Home / Romance / Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce / Kabanata 1 Ang Matagal na Niyang Pinakahihintay

Share

Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce
Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce
Author: Nyx Rai

Kabanata 1 Ang Matagal na Niyang Pinakahihintay

Author: Nyx Rai
POV ni Scarlet

Hindi naging regular ang aking mga period, pero nalaman ko pa rin dapat ito.

Pagkahilo, pagod, pagbabago ng panlasa…Iniisip mo siguro na masyado nang obvious ang mga sintomas pero hindi mo pa rin ito mapapansin hangga’t hindi ka nakakaranas ng ilan sa mga ito…

Gaya noong hindi ko mapansin ang mga senyales na sumisigaw sa akin para gisingin ako sa katotohanang hindi ako mamahalin kailanman ng lalaking pinakasalan ko kahit na ano pa ang gawin ko.

Nagpunta ako para magpahealth screen habang nagiisip ng, ano pa bang dapat kong ipagalala? Kaya ko ito kahit na cancer pa ang maging sakit ko. Pero hindi ko inaasahan na mahahandle ko ang naging diagnosis sa akin ng doktor.

Isang bata sa aking sinapupunan.

Ito na yata ang pinakamagandang bagay na nangyari sa pinakamaling timing.

Hindi ko alam kung kailan ko mararamdaman ang napakalakas na pagmamahal ng isang ina na aking naririnig sa ibang tao, pero sigurado na ako sa magiging reaksyon NIYA. Kamumuhian niya ang batang ito.

Mas mabuti pa kung cancer sana ang nangyari sa akin. Atleast alam ko na mayroong matutuwa sa amin sa sandaling iyon nga ang sakit ko.

Sinubukan kong iabsorb ang balita habang nakaupo ako nang magisa sa maingay na lobby ng maternity floor. Balewala ang anumang effort na gawin ko. Dito na naluha ang aking mga mata sa inggit nang makita ko ang masaya at nagmamahalang mga magasawa na nakaupo sa paligid ko. Sinwerte ako na tumira sa isang magandang bahay, magkaroon ng isang bilyonaryong asawa, at bata sa aking sinapupunan.

Pero dito na nagtatapos ang masasayang bahagi ng aking buhay.

Nakahanda akong ipagpalit ang lahat ng mayroon ako para sa isang maalagang lalaki na tatayo sa aking tabi.

Hindi maganda ang timing ng pagdating mo sa akin, anak. Mapait kong hinawakan ang flat ko pang tiyan. Bakit ba nagmahal ang mama mo ng maling lalaki?

 Nagring ang phone ko na nagsabi sa akin na hindi na ako makakapagtago pa sa aking buhay magpakailanman. Tinitigan ko ang pangalan niya na nagliliwanag sa aking screen habang sinusubukan kong hanapin ang aking boses para sagutin ang kaniyang tawag.

Pero sa huli, sinagot ko ang kaniyang tawag at tahimik kong inilapit ang phone sa aking tainga. Isang minuto ang lumipas bago niya mapagtanto na sinagot ko ang kaniyang tawag pero isang segundo lang mula rito ang itinagal bago siya magsimulang sumigaw sa kabilang linya—

“Nasaan ka na ba, Scar?!” Mas naging masungit ang boses ngayon ni Sebastian, “Sinabi mong 9!”

Tiningnan ko ang aking phone, 9:07 na ng umaga. Ito lang ang itinagal ng pasensya sa akin ng aking asawa. Pitong minuto.

“Puwede bang gawin na lang natin ito sa susunod?” Ipinikit ko ang aking mga mata habang sinusubukan kong maghanap ng oras para manlang tumingin sa aming schedule, “Hi…hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon—"

Hinawakan ko nang maigi ang aking purse kung saan nakalagay ang dalawang mga file.

Ang resulta ng aking pagbubuntis…at ang aming divorce papers. Isa ay mula sa aksidenteng pangyayari sa amin habang ang isa naman ay…ang bagay na aming pinakahihintay. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, sa totoo lang, matagal ng hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko lang maisip kung ano ang ibig sabihin ng batang ito sa lahat ng nangyayari sa akin.

