POV ni ScarlettNabulunan ako sa aking iniinom na pumasok sa aking ilong hanggang sa lumuha ang aking mga mata.“I mean…” Pagkatapos ng ilang malalakas na ubo, parang nabuhay akong muli sa tulong ng ilang mga tissure. Tinitigan naman ako nina Lilith at Aurora na parang isang kriminal, “Sinabi ko na sa inyo, walang katulad ang procedure na ito. Iisa lang ang teorya sa isip ng doktor ni Ava nang magsimula kami rito, kaya…” “Ilang beses ka ba nagdonate?!” Tanong ni Aurora na para bang siya ang ina ko.“Lima…” Nauutal kong sinagot kahit na wala akong rason para mautal. Nabigo kami sa unang apat hanggang sa ikalimang procedure. At kahit na hindi pa siya napapagaling ng procedure, hinalikan ni Sebastian si Ava na para bang hindi na niya ako kailangan. Hindi ko na malingon ang nakakaawa kong itsura noong mga sandaling iyon.“Nasa loob pa rin naman ng ligtas na timing ang bawat procedure ng pagdodonate ko.” Dagdag ko pero parang hindi nila ako narinig sa aking mga sinabi.Naubos na an
POV ni Sebastian “Bakit? May nangyari nanaman ba kay Ava?” Simangot ng walang pakialam na si Scar habang nakakrus sa kaniyang dibdib ang magkabila niyang braso. Hindi manlang nito nagawang maging sarcastic, at ito ang pinakasarcastic na part.Inakala ko na matutuwa siya sa aking mga sinabi, gaya noon. Alam ko na nasaktan siya nang husto ngayon, pero inakala ko na magliliwanag ang kaniyang mga mata kahit na mananatili ang nanlalamig nitong mukha para makakuha ng mas marami pang mga nakakacomfort na salita mula sa akin, gaya noon. Pero hindi ko na ito nakita sa kaniya.Hinid ko inakala na magiging kasing lamig ng tuyong yelo ang naluluha at kulay purple niyang mga mata. Masyadong masakit na makitang ganito ang mga mata niya.Gusto mo ba talaga ng divorce? Hindi ko ito nagawang itanong. Siguradong oo ang magiging sagot niya rito, kahit na para lang masaktan ako. Naging magulo ang aking isip mula noong sumablay si Adrian. Hindi ko maimagine na gugustuhin talaga ni Scar na makipa
POV ni ScarlettTama ba ang mga naririnig ko sa kaniya?!Ang lalaki na hindi nagturing sa akin bilang kaniyang asawa, na nagkaroon ng relasyon sa aking kapatid pagkatapos niya akong pakasalan habang pinapahirapan ako ng limang taon ay nagaakusa sa AKIN na masyadong magaan ang tingin ko sa kasal naming dalawa?!Ano ba talaga ang kasal namin sa para kaniya? Isang basura!“Sa mga pekeng kasal, oo!” Pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw sa kaniya pero hindi naiwasang manlamig ng aking boses, “Pero mas mabigat pa rin ito kaysa sa naging turing mo sa kasal natin.” “Ganito mo ba ikakatwiran ang tungkol sa inyo ni Adrian?!” Gumawa siya ng hindi makapaniwalang tawa na para bang puro ako kalokohan.Si Adrian??? ISANG message lang ang ipinadala ko sa kaniya pero ako na ang manloloko sa aming dalawa?!“Hindi! Paano kung bigyan ko ito ng katwiran pagkatapos halikan ng aking asawa ang aking kapatid sa aking likuran?!”Nagawa ko na rin sa wakas. Ayaw ko ng idagdag ito sa aming usapan para
