Share

Chapter 2

Author: Mahalima
last update Last Updated: 2024-11-28 19:05:20

"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.

Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.

Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.

Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila.

"She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.

Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang kamay niya.

"Nice meeting you," bati ko.

Lumapit din ang dalawa pang Amerikano, halatang batak sa gym. Kung mahilig lang ako sa abs, baka kanina pa ako naglaway. Pero hindi ako madaling maakit sa katawan, mas mahalaga sa akin ang magandang pag-uugali at respeto.

"Hello, Pamela? It's me, Steven," sabi ng isa, malalim at makalaglag-hormones ang boses. Char!

Ngumiti ako sa kanya bago lumingon sa isa pa.

"And, I'm Ryle from L.A.," pa-cool na sabi ng pangatlo, itinaas pa sa harap ko ang bote ng beer niya. "Tara, shot puno!" Nagulat ako; hindi ko akalaing alam niya ang salitang iyon. Pero kahit slang, goods pa rin.

"Hello, nice meeting you," mahiyain kong sagot.

Maya-maya, lumapit yung tatlong Hapon. Nagulat pa ako nang akbayan ako ng isa, saka nila ako inilayo kay Albie. Tiningnan ko siya, pero tumawa lang siya at umiling, tila ayos lang sa kanya. Sa loob-loob ko, hindi na ako komportable at gusto ko na lang umuwi.

"I'm Senji, and this is Kento and Ranji," pakilala ng isa na mukhang anime ang hitsura dahil sa pulang itim na buhok niya, pati kilay. Maraming tattoo sa mukha at may mga piercings. "Umiinom ka ba?" tanong niya habang binabawi ang braso sa pagkaka-akbay sa akin.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang lumayo siya, kasi naamoy ko ang pinaghalong beer at vape sa kanya. Aalis sana ako pero hinawakan niya agad ang pulsuhan ko at pwersahang pinaupo sa tabi niya.

Halos mapatid ang hininga ko nang umupo sa tabi ko ang tatlong Hapon. Pinagkasya nila ang mga sarili sa sofa na tama lang para sa apat. Napalunok ako at hinanap ng mata ko si Albie, pero wala na siya. Biglang bumilis ang kaba ko.

Tang-ina! Nasaan na siya?!

Abala ang iba sa pag-inom at paglalaro ng Mobile Legends. Maingay ang paligid dahil sa malakas na tugtog ng Metallica, at halos pumuputok ang tenga ko sa ingay.

Maya-maya, iniabot sa akin ni Senji ang isang baso na puno ng beer. Umakbay siya ulit, humipak sa vape, at ibinuga ang usok sa direksyon ko. Halos masuka ako sa amoy ng beer at usok.

"Inumin mo na," nakangising sabi niya.

"Hindi ako umiinom, sorry," sagot ko, pilit inaalis ang kamay niya sa balikat ko at ibinaba ang baso. Pinagmasdan niya ako, mukhang nainis sa pagtanggi ko.

Bigla siyang tumayo sa harapan ko, dahilan para mapalunok ako. Kita ko ang inis sa mukha niya, at muling humipak ng vape bago inis na binuga ang usok. Muling hinanap ng mga mata ko si Albie, pero wala pa rin siya. Hindi ko na alam ang gagawin dahil kinakabahan ako.

Asan ka na bang hapon ka?! Bakit mo ako iniwan dito?!

"Taena! Ang KJ mo naman!" sigaw niya, dahilan para mapalingon ang iba. Napalunok ako at nakaramdam ng takot. "Kaya ka nga dinala ni Albie dito para makipag-jam sa amin, tapos ayaw mong uminom?!" Nag-init ang ulo niya at mukhang kukuwelyuhan na niya ako, pero pinigilan siya ng mga kasama niya.

"Chill ka lang, Senji!" sabi ni Ryle at hinila siya palayo. Pinaupo siya sa isang single sofa, pero masama pa rin ang tingin niya sa akin na para bang nakagawa ako ng kasalanan.

Naramdaman ko ang mga tingin ng lahat sa akin, kaya ibinaba ko ang mga mata ko. Pinigilan ko ang pangingilid ng luha sa mata ko. Takot, hiya, at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, lalo na't ngayon ko lang sila nakasama at hindi ko alam kung paano sila papakisamahan.

Sana hindi na lang ako pumunta!

Hindi ko akalain na iiwan ako ni Albie dito kasama ang mga lalaking ito. Nakakainis!

Napansin ni Ryle ang pagkailang ko at ngumiti. "Pam, don't mind Senji. Ganyan talaga siya kapag high," sabi niya sa akin. Kahit may lahi sila, ang fluent nila mag-Tagalog.

"Oo nga," sang-ayon ni Ranji, tapik pa sa balikat ko bago siya lumayo. Grabe ang tibok ng puso ko sa kaba dahil sa nangyayari.