Gumawa siya ng isang nanlalamig na tawa sa kabilang linya. Napakagat ako sa aking dila habang sinusubukang lunukin ang kanyiang mga sinabi.

“IKAW ang humingi sa akin ng divorce, Scarlett Fuller. IKAW ang nagsabi na ibibigay mo sa akin ang mga divorce papers natin pagsikat ng araw ngayong umaga.” Nanlalamig na pangiinis ni Sebastian. Nakikita ko ang inis ng kaniyang mukha sa kaniyang isipan. Limang taon ko nang nakikita ang mukha niyang iyon. “Ano ang sinabi ko sa iyo?”

Ipinikit ko ang aking mga mata pero hindi pa rin nito napigilan sa pagtulo ang aking mga luha.

[Huwag mong sayangin ang oras ko sa mga kalokohan mo. Gusto mo ba ng mas malaking allowance? Walang problema. Pero huwag na huwag mo akong pagbabantaan.]

Ito ang kaniyang sinabi.

Inakala niya na nagtatantrum lang ako nang magdesisyon akong makipagdivorce. Para namang magbibigay ito ng banta sa kaniya. Mula noong ikasal kaming dalawa, wala na siyang ibang hiniling kundi mawala ako sa buhay niya.

Limang taon na ang lumilipas. Isa itong kahilingan na DAPAT na matupad.

“Tama ka,” Malalim kong pagsimnagot, ibinaon ko nang husto ang aking mga kuko sa aking palad habang sinusubukan kong ayusin ang aking boses, “Pasensya ka na dahil late ako. Bigyan mo ako ng 30 minutes para pumunta riyan.”

“Huwag ka ng magabala.” Nanlalamig na singhal ni Sebastian. Narinig ko ang tunog ng nagiistart niyang sasakyan. “Ngayon ang final check ni Ava kaya kailangan ko ng umalis. Hindi na kita mahihintay.”

Kaya pala nagmamadali siya ngayon. Humarang akong muli sa gitna niya at ng kaniyang pinakamamahal.

Ito na yata ang ika isang milyon niyang checkup pagkatapos niyang operahan. Walang tigil na nagpabalik balik ang AKING asawa sa bahay at sa ospital na parang isang abalang bubuyog sa loob ng tatlong buwan. Pero naiintindihan ko naman kung bakit siya nababahala sa kaniya.

Kung mas okay siya para sa akin, mas mabuti ngang magsama na silang dalawa.

“Ipapadala ko ito sa ospital kung ganoon,” Ipinikit ko ang aking mga mata habang ibinababa ko ang tawag. Maaari siyang humindi sa huling sandali pero wala na akong pakialam pa.

Hindi ko makontrol ang nahuhulog kong puso sa kaniya, pero kaya ko namang pilitin ang aking mga binti na iwanan siya. Gagaling din ang sugat ng aking puso at magiging maayos din ang lahat.

Ano nga ba ang sinabi ko? Mayroon akong mamahaling mga bahay at isang asawang bilyonaryo? Isa itong biro. NINAKAW ko ang mga ito, at nagawa ko ring ibaba ang aking sarili nang gumawa ako ng isang cheap move, hindi talaga para sa akin ang mga ito. Sa loob ng limang taon naming pagsasama, pumaligid ang mga bagay na ito sa akin na parang isang ubod ng samang dragon na umaaligid sa kaniyang pagkain. Limang taon akong nagdusa sa panghuhusga, parusa at unti unting pagpatay nito sa akin.

Pero hindi ito nangyari sa akin.

Isa akong squirrel na bumibitaw sa pinakaiingatingatan niyang mani.

Kaugnay na kabanata

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 2 Isang Ticket para sa Dalawang Tao

