"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.
Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko. Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila. Pwede bang maka-idlip lang? "Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye. "Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya. "Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako kayang kontrolin." "Mas matanda ka nga, pero hindi ka nag-iisip." "Anong sinabi mo?" Napabuntong-hininga na lang ako. Katahimikan na lang sana ang gusto ko. Anong oras na ba? 09:45 PM, pero parang may gulo pa ring nangyayari dito sa sala. Pinanood ko na lang sila, dahil sa totoo lang, wala na akong lakas para makialam. "Magsitigil nga kayo!" sigaw ni Mama mula sa kusina. Mukhang siya rin ay napuno na. "Vanes, sa kwarto ka na." Padabog na umalis si Vanes. Si Archie naman, dumiretso rin palabas. Hindi talaga magkasundo ang dalawa. Si Vanes, spoiled kay Papa; si Archie naman, sobrang protective, pero minsan sobra-sobra na rin. Tumayo ako mula sa sofa at naglakad papasok sa kwarto. Nakita ako ni Mama habang namamalantsa ng uniform ng mga kapatid ko. "Kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango ako. "Oo, kumain na ako," kahit sa totoo lang, wala pa akong nakain. "Mabuti naman, kasi wala nang natirang ulam," sabi ni Mama. Hindi na rin ako nagulat dahil palagi namang ganyan sa tuwing uuwi ako ng gabi. Napailing ako. "Pahinga na ako," sabi ko na lang. Pumasok ako sa kwarto at dumiretso sa kama. Sa wakas, pahinga! Pero syempre, limang minuto lang bago ako mapilitang maghilamos. Pagharap ko sa salamin, nakita ko ang mga pimples ko. Kailan kaya mawawala ang mga 'to? Nilagyan ko ng cream ang mga pimples. Sana naman, umayos na. Pabalik na ako sa kama nang tumunog ang phone ko. Akala ko si Albie, kaya excited ako. Pero pagtingin ko, si Danica pala. Sinagot ko na lang. "Ate Pam!" sigaw ni Danica na mukhang nasa maingay na lugar. "Ang ingay naman dyan," sagot ko. "Nasa club ako! Pakisabi kay Mama, bukas na ako uuwi!" "Oo na, sige," sagot ko. Buti pa siya, nasa club. Ako, trabaho-bahay, bahay-trabaho. "Thanks, Ate! Love you!" sabi niya bago binaba ang tawag. Pagod na akong ilapag ang phone nang tumunog ulit. This time, si Albie na! Halos mapasigaw ako sa tuwa. Nang makita ko ang pangalan niya sa screen, bigla akong sumaya. "Hello, lovey," bati ko, pero ingay din ang sumalubong sa akin. Nasa club siya kasama ang mga kaibigan niya, routine na nila 'yan tuwing Martes. "Lovey, sorry, hindi ako nakapunta sa trabaho mo kanina!" sigaw niya. Halos hindi ko marinig dahil sa lakas ng background noise. "Okay lang, lovey. Mag-enjoy ka," sagot ko, kahit gusto ko talaga siyang kasama ngayon. "Sure ka bang okay lang sa'yo?" "Oo naman. Magkita na lang tayo bukas." "Alright! I love you!" Napangiti ako. "I love you too," sagot ko, sabay bagsak sa kama. Tumayo ako ulit at tumingin sa salamin. "Pam, kaya mo 'to," bulong ko sa sarili ko bago humiga ulit. Kahit mahirap ang araw, at least alam kong may isang taong nagmamahal sa akin. *** Copyright ©️ 2024Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2
"Hey, bro! Is that your girlfriend?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Albie na mukhang Amerikano, may blonde na buhok at matangkad.Hinawakan ni Albie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanila. "Yes, she's Pamela Salmonte, the one I've always told you about," mayabang niyang pagpapakilala.Lumingon sa akin ang lalaki, at hindi ko maiwasang mailang dahil unang beses ko lang makihalubilo sa grupo nila. Wala palang kaibigan na babae si Albie, kaya nahihiya akong ngumiti habang nakatitig sila sa akin.Nakangisi ang ilan sa kanila, lahat may hawak na bote ng beer. Anim na Amerikano at apat na mukhang Hapon ang naroon. In fairness, mga gwapo sila, pero hindi ako komportable sa mga titig nila."She's Pamela? Wow! What a rare beauty," sabi ng lalaki habang nakangiti at naglahad ng kamay. "I'm Stephen," pakilala niya.Napaisip ako sa sinabi niya, rare beauty? Ibig bang sabihin ay exotic ang beauty ko? Hindi ko alam kung papuri o insulto iyon, kaya hindi ko na lang pinansin at inabot ko ang
