POV ni Scarlett Dalawang salita. Pagkalipas ng tatlong araw. Ito lang ang kaniyang masasabi pagkatapos kong mawala ng tatlong araw? Kung wala lang si Aurora para sumuporta sa akin, siguradong namatay na ako sa isang madilim na eskinitang hindi dinadaanan ng maraming tao, hindi niya mababalitaan ang nangyari sa akin hangga’t hindi ako nahahanap ng mga pulis.Iniisip ba niya na pagkatapos niya akong tratuhing basura na siyang magpapasabog sa akin na “uuwi” na lang ako at magiging okay na ang lahat?Tinitigan ko ang dalawang mga salitang iyon nang husto hanggang sa manakit ang aking mga mata nang bigla akong matawa—Maaaring hindi niya sineseryoso ang mga divorce papers o hindi niya naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang divorce.“Uuwi ka?” Maaari mo bang matawag na tahanan ang isang bahay kung hindi na kasal ang magkasintahang nakatira roon? Pagkatapos ng hindi maganda naming kumprontasyon, pagkatapos kong makita ang tunay na kulay ng tinatawag kong “pamilya”, pagkatap
POV ni ScarlettNalunod ako sa hindi pamilyar na tuwang naramdaman ko nang gawin ko ang script ng buong araw. Napakatagal kong nilagay ang aking “pamilya” sa sentro ng aking buhay kaya nakalimutan ko ng mabuhay para sa aking sarili.Halos hindi na ako umabot sa date namin ni Aurora nang huminto ako sa paggawa ng script. Dali dali akong nagpunta sa Nightingale pero nagawa ko pa ring makarating doon sampung minuto bago ang alas otso. Mas pinipili kong maging maaga. Pero pinagsisihan ko ito pagdating ko roon.Ang Nightingale ay ang pinakamalaking nightclub sa buong siyudad. Isa itong napakagandang lugar para mag aliw ang kahit na sino hangga’t magagawa mong makabili ng inumin dito. Madalas kaming tumatambay dito noong college para ienjoy ang “safe hour” ng nightclub na ito para maginom at magsaya.Alas otso hanggang hatinggabi, apat na oras ng liwanag, maingay at masiglang mga tugtog na sinabayan pa ng nakalalasing na mga inumin at pulutan habang nakikipagkwentuhan kami sa kung kani
POV ni Scarlett“Ano?” Hindi ko dapat ito sinabi, pero tumawa ako ng malakas.Masyado itong madrama maging para kay Ava.“Gusto, mo, siyang, patayin,” Nanlalamig na sinabi ni Gabriel. Seryoso talaga siya sa kaniyang akusasyon habang gigil akong tinititigan ng mga miyembro ng kaniyang gang na parang isang grupo ng mga bully na nakatingin sa isang masamang tao.“Nabanggit b ani Ava na ang huling sandali na nagkita kami ay noong magpunta ako sa study room ng pinakamamahal niyang ama? Kasama ko roon ang kaniyang daddy, ang kaniyang mommy, at ang kaniyang Romeo.”“Ano naman ngayon?” Hindi nagawang tumawa ni Gabriel na hindi nakaintindi sa aking sinasabi. “Ano naman ngayon?” Itinaas ko ang aking kilay, alam ko na maiinis siya nang husto sa sandaling iirap ko ang aking mga mata kaya hindi ko ito ginawa, “Paano mo nagawang maimagine na mapagbubuhatan ko siya ng kamay habang nakabantay sa kaniya ang kaniyang mga tautauhan?”“Hindi mo siya pinagbuhatan ng kamay?” Tumayo si Gabriel at map