    POV ni ScarlettHabang nakaupo sa loob ng isang taxi papunta sa isa pang ospital—sa ospital na kinaroroonan NIYA. Naramdaman ko na para akong masusuka. Dahil ba ito sa pabango ng taxi, morning sick, o…nasusuka lang talaga ako sa biyaheng ito.Ito ang biyahe na pinakakinaaayawan ko, at ito ang biyahe na dinadaanan ko ng sampung taon, palagi siyang nasa ospital, at palagi siyang kasama ng aking asawa kahit na noong bago pa kami ikasal.Ano ang mangyayari kung mahal ng iyong crush ang iyong kapatid na mayroong Willebrand at RH na blood type.Oo, mayroon siyang sakit na kung saan hindi titigil ang pagdurugo sa kanyiang katawan, at mayroon siyang pambihirang blood type ngayong 0.3% lang ng mga tao ang mayroon nito sa mundo.Maging ang maliit na hiwa sa kaniyang daliri ay maaari na niyang ikamatay. Ito ang dahilan kung bakit siya ang pinakaiingat ingatang kayamanan ng buong pamilya, ang untouchable, ang himala na makakakuha sa lahat ng gusto niya sa pamamagitan lamang ng pagkabuhay. 

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 3 Paano Pumatay ng isang Dragon

    POV ni Scarlett“Tatlong buwan na ang nakalilipas mula noong sumailalim ka sa bone marrow transplant, kulit.” Sinundan siya ng tawa ni Sebastian palabas sa walang lamang corridor.Nilagay ko ang kamay ko sa doorknob pero hindi ko mahanap ang aking lakas para ikutin ito. Kitang kita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t isa, ilang beses ko na silang nakikitang ganito.Habang tinotorture ko ang aking sarili, natitigilan lang akong nakinig sa usapan nilang dalawa.“Regular checkup lang ang gagawin s aiyo ngayong araw, at naging maganda ang resulta ng iyong mga checkup bago ito, hmm?” Comfort ni Sebastian.Nakikita ko ang mainit niyang ngiti sa aking ulo habang kinocomfort niya ang babaeng pinakamamahal niya, hinawakan ng napakalakas niyang palad ang ulo ng aking kapatid na parang pinakasensitive na bulaklak sa buong mundo. Ang init at pagmamahal na iyon ay ang mga bagay isang beses ko lang naranasan mula sa kaniya, at iyon na rin ang sandali ng paglapit ko sa apoy. Ito ang nagiisang

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 4 Kaming Tatlo

    POV ni ScarlettPinatay ko ang sigarilyo sa basurahan nang magbukas ang pinto ng kwarto.Napasimangot si Sebastian sa akin habang nakatayo siya sa pinto na may layong kalahati ng corridor mula sa akin. Ayaw na ayaw niya sa mga naninigarilyo. Tinititigan, sinesermonan o tumatayo siya ng malayo sa akin habang nagpapakita ng pandidiri ang kaniyang mukha sa tuwing ginagawa ko ito.Isa itong nakakadiring habit pero kailangan ko pa rin ng isang OUTLET para mailabas ang lahat ng sakit sa aking dibdib bago pa ito sumabog. Pero kung magagawa ng pinakamamahal niyang si Ava ang bisyong ito, siguradong sasamahan pa niya ito.“Kung ganoon?” Nilagay niya ang isa niyang mga kamay sa kaniyang bulsa habang nakatitig siya sa akin nang makapaglakad siya palapit sa akin. Ginagawa niya ito kapag naiirita siya sa akin. As in palagi niya itong ginagawa sa akin.Tumitig ako sa kaniyang mukha, napakagwapo at napakadominante nito na para bang noong araw na nahanap niya ako sa gubat. Pero naging kasing lina

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 5 Huling Tawag

    POV ni Scarlett Hinatid pa rin ako ni Aurora sa airport pero hindi niya maibigay sa akin ang aking ticket.Habang hawak ko ang isang baso ng mainit na cocoa sa aking mga kamay, tinitigan niya ako mula sa kabilang banda ng maliit na lamesa sa McDonald’s na parang isang ina na nanghuhusga sa pasaway niyang anak.“Ngayong araw ko lang nalaman—” Nahihiya kong sinabi nang bigla siyang sumagot ng—“Oo, sinabi mo na iyan!” Hindi ko naman ginusto ang mga bagay na ito. Tumama ang aking mga mata sa hawak kong cocoa, hindi ko siya magawang tingnan. Galit siya at alam ko kung bakit.Nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Maganda, sikat, may mahabang mga binti, atbp. Pero hindi siya ipinanganak na mayaman. Pinanood niyang magtrabaho na parang kalabaw ang kaniyang ina na magisang nagpalaki sa kaniya habang kinamumihian niya ang iresponsable niyang ama nang malaman niya na hindi talaga sila iniwan nito gaya ng sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina ang tungkol sa

