All Chapters of Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce: Chapter 1 - Chapter 10

50 Chapters

Kabanata 1 Ang Matagal na Niyang Pinakahihintay

POV ni ScarletHindi naging regular ang aking mga period, pero nalaman ko pa rin dapat ito.Pagkahilo, pagod, pagbabago ng panlasa…Iniisip mo siguro na masyado nang obvious ang mga sintomas pero hindi mo pa rin ito mapapansin hangga’t hindi ka nakakaranas ng ilan sa mga ito…Gaya noong hindi ko mapansin ang mga senyales na sumisigaw sa akin para gisingin ako sa katotohanang hindi ako mamahalin kailanman ng lalaking pinakasalan ko kahit na ano pa ang gawin ko. Nagpunta ako para magpahealth screen habang nagiisip ng, ano pa bang dapat kong ipagalala? Kaya ko ito kahit na cancer pa ang maging sakit ko. Pero hindi ko inaasahan na mahahandle ko ang naging diagnosis sa akin ng doktor.Isang bata sa aking sinapupunan.Ito na yata ang pinakamagandang bagay na nangyari sa pinakamaling timing.Hindi ko alam kung kailan ko mararamdaman ang napakalakas na pagmamahal ng isang ina na aking naririnig sa ibang tao, pero sigurado na ako sa magiging reaksyon NIYA. Kamumuhian niya ang batang ito.
Read more

Kabanata 2 Isang Ticket para sa Dalawang Tao

POV ni ScarlettHabang nakaupo sa loob ng isang taxi papunta sa isa pang ospital—sa ospital na kinaroroonan NIYA. Naramdaman ko na para akong masusuka. Dahil ba ito sa pabango ng taxi, morning sick, o…nasusuka lang talaga ako sa biyaheng ito.Ito ang biyahe na pinakakinaaayawan ko, at ito ang biyahe na dinadaanan ko ng sampung taon, palagi siyang nasa ospital, at palagi siyang kasama ng aking asawa kahit na noong bago pa kami ikasal.Ano ang mangyayari kung mahal ng iyong crush ang iyong kapatid na mayroong Willebrand at RH na blood type.Oo, mayroon siyang sakit na kung saan hindi titigil ang pagdurugo sa kanyiang katawan, at mayroon siyang pambihirang blood type ngayong 0.3% lang ng mga tao ang mayroon nito sa mundo.Maging ang maliit na hiwa sa kaniyang daliri ay maaari na niyang ikamatay. Ito ang dahilan kung bakit siya ang pinakaiingat ingatang kayamanan ng buong pamilya, ang untouchable, ang himala na makakakuha sa lahat ng gusto niya sa pamamagitan lamang ng pagkabuhay. 
Read more

Kabanata 3 Paano Pumatay ng isang Dragon

POV ni Scarlett“Tatlong buwan na ang nakalilipas mula noong sumailalim ka sa bone marrow transplant, kulit.” Sinundan siya ng tawa ni Sebastian palabas sa walang lamang corridor.Nilagay ko ang kamay ko sa doorknob pero hindi ko mahanap ang aking lakas para ikutin ito. Kitang kita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, ilang beses ko na silang nakikitang ganito.Habang tinotorture ko ang aking sarili, natitigilan lang akong nakinig sa usapan nilang dalawa.“Regular checkup lang ang gagawin s aiyo ngayong araw, at naging maganda ang resulta ng iyong mga checkup bago ito, hmm?” Comfort ni Sebastian.Nakikita ko ang mainit niyang ngiti sa aking ulo habang kinocomfort niya ang babaeng pinakamamahal niya, hinawakan ng napakalakas niyang palad ang ulo ng aking kapatid na parang pinakasensitive na bulaklak sa buong mundo. Ang init at pagmamahal na iyon ay ang mga bagay isang beses ko lang naranasan mula sa kaniya, at iyon na rin ang sandali ng paglapit ko sa apoy. Ito ang nagiisang
Read more

