Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto.
"Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko. "Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin. "May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya. Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?" Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?" "Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick. "Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko. "Magkano ba?" "200 mo na, Ate." Napabuntong-hininga ako. "Sige, 200. Pero 'wag mo akong kukupitan kundi sasapukin kita." "Oo na!" sagot niya sabay balik ng wallet. "Akala mo laging kinukupitan," bulong niya na narinig ko naman. Napailing na lang ako. Mabuti na lang marunong akong mag-budget. Kahit halos napupunta sa bills ang sahod ko, may naitatabi pa rin. Palagi ko silang binibigyan ng baon, pero parang hindi kinakaya ng 500 kada linggo. Laging may humihingi ng dagdag. Matapos ayusin ang buhok ko at lagyan ng hairbalm, tumingin ako sa salamin. Well, kahit hindi clearskin, may puwet naman tayo! Bumaba ako sa kusina para kumain, pero saglit lang. Kailangan ko pang mag-abang ng jeep. Nadatnan ko si Archie at Mama, at amoy na amoy ang sinangag, tuyo, at itlog. Gusto ko sanang kumain ng marami pero baka ma-late ako, lalo na't strict si Mrs. Torris, ang supervisor namin. Habang kumakain, lumapit si Vanes. "Ate, may pera ka?" "Para saan?" tanong ko, uminom muna ng tubig. "May Shopee delivery kasi ako. Wala akong pambayad." Napailing ako. "Alam mo namang wala kang pambayad, umorder ka pa rin?" "Bumili kasi ako ng bagong bag," sabi niya, nilalambing ako. "Magkano?" "500." "500?! Bag ko nga, dalawang taon nang hindi napapalitan, ikaw 500 pa yung order!" Hindi makapaniwala ang tono ko. Sila taga-order, ako taga-bayad. Ayos din! "Eh, sira na kasi yung bag ko. Mas matibay yung sayo," sagot niya. Kumuha ako ng 500 mula sa wallet ko at ibinigay sa kanya. Umalis na silang dalawa ni Archie. Wala man lang "thank you." Wala talagang utang na loob. Napailing ako, uminom na lang ng tubig. Naglakad na ako papunta sa sala para magsapatos. Habang nagsusuot ako, narinig kong nagtanong si Mama. "Nasaan si Danica?" "Kasama mga kaibigan niya kagabi, baka uuwi mamaya," sagot ko. "Bigyan mo ako ng pera, ibibili ko ng ulam para kay Danica." Paboritong anak. Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ang wallet at nag-abot ng 500. "Papasok na ako," paalam ko, pero parang hindi ako narinig ni Mama. Hindi ko na inisip yun at dumiretso na ako sa labas. Habang nag-aabang ng jeep, hindi ko maiwasang malungkot. Simula nang mamatay si Papa, ako na ang tumayong padre de pamilya. Ang buhay ko umiikot na lang sa pagtulong sa mga kapatid ko. Si Vanes, graduating na ng senior high. Si Archie, grade 11 at graduating next year. Si Danica, graduate na ng nursing. Samantalang ako, para akong napag-iwanan. Isang taon na lang, tapos na sana ako ng engineering, pero kinailangan kong tumigil para matustusan ang pag-aaral ni Danica. Buti na lang kahit hindi ako nakatapos, natanggap ako sa trabaho ko bilang receptionist sa Salfuego Palace. Malaki ang sahod kaya may pambayad kami sa bills at may naiaabot ako sa mga kapatid ko. Nagpapasalamat ako na hindi kami nagrerenta ng bahay, pero kung nagkataon, baka hindi ko na mai-budget ang pera. Hindi ko rin pwedeng pagtrabahuhin si Mama dahil may sakit siya sa puso. Ayoko siyang pwersahin, siya na nga lang ang natitira sa amin. Naiisip ko tuloy, makakapag-asawa pa ba ako? Kahit may boyfriend akong si Albie, hindi ko sigurado kung kailan kami magpapakasal. Kailangan pa ako