POV ni SebastianHindi ko pa kailanman nakikitang masaya si Scar na umabot sa punto na kung saan umabot ito sa kaniyang mga mata…pero nakita ko ito nang umalis siya kasama ng kaniyang mga kaibigan.Hindi siya kailaman tumatawa kasama ko, ngumingiti lang siya sa akin—noon, pero hindi na ngayon. Ilang buwan na niya itong hindi nagagawa sa akin. Kahit na noong ngumingiti pa siya, ibang iba ito sa pagtawa na kaniyang ginagawa niya ngayon kasama ng kaniyang mga kaibigan. Palaging matigas at pigil ang ngiti niya sa akin na parang isang tuta na natatakot masaktan habang nagpapasaya ito sa mga tao para sa pagkain.Hindi siya masaya sa akin. At siniguro ko na ito ang mararamdaman niya.Inakala ko na wala lang akong kakayahang “magmahal” sa kaniya. Pero hindi. Ayaw ko! At dahil dito, wala akong pakialam kung nasasaktan ko na siya. Pinwersa niya ako at ginamit ko iyon para majustify ang lahat ng ginagawa ko sa kaniya.Masyadong naging mahirap ang nakalipas na tatlong araw sa akin.Hindi ko
POV ni Sebastian “Gab,” Hatak ko sa kaniyang phone para magdemand ng, “Akala ko ba gusto mo nang umalis si Scar? Gusto na siyang paalisin ni Ava.”“Gusto kong iwanan KA niya at hindi ang siyudad na ito!” Nakipaglaban sa akin si Gabriel para sa kaniyang phone, “Paano kung kailanganin siyang muli ni Ava?!” Nanlamig dito ang aking dugo.Ito ba talaga ang Gab na kilala ko? Ang kilalang homecoming king? Ang mabait na kuya ni Ava na palaging nagpapakitang gilas dito? Ang kaibigang maaasahan ko sa lahat ng oras?Itinuring niyang tulong sa oras ng kagipitan ni Ava ang kapatid niyang babae?Isang… blood vessel?“Kumalma ka,” hindi ko napigilan ang panlalamig sa aking boses habang inaabot ko ang kaniyang phone, “Tatlong araw na ang nakalilipas. Tungkol ba saan ang lahat ng ito.”“Huh?” Kumalma at napakurap sa akin ang nasusurpresang si Gabriel, “Sinabi sa akin ni Ava na tungkol ito kay Mom… hindi ba?”Oo. Kung paano niya nagawang pabalikin doon si Scar.“Matagal na niyang hindi nabab
POV ni SebastianHindi talaga maganda ang presensya ni Adrian Dunn saan man ito magpunta.Hindi lang ang pinakamalaking kumpanya ng dyaryo sa buong siyudad ang minana nito mula sa kaniyang ama dahil minana rin nito ang nanlalamig at nagdidilim na pananaw ng kaniyang ama sa mundo na nagmula pa noong nakaraang siglo. Hindi siya naniniwala sa batas kundi sa kapangyarihan, hindi sa pagiging patas kundi sa ganda ng kwento. Nagagawa niyang manakit ng mga inosenteng tao kahit na inosente pa ang mga ito, at pinoprotektahan niya rin ang mga taong malapit sa kaniya hanggang sa abot ng kaniyang makakaya.Nilalabanan ko ang lahat ng mayroon siya kaya agad niyang ifinocus ang kaniyang target sa aking likuran. “Ano sa tingin mo, Baby-Seb?” Ngisi ni Adrian na para bang hindi nananakit ang mga galos niya sa kaniyang cheekbone.Oo nga. Ayaw na ayaw ko rin ng mga cheap na mga pangalang ibinibigay niya sa amin.“Lumayo ka nga sa akin, Adrian,” tayo ni Gabriel bago nyia gamitin ang “nakakasindak ni