POV ni Scarlett Nagawa niyang magbigay sa akin ng atensyon sa pagkakataong ito: “Sinabihan mo ako na pakasalan ka—"Muli kong itinaas ang aking kamay pero agad niya itong nasalo bago ko pa man siya masampal: “Tama na, Scarlett Fuller! Ano ba ang gusto mong sabihin!”“Ang kasunduan, ay ang pagbibigay ko kay Ava ng lahat ng dugo at bone marrow at ng kung ano ano pang parte ng katawan ko na gusto niyang kunin sa akin,” Tiningnan ko Sebastian sa kaniyang mga mata, nagsalita ako nang may nananakit na lalamunan na para bang tumutusok ang isang kutsilyo rito, “At ikaw, bilang lihim kong crush ng ilang taon ay magbibigay sa akin ng pagkakataon para makuha ang iyong puso.” “Ikaw mismo ang nagpropose ng bagay na iyan, Sebastian Knight. Natatandaan mo ba?!”Nasabi ko na rin ito sa wakas at tumulo ang luha sa aking mga mata nang matapos ako sa ginagawa kong pagkontra gamit ang nanginginig kong boses, “Ikaw ang hindi tumupad sa usapan nating dalawa!”Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sobran
POV ni ScarlettSino ang nagsabi na hindi magandang lumebel sa kaaway mo dahil palagi dapat tayong umiintindi sa ating kapwa?Sinubukan kong umintindi pero wala na akong ibang nakuha kundi pamamahiya, sakit, at isang late na “salamat”. Ayaw ko na itong isipin pero napakasarap nito sa pakiramdam!Pagkatapos ng gabi na naglabas ako ng sama ng loob kay Sebastian, nakakita ako ng bagong liwanag sa aking buhay. Hindi na ako nakakaramdam ng sakit sa aking puso sa bawat segundong lumilipas dahil sa kaniya, magagawa ko na ring magfocus sa sarili kong buhay nang may sariwang pananaw. Hindi pa ako handang magmove on nang pirmahan ko ang mga divorce papers pero handa na ako ngayon.Naramdaman ko na binigyan ako ng bagong buhay. Inakala ko na matatagalan ako bago ako masanay na makita siyang kasama ni Ava pagkatapos ng divorce, at inakala ko rin na masasaktan ako nang husto hanggang sa mamanhid ang aking dibdib.Kailangan ko lang pala magsalita para matapos na ang lahat ngito. Ito na siguro
POV ni Scarlett “Sorry!” Banggit ko habang inaalis ko ang aking mga mata sa lamesa, dito na nakaramdam ng matinding nerbiyos ang aking dibdib, “Talagang…I mean…”Naramdaman ko ang pagiinit ng aking mga tainga. Napakahina ko sa mga ganitong klase ng bagay. Mas pipiin kong magsulat kaysa humarap sa mga tao anumang oras, lalo na sa isang businessman na kagaya niya.“Relax, nagbibiro lang ako,” Tawa niya bago niya iabot ang kaniyang kamay para makipagkamay, “Hindi ko maimagine na magiging interesado ka rito.”Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tila nagmula sa kawalang komento niya na nagkaroon ng mas malalim na kahulugan sa likod nito kaya mas pinili kong balewalain ito habang sinasagot ko ang tanong niya bago nito. “Salamat sa concern. Hindi naman naging ganoon kasama ang aking biyahe,” Kinuha ko ang kaniyang kamay bago ako magsalita habang napapataas nang kaunti ang kaniyang mga kilay. “Ito ang rason kung bakit ako nagsubway.”Tumawa naman siya sa kaniyang narinig.Alam
POV ni ScarlettNakaramdam ako ng hiya at gulat nang matapos ko ang aking pitch—nagawa kong magsalita ng dalawang oras nang walang tigil?!Habang nakatayo sa elevator, hindi ko maiwasang takpan ang aking mga mukha habang iniisip ko kung ano ang nangyari kanina.Napakaencouraging ng ipinakita niyang ngiti sa akin kanina habang tumatango siya sa akin. Nagawa niya pang magbigay ng ilang mga simpleng mga tanong kaya nawala ang atensyon ko sa oras.Naisip ko na mas importante nang husto kaysa sa aking pelikula ang pagkuha sa buong umaga ng isang bilyonaryo na katulad niya…Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Adrian Dunn noong mga sandaling iyon, at nang tumingala ako, nakangisi siya sa akin na parang isang tusong lobo na nakababasa sa aking mga iniisip.“Ughhh, mas mabuti siguro kung…” Tago ko sa aking iPad habang nakaturo ako sa pinto, “Maraming salamat sa pakikinig mo sa akin!”Gumawa naman ng isang mahinahong pagtawa ang lobo.“Hindi ka manlang nagkaroon ng oras para marinig