POV ni SebastianNamalagi si Scar kay Aurora ng tatlong araw na nagsara sa kaniyang buhay mula sa akin.Alam ko na hindi talaga maganda ang mga bagay bagay sa akin sa mga sandaling ito. Hindi ko pinansin ang desperasyon sa kaniyang mga mata nang ibigay niya sa akin ang mga divorce papers habang itinuturing ko lang ito bilang mga drama gaya ng palagi niyang ginagawa. Maliban sa pagkakataong ito nang patulan ko ang kaniyang bluff, hindi ito naging maganda.Sinubukan kong manatili sa aking routine pero hindi na ito katulad noong dati.Pinapanatiling malinis si Scar ang hapag kainan sa tuwing kakain kami at nanatili itong malinis nitong nakalipas na tatong araw. Pero naramdaman ko na masyado itong malamig. Mas malamig sa loob ng bahay na ito ngayon. Umuuwi ako para kumain, matulog at magpalit ng damit pero hindi ko nararamdaman na tahanan ang bahay na inuuwian ko. Naramdaman ko na walang laman ang bahay na ito.Mas masaklap pa ito sa nararamdaman ko sa mga hotel room.Hindi ko alam k
POV ni Scarlett“Huwag kang lalapit sa akin!” Sigaw ko, wala na akong pakialam sa atensyong nakukuha ko ngayon. “Walang makapagliligtas sa iyo rito,” Tawa ni Gabriel, “Walang kahit na sino. At alam mo kung bakit? Dahil GANITO ka kasama, dapat lang iyan sa isang demonyang katulad mo.”Dali dali siyang naglakad palapit habang dinadampot ko ang bote ng beer na tinititigan ng aking gma mata. Binasag ko ito sa lamesa para magamit ko ito bilang sandata.“Huwag na huwag kang lalapit sa akin!” Tutok ko sa matalas na dulo ng basag na bote kay Gabriel, umatras ako kasabay ng paglapit niya sa akin.“Gawin mo, aking kapatid,” Taas ni Gabriel sa kaniyang ulo para ipakita ang kaniyang lalamunan sa akin, “Ipakita mo na isa ka talagang mamamatay tao, at ipakita mo ito sa lahat!”“Subukan mo pang lumapit at isasaksak ko ito sa lalamunan KO!” Itinutok ko ang dulo ng bote sa aking baba, “Sigurado ako na alam mong mamamatay ako rito dahil walang sapat na dugo ang siyudad na ito para sa akin!”Malu
POV ni Scarlett“Para uminom,” Binalewala ko ang kaniyang tanong bago ako umalis. Ayaw ko siyang kausapin pero kailangan kong magsalita para makontrol ko ang nanginginig kong katawan. Nang biglang hawakan ni Sebastian ang aking baba bago nito iharap ang aking ulo papunta sa kaniyang direksyon, nakasimangot nitong niyuko ang kaniyang ulo sa akin: “Nahiwa ka sa ginawa mo.”“Huwag mo nga akong hawakan,” Nakasimangot kong itinulak ang kaniyang kamay pero hindi niya ako pinakawalan.Matutuwa ako nang husto kung noon ito nangyari dahil nasa akin ang buong atensyon niya ng isang sandali. Pero hindi na ngayon. Ayaw ko nang hawakan niya ako na para bang isa ako sa mga bagay na pagmamayari niya. Totoo ito noon. Pero hindi na ngayon. Nanginig ang aking kamay nang idiin ko ang bote sa ilalim ng aking babae. Hindi ko inakala na ganito pala ito katalas. Itinutok niya ang ulo ko sa kaniya para mapilitan akong tingnan siya sa halip na tingnan ang aking sugat. “Gusto mo ba talagang tumulong na
POV ni Scarlett“Puwede bang hinaan mo ang boses mo?!” Inis na sinabi ni Sebastian kay Gabriel. Sapat na ang malaking yaman para maging isang artista sa mata ng ibang tao. At para sa mga artistang kagaya ni Sebastian, masyadong magiging malaki ang impact ng kanilang pagaasawa sa business sa sandaling magkamali sila sa pagdedesisyon pagdating sa mga bagay na ito. Pinagisipan ko ang lahat at alam ko na hindi ito magiging problema, pero hindi ko ito dapat sinabi kay Adrian hangga’t hindi pa ito inaanunsyo ni Sebastian.Paalis na ako nang mapatigil ako para magsabi sa kaniya ng: “Pasensya na dahil napaaga ang pagaanunsyo ko rito. Pero oras na ang kalaban mo ngayon kaya mas makabubuti kung ipapaasikaso mo na ito sa abogado mo ngayong gabi.”Ang karibal niyang si Adrian at ang mangmang na si Gabriel? Sila ang dalawang tao na hindi dapat pagsabihan ng isang lihim na ayaw ipagsabi ni Sebastian sa iba.Hindi ko alam kung pinapatagal niya lang ang lahat dahil sa kawalan niya ng tiwala sa d