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 6 Ang Blood Vessel

    POV ni Scarlett“Tungkol saan naman iyan?” Kurap ni Aurora. Namangha siya nang isang linya lang ang sabihin ni Scarlett sa tawag.Hinawakan ko nang maigi ang aking phone, sa ikawalang pagkakataon ngayong araw, nahirapan akong isakatuparan ang aking plano. Gusto ko lang matapos ang sakit na nararamdaman ko. Sobra na ba para sa akin na hilingin ito? Ipinikit ko ang aking mga mata. Gusto ng isang bahagi ng isip ko na kunin ang ticket at umalis at hayaang masunog ang mundo sa aking likuran.Pero hindi ito maaari. Kailangang nandoon ako sa sandaling salinan ng dugo si mom. Ito ang silbi ko sa aking pamilya. Ang maging blood vessel nilang lahat.Pakiusap, panginoon, sabihin niyo po sa akin na walang kinalaman ang tawag na ito sa mensaheng ipinadala ko kay Sebastian.Sa pagitan ng pagsailalim ni Mom sa blood transfusion at sa pagtakwil sa akin ni Sebastian… hindi ko na alam kung saan ko dapat ilagay ang natitira ko pang pagasa.“Mukhang hindi talaga ako aalis ngayong araw,” Nagbuntong h

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 7 Paglabas sa Ilalim ng Araw

    POV ni SebastianHindi ako nagreply sa message ni Scar. Hinding hindi siya aalis. Nangmamanipula lang siya gamit ang mga pagbabanta niyang ito.Masyado ng marami ang oras na ginugugol ko kasama si Ava nitong nakaraan kaya nagtatantrum ngayon si Scar. Dapat niyang maintindihan na isang buhay ang nakataya sa ginagawa ko, kahit na pagmamayari pa ng kinamumuhian niyang kapatid ang buhay na iyon.Hindi naman sa hindi ko naiintindihan si Scar. Naiintindihan ko ang kaniyang pinagdadaanan. Bilang tao na may mas malinaw na pagiisip sa kaniya, nagseselos lang siya sa lahat ng atensyon na nakukuha ni Ava. Ito ang dahilan kung bakit naging problema siya ng lahat. Palagi siyang nagrerebelde na kaniya pang ipinagmamalaki sa lahat, palagi siyang walang pakialam habang humihingi siya ng pagmamahal sa iba. Mahilig siyang maghanap ng atensyon sa pamamagitan ng mapapait niyang mga mensahe, mga luha o divorce.Hindi ko inakala na bibigyan niya ako ng pirmadong divorce papers. Isipin niyo na lang ang p

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 8 Ang Dugo ng Dragon

    POV ni ScarlettHabang nakaupo sa malamig na sahig, napagtanto ko na masyadong naging maaga ang aking pagdedesisyon.Inakala ko na impyerno ang buhay na mayroon ako. Dito ako nagkamali nang husto. Kahit na hindi naging maganda ang trato sa akin ng lahat, hindi nila ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Sabagay, ako pa rin ang mahalagang blood vessel para sa sakiting si Ava. Hindi nila hahayaang mawala ako.Pero hindi na ngayon.Hinawakan ko ang aking mukha habang dahan dahan akong tumitingala para tingnan ang lalaki na tinawag ko noong ama para lang mapagtanto sa nanlalamig niyang mga mata na isa pa rin akong blood vessel, pero hindi na ako masyadong “mahalaga” ngayon. Sinwerte na lang sila ngayong nandito ako.Sabagay, magaling na ngayon si Ava. Hindi nila ako nagawang itapon dahil maaaring mayroon pa akong pakinabang sa kanila. Ano ba ang mawawala sa kanila kung hindi ko makukuha ang normal na buhay na pinapangarap ko?Para sa hindi siguradong “maaari” nila, hindi ako pwedeng mag

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 9 Hinanakit sa Pagitan ng Magkapatid

