หน้าหลัก / Romance / Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce / บทที่ 21 - บทที่ 30

บททั้งหมดของ Nataranta ng Tanggapin Ang Divorce: บทที่ 21 - บทที่ 30

50

Kabanata 21 Ang Munting Darling ni Gabriel

POV ni ScarlettHindi ko naiwasang tingnan si Sebastian, at gaya ng inaasahan, nakasimangot ito sa kaniya. KINAMUMUHIAN niya si Lilith! Bakit siya nandito?! Bakit siya magpupunta rito NGAYONG kasama ko si Sebastian? Kumabog nang husto ang aking dibdib habang dahan dahan akong humaharap sa aking likuran.Dito na itinapon ni Aurora ang kaniyang sarili papunta sa akin.“Scar! Okay ka lang ba?” Hinawakan ako ni Aurora bago niya ako icheck mula ulo hanggang paa, “Patawarin mo ako! Na…nagkaroon lang ako ng problema—ano ang amoy na dumikit diyan sa buhok mo—OMG! Dinudugo ka!”Natawa naman ako sa aking pwesto, hindi ako halos makahinga sa mala machine-gun na atensyong ibinigay sa akin ni Aurora.Naramdaman ko na bumalik ako sa nakaraan noong mga sandaling iyon. Dahil sa bawat sandaling inaapi ako ni Gabriel, agad akong ipinagtatanggol ni Aurora habang si Lilith… Pasimple kong tiningnan si Lilith, at agad na tumama ang nanlalamig niyang mga mata sa mga mata ko na parang matatalas na kuts
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 22 Inosenteng si Ava

POV ni SebastianHindi ko pa kailanman nakikitang masaya si Scar na umabot sa punto na kung saan umabot ito sa kaniyang mga mata…pero nakita ko ito nang umalis siya kasama ng kaniyang mga kaibigan.Hindi siya kailaman tumatawa kasama ko, ngumingiti lang siya sa akin—noon, pero hindi na ngayon. Ilang buwan na niya itong hindi nagagawa sa akin. Kahit na noong ngumingiti pa siya, ibang iba ito sa pagtawa na kaniyang ginagawa niya ngayon kasama ng kaniyang mga kaibigan. Palaging matigas at pigil ang ngiti niya sa akin na parang isang tuta na natatakot masaktan habang nagpapasaya ito sa mga tao para sa pagkain.Hindi siya masaya sa akin. At siniguro ko na ito ang mararamdaman niya.Inakala ko na wala lang akong kakayahang “magmahal” sa kaniya. Pero hindi. Ayaw ko! At dahil dito, wala akong pakialam kung nasasaktan ko na siya. Pinwersa niya ako at ginamit ko iyon para majustify ang lahat ng ginagawa ko sa kaniya.Masyadong naging mahirap ang nakalipas na tatlong araw sa akin.Hindi ko
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 23 Ang Buong Video

POV ni Sebastian “Gab,” Hatak ko sa kaniyang phone para magdemand ng, “Akala ko ba gusto mo nang umalis si Scar? Gusto na siyang paalisin ni Ava.”“Gusto kong iwanan KA niya at hindi ang siyudad na ito!” Nakipaglaban sa akin si Gabriel para sa kaniyang phone, “Paano kung kailanganin siyang muli ni Ava?!” Nanlamig dito ang aking dugo.Ito ba talaga ang Gab na kilala ko? Ang kilalang homecoming king? Ang mabait na kuya ni Ava na palaging nagpapakitang gilas dito? Ang kaibigang maaasahan ko sa lahat ng oras?Itinuring niyang tulong sa oras ng kagipitan ni Ava ang kapatid niyang babae?Isang… blood vessel?“Kumalma ka,” hindi ko napigilan ang panlalamig sa aking boses habang inaabot ko ang kaniyang phone, “Tatlong araw na ang nakalilipas. Tungkol ba saan ang lahat ng ito.”“Huh?” Kumalma at napakurap sa akin ang nasusurpresang si Gabriel, “Sinabi sa akin ni Ava na tungkol ito kay Mom… hindi ba?”Oo. Kung paano niya nagawang pabalikin doon si Scar.“Matagal na niyang hindi nabab
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 24 Ang Hari ng Social Media

