Nakadungaw ako sa rehas ng balcony ng kwartong ibinigay sa akin ni Mr. Salfuego. Tanaw ko ang malawak at kalmadong karagatan ng Subic, sinasalubong ng liwanag ng hapon. Buong buhay ko, ngayon lang ako napunta sa ganitong klaseng lugar, isang resort na parang nasa postcard. Noong bata ako, palagi lang kami sa ilog, kaya hindi maiiwasang manibago ako. Iba talaga 'yung amoy ng alat ng dagat, 'yung lamig ng hangin dito.Nang tumingin ako sa ibaba, napansin kong maraming guest ang resort. Iba't ibang lahi, ang iba mukhang mga foreigner, nag-eenjoy sa tanawin habang nakaupo sa mga lounger, may mga naka-shades, at iba parang sunog na sa araw kakabilad. Siguro kung wala lang akong iniisip na trabaho, makikihalubilo na rin ako sa kanila.Pasado alas tres na ng hapon. Habang nakatitig ako sa kalmadong tubig, naisip ko kung gaano kasarap lumangoy sa malamig na dagat at magpababad nang matagal, para maramdaman ko 'yung alon sa balat ko. Parang gusto kong maging parte ng tanawin, 'yung tipong wa
Last Updated : 2024-12-02 Read more