POV ni Scarlett “Ewww! Totoo ba ang sinabi mo???” Banggit ni Aurora, “Nagawa mong matulog kasama siya sa IISANG kama?! Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?!”Hindi na kami nagtagal sa Nightingale nang makaharap namin si Gabriel doon kaya agad kaming naghanap ng matatambayan sa paligid hanggang sa makita namin ang isang maliit na bar sa tabi ng kalye. Isa itong tahimik at maliit na lugar na bagay para magkwentuhan ang mga babaeng katulad namin. Desperado namang ipinikit ni Lilith ang kaniyang mga mata na halos mamatay na sa nanghuhusgang mga tingin ni Aurora, “Isa lang itong aksidente, okay? Aksidente lang ang nangyari sa amin!”Naiintindihan ko na ang lahat. Madalas na si Lilith ang naghahandle ng karamihan sa mga “code red” ko. Pero hindi ko inasahan na maiinlove sa isa’t isa ang magkaaway na katulad nilang dalawa. Pero mukha pa rin namang inlove sa kaniya si Gabriel kanina…“Pero kay Gabriel pa talaga?!” Huminga ng malalim si Aurora para pakalmahin ang kaniyang sarili bago siya m
POV ni ScarlettNakalimutan ko ng umiyak sa sobrang gulat ko sa kaniyang mga sinabi: “…ano?” “Alam mo naman kung paano naigng constable si Damon sa lupain na kinatatayuan ng Villa noon, hindi ba?” Tanong ni Lilith.Hindi ko na ito masyadong maalala.“Noong araw na iyon, ipinatawag siya sa tahanan ng mga Knight. Nagreklamo ang mga kapitbahay sa paligid ng kanilang tahanan. Pero ang punto ko rito, masyadong malaki ang gulong ginawa ng Iron Lady at maging ni Ava noong araw na iyon!”“…ano?” Napakurap ako ngayong hindi ko na masundan ang kaniyang sinasabi.Ang Iron Lady ay ang lola ni Sebastian. Pinalaki niya si Sebastian pagkatapos mamatay ng mga magulang nito sa isang car accident habang pinoprotektahan nito ang mga negosyo ng pamilya sa mga taong nagbabalak magsamantala sa mga ito. Ito ang dahilan kung bakit siya nakilala sa pangalang Iron Lady.“Hayaan mong ako ang magpaliwanag nito,” Hinawakan ako ni Aurora sa aking likuran, naging mas mapagpasensya at kalmado ang tono ng kani
POV ni Scarlett Alam lang nila na “mayroon akong isang bagay” na gusto ni Sebastian, at ginamit ko ito para mablackmail siya. Sinabi ko ito kay Aurora nang pumunta ako sa kanila tatlong araw na ang nakalilipas ngayong wala na akong dapat pang itago tungkol sa mga issue ng aking pamilya. “Hmmm…” Nagsalita ako bago pa siya sagutin ni Aurora habang nakakaramdam ako ng pagdadalawang isip sa aking dibdib. Ngumuso naman si Aurora sa akin. Ayaw kong malaman ng napakaraming tao ang tungkol sa blood transfusion na ginagawa ko para kay Ava dahil ayaw kong makita nila ako bilang isang biktima. Pero ito ang specialty ni Ava. Sabagay, sa iksi ng pasensya ni Lilith, siguradong hindi ko alam kung ano ang kaniyang magagawa sa sandaling malaman nito ang tungkol sa kasunduan namin ni Jack Fuller.“Ano?” Tumusok ang paningin in Lilith sa aming dalawa ni Aurora, “Ano bang hindi ko dapat malaman?”Dito ko na biglang naintindihan kung bakit nahirapan nang husto si Lilith na sabihin sa akin ang lihim
POV ni ScarlettNabulunan ako sa aking iniinom na pumasok sa aking ilong hanggang sa lumuha ang aking mga mata.“I mean…” Pagkatapos ng ilang malalakas na ubo, parang nabuhay akong muli sa tulong ng ilang mga tissure. Tinitigan naman ako nina Lilith at Aurora na parang isang kriminal, “Sinabi ko na sa inyo, walang katulad ang procedure na ito. Iisa lang ang teorya sa isip ng doktor ni Ava nang magsimula kami rito, kaya…” “Ilang beses ka ba nagdonate?!” Tanong ni Aurora na para bang siya ang ina ko.“Lima…” Nauutal kong sinagot kahit na wala akong rason para mautal. Nabigo kami sa unang apat hanggang sa ikalimang procedure. At kahit na hindi pa siya napapagaling ng procedure, hinalikan ni Sebastian si Ava na para bang hindi na niya ako kailangan. Hindi ko na malingon ang nakakaawa kong itsura noong mga sandaling iyon.“Nasa loob pa rin naman ng ligtas na timing ang bawat procedure ng pagdodonate ko.” Dagdag ko pero parang hindi nila ako narinig sa aking mga sinabi.Naubos na an