Kabanata 4 Kaming Tatlo

POV ni ScarlettPinatay ko ang sigarilyo sa basurahan nang magbukas ang pinto ng kwarto.Napasimangot si Sebastian sa akin habang nakatayo siya sa pinto na may layong kalahati ng corridor mula sa akin. Ayaw na ayaw niya sa mga naninigarilyo. Tinititigan, sinesermonan o tumatayo siya ng malayo sa akin habang nagpapakita ng pandidiri ang kaniyang mukha sa tuwing ginagawa ko ito.Isa itong nakakadiring habit pero kailangan ko pa rin ng isang OUTLET para mailabas ang lahat ng sakit sa aking dibdib bago pa ito sumabog. Pero kung magagawa ng pinakamamahal niyang si Ava ang bisyong ito, siguradong sasamahan pa niya ito.“Kung ganoon?” Nilagay niya ang isa niyang mga kamay sa kaniyang bulsa habang nakatitig siya sa akin nang makapaglakad siya palapit sa akin. Ginagawa niya ito kapag naiirita siya sa akin. As in palagi niya itong ginagawa sa akin.Tumitig ako sa kaniyang mukha, napakagwapo at napakadominante nito na para bang noong araw na nahanap niya ako sa gubat. Pero naging kasing lina
Read more

Kabanata 5 Huling Tawag

POV ni Scarlett Hinatid pa rin ako ni Aurora sa airport pero hindi niya maibigay sa akin ang aking ticket.Habang hawak ko ang isang baso ng mainit na cocoa sa aking mga kamay, tinitigan niya ako mula sa kabilang banda ng maliit na lamesa sa McDonald’s na parang isang ina na nanghuhusga sa pasaway niyang anak.“Ngayong araw ko lang nalaman—” Nahihiya kong sinabi nang bigla siyang sumagot ng—“Oo, sinabi mo na iyan!” Hindi ko naman ginusto ang mga bagay na ito. Tumama ang aking mga mata sa hawak kong cocoa, hindi ko siya magawang tingnan. Galit siya at alam ko kung bakit.Nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Maganda, sikat, may mahabang mga binti, atbp. Pero hindi siya ipinanganak na mayaman. Pinanood niyang magtrabaho na parang kalabaw ang kaniyang ina na magisang nagpalaki sa kaniya habang kinamumihian niya ang iresponsable niyang ama nang malaman niya na hindi talaga sila iniwan nito gaya ng sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina ang tungkol sa
Read more

Kabanata 6 Ang Blood Vessel

POV ni Scarlett“Tungkol saan naman iyan?” Kurap ni Aurora. Namangha siya nang isang linya lang ang sabihin ni Scarlett sa tawag.Hinawakan ko nang maigi ang aking phone, sa ikawalang pagkakataon ngayong araw, nahirapan akong isakatuparan ang aking plano. Gusto ko lang matapos ang sakit na nararamdaman ko. Sobra na ba para sa akin na hilingin ito? Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ng isang bahagi ng isip ko na kunin ang ticket at umalis at hayaang masunog ang mundo sa aking likuran.Pero hindi ito maaari. Kailangang nandoon ako sa sandaling salinan ng dugo si mom. Ito ang silbi ko sa aking pamilya. Ang maging blood vessel nilang lahat.Pakiusap, panginoon, sabihin niyo po sa akin na walang kinalaman ang tawag na ito sa mensaheng ipinadala ko kay Sebastian.Sa pagitan ng pagsailalim ni Mom sa blood transfusion at sa pagtakwil sa akin ni Sebastian… hindi ko na alam kung saan ko dapat ilagay ang natitira ko pang pagasa.“Mukhang hindi talaga ako aalis ngayong araw,” Nagbuntong h
Read more

Kabanata 7 Paglabas sa Ilalim ng Araw

POV ni SebastianHindi ako nagreply sa message ni Scar. Hinding hindi siya aalis. Nangmamanipula lang siya gamit ang mga pagbabanta niyang ito.Masyado ng marami ang oras na ginugugol ko kasama si Ava nitong nakaraan kaya nagtatantrum ngayon si Scar. Dapat niyang maintindihan na isang buhay ang nakataya sa ginagawa ko, kahit na pagmamayari pa ng kinamumuhian niyang kapatid ang buhay na iyon.Hindi naman sa hindi ko naiintindihan si Scar. Naiintindihan ko ang kaniyang pinagdadaanan. Bilang tao na may mas malinaw na pagiisip sa kaniya, nagseselos lang siya sa lahat ng atensyon na nakukuha ni Ava. Ito ang dahilan kung bakit naging problema siya ng lahat. Palagi siyang nagrerebelde na kaniya pang ipinagmamalaki sa lahat, palagi siyang walang pakialam habang humihingi siya ng pagmamahal sa iba. Mahilig siyang maghanap ng atensyon sa pamamagitan ng mapapait niyang mga mensahe, mga luha o divorce.Hindi ko inakala na bibigyan niya ako ng pirmadong divorce papers. Isipin niyo na lang ang p
Read more

