Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Узнайте большеMARiA POVIsang malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makaalis ang nag-deliver ng tubig. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit doon ako sumakay, basta na lang niya akong sinaktan nang hindi nagtataka o nagtatanong.Agad na tumulo ang mga luha ko nang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tahimik akong umiiyak habang siya ay walang emosyon, nakatingin lang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay, at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot ba, sakit, o galit?Hindi ko kayang pigilin ang aking sarili. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit doon ako nakasakay?" Tanong ko sa utal-utal na boses, hinahangad na kahit papaano ay maipaliwanag ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin ng matalim, ang mga mata niyang puno ng galit. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig."Why am I asking? I clearly saw you flirting with that fvcking guy!" Sabay banggit ng pangalan ng lalaki. Nagngangalit ang kanyang ba
MARiA POV's Sunod sunod na katok ang nag pagising sa akin napatingin ako sa side table at nakita kong alas nuebe na ng umaga. Napapikit pa ako at tanghali na pala naririnig ko narin ang galit na boses ni jhon sa labas ng pinto habang paulit ulit itong kinakatok!. "Saglit lang!" Sambit ko at tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong kumirot ang maselang parte ng aking katawan at dun ko naalala ang nangyare kagabi, hindi ko alam pero bigla nalang napatulo ang luha ko ng maalala ang sinapit ko kagabi. "Damn you! You are not a queen to wake up like that!" Galit na sambit nito sa pasigaw na boses Unti unti akong lumapit sa pinto upang pag buksan ito, nabungaran ko syang nakakunot ngunit agad ding nawala dahil napalitan ito ng nakakalokong ngiti bago napatingin sa aking kabuuan at dun ko napag tanto na isang manipis na tela lang pala ang suot ko dahil sa pagod at sakit na naramdaman ko kagabi ni hindi ko na nagawang mag linis at mag ayos ng gatawan. "Do you want me t
(SPG18+) MARiA POV's Nang matapos na akong maligo mag suot lang ako ng manipis na tela upang matakpan ang aking kabuuan. Yun kasi ang sabi ni Jhon kanina kaya sinunod ko nalang para hindi na sya magalit. Dahil sa ginawa ko naligtas ko si Nanay kaya kung ano man ang consequences na magaganap tatanggapin ko wag lang mawala si Nanay. Hindi ko pinag sisisihan ang naging desisyon ko kahit labag sa loob ko dahil yun ang dapat!. Kumatok muna ako sa kanyang kwarto bago pumasok, hindi ako nakarinig ng kahit ano mang ingay kaya pinili kong buksan nalang ang pinto nakita ko syang nakaharap sa mini table habang nakatuon ang attention sa laptop. Nang naramdaman nya ang prisensya ko itinigil nya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin hindi ko alam pero mula ng ikasal kami natatakot ako sa pinapakita nyang awra. "Ahh Jhon, kailangan ba nating gawin to?" Lakas loob kong tanong baka kasi mag bago pa ang isip nya. Napahawak sya sa kanyang baba na parang nag iisip bago tumayo at lumapit
NARRATOR'S POVWalang nangyaring enggrandeng kasal sa simbahan. Bagkus, isang pirmahan lang ito—walang bulaklak, walang musika, at higit sa lahat, walang pagmamahal. Isang papel ang inabot sa kanila, at nang lumagda si Jhon, doon pa lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng desisyon ng kanyang mga magulang. Wala siyang nagawa.Pinirmahan din ni Maria ang dokumento, ngunit ramdam niya ang malamig na aura ng lalaking pinakasalan niya. Hindi niya inasahan na ganito ang magiging simula ng kanyang buhay may-asawa. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, isang mapait at mapanuksong ngiti ang bumakas sa labi ni Jhon."Get ready, darling," bulong nito sa kanya habang lumalapit sa tainga niya. "I will make your life a living hell."Napasinghap si Maria sa takot. Walang alinlangang boses. Walang emosyon sa mukha ng lalaking ngayon ay asawa na niya. Ngunit kahit nanginginig sa kaba, hindi siya nagpahalata. Sa kabila ng kanyang takot, nanatili siyang nakaupo nang tuwid habang ang iba ay masayang bu
MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas, hindi ko pinahalata ang nangyari kay Nanay at kahit isa sa kanila, wala akong pinagsabihan. Kanina ko pa hinahanap si Jhon, ngunit hindi ko siya makita. Saan na naman kaya nagpunta ang isang ‘yon? Akala mo kabuti—kapag hindi mo hinahanap, saka biglang susulpot.Naglalakad ako sa sala nang makita kong may kasamang magandang babae si Supremo, ang ama ni Jhon. Sabay silang naglalakad habang magkahawak-kamay. Naku, babaero din pala ang daddy niya! Haha!Parang isang modelo ang babaeng naglalakad patungo sa bukana ng kabahayan. Sumusunod sa bawat paghakbang niya ang alon ng kanyang mahaba at magandang buhok. Pinagbuksan siya ng pinto ni Supremo, habang ako naman ay nakatitig lang sa babae.Sh*t, ang ganda niya! Ang kutis niya, parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Wahh!"If I'm not mistaken, you are Maria, right?" aniya habang malawak ang pagkakangiti.Napapitlag ako nang mapagtantong nasa harapan ko na pala sila ni Supremo. Bigla akong nakar
MARIA'S POVNatapos ang party, pero hindi ko man lang nakita o nakilala ang mommy ni Jhon. Epal kasi ‘yung asawa ng kapatid niya—sinapak ba naman si Jhon! Napasama pa tuloy ang unang pagkikita nilang magkapatid. Kung di lang talaga kita boss, sinapak ko na rin siya para makaganti!Lumipas ang ilang linggo mula nang maganap ang kaarawan ng ina ni Jhon. Sa loob ng dalawang buwan kong pananatili rito sa mansyon, hindi ko pa rin nakikilala ang mommy niya. Siguro mas mabuti na rin ‘yon. Kung ang ama niya nga lang nakakatakot na, paano pa kaya ‘yung ina? Baka mala-dragon ‘yon! Mahirap na. Huhu!Nasa kwarto ako ni Jhon at abala sa paglilinis. As usual, kalat-kalat na naman ang mga gamit niya. Pero wala na akong magagawa—trabaho ko ‘to. Kung may medalya lang siguro ang pagiging makalat, paniguradong champion na siya!Habang nililigpit ko ang mga gamit niya, biglang may mainit na katawan na dumikit sa likod ko. Isang pares ng bisig ang mahigpit na yumakap sa aking bewang.Napasinghap ako.Pero
NARRATOR'S POV Sa isang sulok, pilit pinipigilan ni Shon ang nag-aalab niyang galit. Kanina pa niya nakikitang may ibang lalaking humawak sa kamay ng kanyang asawa—at mas lalong nag-init ang kanyang dugo nang makita niyang niyakap pa ito! Hindi niya gusto ang eksenang ito, ngunit nagtimpi siya. Hanggang ngayon. Mataman niyang pinanood si Rhian, bawat kilos nito ay tila nagdadagdag ng gatong sa kanyang selos at inis. Nang makita niyang muling yayakapin ni Rhian si Jhon, tuluyan na siyang nagdilim ng paningin! Mabilis siyang sumugod, hindi man lang nagtanong o nagbigay ng babala, at agad niyang inundayan ng isang malakas na suntok si Jhon. "BLAG!" Diretsong natumba si Jhon sa sahig, at agad na napasigaw sina Rhian at Maria. Lahat ng naroon ay napalingon sa eksena, nagulat sa biglaang pangyayari. Habang nasa sahig, marahang hinaplos ni Jhon ang kanyang panga, ramdam ang hapdi ng sugat mula sa tumutulong dugo. Ngunit imbes na matakot o magalit nang padalos-dalos, unti-unti siyang tum
NARRATOR'S POVHindi mapakali si Maria sa isang sulok. Pakiramdam niya, lahat ng taong dumaraan at napapatingin sa kanya ay binibigyan siya ng mapanuring tingin. Para bang wala siya sa lugar, at lalo lang siyang nanliit sa kanyang suot na simpleng damit habang ang iba ay nakabihis nang bonggang-bongga."Sir, mauuna na po akong umuwi," agaw niya ng pansin kay Jhon, na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita.Simula nang makilala ni Jhon si Maria, tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili. Hindi na siya takot humarap sa maraming tao, at nagpapasalamat siya kay Maria dahil dito. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, agad siyang napalingon sa dalaga at lumapit. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit nang husto, biglang dumating ang kakambal niyang si Rhian, na agad siyang ginawaran ng mahigpit na yakap.Napaiwas ng tingin si Maria. Parang may bahagyang kumurot sa kanyang puso sa nakita.'Sa harap ko pa talaga!' inis niyang sambit sa sarili sabay irap sa hangin.Sabay na nagbitaw sa yakap
MARIA'S POV"Get ready, we're going somewhere!"Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Jhon sa aking silid. Halos mahulog ko pa ang tinutupi kong damit dahil sa gulat.Ni hindi man lang marunong kumatok ang loko! Ang kapal talaga ng mukha. Napalingon ako sa kanya, kita ko ang nakataas niyang kilay habang nakatayo sa pintuan, para bang siya pa ang naiinis."Hindi ka na marunong kumatok?" inis kong tanong habang nagkakrus ang aming paningin.Hindi siya agad sumagot, sa halip ay ngumiti lang ng nakakaakit.Sh*t! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi na tama ang tibok ng puso ko?"Don't ask questions. Just dress up," utos niya sa malamig na tono.Napairap ako. Masama bang magtanong?"Why would I?" sagot ko, ngunit napahinto ako nang mapansin kong napa-English ako. Ayan na nga ba sinasabi ko! Kahit kailan talaga, nadadala ako sa pagsasalita niya. Madalas kasi siyang mag-English kapag nagsasalita, kaya minsan parang nahahawa na rin ako.Ngunit imbes na sagutin ako, tinaasan niya
MARIA'S POV Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Kanina pa ako nag-iisip, pero kahit anong gawin ko, hindi ko makita ang sagot. Paano ko matutulungan si Nanay? Lumalala na ang sakit niya. Mahina na siya. At sabi ng doktor, kailangan na siyang operahan bago mahuli ang lahat. Pero paano ako makakahanap ng isang milyon? Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga? Isang milyon. Para sa akin, parang imposible. Napaupo ako sa isang sulok ng kalsada, sapo ang mukha habang pilit na tinatago ang pagluha. Sobrang pagod na ako. