niyang sigaw.

"Walanghiya ka!" sigaw ko, hawak-hawak ang kumot para matakpan ang dibdib ko. "Napakawalanghiya mo! May nangyari ba sa atin kagabi?"

Alam kong takot akong malaman ang totoo, pero kailangan kong itanong. Kung hindi ko tatanungin, mababaliw ako sa kakaisip, lalo na sa mga posibleng magiging bunga. Pero ang isa sa kinatatakutan ko, baka hindi lang siya ang gumalaw sa akin.

Tangina! Nandidiri ako sa sarili ko!

Hinimas ni Albie ang ulo niyang nauntog. "Wala! Hindi naman kita ginalaw eh," sabi niya na para bang sa tono niya, dapat ko pa siyang pasalamatan dahil walang nangyari.

Hinampas ko ulit siya, habang bumabagsak ang luha mula sa mga mata ko. "Sigurado ka ba? Nagsasabi ka ba ng totoo?!" paninigurado ko. "Napakasama ng ugali mo! Hindi dapat ako nagtiwala sayo! Demonyo ka!" sigaw ko habang galit na galit na hinahampas siya ng unan.

Ginamit niya ang mga braso niya para sanggahin ang mga hampas ko, pero hindi ko siya tinigilan. Gigil na gigil ako. Gusto ko siyang suntukin! Kung lalaki lang ako, baka kanina pa siya nakatikim ng suntok mula sa akin!

Hindi ko maisip na magagawa niya ito sa akin. Pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko, iba siya sa lahat ng lalaki. Pero mas masahol pa pala siya! Pare-parehas lang sila, sa una lang magaling.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Hindi na nakatiis si Albie at marahas niyang inagaw sa akin ang unan, saka ito ibinato sa likod ko. Gulat akong tumingin sa kanya nang makita ang galit sa mukha niya.

Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. "Wala ngang nangyari! Bakit ba ayaw mong maniwala?!" sabi niya, na lalo pang nagpasiklab ng galit ko.

"Walanghiya ka! Kung walang nangyari sa atin bakit natanggal ang damit ko ah? Sino nagtanggal, multo?!" sigaw ko, galit na galit. Tumayo ako mula sa kama at hinawakan ang lampshade sa tabi ng mesa, saka ko ito ibinato sa kanya.

Tumama ito sa mukha niya, at wala akong pakialam kahit masaktan pa siya. Sa mga oras na ito, ang galit at inis ko ang nangingibabaw. Iyong dalawang taon naming pinagsamahan, parang nabura lahat 'yun dahil sa ginawa niyang ito.

Wala siyang respeto!

"Putangina!" asik ni Albie habang hawak-hawak ang duguan niyang ilong. "Sisirain mo ba ang mukha ko?" galit na tanong niya.

Suminghal ako at tinitigan siya nang masama. "Wala akong pakialam kahit masira pa 'yang mukha mo! Dapat lang 'yan sa'yo para wala nang mabiktima yang mala-anghel mong itsura! Demonyo ka!" galit na galit kong sagot.

Hindi pa ako nakontento, pinagbabato ko siya ng mga damit na nagkalat sa sahig. Lahat ng mahawakan ko, pinapalipad ko papunta sa kanya. Panay ang ilag niya, kaya lalo akong nainis sa galing niyang umiwas.

Hanggang sa mahagip ng mata ko ang malaking PC na nakapatong sa desk. Akma ko na itong huhugutin sa saksakan nang magsalita si Albie.

Mabilis siyang bumangon mula sa kama, naka-itim na boxer lang siya. "Gago ka! Huwag 'yan, Pamela! Mas mahal pa 'yan sa buhay mo!" sigaw niya.

"Gago ka rin!" sigaw ko pabalik. Inayos ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko dahil muntik na itong mahulog. Ihahampas ko na sana ang PC sa kanya, pero mabilis niya itong nahawakan at inagaw mula sa akin. "Ibalik mo sa akin 'yan! Iwawasak ko 'yan sa mukha mo!"

Pinanood ko si Albie habang dahan-dahan niyang ibinabalik ang PC sa desk. Huminga siya nang malalim, halatang pinapakalma niya ang sarili.

Samantalang ako, nahihirapan gumalaw dahil sa bigat at kapal ng kumot na ito. Masama pa rin ang tingin ko sa kanya habang pinupulot ko ang mga damit kong nagkalat sa lamesa. Umiiyak na naman ako habang iniisip na hindi na ako virgin.