Kinabukasan, nagising ako na parang may mabigat na pumupukpok sa ulo ko. Masakit, parang sasabog ang sentido ko. Napahawak ako sa noo at dahan-dahang umupo sa gilid ng kama.Huminga ako nang malalim bago tumingin sa malaking bintana. Sobrang liwanag ng sikat ng araw na halos hindi ko mabuksan nang maayos ang mga mata ko.Malabo pa ang isip ko, at hindi ko maalala ang mga nangyari. Pilit kong inaalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay, pero putol-putol ang mga alaala ko. Nang tuluyan kong marealize ang paligid, bigla akong napatigil. Mabilis akong napalingon sa katabi ko sa kama.Si Albie.Nanlaki ang mga mata ko. Wala siyang suot pang-itaas, tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan niya. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.Nilingon ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot, at natuyo bigla ang lalamunan ko nang makita kong bra at panty na lang ang suot ko.Nanginginig ang mga kamay ko habang tinakpan ko ang bibig ko. Isang tanong an
Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau
Tahimik akong naglilinis sa loob ng suite, maingat na pinupunasan ang mga mamahaling kagamitan sa paligid. Kahit alam kong malinis naman ang mga ito, nagpatuloy ako, tila gumagawa ng alibi para magtagal. Napapatingin ako nang pasimple kay Mr. Salfuego, na nakaupo sa mahabang sofa, nakatutok sa mga dokumentong nakalatag sa harapan niya.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon, nakaayos ang kanyang dark hair, at ang mga mata niya ay matalim na nakatutok sa trabaho. Parang may mabigat siyang iniisip. May kausap siya sa telepono, at halatang hindi siya pwedeng istorbohin. Nakakunot ang noo niya, dahilan para lalo siyang magmukhang intimidating. Pero sa totoo lang, ibang-iba ang dating niya. May isang klase ng aura na hindi mo basta-basta matatakasan. Para bang hinihigop niya ang buong atensyon ng sinumang nasa paligid niya.Napaigting ako sa kaba nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ang mga mata niyang puno ng intensity ay nakatutok na ngayon sa a

Kasalukuyan akong nagme-makeup para pumasok sa trabaho. Parang saglit lang akong nakatulog, kakapikit ko lang, tapos umaga na naman. Magpapahid na sana ako ng blush-on nang sumilip si Archie sa pinto."Ate, may pera ka?" Sabi ko na nga ba, hindi makukumpleto ang pag-aayos ko bago pumasok nang hindi hihingi ng pera ang kapatid ko."Para saan na naman yan? Kakahingi mo lang kahapon," sagot ko bago muling humarap sa salamin."May project kasi kami, Ate. Kulang ako pambili," sabi niya, pumasok na at tumayo sa gilid ng vanity. "Ba't nagme-makeup ka pa, Ate? Mas okay kaya yung walang kolorete," komento niya.Ibinaba ko ang makeup at tiningnan siya. "I wear makeup because it boosts my confidence," sagot ko. "Alam mo namang may sumpa sa mukha ko, 'di ba?"Tumango siya. "Sabagay. Asan na pera?""Kunin mo yung wallet ko diyan sa bag at kumuha ka ng isang daan," sabi ko habang naglalagay ng lipstick."Bakit isang daan lang?" reklamo niya habang binibilang ang laman ng wallet ko."Magkano ba?""2
"Oh, ginabi ka na?" tanong sa akin ni Mama, pero ngumiti lang ako at tahimik na nagtanggal ng sapatos.Kakauwi ko lang galing trabaho, sobrang pagod ko sa araw na 'to. Pagpasok ko ng bahay, agad kong naamoy ang lumang upholstery ng sofa. Halos tuklap na ang ibabaw nito, lumilitaw na ang mga hibla ng foam, parang buhay ko na rin, pagod at sabog. Umupo ako, at narinig ko ang mahinang langitngit, tila protesta ng sofa sa bigat ng araw ko.Isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Wala pang isang minuto, narinig ko na naman ang bangayan ng mga kapatid kong sina Archie at Vanes. Hindi ko na alam kung ano na naman ang pinagtatalunan nila.Pwede bang maka-idlip lang?"Anong pakialam mo?!" sigaw ni Vanes na parang galing sa teleserye."Bakit ka sumasama sa kanya? Alam mong tarantado yun, tapos ginawa mo pang boyfriend?" tugon ni Archie, hinila pa si Vanes para harapin siya."Eh ano ngayon? Wala kang karapatang mangialam!" galit na sagot ni Vanes. "Mas matanda ako sa'yo ng isang taon! Hindi mo ako k