    POV ni SebastianNagkalat ang mga basag na bahagi ng vase sa sahig. Hindi ko magagawang ibaba si Ava rito. Maaari ngang umabot na sa normal level ang kaniyang platelet pero hindi ko pa rin ito maaaring subukan lalo na’t naririto ang halimaw na humahabol sa kaniya. Ang huling sandali na nangailangan si Ava ng dugo mula kay Scar ay dahil sa paghiwa sa kaniya ng isang papel. At si Scar ang may pakana ng bagay na iyon.“…Pakiusap?” Bulong ni Scar nang maglakad siya papunta sa akin, pero hindi niya ako nagawang tingnan ng diretso.“Hindi ko siya maaaring ibaba, alam mo naman kung bakit.”Nanlalamig na suminghal si Scar bago siya tumingin pataas sa ilalim ng magulo niyang buhok. Mukhang naging malakas ang pagsampal sa kaniya ni Jack para gumulo nang ganito ang kaniyang buhok at para magiwan ito ng marka ng palad sa kaniyang pisngi.“Excuse me,” sabi ni Scar gamit ang malinaw at nanlalamig na tono ng kaniyang boses na hindi ko kailanman narinig sa kaniya, “Dadaan ako.” Dinala ko si A

Pinakabagong kabanata

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 50 Ang Basbas ni Lola

    POV ni Scarlett“Hindi na sumusunod ang mga mata mo sa kaniya, at sa bawat sandaling tumatama ang mga ito sa kaniya, tanging pagdadalamhati na lang ang nakikita ko sa mga ito. Nangyari na ang pinakamasaklap na kahihinatnat ng inyong pagsasama…” Buntong hininga ni Lola, “Ayaw kitang tumuloy sa pagpapakasal as kaniya dahil ayaw ko itong mangyari sa iyo, ako ang naaawa sa iyo iha, ayaw kitang masaktan nang husto dahil ayaw kong makitang magdilim ang liwanag sa napakaganda mong mga mata…mukhang nabigo pa rin ako sa huli na protektahan ka.”“Lola…!” Gulat kong bulong kay Lola. Hindi ko ito alam! Nakita ni Lola ang lahat at para isipin na nagtagumpay kami sa panloloko sa kaniya.“Nasktan ka niya nang husto sa pagkakataong ito, hindi ba?” Nanlalamig akong tinanong ni Lola habang nakadirekta ang kaniyang panlalamig kay Sebastian. Nakaramdam ako nang pagcacare sa mga sinabi niyang iyon.Siya ang pinakamalapit kay Sebastian, at hindi ito mangyayari kung hindi ko nagawang iblackmaila ng kan

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 49 Pinakamasayang Lalaki sa Buong Daigdig

    POV ni ScarlettHindi ko masagot si Lola. Tumayo lang ako roon habang pinapanood ko na magusap, tumawa, at magyakapan sina Sebastian at Ava. Ganito rin ang ginawa ni Lola sa aking tabi. Tahimik siyang nanood habang hindi nagpapakita ng pagkasurpresa ang kaniyang mukha. Kung matatanggap na ni Lola ang pagpunta ni Ava sa kaniyang kaarawan, at ang pagpapakita nito ng intimacy kay Sebastian sa publiko gaya ng kanilang ginagawa ngayon, bakit niya pa ako tinanong nang ganito?Si Ava ANG problema.“Dahil ba ito kay Ava?” Biglang tanong ni Lola bago siya humarap sa akin. Inalis ko ang aking mga mata mula sa pagtingin sa tahimik, at buong pusong pagyakap ni Sebastian kay Ava. Sinabi nito na nakahanda na ang mga divorce papers. Mukhang wala na ako sa posisyon para manghusga. Pero hindi nito ibig sabihin na hindi ako nasasaktan sa aking mga nakikita.DAPAT lang na magalit ako, nang hilahin niya si Ava sa kaniyang mga bisig na para bang ito ang pinakamahalaga niyang kayamanan, sa isang party

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 48 Ang Napakatapang na Munti kong Kayamanan