POV ni ScarlettHindi ko naiwasang tingnan si Sebastian, at gaya ng inaasahan, nakasimangot ito sa kaniya. KINAMUMUHIAN niya si Lilith! Bakit siya nandito?! Bakit siya magpupunta rito NGAYONG kasama ko si Sebastian? Kumabog nang husto ang aking dibdib habang dahan dahan akong humaharap sa aking likuran.Dito na itinapon ni Aurora ang kaniyang sarili papunta sa akin.“Scar! Okay ka lang ba?” Hinawakan ako ni Aurora bago niya ako icheck mula ulo hanggang paa, “Patawarin mo ako! Na…nagkaroon lang ako ng problema—ano ang amoy na dumikit diyan sa buhok mo—OMG! Dinudugo ka!”Natawa naman ako sa aking pwesto, hindi ako halos makahinga sa mala machine-gun na atensyong ibinigay sa akin ni Aurora.Naramdaman ko na bumalik ako sa nakaraan noong mga sandaling iyon. Dahil sa bawat sandaling inaapi ako ni Gabriel, agad akong ipinagtatanggol ni Aurora habang si Lilith… Pasimple kong tiningnan si Lilith, at agad na tumama ang nanlalamig niyang mga mata sa mga mata ko na parang matatalas na kuts
POV ni Scarlett“Hindi na sumusunod ang mga mata mo sa kaniya, at sa bawat sandaling tumatama ang mga ito sa kaniya, tanging pagdadalamhati na lang ang nakikita ko sa mga ito. Nangyari na ang pinakamasaklap na kahihinatnat ng inyong pagsasama…” Buntong hininga ni Lola, “Ayaw kitang tumuloy sa pagpapakasal as kaniya dahil ayaw ko itong mangyari sa iyo, ako ang naaawa sa iyo iha, ayaw kitang masaktan nang husto dahil ayaw kong makitang magdilim ang liwanag sa napakaganda mong mga mata…mukhang nabigo pa rin ako sa huli na protektahan ka.”“Lola…!” Gulat kong bulong kay Lola. Hindi ko ito alam! Nakita ni Lola ang lahat at para isipin na nagtagumpay kami sa panloloko sa kaniya.“Nasktan ka niya nang husto sa pagkakataong ito, hindi ba?” Nanlalamig akong tinanong ni Lola habang nakadirekta ang kaniyang panlalamig kay Sebastian. Nakaramdam ako nang pagcacare sa mga sinabi niyang iyon.Siya ang pinakamalapit kay Sebastian, at hindi ito mangyayari kung hindi ko nagawang iblackmaila ng kan
POV ni ScarlettHindi ko masagot si Lola. Tumayo lang ako roon habang pinapanood ko na magusap, tumawa, at magyakapan sina Sebastian at Ava. Ganito rin ang ginawa ni Lola sa aking tabi. Tahimik siyang nanood habang hindi nagpapakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Kung matatanggap na ni Lola ang pagpunta ni Ava sa kaniyang kaarawan, at ang pagpapakita nito ng intimacy kay Sebastian sa publiko gaya ng kanilang ginagawa ngayon, bakit niya pa ako tinanong nang ganito?Si Ava ANG problema.“Dahil ba ito kay Ava?” Biglang tanong ni Lola bago siya humarap sa akin. Inalis ko ang aking mga mata mula sa pagtingin sa tahimik, at buong pusong pagyakap ni Sebastian kay Ava. Sinabi nito na nakahanda na ang mga divorce papers. Mukhang wala na ako sa posisyon para manghusga. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ako nasasaktan sa aking mga nakikita.DAPAT lang na magalit ako, nang hilahin niya si Ava sa kaniyang mga bisig na para bang ito ang pinakamahalaga niyang kayamanan, sa isang party