POV ni Sebastian “Bakit? May nangyari nanaman ba kay Ava?” Simangot ng walang pakialam na si Scar habang nakakrus sa kaniyang dibdib ang magkabila niyang braso. Hindi manlang nito nagawang maging sarcastic, at ito ang pinakasarcastic na part.Inakala ko na matutuwa siya sa aking mga sinabi, gaya noon. Alam ko na nasaktan siya nang husto ngayon, pero inakala ko na magliliwanag ang kaniyang mga mata kahit na mananatili ang nanlalamig nitong mukha para makakuha ng mas marami pang mga nakakacomfort na salita mula sa akin, gaya noon. Pero hindi ko na ito nakita sa kaniya.Hinid ko inakala na magiging kasing lamig ng tuyong yelo ang naluluha at kulay purple niyang mga mata. Masyadong masakit na makitang ganito ang mga mata niya.Gusto mo ba talaga ng divorce? Hindi ko ito nagawang itanong. Siguradong oo ang magiging sagot niya rito, kahit na para lang masaktan ako. Naging magulo ang aking isip mula noong sumablay si Adrian. Hindi ko maimagine na gugustuhin talaga ni Scar na makipa
POV ni Scarlett“Hindi na sumusunod ang mga mata mo sa kaniya, at sa bawat sandaling tumatama ang mga ito sa kaniya, tanging pagdadalamhati na lang ang nakikita ko sa mga ito. Nangyari na ang pinakamasaklap na kahihinatnat ng inyong pagsasama…” Buntong hininga ni Lola, “Ayaw kitang tumuloy sa pagpapakasal as kaniya dahil ayaw ko itong mangyari sa iyo, ako ang naaawa sa iyo iha, ayaw kitang masaktan nang husto dahil ayaw kong makitang magdilim ang liwanag sa napakaganda mong mga mata…mukhang nabigo pa rin ako sa huli na protektahan ka.”“Lola…!” Gulat kong bulong kay Lola. Hindi ko ito alam! Nakita ni Lola ang lahat at para isipin na nagtagumpay kami sa panloloko sa kaniya.“Nasktan ka niya nang husto sa pagkakataong ito, hindi ba?” Nanlalamig akong tinanong ni Lola habang nakadirekta ang kaniyang panlalamig kay Sebastian. Nakaramdam ako nang pagcacare sa mga sinabi niyang iyon.Siya ang pinakamalapit kay Sebastian, at hindi ito mangyayari kung hindi ko nagawang iblackmaila ng kan
POV ni ScarlettHindi ko masagot si Lola. Tumayo lang ako roon habang pinapanood ko na magusap, tumawa, at magyakapan sina Sebastian at Ava. Ganito rin ang ginawa ni Lola sa aking tabi. Tahimik siyang nanood habang hindi nagpapakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Kung matatanggap na ni Lola ang pagpunta ni Ava sa kaniyang kaarawan, at ang pagpapakita nito ng intimacy kay Sebastian sa publiko gaya ng kanilang ginagawa ngayon, bakit niya pa ako tinanong nang ganito?Si Ava ANG problema.“Dahil ba ito kay Ava?” Biglang tanong ni Lola bago siya humarap sa akin. Inalis ko ang aking mga mata mula sa pagtingin sa tahimik, at buong pusong pagyakap ni Sebastian kay Ava. Sinabi nito na nakahanda na ang mga divorce papers. Mukhang wala na ako sa posisyon para manghusga. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ako nasasaktan sa aking mga nakikita.DAPAT lang na magalit ako, nang hilahin niya si Ava sa kaniyang mga bisig na para bang ito ang pinakamahalaga niyang kayamanan, sa isang party
