POV ni ScarlettHabang nakaupo sa malamig na sahig, napagtanto ko na masyadong naging maaga ang aking pagdedesisyon.Inakala ko na impyerno ang buhay na mayroon ako. Dito ako nagkamali nang husto. Kahit na hindi naging maganda ang trato sa akin ng lahat, hindi nila ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Sabagay, ako pa rin ang mahalagang blood vessel para sa sakiting si Ava. Hindi nila hahayaang mawala ako.Pero hindi na ngayon.Hinawakan ko ang aking mukha habang dahan dahan akong tumitingala para tingnan ang lalaki na tinawag ko noong ama para lang mapagtanto sa nanlalamig niyang mga mata na isa pa rin akong blood vessel, pero hindi na ako masyadong “mahalaga” ngayon. Sinwerte na lang sila ngayong nandito ako.Sabagay, magaling na ngayon si Ava. Hindi nila ako nagawang itapon dahil maaaring mayroon pa akong pakinabang sa kanila. Ano ba ang mawawala sa kanila kung hindi ko makukuha ang normal na buhay na pinapangarap ko?Para sa hindi siguradong “maaari” nila, hindi ako pwedeng mag
POV ni SebastianNagkalat ang mga basag na bahagi ng vase sa sahig. Hindi ko magagawang ibaba si Ava rito. Maaari ngang umabot na sa normal level ang kaniyang platelet pero hindi ko pa rin ito maaaring subukan lalo na’t naririto ang halimaw na humahabol sa kaniya. Ang huling sandali na nangailangan si Ava ng dugo mula kay Scar ay dahil sa paghiwa sa kaniya ng isang papel. At si Scar ang may pakana ng bagay na iyon.“…Pakiusap?” Bulong ni Scar nang maglakad siya papunta sa akin, pero hindi niya ako nagawang tingnan ng diretso.“Hindi ko siya maaaring ibaba, alam mo naman kung bakit.”Nanlalamig na suminghal si Scar bago siya tumingin pataas sa ilalim ng magulo niyang buhok. Mukhang naging malakas ang pagsampal sa kaniya ni Jack para gumulo nang ganito ang kaniyang buhok at para magiwan ito ng marka ng palad sa kaniyang pisngi.“Excuse me,” sabi ni Scar gamit ang malinaw at nanlalamig na tono ng kaniyang boses na hindi ko kailanman narinig sa kaniya, “Dadaan ako.” Dinala ko si A
POV ni SebastianAlam ko kung gaano kasensitive si Ava sa kaniyang kondisyon. Ang pagmamakaawa sa kaniyang kapatid na kinamumuhian niya nang paulit ulit. Ito ang bagay na ginamit ni Scar para mapilit ako sa kaniyang gusto na siyang nagresulta sa pagtindi ng hinanakit ni Ava sa kaniya.“Pwede ka siyempreng magsalita ng ganiyan sa akin,” Gigil na dura ni Scar kay Ava, “Ibida mo ang moralidad mo sa harapan ko hangga’t gusto mo dahil mga tauhan mo naman ang magtatali sa akin sa lamesa para ubusin ang aking dugo sa sandaling kailanganin mo ito.”“Scarlett Fuller!” Binalaan ko siya habang itinataas muli ni Ava ang kaniyang kamay. Agad akong umilag papunta sa tabi para hindi maabot ni Ava si Scar pero agad na nasalo ni Scar ang bras oni Ava. Masyadong naging mabilis ang pangyayari na sinabayan ng nasasaktang sigaw ni Ava. Kinailangan kong itulak palayo si Scar.Tumalsik siya papunta sa sahig at dumiin ang kaniyang kamay sa isang matalas na piraso ng vase. Kitang kita ito ng dalawa kong mg