ng mga kapatid ko. At kahit mayaman si Albie, ayoko namang sa kanya ko iasa ang lahat ng gastusin. Buti na lang, hindi ako pinipilit ni Mama sa mga desisyon ko. Maya-maya may humintong jeep kaya agad akong sumakay. Pero natuklap yung sapatos ko. Napamura ako sa isip ko. Pwede bang maghintay na lang hanggang 13th month pay ko? Wala akong choice, kaya sumakay na lang ako. Pag-upo ko, napansin kong lima ang babae sa harap ko na naka-uniform pang-flight attendant. Ang gaganda nila, plantsyado ang uniform at kumikintab ang mga sapatos. Pinilit kong takpan ang natuklap na sapatos ko, nakakahiya. Ilang minuto pa, nakita ko na ang building ng Salfuego Palace. Napakaganda ng design, modern at parang spiral. Ang pader ay gawa sa salamin, kaya nagre-reflect ang ilaw ng lungsod tuwing gabi. Sa rooftop, may infinity pool at hardin para sa mga bisita. Pumara ako at nagbayad. Napansin kong 300 na lang ang natira sa wallet ko. Kanina lang, 1,500 pa. 200 kay Archie, 500 kay Vanes, 500 kay Mama, at pamasahe. Hay, buhay! Bumili ako ng shoe glue para ayusin ang sapatos ko. Pagkatapos noon, nagmadali akong pumasok sa Salfuego. Habang inaayos ko ang uniform at buhok, nakita ko na 07:50 AM pa lang. Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang, hindi ako late! Dumiretso ako sa reception area at nagsimula na magtrabaho. Pagkatapos kong makapag-settle sa reception desk, nag-log-in ako sa system at chineck ang schedule for the day. Mukhang magiging busy na naman dahil may dalawang events na naka-book sa ballroom at isang malaking grupo ng mga turista ang parating mamaya. Nasa kalagitnaan ako ng pag-check ng guest reservations nang may tumawag sa telepono. "Good morning, Salfuego Palace. How may I assist you?" bati ko, kahit medyo inip na rin ako dahil kanina pa ako nasasabihan ng mga problema sa reservations. "Hi, this is Mr. Reynard from room 709. I need fresh towels, please." "Certainly, Mr. Reynard. I'll have housekeeping bring those to your room shortly." Matapos kong maibaba ang tawag, napansin kong dumating na si Mrs. Torris, ang supervisor namin. Kahit alam kong hindi ako late, bigla akong kinabahan. Lagi siyang mukhang naka-alert mode at may palaging kulang sa bawat galaw namin. "Pamela," tawag niya sa akin habang papalapit. "I hope you're ready for the group check-in later. They're a VIP client, and we need to make sure everything is perfect." Ngumiti ako kahit kinakabahan. "Yes, Ma'am. Everything's prepared." "Baka hindi mo alam, pero talagang mahigpit yang si Mr. Feliciano, head ng group na parating. I don't want any complaints," dagdag niya habang nakataas ang kilay. "Understood, Ma'am," sagot ko nang mahinahon. Pagkaalis niya, agad kong binalikan ang pag-check sa mga requirements ng group booking. Ayoko nang makadagdag pa sa stress na dala ng araw na 'to. Nang dumating ang oras ng check-in ng VIP group, mabilis kong inayos ang mga kailangan, keycards, welcome drinks, at iba pang special requests nila. Dumating si Mr. Feliciano kasama ang ilang tao. Nakangiti akong bumati, kahit ramdam kong hirap na ako sa pag-aayos ng lahat. "Good afternoon, Mr. Feliciano! Welcome to Salfuego Palace. We hope you have a pleasant stay," sabi ko, handing over the keycards. Tumingin lang siya sa akin at mabilis na naglakad papunta sa elevators. Hindi man lang ngumiti. Napahinga ako nang malalim pag-alis nila. Hindi ko talaga gusto yung mga ganitong klaseng tao na parang laging galit sa mundo. Pagkatapos ng stressful na check-in, bumalik ako sa desk at saglit na sumandal. Gusto ko lang magpahinga kahit sandali bago harapin ang mga susunod na