POV ni Scarlett“Pasensya na, Mr. Dunn!” Harap ko kay Adrian Dunn habang kumakabog nang malakas ang aking dibdib at nahihilo ang aking ulo nang dahil sa mga sinabi ni Sebastian. Ganito ba talaga sila magusap? Dahil mas madali itong paniwalaan kaysa sa pagpunta at pagiging agresibo ni Sebastian nang dahil sa akin.“Bakit ka humihingi ng tawad para sa kaniya?” Ngisi ni Adrian sa akin na napakalayo sa dapat niyang gawin sa sitwasyong ito.“Kung nakakalimutan mo, asawa ko siya!” Mabilis na sumagot si Sebastian na para bang naghihintay ito ng pagkakataong ideklara ang pagaari niya sa akin.“HINDI!” Galit kong isinagot sa kaniya bago ako huminga ng malalim at humarap kay Adrian Dunn, “Pasensya na sa naging papel ko para mangyari ang lahat ng ito, kung mayroon man…”“Hindi mo na kailangan pang humingi ng tawad.” Bumalik ang ngiti sa mukha ni Adriuan. Tumama ang kaniyang paningin kay Sebstian habang nagpapatuloy siya sa kaniyang pagsasalita, “Hindi na kayo magasawa ngayon kaya hindi ka
POV ni Scarlett“Hindi na sumusunod ang mga mata mo sa kaniya, at sa bawat sandaling tumatama ang mga ito sa kaniya, tanging pagdadalamhati na lang ang nakikita ko sa mga ito. Nangyari na ang pinakamasaklap na kahihinatnat ng inyong pagsasama…” Buntong hininga ni Lola, “Ayaw kitang tumuloy sa pagpapakasal as kaniya dahil ayaw ko itong mangyari sa iyo, ako ang naaawa sa iyo iha, ayaw kitang masaktan nang husto dahil ayaw kong makitang magdilim ang liwanag sa napakaganda mong mga mata…mukhang nabigo pa rin ako sa huli na protektahan ka.”“Lola…!” Gulat kong bulong kay Lola. Hindi ko ito alam! Nakita ni Lola ang lahat at para isipin na nagtagumpay kami sa panloloko sa kaniya.“Nasktan ka niya nang husto sa pagkakataong ito, hindi ba?” Nanlalamig akong tinanong ni Lola habang nakadirekta ang kaniyang panlalamig kay Sebastian. Nakaramdam ako nang pagcacare sa mga sinabi niyang iyon.Siya ang pinakamalapit kay Sebastian, at hindi ito mangyayari kung hindi ko nagawang iblackmaila ng kan
POV ni ScarlettHindi ko masagot si Lola. Tumayo lang ako roon habang pinapanood ko na magusap, tumawa, at magyakapan sina Sebastian at Ava. Ganito rin ang ginawa ni Lola sa aking tabi. Tahimik siyang nanood habang hindi nagpapakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Kung matatanggap na ni Lola ang pagpunta ni Ava sa kaniyang kaarawan, at ang pagpapakita nito ng intimacy kay Sebastian sa publiko gaya ng kanilang ginagawa ngayon, bakit niya pa ako tinanong nang ganito?Si Ava ANG problema.“Dahil ba ito kay Ava?” Biglang tanong ni Lola bago siya humarap sa akin. Inalis ko ang aking mga mata mula sa pagtingin sa tahimik, at buong pusong pagyakap ni Sebastian kay Ava. Sinabi nito na nakahanda na ang mga divorce papers. Mukhang wala na ako sa posisyon para manghusga. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ako nasasaktan sa aking mga nakikita.DAPAT lang na magalit ako, nang hilahin niya si Ava sa kaniyang mga bisig na para bang ito ang pinakamahalaga niyang kayamanan, sa isang party