Twenty-nine years kong inalagaan ang sarili ko. Binalak kong isuko ang bataan ko sa taong mamahalin ko at papakasalan ko. Tapos ganito lang ang nangyari? Nakuha lang ni Albie ang perlas ng silanganan nang ganun kadali? Hindi ko matanggap!

Aminado ako na minahal ko si Albie, at kung siya man ang mapapangasawa ko balang araw, ibibigay ko sa kanya 'yun. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras! Paano na lang ang mga kapatid ko kung sakaling nabuntis ako? Hindi puwede!

At ngayon, napatunayan kong hindi si Albie ang tamang lalaki para sa akin. Parang ang pagmamahal ko sa kanya ay biglang napalitan ng galit at pandidiri. Hindi ko pa rin lubos maisip na aabusuhin niya ang kahinaan ko.

"Pam," tawag ni Albie, nilalapitan niya ako at akmang hahawakan, pero mabilis kong hinablot ang isang vase at tinutok ito sa kanya.

Tinitigan ko siya nang masama. "Diyan ka lang! Subukan mong lumapit at ihahampas ko ito sa'yo!" banta ko, kaya tinaas na lang niya ang mga palad niya. "Umamin ka, Albie! May ginawa ba sa akin ang mga kaibigan mo?" tanong ko, puno ng kaba.

Napansin kong wala sila rito sa kwarto. Baka natulog sila sa living room. Sana lang talaga, wala silang ginawa sa akin. Kung nagkamali sila, ipapakulong ko silang lahat!

Huminga nang malalim si Albie at napahilamos sa kanyang mukha. "Wala," simpleng sabi niya, pero seryoso ang tono. "Wala silang ginawa sa'yo. Matapos kang mahimatay, dinala kita dito sa kwarto at sinarado ko ang pinto. Hindi ko nga sila hinayaan na hawakan ka."

Sandali akong natigilan. Nagsasabi ba siya ng totoo? Tinitigan ko siya, sinisikap alamin kung nagsisinungaling siya. Pero hindi siya umiwas ng tingin kaya kahit papaano, nakahinga ako ng maluwag.

"Wag kang mag-alala. Wala talagang nangyari sa atin, kahit gusto ko. Tinanggal ko lang 'yang damit mo dahil wala akong choice, nagsuka ka kagabi," sabi niya, puno ng senseridad.

Natigilan ako sa pagiging seryoso at puno ng senseridad sa boses ni Albie. Pero hindi na dapat ako magpabilog ng ulo sa kanya, dahil alam ko na ang ugali ng Hapon na 'to. Magaling lang siya sa salita pero kulang sa gawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka pa ring respeto!" sigaw ko, na ikinakunot ng noo niya. "Dapat una pa lang hindi na ako nagpabilog ng ulo sayo! Hanggang salita ka lang pala! Simula ngayong wag na wag ka ng lalapit sa akin!" matigas kong sabi, bago ako tumakbo papasok sa banyo na parang lumpia.

Hindi ko na hinintay ang reaksyon ni Albie at agad kong sinarado ang pinto. Sumandal ako at sandaling nag-isip, pinapakiramdaman ang sarili ko.

Okay, kahit paano nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Albie, kahit hindi kapani-paniwala. Napakamot ako sa sentido bago naglakad papunta sa harap ng salamin.

Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang hitsura ko. Anong nangyari sa mukha ko? Para akong haggard na hindi ko maintindihan kung mukha pa ba 'to!

Bakit sabi nila, kapag bagong gising ang isang babae, doon nakikita ang natural na ganda? Eh parang ako yata ang kabaliktaran.

Ang oily ng balat ko, nagkalat ang eyeliner sa gilid ng mga mata ko, at burado na ang make-up ko, kaya sumilip na naman sila Maria, Marie, Mario, at Mauricio. Sinilip ko sila nang maigi at napansin ko na nadagdagan sila ng dalawa.

Nagkaka-anak pala ang pimples?

Napabuntong-hininga ako. Mukhang gagawin nilang tahanan ang mukha ko. How can I get rid of them?

Kinamot ko na lang ang ulo ko bago ako naglakad papunta sa shower. Mukhang maaga pa naman, pero hindi ko alam ang oras. Sana lang makapasok pa ako sa trabaho. Hindi ako puwedeng mag-absent.

Saglitan lang akong naligo, pero kinuskos ko lahat, ang singit, maging ang kuyukot ko. Pagkatapos, pakiramdam ko fresh na ulit ako. Nakatapis na ako ng towel na nakita ko rito sa banyo ni Albie.