POV ni Sebastian Dahan dahang iniling ni Scar ang kaniyang ulo bago niya ipamukha sa akin ang pagkadismayang nararamdaman niya. “Kung ganoon, ALAM niya pala.”Hirap ba siyang umintindi ng Filipino? Hindi ito ang ibig kong sabihin!“Sinabi mo na aalis ako pero nagawa mo pa rin akong isumbong sa daddy mo,” Suminghal si Scar kay Ava nang may purong gigil sa kaniyang boses, “Kung papipiliin ka sa pagitan ng iyong Romeo at ng aking dugo, mukhang gusto mo pa rin ng dugo ko huh?”Naiintindihan ko kung bakit ayaw sa kaniya ni Ava. Gusto ko ng selyuhan ang makamandag niyang mga labi sa mga sandaling ito.“Kinuha mo siya sa akin!” Hysterical na umiyak sa lamesa si Ava, “Nagawa mo siyang kunin sa akin! Kinuha mo siya! Akin siya! Nakatakda kaming magsama habangbuhay!”“Okay,” Kalmadong ngiti ni Scar kay Ava, masyado itong kalmado para makilala ko siya. Nagpakita ng kaunting pangaakit sa kaniyang itsura ang mapulang marka ng palad sa kaniyang pisngi. “Makikipagdivorce ako sa kaniya ngayong a
POV ni SebastianNararamdaman ko na mayroong mali sa kaniya, alam ko na ito ngayon.Ito ang mga mata niyang puno ng pagmamahal. Malinaw ko itong makikita sa kaniyang mga mata bago pa kami tumuntong sa tamang edad para maintindihan ang salitang pagibig, at hindi niya ito itinago sa akin.Naroroon pa ang pagmamahal na iyon kaninang umaga, nang ibigay niya sa akin ang mga divorce paper. Pero ngayon, wala na ang siglang ito sa kaniyang mga mata.Hindi ko siya makilala nang wala nito.Naramdaman ko na nawala sa akin ang isang importanteng bagay. Alam ko na hindi ito dapat ang maramdaman ko.Sakit sa ulo ang ibinigay ng pagmamahal niya sa akin. Dahil kung hindi niya ako mahal, hindi niya ako ibablackmail at hindi ko rin siya kamumuhian nang ganito. Hindi rin ako makakasal sa taong hindi ko naman gusto at matagal ko na sanang nakasama si Ava!Kung hindi niya ako mahal, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Ililigtas niya si Ava na parang kaniyang kapatid gaya ng inaasahan at kasama ko na
POV ni ScarlettNang makarating ako sa bahay ni Aurora, nakatulog ako ng malalim, sa loob ng tatlong araw dahil sinat na dumapo sa akin pagkatapos ng gulong naganap sa pagitan ko at ng dati kong pamilya. Wala na akong tahanan.Hindi siyempre ako kinontact ni Sebastian. Pero nasurpresa ako nang hindi makarating sa akin ang mga divorce papers na inaasahan ko sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.“Gising ka na ba, sleeping beauty?” Isang malaking ngiti ang makikita sa mukha ni Aurora nang pumasok ito dala ang isang baso sa kaniyang kamay, “Kumusta na ang pakiramdam mo?”Manhid. Mas maigi na ito kaysa sa nararamdaman ko sa karamihan ng araw ko sa impyernong iyon.“Tubig ito na hinaluan ko ng honey at luya,” Umupo si Aurora sa aking tabi habang pinupunasan ko ang aking mukha para gumising, “Nakakatulong ito sa lagnat. Subok ko na ito.”Alam niya na ayaw ko ng luya! Pero alam ko rin na hindi ko magagawang makipagbiruan sa aking katawan lalo na ngayon. Mayroon na akong bata sa akin
POV ni Scarlett Dalawang salita. Pagkalipas ng tatlong araw. Ito lang ang kaniyang masasabi pagkatapos kong mawala ng tatlong araw? Kung wala lang si Aurora para sumuporta sa akin, siguradong namatay na ako sa isang madilim na eskinitang hindi dinadaanan ng maraming tao, hindi niya mababalitaan ang nangyari sa akin hangga’t hindi ako nahahanap ng mga pulis.Iniisip ba niya na pagkatapos niya akong tratuhing basura na siyang magpapasabog sa akin na “uuwi” na lang ako at magiging okay na ang lahat?Tinitigan ko ang dalawang mga salitang iyon nang husto hanggang sa manakit ang aking mga mata nang bigla akong matawa—Maaaring hindi niya sineseryoso ang mga divorce papers o hindi niya naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang divorce.“Uuwi ka?” Maaari mo bang matawag na tahanan ang isang bahay kung hindi na kasal ang magkasintahang nakatira roon? Pagkatapos ng hindi maganda naming kumprontasyon, pagkatapos kong makita ang tunay na kulay ng tinatawag kong “pamilya”, pagkatap