POV ni SebastianHindi talaga maganda ang presensya ni Adrian Dunn saan man ito magpunta.Hindi lang ang pinakamalaking kumpanya ng dyaryo sa buong siyudad ang minana nito mula sa kaniyang ama dahil minana rin nito ang nanlalamig at nagdidilim na pananaw ng kaniyang ama sa mundo na nagmula pa noong nakaraang siglo. Hindi siya naniniwala sa batas kundi sa kapangyarihan, hindi sa pagiging patas kundi sa ganda ng kwento. Nagagawa niyang manakit ng mga inosenteng tao kahit na inosente pa ang mga ito, at pinoprotektahan niya rin ang mga taong malapit sa kaniya hanggang sa abot ng kaniyang makakaya.Nilalabanan ko ang lahat ng mayroon siya kaya agad niyang ifinocus ang kaniyang target sa aking likuran. “Ano sa tingin mo, Baby-Seb?” Ngisi ni Adrian na para bang hindi nananakit ang mga galos niya sa kaniyang cheekbone.Oo nga. Ayaw na ayaw ko rin ng mga cheap na mga pangalang ibinibigay niya sa amin.“Lumayo ka nga sa akin, Adrian,” tayo ni Gabriel bago nyia gamitin ang “nakakasindak ni
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 25 Ang Lihim Limang Taon na ang Nakalilipas

POV ni Scarlett “Ewww! Totoo ba ang sinabi mo???” Banggit ni Aurora, “Nagawa mong matulog kasama siya sa IISANG kama?! Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?!”Hindi na kami nagtagal sa Nightingale nang makaharap namin si Gabriel doon kaya agad kaming naghanap ng matatambayan sa paligid hanggang sa makita namin ang isang maliit na bar sa tabi ng kalye. Isa itong tahimik at maliit na lugar na bagay para magkwentuhan ang mga babaeng katulad namin. Desperado namang ipinikit ni Lilith ang kaniyang mga mata na halos mamatay na sa nanghuhusgang mga tingin ni Aurora, “Isa lang itong aksidente, okay? Aksidente lang ang nangyari sa amin!”Naiintindihan ko na ang lahat. Madalas na si Lilith ang naghahandle ng karamihan sa mga “code red” ko. Pero hindi ko inasahan na maiinlove sa isa’t isa ang magkaaway na katulad nilang dalawa. Pero mukha pa rin namang inlove sa kaniya si Gabriel kanina…“Pero kay Gabriel pa talaga?!” Huminga ng malalim si Aurora para pakalmahin ang kaniyang sarili bago siya m
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 26 Ang Kasunduan

POV ni ScarlettNakalimutan ko ng umiyak sa sobrang gulat ko sa kaniyang mga sinabi: “…ano?” “Alam mo naman kung paano naigng constable si Damon sa lupain na kinatatayuan ng Villa noon, hindi ba?” Tanong ni Lilith.Hindi ko na ito masyadong maalala.“Noong araw na iyon, ipinatawag siya sa tahanan ng mga Knight. Nagreklamo ang mga kapitbahay sa paligid ng kanilang tahanan. Pero ang punto ko rito, masyadong malaki ang gulong ginawa ng Iron Lady at maging ni Ava noong araw na iyon!”“…ano?” Napakurap ako ngayong hindi ko na masundan ang kaniyang sinasabi.Ang Iron Lady ay ang lola ni Sebastian. Pinalaki niya si Sebastian pagkatapos mamatay ng mga magulang nito sa isang car accident habang pinoprotektahan nito ang mga negosyo ng pamilya sa mga taong nagbabalak magsamantala sa mga ito. Ito ang dahilan kung bakit siya nakilala sa pangalang Iron Lady.“Hayaan mong ako ang magpaliwanag nito,” Hinawakan ako ni Aurora sa aking likuran, naging mas mapagpasensya at kalmado ang tono ng kani
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 27 Palagi

POV ni Scarlett Alam lang nila na “mayroon akong isang bagay” na gusto ni Sebastian, at ginamit ko ito para mablackmail siya. Sinabi ko ito kay Aurora nang pumunta ako sa kanila tatlong araw na ang nakalilipas ngayong wala na akong dapat pang itago tungkol sa mga issue ng aking pamilya. “Hmmm…” Nagsalita ako bago pa siya sagutin ni Aurora habang nakakaramdam ako ng pagdadalawang isip sa aking dibdib. Ngumuso naman si Aurora sa akin. Ayaw kong malaman ng napakaraming tao ang tungkol sa blood transfusion na ginagawa ko para kay Ava dahil ayaw kong makita nila ako bilang isang biktima. Pero ito ang specialty ni Ava. Sabagay, sa iksi ng pasensya ni Lilith, siguradong hindi ko alam kung ano ang kaniyang magagawa sa sandaling malaman nito ang tungkol sa kasunduan namin ni Jack Fuller.“Ano?” Tumusok ang paningin in Lilith sa aming dalawa ni Aurora, “Ano bang hindi ko dapat malaman?”Dito ko na biglang naintindihan kung bakit nahirapan nang husto si Lilith na sabihin sa akin ang lihim
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 28 Iuwi Mo na Siya