POV ni SebastianHindi ko alam kung ano masasabi ko noong araw na iyon.Isa si Olivia sa mga kilalang bully mula noong high school kaya hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinasabi niya. Pero hindi kailanman naging close si Ava rito kaya hindi ko maintindihan kung paano sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan… KUNG ito nga talaga ang nangyari.Hindi ko kailanman pinagdudahan si Ava kahit na ano pa ang kaniyang sabihin. Pero hindi na ako ganoon kasigurado sa kaniya ngayon, lalo na noong nagsinungaling siya kay Jack tungkol sa sinabi ni Scar. Pagkatapos ito ng pagpapanic ni Gabriel tungkol sa, “Palagi mong sabihin kay Ava sa bawat sandaling susubukan ni Scar na umalis sa bahay.”May kakayahan si Ava na magsinungaling at isa itong bagay na hindi ko matanggap noon.“Ano ang problema, Sebastian?” Inosenteng harap sa akin ni Ava habang dinadala ko siya sa isang sulok, isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Mga mata na pinagkatiwalaan ko nang buo.Gusto ko siyang
POV ni Damian Hinahanap ko ang aking kapatid na babae.Nawala siya 20 taon na ang nakalilipas at matagal ko na rin siyang hinahanap.Ang alam ko lang ay nawala siya sa North Dakota. I mean, doon namin nahanap ang katawan ni Mom. Hindi niya kasama sa lugar na iyon ang kapatid kong babae. Ilang taon na ang nakalilipas mula noong ianunsyo ng mga pulis ang kaniyang pagkamatay, sinabi ng mga ito na baka nakain siya ng isang ligaw na hayop. Isa itong hindi kapanipaniwalang rason na ibigay sa isang nagdadalamhating pamilya. Nagmakaawa ako sa mga pulis na huwag sumuko pero itinigil pa rin nila ang paghahanap para sa aking kapatid. Gusto ko silang kasuhan pero hindi ako pinayagan ni Dad na gawin ito. Hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.Ako. At hindi ko kayang mabuhay dala ang pasaning ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naging isang abogado. Nakita ko na ang madilim na bahagi ng sangkatauhan at gusto kong makagawa ng pagbabago sa sandaling may mangyaring unfairness na katulad
POV ni ScarlettNakikita ng lahat na nagsisinungaling si Ava sa puntong ito, at maging si Olivia pero mas pinili pa rin nito na ilaglag si Ava kaysa sa kaniyang sarili— Si Olivia ang nagbato ng mga pangiinsulto kay Lilith kaya siguradong makikita siya ng lahat bilang isang bully sa sandaling humingi siya ng tawad sa lalaki. Pero nagpumilit pa ito na humihingi lang siya ng hustisya para sa kaniyang “best friend”, kaya ang kaibigan niyang ito na ang sumasalo sa lahat ng sisi. “Hi—Hindi ako nagpakita sa iyo ng kahit na isang dress! Olivia…” Tumingala si Ava papunta kay Olivia habang nagsasalita siya gamit ang nasasaktan niyang boses, “Pasensya ka na kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, pero hindi ko kailanman sinabi na peke ang suot na dress ni Lilith…”“Pero sinabi mo na—” Sagot no Olivia hanggang sa matigilan ito sa kaniyang pagsasalita. Dito na siya nagpakita ng matinding pagkagulat sa kaniyang mukha.Dahan dahan kong iniling ang aking ulo. Masyado talagang inosente s
POV ni ScarlettNabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Sumimangot si Aurora—habang nireresolba naman ni Lola ang sitwasyon para sa lalaki pero mukhang hindi pa rin niya ito naiintindihan. Nagpipigil na ngumiti ng buong galang si Ava habang perpekto siyang nagpapakita ng pagkadismaya sa isang “wala sa lugar na sinungaling”Maging si Lola ay nasurpresa sa kaniyang narinig. Nagaalalang tiningnan ni Lilith ang lalaki bago niya ito bigyan ng isang naninigurong ngiti.Hinaluan ng mga walang awang babae ng pangungutya ang kanilang mga pagatake pero hindi nito naapektuhan ang lalaki. Magalang lang siyang ngumiti sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin siya ng direkta kay Ava. “Hindi ko sigurado kung gusto kong sagutin ang iyong tanong,” Bahagyang nguso ni Ava, “Ngayong hindi mo magawang sagutin ang tanong ko.”Tungkol ba ito sa kaniyang pangalan? I mean, hindi nga niya ito sinagot, pero hindi ito nakakaooffend para sa kahit na sino—“Bakit mo—” Humakbang ang lalaki papun