POV ni ScarlettNalunod ako sa hindi pamilyar na tuwang naramdaman ko nang gawin ko ang script ng buong araw. Napakatagal kong nilagay ang aking “pamilya” sa sentro ng aking buhay kaya nakalimutan ko ng mabuhay para sa aking sarili.Halos hindi na ako umabot sa date namin ni Aurora nang huminto ako sa paggawa ng script. Dali dali akong nagpunta sa Nightingale pero nagawa ko pa ring makarating doon sampung minuto bago ang alas otso. Mas pinipili kong maging maaga. Pero pinagsisihan ko ito pagdating ko roon.Ang Nightingale ay ang pinakamalaking nightclub sa buong siyudad. Isa itong napakagandang lugar para mag aliw ang kahit na sino hangga’t magagawa mong makabili ng inumin dito. Madalas kaming tumatambay dito noong college para ienjoy ang “safe hour” ng nightclub na ito para maginom at magsaya.Alas otso hanggang hatinggabi, apat na oras ng liwanag, maingay at masiglang mga tugtog na sinabayan pa ng nakalalasing na mga inumin at pulutan habang nakikipagkwentuhan kami sa kung kani
POV ni Scarlett“Hindi na sumusunod ang mga mata mo sa kaniya, at sa bawat sandaling tumatama ang mga ito sa kaniya, tanging pagdadalamhati na lang ang nakikita ko sa mga ito. Nangyari na ang pinakamasaklap na kahihinatnat ng inyong pagsasama…” Buntong hininga ni Lola, “Ayaw kitang tumuloy sa pagpapakasal as kaniya dahil ayaw ko itong mangyari sa iyo, ako ang naaawa sa iyo iha, ayaw kitang masaktan nang husto dahil ayaw kong makitang magdilim ang liwanag sa napakaganda mong mga mata…mukhang nabigo pa rin ako sa huli na protektahan ka.”“Lola…!” Gulat kong bulong kay Lola. Hindi ko ito alam! Nakita ni Lola ang lahat at para isipin na nagtagumpay kami sa panloloko sa kaniya.“Nasktan ka niya nang husto sa pagkakataong ito, hindi ba?” Nanlalamig akong tinanong ni Lola habang nakadirekta ang kaniyang panlalamig kay Sebastian. Nakaramdam ako nang pagcacare sa mga sinabi niyang iyon.Siya ang pinakamalapit kay Sebastian, at hindi ito mangyayari kung hindi ko nagawang iblackmaila ng kan
POV ni ScarlettHindi ko masagot si Lola. Tumayo lang ako roon habang pinapanood ko na magusap, tumawa, at magyakapan sina Sebastian at Ava. Ganito rin ang ginawa ni Lola sa aking tabi. Tahimik siyang nanood habang hindi nagpapakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Kung matatanggap na ni Lola ang pagpunta ni Ava sa kaniyang kaarawan, at ang pagpapakita nito ng intimacy kay Sebastian sa publiko gaya ng kanilang ginagawa ngayon, bakit niya pa ako tinanong nang ganito?Si Ava ANG problema.“Dahil ba ito kay Ava?” Biglang tanong ni Lola bago siya humarap sa akin. Inalis ko ang aking mga mata mula sa pagtingin sa tahimik, at buong pusong pagyakap ni Sebastian kay Ava. Sinabi nito na nakahanda na ang mga divorce papers. Mukhang wala na ako sa posisyon para manghusga. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ako nasasaktan sa aking mga nakikita.DAPAT lang na magalit ako, nang hilahin niya si Ava sa kaniyang mga bisig na para bang ito ang pinakamahalaga niyang kayamanan, sa isang party