    POV ni SebastianHindi ko alam kung ano masasabi ko noong araw na iyon.Isa si Olivia sa mga kilalang bully mula noong high school kaya hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinasabi niya. Pero hindi kailanman naging close si Ava rito kaya hindi ko maintindihan kung paano sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan… KUNG ito nga talaga ang nangyari.Hindi ko kailanman pinagdudahan si Ava kahit na ano pa ang kaniyang sabihin. Pero hindi na ako ganoon kasigurado sa kaniya ngayon, lalo na noong nagsinungaling siya kay Jack tungkol sa sinabi ni Scar. Pagkatapos ito ng pagpapanic ni Gabriel tungkol sa, “Palagi mong sabihin kay Ava sa bawat sandaling susubukan ni Scar na umalis sa bahay.”May kakayahan si Ava na magsinungaling at isa itong bagay na hindi ko matanggap noon.“Ano ang problema, Sebastian?” Inosenteng harap sa akin ni Ava habang dinadala ko siya sa isang sulok, isang mainit na ngiti ang nagpakita sa kaniyang mga mata. Mga mata na pinagkatiwalaan ko nang buo.Gusto ko siyang

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 47 Si Damian Vanderbilt

    POV ni Damian Hinahanap ko ang aking kapatid na babae.Nawala siya 20 taon na ang nakalilipas at matagal ko na rin siyang hinahanap.Ang alam ko lang ay nawala siya sa North Dakota. I mean, doon namin nahanap ang katawan ni Mom. Hindi niya kasama sa lugar na iyon ang kapatid kong babae. Ilang taon na ang nakalilipas mula noong ianunsyo ng mga pulis ang kaniyang pagkamatay, sinabi ng mga ito na baka nakain siya ng isang ligaw na hayop. Isa itong hindi kapanipaniwalang rason na ibigay sa isang nagdadalamhating pamilya. Nagmakaawa ako sa mga pulis na huwag sumuko pero itinigil pa rin nila ang paghahanap para sa aking kapatid. Gusto ko silang kasuhan pero hindi ako pinayagan ni Dad na gawin ito. Hindi sila ang may kasalanan sa nangyari.Ako. At hindi ko kayang mabuhay dala ang pasaning ito. Ito ang dahilan kung bakit ako naging isang abogado. Nakita ko na ang madilim na bahagi ng sangkatauhan at gusto kong makagawa ng pagbabago sa sandaling may mangyaring unfairness na katulad

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 46 Ang Tunay na May ari

    POV ni ScarlettNakikita ng lahat na nagsisinungaling si Ava sa puntong ito, at maging si Olivia pero mas pinili pa rin nito na ilaglag si Ava kaysa sa kaniyang sarili— Si Olivia ang nagbato ng mga pangiinsulto kay Lilith kaya siguradong makikita siya ng lahat bilang isang bully sa sandaling humingi siya ng tawad sa lalaki. Pero nagpumilit pa ito na humihingi lang siya ng hustisya para sa kaniyang “best friend”, kaya ang kaibigan niyang ito na ang sumasalo sa lahat ng sisi. “Hi—Hindi ako nagpakita sa iyo ng kahit na isang dress! Olivia…” Tumingala si Ava papunta kay Olivia habang nagsasalita siya gamit ang nasasaktan niyang boses, “Pasensya ka na kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan, pero hindi ko kailanman sinabi na peke ang suot na dress ni Lilith…”“Pero sinabi mo na—” Sagot no Olivia hanggang sa matigilan ito sa kaniyang pagsasalita. Dito na siya nagpakita ng matinding pagkagulat sa kaniyang mukha.Dahan dahan kong iniling ang aking ulo. Masyado talagang inosente s

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 45 Ang Pagsasabi

    POV ni ScarlettNabalot ng nakabibinging katahimikan ang paligid. Sumimangot si Aurora—habang nireresolba naman ni Lola ang sitwasyon para sa lalaki pero mukhang hindi pa rin niya ito naiintindihan. Nagpipigil na ngumiti ng buong galang si Ava habang perpekto siyang nagpapakita ng pagkadismaya sa isang “wala sa lugar na sinungaling”Maging si Lola ay nasurpresa sa kaniyang narinig. Nagaalalang tiningnan ni Lilith ang lalaki bago niya ito bigyan ng isang naninigurong ngiti.Hinaluan ng mga walang awang babae ng pangungutya ang kanilang mga pagatake pero hindi nito naapektuhan ang lalaki. Magalang lang siyang ngumiti sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin siya ng direkta kay Ava. “Hindi ko sigurado kung gusto kong sagutin ang iyong tanong,” Bahagyang nguso ni Ava, “Ngayong hindi mo magawang sagutin ang tanong ko.”Tungkol ba ito sa kaniyang pangalan? I mean, hindi nga niya ito sinagot, pero hindi ito nakakaooffend para sa kahit na sino—“Bakit mo—” Humakbang ang lalaki papun