Kabanata 8 Ang Dugo ng Dragon

POV ni ScarlettHabang nakaupo sa malamig na sahig, napagtanto ko na masyadong naging maaga ang aking pagdedesisyon.Inakala ko na impyerno ang buhay na mayroon ako. Dito ako nagkamali nang husto. Kahit na hindi naging maganda ang trato sa akin ng lahat, hindi nila ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Sabagay, ako pa rin ang mahalagang blood vessel para sa sakiting si Ava. Hindi nila hahayaang mawala ako.Pero hindi na ngayon.Hinawakan ko ang aking mukha habang dahan dahan akong tumitingala para tingnan ang lalaki na tinawag ko noong ama para lang mapagtanto sa nanlalamig niyang mga mata na isa pa rin akong blood vessel, pero hindi na ako masyadong “mahalaga” ngayon. Sinwerte na lang sila ngayong nandito ako.Sabagay, magaling na ngayon si Ava. Hindi nila ako nagawang itapon dahil maaaring mayroon pa akong pakinabang sa kanila. Ano ba ang mawawala sa kanila kung hindi ko makukuha ang normal na buhay na pinapangarap ko?Para sa hindi siguradong “maaari” nila, hindi ako pwedeng mag
Read more

Kabanata 9 Hinanakit sa Pagitan ng Magkapatid

POV ni SebastianNagkalat ang mga basag na bahagi ng vase sa sahig. Hindi ko magagawang ibaba si Ava rito. Maaari ngang umabot na sa normal level ang kaniyang platelet pero hindi ko pa rin ito maaaring subukan lalo na’t naririto ang halimaw na humahabol sa kaniya. Ang huling sandali na nangailangan si Ava ng dugo mula kay Scar ay dahil sa paghiwa sa kaniya ng isang papel. At si Scar ang may pakana ng bagay na iyon.“…Pakiusap?” Bulong ni Scar nang maglakad siya papunta sa akin, pero hindi niya ako nagawang tingnan ng diretso.“Hindi ko siya maaaring ibaba, alam mo naman kung bakit.”Nanlalamig na suminghal si Scar bago siya tumingin pataas sa ilalim ng magulo niyang buhok. Mukhang naging malakas ang pagsampal sa kaniya ni Jack para gumulo nang ganito ang kaniyang buhok at para magiwan ito ng marka ng palad sa kaniyang pisngi.“Excuse me,” sabi ni Scar gamit ang malinaw at nanlalamig na tono ng kaniyang boses na hindi ko kailanman narinig sa kaniya, “Dadaan ako.” Dinala ko si A
Read more

Kabanata 10 Ang Pinakamasalimuot na Krimen

POV ni SebastianAlam ko kung gaano kasensitive si Ava sa kaniyang kondisyon. Ang pagmamakaawa sa kaniyang kapatid na kinamumuhian niya nang paulit ulit. Ito ang bagay na ginamit ni Scar para mapilit ako sa kaniyang gusto na siyang nagresulta sa pagtindi ng hinanakit ni Ava sa kaniya.“Pwede ka siyempreng magsalita ng ganiyan sa akin,” Gigil na dura ni Scar kay Ava, “Ibida mo ang moralidad mo sa harapan ko hangga’t gusto mo dahil mga tauhan mo naman ang magtatali sa akin sa lamesa para ubusin ang aking dugo sa sandaling kailanganin mo ito.”“Scarlett Fuller!” Binalaan ko siya habang itinataas muli ni Ava ang kaniyang kamay. Agad akong umilag papunta sa tabi para hindi maabot ni Ava si Scar pero agad na nasalo ni Scar ang bras oni Ava. Masyadong naging mabilis ang pangyayari na sinabayan ng nasasaktang sigaw ni Ava. Kinailangan kong itulak palayo si Scar.Tumalsik siya papunta sa sahig at dumiin ang kaniyang kamay sa isang matalas na piraso ng vase. Kitang kita ito ng dalawa kong mg
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status