POV ni Scarlett“So, sinasabi mo na bumili ako ng pekeng dress, ganoon ba?”Hindi pinakawalan ng guwapong estranghero si Lilith habang tumitingin siya sa grupo ng mga nangutyang mga babae na kaniyang tinanguan. Dito na siya biglang gumalaw na naging elegante sa aking mga mata, isa itong napakagandang palabas para sa akin. Mukhang ganito rin ang naramdaman ni Lilith dahil tiningnan niya rin ang tila hiniwang marka ng lalaki sa kaniyang dibdib. “I—” Tumingin ang mga babae sa grupo sa gitna, si Olivia Keen, ang best friend ni Ava. Nagpumilit itong sumagot ng, “I mean…”Tumama ang mata nilang lahat kay Ava, masyado itong ninenerbiyos kaya nangailangan ito ng utos mula sa kaniyang master.“I’m sorry, pero sino ang mga kausap ko?” Inayos ni Ava ang kaniyang lalamunan bago siya humakbang paabante, naging magalang at maganda ang tono ng kaniyang boses. Ito ang boses na kaniyang ginagamit para magpaimpress. Mukhang aminado rin siya na guwapo nga ang lalaking ito o baka nalaman niya ang
POV ni ScarlettMadalas akong makipagtalo kay Ava noong may pakialam pa ako.Wala na akong pakialam kay Sebastian ngayon, at wala na akong kagustuhan na “makuha” ang puso nito sa kaniya lalo na sa isang walang katuturang pagtatalo. Kaniya na ang puso ni Sebastian, tapos. Gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko ngayon. Palaging si Ava ang nananalo sa sagupaan naming dalawa dahil pinagmumukha niya akong bully sa aming dalawa. Hindi niya alam kung kailan siya dapat sumuko kaya hindi siya nakapagsalita noong mga sandaling iyon, tahimik siyang napakagat sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na tumatabi ang kaniyang mga kasabwat.Hinawakan ko ang wrist ni Lilith habang humaharap ako kay Lola, “Pasensya na po talaga kayo…”“Saan ka pupunta?”Muntik ko ng mabangga ang isang lalaki pero agad akong napatigil sa kaniyang mga sinabi. Pinalitan niya ang grupo ng mga babaeng humaharang sa aking daraanan. Para isipin na masyadong interesante ang pagkakaroon namin ng pambihirang kulay ng
POV ni Scarlett“Ichecheck ko lang po ito, Lola!” Bahagya kong inangat ang aking dress bago ako dali daling umalis.“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Lola, sumimangot siya habang tumitingin siya sa paligid. Ayaw niya ng mga taong gumagawa ng gulo sa kaniyang party at mas titindi ang kaniyang pagkainis kung kilala niya kung sino talaga si Lilith. Sumagot naman ako ng: “Hindi na po kailangan, Lola, ako na po ang bahala rito—" Pero bago pa man ako matapos sa aking sasabihin, isang matinis na boses ang pumigil sa aking pagsasalita:“Hindi niyo na po ito kailangan pang abalahin, Lola. Sigurado akong maaayos ni Scar ang sitwasyon…lalo na’t kaibigan niya ang babaeng iyon.” Ang ahas na si Ava Fuller. Gagamitin niya siyempre ang pagkakataong ito para pumasok sa eksena. Naniniwala ako na may kinalaman siya sa kung ano mang nangyayari kay Lilith ngayon. Siya lang ang tao na posibleng mamahiya kay Lilith dito.Pero nasurpresa ako nang hindi pinakinggan ni Lola ang mga sinabi ni Ava, nanlalami