POV ni SebastianHindi ko alam kung ano masasabi ko noong araw na iyon.Isa si Olivia sa mga kilalang bully mula noong high school kaya hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinasabi niya. Pero hindi kailanman naging close si Ava rito kaya hindi ko maintindihan kung paano sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan… KUNG ito nga talaga ang nangyari.Hindi ko kailanman pinagdudahan si Ava kahit na ano pa ang kaniyang sabihin. Pero hindi na ako ganoon kasigurado sa kaniya ngayon, lalo na noong nagsinungaling siya kay Jack tungkol sa sinabi ni Scar. Pagkatapos ito ng pagpapanic ni Gabriel tungkol sa, “Palagi mong sabihin kay Ava sa bawat sandaling susubukan ni Scar na umalis sa bahay.”May kakayahan si Ava na magsinungaling at isa itong bagay na hindi ko matanggap noon.“Ano ang problema, Sebastian?” Inosenteng harap sa akin ni Ava habang dinadala ko siya sa isang sulok, isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Mga mata na pinagkatiwalaan ko nang buo.Gusto ko siyang
POV ni Damian Hinahanap ko ang aking kapatid na babae.Nawala siya 20 taon na ang nakalilipas at matagal ko na rin siyang hinahanap.Ang alam ko lang ay nawala siya sa North Dakota. I mean, doon namin nahanap ang katawan ni Mom. Hindi niya kasama sa lugar na iyon ang kapatid kong babae. Ilang taon na ang nakalilipas mula noong ianunsyo ng mga pulis ang kaniyang pagkamatay, sinabi ng mga ito na baka nakain siya ng isang ligaw na hayop. Isa itong hindi kapanipaniwalang rason na ibigay sa isang nagdadalamhating pamilya. Nagmakaawa ako sa mga pulis na huwag sumuko pero itinigil pa rin nila ang paghahanap para sa aking kapatid. Gusto ko silang kasuhan pero hindi ako pinayagan ni Dad na gawin ito. Hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.Ako. At hindi ko kayang mabuhay dala ang pasaning ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naging isang abogado. Nakita ko na ang madilim na bahagi ng sangkatauhan at gusto kong makagawa ng pagbabago sa sandaling may mangyaring unfairness na katulad
POV ni ScarlettNakikita ng lahat na nagsisinungaling si Ava sa puntong ito, at maging si Olivia pero mas pinili pa rin nito na ilaglag si Ava kaysa sa kaniyang sarili— Si Olivia ang nagbato ng mga pangiinsulto kay Lilith kaya siguradong makikita siya ng lahat bilang isang bully sa sandaling humingi siya ng tawad sa lalaki. Pero nagpumilit pa ito na humihingi lang siya ng hustisya para sa kaniyang “best friend”, kaya ang kaibigan niyang ito na ang sumasalo sa lahat ng sisi. “Hi—Hindi ako nagpakita sa iyo ng kahit na isang dress! Olivia…” Tumingala si Ava papunta kay Olivia habang nagsasalita siya gamit ang nasasaktan niyang boses, “Pasensya ka na kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, pero hindi ko kailanman sinabi na peke ang suot na dress ni Lilith…”“Pero sinabi mo na—” Sagot no Olivia hanggang sa matigilan ito sa kaniyang pagsasalita. Dito na siya nagpakita ng matinding pagkagulat sa kaniyang mukha.Dahan dahan kong iniling ang aking ulo. Masyado talagang inosente s
POV ni ScarlettNabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Sumimangot si Aurora—habang nireresolba naman ni Lola ang sitwasyon para sa lalaki pero mukhang hindi pa rin niya ito naiintindihan. Nagpipigil na ngumiti ng buong galang si Ava habang perpekto siyang nagpapakita ng pagkadismaya sa isang “wala sa lugar na sinungaling”Maging si Lola ay nasurpresa sa kaniyang narinig. Nagaalalang tiningnan ni Lilith ang lalaki bago niya ito bigyan ng isang naninigurong ngiti.Hinaluan ng mga walang awang babae ng pangungutya ang kanilang mga pagatake pero hindi nito naapektuhan ang lalaki. Magalang lang siyang ngumiti sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin siya ng direkta kay Ava. “Hindi ko sigurado kung gusto kong sagutin ang iyong tanong,” Bahagyang nguso ni Ava, “Ngayong hindi mo magawang sagutin ang tanong ko.”Tungkol ba ito sa kaniyang pangalan? I mean, hindi nga niya ito sinagot, pero hindi ito nakakaooffend para sa kahit na sino—“Bakit mo—” Humakbang ang lalaki papun