POV ni SebastianHindi ko alam kung ano masasabi ko noong araw na iyon.Isa si Olivia sa mga kilalang bully mula noong high school kaya hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinasabi niya. Pero hindi kailanman naging close si Ava rito kaya hindi ko maintindihan kung paano sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan… KUNG ito nga talaga ang nangyari.Hindi ko kailanman pinagdudahan si Ava kahit na ano pa ang kaniyang sabihin. Pero hindi na ako ganoon kasigurado sa kaniya ngayon, lalo na noong nagsinungaling siya kay Jack tungkol sa sinabi ni Scar. Pagkatapos ito ng pagpapanic ni Gabriel tungkol sa, “Palagi mong sabihin kay Ava sa bawat sandaling susubukan ni Scar na umalis sa bahay.”May kakayahan si Ava na magsinungaling at isa itong bagay na hindi ko matanggap noon.“Ano ang problema, Sebastian?” Inosenteng harap sa akin ni Ava habang dinadala ko siya sa isang sulok, isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Mga mata na pinagkatiwalaan ko nang buo.Gusto ko siyang
POV ni Damian Hinahanap ko ang aking kapatid na babae.Nawala siya 20 taon na ang nakalilipas at matagal ko na rin siyang hinahanap.Ang alam ko lang ay nawala siya sa North Dakota. I mean, doon namin nahanap ang katawan ni Mom. Hindi niya kasama sa lugar na iyon ang kapatid kong babae. Ilang taon na ang nakalilipas mula noong ianunsyo ng mga pulis ang kaniyang pagkamatay, sinabi ng mga ito na baka nakain siya ng isang ligaw na hayop. Isa itong hindi kapanipaniwalang rason na ibigay sa isang nagdadalamhating pamilya. Nagmakaawa ako sa mga pulis na huwag sumuko pero itinigil pa rin nila ang paghahanap para sa aking kapatid. Gusto ko silang kasuhan pero hindi ako pinayagan ni Dad na gawin ito. Hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.Ako. At hindi ko kayang mabuhay dala ang pasaning ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naging isang abogado. Nakita ko na ang madilim na bahagi ng sangkatauhan at gusto kong makagawa ng pagbabago sa sandaling may mangyaring unfairness na katulad
POV ni ScarlettNakikita ng lahat na nagsisinungaling si Ava sa puntong ito, at maging si Olivia pero mas pinili pa rin nito na ilaglag si Ava kaysa sa kaniyang sarili— Si Olivia ang nagbato ng mga pangiinsulto kay Lilith kaya siguradong makikita siya ng lahat bilang isang bully sa sandaling humingi siya ng tawad sa lalaki. Pero nagpumilit pa ito na humihingi lang siya ng hustisya para sa kaniyang “best friend”, kaya ang kaibigan niyang ito na ang sumasalo sa lahat ng sisi. “Hi—Hindi ako nagpakita sa iyo ng kahit na isang dress! Olivia…” Tumingala si Ava papunta kay Olivia habang nagsasalita siya gamit ang nasasaktan niyang boses, “Pasensya ka na kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, pero hindi ko kailanman sinabi na peke ang suot na dress ni Lilith…”“Pero sinabi mo na—” Sagot no Olivia hanggang sa matigilan ito sa kaniyang pagsasalita. Dito na siya nagpakita ng matinding pagkagulat sa kaniyang mukha.Dahan dahan kong iniling ang aking ulo. Masyado talagang inosente s
POV ni ScarlettNabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Sumimangot si Aurora—habang nireresolba naman ni Lola ang sitwasyon para sa lalaki pero mukhang hindi pa rin niya ito naiintindihan. Nagpipigil na ngumiti ng buong galang si Ava habang perpekto siyang nagpapakita ng pagkadismaya sa isang “wala sa lugar na sinungaling”Maging si Lola ay nasurpresa sa kaniyang narinig. Nagaalalang tiningnan ni Lilith ang lalaki bago niya ito bigyan ng isang naninigurong ngiti.Hinaluan ng mga walang awang babae ng pangungutya ang kanilang mga pagatake pero hindi nito naapektuhan ang lalaki. Magalang lang siyang ngumiti sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin siya ng direkta kay Ava. “Hindi ko sigurado kung gusto kong sagutin ang iyong tanong,” Bahagyang nguso ni Ava, “Ngayong hindi mo magawang sagutin ang tanong ko.”Tungkol ba ito sa kaniyang pangalan? I mean, hindi nga niya ito sinagot, pero hindi ito nakakaooffend para sa kahit na sino—“Bakit mo—” Humakbang ang lalaki papun