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 44 Ang Dress na Nagkakahalaga ng 30 Grand

    POV ni Scarlett“So, sinasabi mo na bumili ako ng pekeng dress, ganoon ba?”Hindi pinakawalan ng guwapong estranghero si Lilith habang tumitingin siya sa grupo ng mga nangutyang mga babae na kaniyang tinanguan. Dito na siya biglang gumalaw na naging elegante sa aking mga mata, isa itong napakagandang palabas para sa akin. Mukhang ganito rin ang naramdaman ni Lilith dahil tiningnan niya rin ang tila hiniwang marka ng lalaki sa kaniyang dibdib. “I—” Tumingin ang mga babae sa grupo sa gitna, si Olivia Keen, ang best friend ni Ava. Nagpumilit itong sumagot ng, “I mean…”Tumama ang mata nilang lahat kay Ava, masyado itong ninenerbiyos kaya nangailangan ito ng utos mula sa kaniyang master.“I’m sorry, pero sino ang mga kausap ko?” Inayos ni Ava ang kaniyang lalamunan bago siya humakbang paabante, naging magalang at maganda ang tono ng kaniyang boses. Ito ang boses na kaniyang ginagamit para magpaimpress. Mukhang aminado rin siya na guwapo nga ang lalaking ito o baka nalaman niya ang

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 43 Ang Kakaibang Estranghero

    POV ni ScarlettMadalas akong makipagtalo kay Ava noong may pakialam pa ako.Wala na akong pakialam kay Sebastian ngayon, at wala na akong kagustuhan na “makuha” ang puso nito sa kaniya lalo na sa isang walang katuturang pagtatalo. Kaniya na ang puso ni Sebastian, tapos. Gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko ngayon. Palaging si Ava ang nananalo sa sagupaan naming dalawa dahil pinagmumukha niya akong bully sa aming dalawa. Hindi niya alam kung kailan siya dapat sumuko kaya hindi siya nakapagsalita noong mga sandaling iyon, tahimik siyang napakagat sa kaniyang labi habang nagdadalawang isip na tumatabi ang kaniyang mga kasabwat.Hinawakan ko ang wrist ni Lilith habang humaharap ako kay Lola, “Pasensya na po talaga kayo…”“Saan ka pupunta?”Muntik ko ng mabangga ang isang lalaki pero agad akong napatigil sa kaniyang mga sinabi. Pinalitan niya ang grupo ng mga babaeng humaharang sa aking daraanan. Para isipin na masyadong interesante ang pagkakaroon namin ng pambihirang kulay ng

  • Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce   Kabanata 42 Pekeng Nightingale

    POV ni Scarlett“Ichecheck ko lang po ito, Lola!” Bahagya kong inangat ang aking dress bago ako dali daling umalis.“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Lola, sumimangot siya habang tumitingin siya sa paligid. Ayaw niya ng mga taong gumagawa ng gulo sa kaniyang party at mas titindi ang kaniyang pagkainis kung kilala niya kung sino talaga si Lilith. Sumagot naman ako ng: “Hindi na po kailangan, Lola, ako na po ang bahala rito—" Pero bago pa man ako matapos sa aking sasabihin, isang matinis na boses ang pumigil sa aking pagsasalita:“Hindi niyo na po ito kailangan pang abalahin, Lola. Sigurado akong maaayos ni Scar ang sitwasyon…lalo na’t kaibigan niya ang babaeng iyon.” Ang ahas na si Ava Fuller. Gagamitin niya siyempre ang pagkakataong ito para pumasok sa eksena. Naniniwala ako na may kinalaman siya sa kung ano mang nangyayari kay Lilith ngayon. Siya lang ang tao na posibleng mamahiya kay Lilith dito.Pero nasurpresa ako nang hindi pinakinggan ni Lola ang mga sinabi ni Ava, nanlalami

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status