POV ni Scarlett“So, sinasabi mo na bumili ako ng pekeng dress, ganoon ba?”Hindi pinakawalan ng guwapong estranghero si Lilith habang tumitingin siya sa grupo ng mga nangutyang mga babae na kaniyang tinanguan. Dito na siya biglang gumalaw na naging elegante sa aking mga mata, isa itong napakagandang palabas para sa akin. Mukhang ganito rin ang naramdaman ni Lilith dahil tiningnan niya rin ang tila hiniwang marka ng lalaki sa kaniyang dibdib. “I—” Tumingin ang mga babae sa grupo sa gitna, si Olivia Keen, ang best friend ni Ava. Nagpumilit itong sumagot ng, “I mean…”Tumama ang mata nilang lahat kay Ava, masyado itong ninenerbiyos kaya nangailangan ito ng utos mula sa kaniyang master.“I’m sorry, pero sino ang mga kausap ko?” Inayos ni Ava ang kaniyang lalamunan bago siya humakbang paabante, naging magalang at maganda ang tono ng kaniyang boses. Ito ang boses na kaniyang ginagamit para magpaimpress. Mukhang aminado rin siya na guwapo nga ang lalaking ito o baka nalaman niya ang
POV ni ScarlettMadalas akong makipagtalo kay Ava noong may pakialam pa ako.Wala na akong pakialam kay Sebastian ngayon, at wala na akong kagustuhan na “makuha” ang puso nito sa kaniya lalo na sa isang walang katuturang pagtatalo. Kaniya na ang puso ni Sebastian, tapos. Gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko ngayon. Palaging si Ava ang nananalo sa sagupaan naming dalawa dahil pinagmumukha niya akong bully sa aming dalawa. Hindi niya alam kung kailan siya dapat sumuko kaya hindi siya nakapagsalita noong mga sandaling iyon, tahimik siyang napakagat sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na tumatabi ang kaniyang mga kasabwat.Hinawakan ko ang wrist ni Lilith habang humaharap ako kay Lola, “Pasensya na po talaga kayo…”“Saan ka pupunta?”Muntik ko ng mabangga ang isang lalaki pero agad akong napatigil sa kaniyang mga sinabi. Pinalitan niya ang grupo ng mga babaeng humaharang sa aking daraanan. Para isipin na masyadong interesante ang pagkakaroon namin ng pambihirang kulay ng
POV ni Scarlett“Ichecheck ko lang po ito, Lola!” Bahagya kong inangat ang aking dress bago ako dali daling umalis.“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Lola, sumimangot siya habang tumitingin siya sa paligid. Ayaw niya ng mga taong gumagawa ng gulo sa kaniyang party at mas titindi ang kaniyang pagkainis kung kilala niya kung sino talaga si Lilith. Sumagot naman ako ng: “Hindi na po kailangan, Lola, ako na po ang bahala rito—" Pero bago pa man ako matapos sa aking sasabihin, isang matinis na boses ang pumigil sa aking pagsasalita:“Hindi niyo na po ito kailangan pang abalahin, Lola. Sigurado akong maaayos ni Scar ang sitwasyon…lalo na’t kaibigan niya ang babaeng iyon.” Ang ahas na si Ava Fuller. Gagamitin niya siyempre ang pagkakataong ito para pumasok sa eksena. Naniniwala ako na may kinalaman siya sa kung ano mang nangyayari kay Lilith ngayon. Siya lang ang tao na posibleng mamahiya kay Lilith dito.Pero nasurpresa ako nang hindi pinakinggan ni Lola ang mga sinabi ni Ava, nanlalami