POV ni ScarlettNabulunan ako sa aking iniinom na pumasok sa aking ilong hanggang sa lumuha ang aking mga mata.“I mean…” Pagkatapos ng ilang malalakas na ubo, parang nabuhay akong muli sa tulong ng ilang mga tissure. Tinitigan naman ako nina Lilith at Aurora na parang isang kriminal, “Sinabi ko na sa inyo, walang katulad ang procedure na ito. Iisa lang ang teorya sa isip ng doktor ni Ava nang magsimula kami rito, kaya…” “Ilang beses ka ba nagdonate?!” Tanong ni Aurora na para bang siya ang ina ko.“Lima…” Nauutal kong sinagot kahit na wala akong rason para mautal. Nabigo kami sa unang apat hanggang sa ikalimang procedure. At kahit na hindi pa siya napapagaling ng procedure, hinalikan ni Sebastian si Ava na para bang hindi na niya ako kailangan. Hindi ko na malingon ang nakakaawa kong itsura noong mga sandaling iyon.“Nasa loob pa rin naman ng ligtas na timing ang bawat procedure ng pagdodonate ko.” Dagdag ko pero parang hindi nila ako narinig sa aking mga sinabi.Naubos na an
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 29 Isang Magaan na Bagay

POV ni Sebastian “Bakit? May nangyari nanaman ba kay Ava?” Simangot ng walang pakialam na si Scar habang nakakrus sa kaniyang dibdib ang magkabila niyang braso. Hindi manlang nito nagawang maging sarcastic, at ito ang pinakasarcastic na part.Inakala ko na matutuwa siya sa aking mga sinabi, gaya noon. Alam ko na nasaktan siya nang husto ngayon, pero inakala ko na magliliwanag ang kaniyang mga mata kahit na mananatili ang nanlalamig nitong mukha para makakuha ng mas marami pang mga nakakacomfort na salita mula sa akin, gaya noon. Pero hindi ko na ito nakita sa kaniya.Hinid ko inakala na magiging kasing lamig ng tuyong yelo ang naluluha at kulay purple niyang mga mata. Masyadong masakit na makitang ganito ang mga mata niya.Gusto mo ba talaga ng divorce? Hindi ko ito nagawang itanong. Siguradong oo ang magiging sagot niya rito, kahit na para lang masaktan ako. Naging magulo ang aking isip mula noong sumablay si Adrian. Hindi ko maimagine na gugustuhin talaga ni Scar na makipa
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 30 Ang Totoong Usapan

POV ni ScarlettTama ba ang mga naririnig ko sa kaniya?!Ang lalaki na hindi nagturing sa akin bilang kaniyang asawa, na nagkaroon ng relasyon sa aking kapatid pagkatapos niya akong pakasalan habang pinapahirapan ako ng limang taon ay nagaakusa sa AKIN na masyadong magaan ang tingin ko sa kasal naming dalawa?!Ano ba talaga ang kasal namin sa para kaniya? Isang basura!“Sa mga pekeng kasal, oo!” Pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw sa kaniya pero hindi naiwasang manlamig ng aking boses, “Pero mas mabigat pa rin ito kaysa sa naging turing mo sa kasal natin.” “Ganito mo ba ikakatwiran ang tungkol sa inyo ni Adrian?!” Gumawa siya ng hindi makapaniwalang tawa na para bang puro ako kalokohan.Si Adrian??? ISANG message lang ang ipinadala ko sa kaniya pero ako na ang manloloko sa aming dalawa?!“Hindi! Paano kung bigyan ko ito ng katwiran pagkatapos halikan ng aking asawa ang aking kapatid sa aking likuran?!”Nagawa ko na rin sa wakas. Ayaw ko ng idagdag ito sa aming usapan para
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-23
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
12345
DMCA.com Protection Status