Nagkanya-kanya na sila ng mundo: yung dalawang Hapon, sinasabayan ang lyrics ng kanta; yung iba, abala sa paglalaro ng Mobile Legends, at samut-saring mura ang maririnig mo mula sa kanila.

Makalat ang lamesa, puno ng bukas na junk food, mga boteng walang laman na nagkalat sa sahig, may mga vape at upos ng sigarilyo, at higit sa lahat, napansin ko ang mga nakakalat na puting stick sa isang upuan. Kahit hindi ko tanungin, alam kong marijuana iyon.

Ayaw ko nang magtagal dito, lalo pa’t ganito ang mga nakapaligid sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil sa napansin kong mga bagay. Baka hindi lang sila basta naka-inom; baka high din sila, kaya mas mabuting umalis na lang ako.

Habang abala sila, pasimple akong tumayo sa sofa at dahan-dahang lumakad palayo. Malapit na ako sa pinto, at bubuksan ko na sana nang kusa itong bumukas, at bumungad ang nagtatakang mukha ni Albie.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya, pero naroon pa rin ang kaba sa dibdib ko.

"What are you doing?" tanong niya na may kunot sa noo. Napansin ko ang hawak niyang dalawang plastic na may lamang alak ulit. "Aalis ka?"

"Ha?" sabi ko, nag-aalangan.

"Balik na tayo," sabi niya, sabay hila ng kamay ko. Pagdating namin sa sofa, inilabas niya ang alak. "Ayan, dagdag na alak. Tara, simulan na natin!"

Lumapit ang apat na abala sa paglalaro, kinuha ang mga bote, at mabilis na tinungga. Kumuha rin si Albie ng bote at uminom.

Hindi na talaga ako mapalagay. Tumayo ako at bahagyang lumapit kay Albie. Gusto ko na talagang umuwi!

"Albie, pwede na ba akong umuwi?"

Tumingin siya sa akin at bahagyang iritable ang sagot. "Why? Hindi ba sabi ko pinagpaalam na kita? Dito ka na matulog."

Nakaramdam ako ng inis dahil tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Pero hindi ako puwedeng magpakita ng init ng ulo ngayon dahil baka kung ano pang mangyari. Pinilit kong kalmahin ang sarili at kinausap siya nang maayos.

"Pero may trabaho pa ako bukas. Hindi ako puwedeng matulog dito," sabi ko, ramdam ang eagerness na umuwi dahil hindi na talaga ako komportable.

Bakit ba ang hirap niyang kausapin?!

"Eh di mag-absent ka na lang bukas," sabi niya, halatang wala talagang pakialam.

"Hindi pwede!" medyo tumaas ang boses ko, dahilan para taasan niya ako ng kilay. Nai-stress ako pakiusapan si Albie, hindi niya ako maintindihan! Nakakaasar!

Tinignan niya ako nang seryoso. "No, you will stay here," matigas niyang sabi. Mabilis siyang tumalikod, para bang nawalan na ng pasensya. Nakita ko siyang kumuha ng marijuana, at sa unang pagkakataon, naisip kong hindi ko siya kilala ng lubusan.

Noon, inisip ko na sobrang perfect ni Albie, maalalahanin, magalang, at parang walang kapintasan. Pero ngayon, parang ibang tao siya. Nagtataka ako kung sino talaga ang taong nasa likod ng mga ngiti at matatamis na salita.

Hindi ko akalain na pati si Albie ay gumagamit ng marijuana. Alam kong hindi ito masama sa ibang lugar, pero illegal pa rin sa Pilipinas kaya hindi magandang tignan.

Lalo akong nakakaramdam ng hindi tama sa paligid. Hindi ko alam kung paano ko mapapapayag si Albie na pauwiin na ako. Hindi ko kayang magpalipas ng gabi dito, lalo na’t ganito ang mga kasama ko.

Ayokong mag-overthink, pero hindi ko maiwasan! Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang ganito ang kilos ni Albie. Dati naman siyang maingat at hindi agresibo. Baka dulot ba ito ng impluwensya ng barkada niya?

Napikon yata siya at biglang tumalikod. Ramdam ko na may mali, pero hindi ko alam kung ano. Kagat-labi kong sinubukan siyang kausapin muli. "Albie, uuwi na ako," pabulong kong sabi.

Bago pa ako makapagsalita muli, bigla siyang sumigaw. "Sabi ko dito ka muna! Ano bang hindi mo maintindihan?!" Napaatras ako sa gulat.

Ano bang problema niya? Bakit niya ako sinisigawan?

Natulala ako. Hindi ko inaasahan na sisigawan niya ako ng ganoon. Iniwas ko ang tingin at pinigil ang mga luha ko. Ayoko ng sinisigawan, kaya unti-unti akong nadi-disappoint kay Albie.

Maya-maya, tumalikod siya at may kinuha. Pagbalik niya, iniabot niya sa akin ang isang bukas na bote ng alak. Tumingin ako sa kanya, nagtataka.