POV ni Scarlett“So, sinasabi mo na bumili ako ng pekeng dress, ganoon ba?”Hindi pinakawalan ng guwapong estranghero si Lilith habang tumitingin siya sa grupo ng mga nangutyang mga babae na kaniyang tinanguan. Dito na siya biglang gumalaw na naging elegante sa aking mga mata, isa itong napakagandang palabas para sa akin. Mukhang ganito rin ang naramdaman ni Lilith dahil tiningnan niya rin ang tila hiniwang marka ng lalaki sa kaniyang dibdib. “I—” Tumingin ang mga babae sa grupo sa gitna, si Olivia Keen, ang best friend ni Ava. Nagpumilit itong sumagot ng, “I mean…”Tumama ang mata nilang lahat kay Ava, masyado itong ninenerbiyos kaya nangailangan ito ng utos mula sa kaniyang master.“I’m sorry, pero sino ang mga kausap ko?” Inayos ni Ava ang kaniyang lalamunan bago siya humakbang paabante, naging magalang at maganda ang tono ng kaniyang boses. Ito ang boses na kaniyang ginagamit para magpaimpress. Mukhang aminado rin siya na guwapo nga ang lalaking ito o baka nalaman niya ang
POV ni ScarlettMadalas akong makipagtalo kay Ava noong may pakialam pa ako.Wala na akong pakialam kay Sebastian ngayon, at wala na akong kagustuhan na “makuha” ang puso nito sa kaniya lalo na sa isang walang katuturang pagtatalo. Kaniya na ang puso ni Sebastian, tapos. Gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko ngayon. Palaging si Ava ang nananalo sa sagupaan naming dalawa dahil pinagmumukha niya akong bully sa aming dalawa. Hindi niya alam kung kailan siya dapat sumuko kaya hindi siya nakapagsalita noong mga sandaling iyon, tahimik siyang napakagat sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na tumatabi ang kaniyang mga kasabwat.Hinawakan ko ang wrist ni Lilith habang humaharap ako kay Lola, “Pasensya na po talaga kayo…”“Saan ka pupunta?”Muntik ko ng mabangga ang isang lalaki pero agad akong napatigil sa kaniyang mga sinabi. Pinalitan niya ang grupo ng mga babaeng humaharang sa aking daraanan. Para isipin na masyadong interesante ang pagkakaroon namin ng pambihirang kulay ng
POV ni Scarlett“Ichecheck ko lang po ito, Lola!” Bahagya kong inangat ang aking dress bago ako dali daling umalis.“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Lola, sumimangot siya habang tumitingin siya sa paligid. Ayaw niya ng mga taong gumagawa ng gulo sa kaniyang party at mas titindi ang kaniyang pagkainis kung kilala niya kung sino talaga si Lilith. Sumagot naman ako ng: “Hindi na po kailangan, Lola, ako na po ang bahala rito—" Pero bago pa man ako matapos sa aking sasabihin, isang matinis na boses ang pumigil sa aking pagsasalita:“Hindi niyo na po ito kailangan pang abalahin, Lola. Sigurado akong maaayos ni Scar ang sitwasyon…lalo na’t kaibigan niya ang babaeng iyon.” Ang ahas na si Ava Fuller. Gagamitin niya siyempre ang pagkakataong ito para pumasok sa eksena. Naniniwala ako na may kinalaman siya sa kung ano mang nangyayari kay Lilith ngayon. Siya lang ang tao na posibleng mamahiya kay Lilith dito.Pero nasurpresa ako nang hindi pinakinggan ni Lola ang mga sinabi ni Ava, nanlalami