gagawin. Ilang sandali, habang abala ang mga tao sa buong ground floor ng hotel, bumukas ang entrance. Apat na lalaking naka-itim na pormal na suit ang pumasok, pinapalibutan ang isang lalaking naka-suot ng royal blue coat. Kitang-kita ang ganda ng tindig at height niya. Seryoso ang mukha niya, lalo na dahil sa makapal at magkasalubong niyang kilay. Hindi ko siya kilala, pero sa paraan ng pagpasok niya, parang artista. May bagong artista ba ang Chanel 7? Wala naman akong nabalitaan. Narinig ko ang bulungan ng mga katrabaho ko. "Siya ba si Mr. Salfuego? Ngayon ko lang siya nakita rito," bulong ni Elenia. "Oo! Ang gwapo niya pala!" "Umayos! Papunta siya rito!" Mr. Salfuego? Yung may-ari ng hotel? Akala ko matanda at panot na siya, ayon sa nabasa ko. Pero bata pa pala at mukhang ka-edad ko. Pinanood ko siyang lumapit sa mga receptionist, halatang kinikilig sa paglapit niya. Sumunod sa likod niya yung mga lalaki, mukhang bodyguard. Wow, parang celebrity. Kaunti lang ang sinabi niya, pero ang yabang ng dating. Nakita kong sumulyap siya sa akin, kaya umiwas agad ako ng tingin. Bakit ko nga ba siya tinititigan? Ano meron, Pam? Tinikhim ko ang sarili ko at inasikaso ang sumunod na guest. "Good morning! Welcome to Salfuego Palace. How may I assist you today?" "I have a reservation," sagot ng babae. Napansin ko sa gilid ng mata ko na nakatingin pa rin si Mr. Salfuego. Kaya mas lalo akong ngumiti, pinakita ko talaga ang killer smile ko. Siguro napapangitan siya sa akin! "What name is the reservation under?" tanong ko. Kinuha niya ang papel sa bag niya. "Verify ko lang, Madam," sagot ko habang nag-eencode. Dumaan si Mr. Salfuego, mukhang aalis na sila. Pero sumulyap pa rin siya sa akin. Ngumiti ako at bahagyang yumuko, pero nakita kong kumunot ang noo niya at umiling bago umalis. "Ano, Miss? Okay na ba?" tanong ng babae. "Yes, Madam," sagot ko sabay abot ng room key card. "Enjoy your stay," dagdag ko bago siya umalis nang medyo masungit. Habang lumalalim ang gabi, ramdam ko na ang pagod ko sa maghapong pagtatrabaho. Bandang alas-syete, may mga guest pa rin na pumapasok. "Tara, gimik tayo mamaya, Pam," anyaya ni Yvone. "Sama ka naman this time!" dagdag ni Elenia. "Sa club tayo!" excited na sabi ni Gina. Ngumiti ako. "Next time na lang," tanggi ko. Gusto ko rin sana sumama, pero wala akong pera. Sakto lang pamasahe ko pauwi at bukas. Ang alas-nuwebe, oras ng out namin. Nakita ko si Albie sa entrance, may dalang bulaklak at nakangiti. "Una na kami, Pam!" paalam ni Elenia. "Kaya pala ayaw mong sumama, susunduin ka pala," biro nila. "Flowers for you," nakangiti niyang abot sa akin ang bulaklak. "I miss you," dagdag niya sabay halik sa pisngi ko. "Nag-abala ka pa!" biro ko, kinikilig. "Tara na?" tanong niya habang hawak ang kamay ko. "Saan tayo?" "Sa condo ko. May party ngayon, at gusto kang makilala ng mga kaibigan ko." "Sige, pero tatawag lang ako sa bahay," sabi ko. "Hindi na kailangan. Tumawag na ako kay Tita, pinagpaalam na kita," sagot niya. Medyo nag-aalangan ako, pero ngumiti na lang ako. Mabait naman si Albie, at ilang beses na niya akong napatunayan na mapagkakatiwalaan siya. Pagdating namin sa condo niya, malakas ang tugtog, at puro lalaki ang naroon, topless at mukhang kanina pa nag-iinuman. Napalunok ako at kinabahan. Parang nagsisisi ako na pumunta pa ako."Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an
Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau
Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a
"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k

"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2