"Inom ka," sabi niya, sabay akbay sa akin. "Kaya ka nga dinala rito, di ba? Para makisama. Inom na." Iba ang tono ng boses niya ngayon, parang may galit.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Alam kong may mali.

Tiningnan ko ang bote at nag-aalanganang kinuha ito. Umakbay ulit siya sa akin at tumungga mula sa kanyang bote.

"Albie, hindi ako umiinom," mahinang sabi ko.

Bigla siyang tumingin nang may inis. "Wag ka na nga pabebe," masungit niyang sabi. Nasaktan ako. May binulong pa siya, pero hindi ko narinig.

Ramdam ko ang pagbilis ng kanyang paghinga, parang nawawala na siya sa sarili. Bigla niyang inalis ang kanyang kamay mula sa balikat ko, mas madiin kaysa dati, at tinitigan ako nang may halong galit. Hindi ko pa siya nakitang ganito. Sino itong kaharap ko ngayon?

May nagawa ba akong mali? O talagang ganito siya mula't sapul, hindi ko lang nakita?

"Inumin mo na, ah!" muling sigaw ni Albie sa akin. Halos napatalon ako sa kinauupuan dahil sa tensyon na lumalaki sa pagitan namin.

Madiin ang titig niya sa akin, at ang tono niya ay nagiging mas demanding. Hindi siya lasing, at sa tingin ko, hindi rin ito dahil sa epekto ng marijuana.

Tumingin si Ryle sa amin. Parang may ibig sabihin ang tingin niya sa akin—may halong awa na hindi ko maintindihan.

Kahit ayaw kong uminom, dahan-dahan akong tumungga ng alak. Nanginig ang mga kamay ko, at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ng dila ko ang malamig at mapait na lasa ng beer. Halos hindi ko ito malunok dahil sa pait. Pumikit ako, pilit nilulunok ang likido, at dumila dahil sa lasa nito.

"Good," nakangising sabi ni Albie, madilim ang mga mata niya. "Ubusin mo yan. Tapos matulog ka na," bulong niya sa tainga ko. Kinalabutan ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.

Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kahit malamig ang hangin mula sa aircon, pakiramdam ko’y pinagpapawisan ako. Malaki ang living room, pero parang bigla itong sumikip para sa akin.

Ayoko nang uminom, pero nakatutok pa rin ang mga mata ni Albie sa akin. Kaya kahit hirap na hirap ako, tumungga ulit ako. Gusto ko nang magreklamo at tumayo para umalis, pero alam kong hindi ako papayagan ni Albie.

Kailangan kong makaalis. Pero paano? Wala na akong lakas para tumayo. Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng tapang para tumakas. Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas mula sa bibig ko.

Pakiramdam ko, ang hina-hina ko. Tangina, bakit ito nangyayari?!

Maya-maya, pagkatapos ng ilang tungga, nagsisimulang umikot ang paningin ko. Bakit parang sobrang lakas ng tama nito sa akin? Nahihilo ako, at hindi ko na maunawaan ang mga nangyayari.

Ang ingay mula sa sound system ay unti-unting nawawala sa pandinig ko. Namamanhid ang mga kamay ko, at hindi ko namalayang nabitawan ko na ang bote.

Gusto kong magsalita, pero parang hindi ko na magawa. Pinilit kong tingnan si Albie, pero nakangisi lang siya, at kakaiba ang tingin niya sa akin, parang may masamang balak.

Para akong nalulunod. Mainit ang katawan ko, pero parang nanlalamig ang bawat hininga ko. Bawat tunog ay nagiging malabo, at hindi ko na alam kung saan ako nakatingin. Gusto kong gumalaw, pero hindi na sumusunod ang mga binti ko.

"Sleep well, Pamela..." iyon ang huling narinig ko bago bumagsak ang katawan ko sa sofa. Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, narinig ko pa ang bulungan ng mga kaibigan ni Albie.

"Gago! You drugged the beer, didn’t you?"

"What do you think?" narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Albie, kahit nagiging malabo na ang pandinig ko.

"Bro, seryoso ka ba? You really drugged her?" tanong ng isa sa mga lalaki, nakangisi pero halatang may pag-aalinlangan. "Tindi mo, dude..."

Hindi ko na lubos na naintindihan ang mga sinasabi nila dahil unti-unti nang nagdilim ang paligid. Habang tuluyang nawawalan ng ulirat, isang tanong ang sumisigaw sa isip ko. Paano ako makakawala dito?

Related chapters

  • Chasing Solace   Chapter 3

    Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an

    Last Updated : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 4

    Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau

    Last Updated : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 5

    Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a

    Last Updated : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Prelude

    "Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k

    Last Updated : 2024-11-28
  • Chasing Solace   Chapter 1

    Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2

    Last Updated : 2024-11-28

Latest chapter

  • Chasing Solace   Chapter 2

    "Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang

  • Chasing Solace   Chapter 1

    Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2

  • Chasing Solace   Prelude

    "Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k

DMCA.com Protection Status