Pagdating ko sa kanto, sinalubong ako ng ingay ng lugar namin. Parang may handaan, pero wala akong alam na okasyon. Ganito palagi, hindi kumpleto ang araw ko kung walang ganitong eksena.Mga batang nagtatakbuhan, mga nanay at tatay sa gilid na tila may mahalagang pinag-uusapan, at syempre, hindi mawawala ang mga lasing sa eskinita. Paulit-ulit na kwento.Nakita ko si Manong Albo na lasing na naman. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya ang ganitong klase ng pamumuhay araw-araw. Minsan, naiisip kong ganito na rin siguro ang magiging takbo ng buhay ko. Mahirap umalis, lalo na't dito na ako lumaki. Dito ako unang natutong mangarap, kahit na kadalasan, hindi ko alam kung paano iyon maaabot.Sa lugar na ito sa Tambunting, tumanda ako kasama ang ingay, ang putik, at ang mga alaala. Minsan, kapag napapadaan ako sa mga bakanteng lote o eskinita, naaalala ko ang mga araw ng paglalaro ko ng patintero at bahay-bahayan. Noon, ako palaging nanay, kahit na hindi ko gusto. Defau
Last Updated : 2024-11-21 Read more