Ngayon ko lang naalala na wala pala akong damit na isusuot. Tinignan ko ang uniform ko, ang dumi na, mukhang nasukahan ko nga kagabi, at parang naipahid din lahat doon ang make-up ko. Hindi ko pwedeng isuot ulit, baka mapagkamalan akong palaboy sa labas.

Buti sana kung kasing-pretty ako ni Miss Heart; kahit siguro magmukha akong basahan, with class pa rin ang dating.

Maya-maya, kumatok si Albie sa labas kaya inihanda ko agad ang mga bote ng shampoo para ibato sa kanya kung sakaling pumasok siya.

"May damit ka ba?" tanong niya mula sa labas, kaya natigilan ako. "Ito, may ibibigay ako. Isuot mo muna."

Tinaasan ko siya ng kilay bago naglakad palapit sa pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan nang kaunti at sinilip siya. Inabot niya sa akin ang isang pares ng t-shirt at maluwang na jogging pants.

"Bakit may damit kang pambabae? Bakla ka ba?" pang-aasar ko.

Umirap si Albie at pinagkunot ako ng noo. "Sa kapatid ko 'yan. Naiwan niya nung nakitulog siya rito," paliwanag niya, pero hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

Bakit kaya? I smell something fishy.

"Ganun ba? Salamat," sagot ko bago ko siya agad sinaraduhan ng pinto.

Buti naman at kahit papaano, may konsensya pa rin pala si Albie. Tinignan ko ang t-shirt na binigay niya, at hindi ko maintindihan kung bakit parang nakita ko na ito dati. Pero hindi ko na inisip pa.

Matapos kong magbihis, lumabas na ako ng banyo. Naabutan ko si Albie na nag-aabang sa akin, pero dinaanan ko lang siya.

"Pam, usap tayo," sabi niya at hinawakan ako sa braso, pero agad ko itong tinulak.

"Hindi mo pa rin ba gets?" matalim kong sagot. "Break na tayo!"

Nagulat si Albie sa sinabi ko. "Ano? Hindi pwede!"

"Anong hindi pwede?" tanong ko, puno ng inis.

"Paano ang magiging anak natin?" sambit niya, kaya tinitigan ko siya nang may panunuya.

"Anong anak ang pinagsasabi mo? Wala pa nga eh, advance ka mag-isip!" sagot ko, bago ko siya tinalikuran.

Sinundan niya ako palabas. Naabutan ko ang living room na sobrang gulo. Natutulog sa lapag ang mga kaibigan ni Albie, nagkalat ang mga bote at plastic ng junk food. Amoy alak at kung anu-ano pa, hindi ko maintindihan, pero sobrang tapang ng amoy na talagang nanunuot sa ilong.

"Pam, hindi tayo pwedeng maghiwalay!" sigaw ni Albie mula sa likod.

"Matapos ng ginawa mo sa akin? Kapal ng mukha mo!" sigaw ko pabalik habang binubuksan ang pinto.

"Hindi ka na makakahanap ng boyfriend kapag hiniwalayan mo ako!"

"Wala akong pake! I'll be single until I die!" mariin kong sabi bago ko sinarado ang pinto ng condo.

Inis na inis ako. Ang kapal ng mukha niya. Sino ba siya para hindi ko siya hiwalayan? Hindi ako tanga, at mas lalong hindi ako uto-uto. Akala niya siguro hindi ako mabubuhay nang walang boyfriend.

Hindi ako magpapakatanga sa kanya, lalo na ngayon na alam ko na ang tunay niyang ugali. Ngayon ko lang napagtanto na mas mahalaga pa rin talaga ang gawa kaysa salita, lalo na ang respeto.

Pakiramdam ko nagkaroon ako ng trauma at trust issues dahil kay Albie. Natatakot na akong magtiwala ulit sa lalaki dahil ayaw kong maulit ang nangyari.

Kaugnay na kabanata

  • Chasing Solace   Chapter 4

    Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 5

    Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Prelude

    "Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 1

    Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2

    Huling Na-update : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 2

    "Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang

    Huling Na-update : 2024-11-28

Pinakabagong kabanata

  • Chasing Solace   Chapter 3

    Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an

  • Chasing Solace   Chapter 2

    "Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang

  • Chasing Solace   Chapter 1

    Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2

  • Chasing Solace   Prelude

    "Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k

DMCA.com Protection Status