POV ni SebastianHindi ko alam kung ano masasabi ko noong araw na iyon.Isa si Olivia sa mga kilalang bully mula noong high school kaya hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinasabi niya. Pero hindi kailanman naging close si Ava rito kaya hindi ko maintindihan kung paano sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan… KUNG ito nga talaga ang nangyari.Hindi ko kailanman pinagdudahan si Ava kahit na ano pa ang kaniyang sabihin. Pero hindi na ako ganoon kasigurado sa kaniya ngayon, lalo na noong nagsinungaling siya kay Jack tungkol sa sinabi ni Scar. Pagkatapos ito ng pagpapanic ni Gabriel tungkol sa, “Palagi mong sabihin kay Ava sa bawat sandaling susubukan ni Scar na umalis sa bahay.”May kakayahan si Ava na magsinungaling at isa itong bagay na hindi ko matanggap noon.“Ano ang problema, Sebastian?” Inosenteng harap sa akin ni Ava habang dinadala ko siya sa isang sulok, isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Mga mata na pinagkatiwalaan ko nang buo.Gusto ko siyang
POV ni Damian Hinahanap ko ang aking kapatid na babae.Nawala siya 20 taon na ang nakalilipas at matagal ko na rin siyang hinahanap.Ang alam ko lang ay nawala siya sa North Dakota. I mean, doon namin nahanap ang katawan ni Mom. Hindi niya kasama sa lugar na iyon ang kapatid kong babae. Ilang taon na ang nakalilipas mula noong ianunsyo ng mga pulis ang kaniyang pagkamatay, sinabi ng mga ito na baka nakain siya ng isang ligaw na hayop. Isa itong hindi kapanipaniwalang rason na ibigay sa isang nagdadalamhating pamilya. Nagmakaawa ako sa mga pulis na huwag sumuko pero itinigil pa rin nila ang paghahanap para sa aking kapatid. Gusto ko silang kasuhan pero hindi ako pinayagan ni Dad na gawin ito. Hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.Ako. At hindi ko kayang mabuhay dala ang pasaning ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naging isang abogado. Nakita ko na ang madilim na bahagi ng sangkatauhan at gusto kong makagawa ng pagbabago sa sandaling may mangyaring unfairness na katulad
POV ni ScarlettNakikita ng lahat na nagsisinungaling si Ava sa puntong ito, at maging si Olivia pero mas pinili pa rin nito na ilaglag si Ava kaysa sa kaniyang sarili— Si Olivia ang nagbato ng mga pangiinsulto kay Lilith kaya siguradong makikita siya ng lahat bilang isang bully sa sandaling humingi siya ng tawad sa lalaki. Pero nagpumilit pa ito na humihingi lang siya ng hustisya para sa kaniyang “best friend”, kaya ang kaibigan niyang ito na ang sumasalo sa lahat ng sisi. “Hi—Hindi ako nagpakita sa iyo ng kahit na isang dress! Olivia…” Tumingala si Ava papunta kay Olivia habang nagsasalita siya gamit ang nasasaktan niyang boses, “Pasensya ka na kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, pero hindi ko kailanman sinabi na peke ang suot na dress ni Lilith…”“Pero sinabi mo na—” Sagot no Olivia hanggang sa matigilan ito sa kaniyang pagsasalita. Dito na siya nagpakita ng matinding pagkagulat sa kaniyang mukha.Dahan dahan kong iniling ang aking ulo. Masyado talagang inosente s
POV ni ScarlettNabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Sumimangot si Aurora—habang nireresolba naman ni Lola ang sitwasyon para sa lalaki pero mukhang hindi pa rin niya ito naiintindihan. Nagpipigil na ngumiti ng buong galang si Ava habang perpekto siyang nagpapakita ng pagkadismaya sa isang “wala sa lugar na sinungaling”Maging si Lola ay nasurpresa sa kaniyang narinig. Nagaalalang tiningnan ni Lilith ang lalaki bago niya ito bigyan ng isang naninigurong ngiti.Hinaluan ng mga walang awang babae ng pangungutya ang kanilang mga pagatake pero hindi nito naapektuhan ang lalaki. Magalang lang siyang ngumiti sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin siya ng direkta kay Ava. “Hindi ko sigurado kung gusto kong sagutin ang iyong tanong,” Bahagyang nguso ni Ava, “Ngayong hindi mo magawang sagutin ang tanong ko.”Tungkol ba ito sa kaniyang pangalan? I mean, hindi nga niya ito sinagot, pero hindi ito nakakaooffend para sa kahit na sino—“Bakit mo—” Humakbang ang lalaki papun
POV ni Scarlett“So, sinasabi mo na bumili ako ng pekeng dress, ganoon ba?”Hindi pinakawalan ng guwapong estranghero si Lilith habang tumitingin siya sa grupo ng mga nangutyang mga babae na kaniyang tinanguan. Dito na siya biglang gumalaw na naging elegante sa aking mga mata, isa itong napakagandang palabas para sa akin. Mukhang ganito rin ang naramdaman ni Lilith dahil tiningnan niya rin ang tila hiniwang marka ng lalaki sa kaniyang dibdib. “I—” Tumingin ang mga babae sa grupo sa gitna, si Olivia Keen, ang best friend ni Ava. Nagpumilit itong sumagot ng, “I mean…”Tumama ang mata nilang lahat kay Ava, masyado itong ninenerbiyos kaya nangailangan ito ng utos mula sa kaniyang master.“I’m sorry, pero sino ang mga kausap ko?” Inayos ni Ava ang kaniyang lalamunan bago siya humakbang paabante, naging magalang at maganda ang tono ng kaniyang boses. Ito ang boses na kaniyang ginagamit para magpaimpress. Mukhang aminado rin siya na guwapo nga ang lalaking ito o baka nalaman niya ang
POV ni ScarlettMadalas akong makipagtalo kay Ava noong may pakialam pa ako.Wala na akong pakialam kay Sebastian ngayon, at wala na akong kagustuhan na “makuha” ang puso nito sa kaniya lalo na sa isang walang katuturang pagtatalo. Kaniya na ang puso ni Sebastian, tapos. Gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko ngayon. Palaging si Ava ang nananalo sa sagupaan naming dalawa dahil pinagmumukha niya akong bully sa aming dalawa. Hindi niya alam kung kailan siya dapat sumuko kaya hindi siya nakapagsalita noong mga sandaling iyon, tahimik siyang napakagat sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na tumatabi ang kaniyang mga kasabwat.Hinawakan ko ang wrist ni Lilith habang humaharap ako kay Lola, “Pasensya na po talaga kayo…”“Saan ka pupunta?”Muntik ko ng mabangga ang isang lalaki pero agad akong napatigil sa kaniyang mga sinabi. Pinalitan niya ang grupo ng mga babaeng humaharang sa aking daraanan. Para isipin na masyadong interesante ang pagkakaroon namin ng pambihirang kulay ng
POV ni Scarlett“Ichecheck ko lang po ito, Lola!” Bahagya kong inangat ang aking dress bago ako dali daling umalis.“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Lola, sumimangot siya habang tumitingin siya sa paligid. Ayaw niya ng mga taong gumagawa ng gulo sa kaniyang party at mas titindi ang kaniyang pagkainis kung kilala niya kung sino talaga si Lilith. Sumagot naman ako ng: “Hindi na po kailangan, Lola, ako na po ang bahala rito—" Pero bago pa man ako matapos sa aking sasabihin, isang matinis na boses ang pumigil sa aking pagsasalita:“Hindi niyo na po ito kailangan pang abalahin, Lola. Sigurado akong maaayos ni Scar ang sitwasyon…lalo na’t kaibigan niya ang babaeng iyon.” Ang ahas na si Ava Fuller. Gagamitin niya siyempre ang pagkakataong ito para pumasok sa eksena. Naniniwala ako na may kinalaman siya sa kung ano mang nangyayari kay Lilith ngayon. Siya lang ang tao na posibleng mamahiya kay Lilith dito.Pero nasurpresa ako nang hindi pinakinggan ni Lola ang mga sinabi ni Ava, nanlalami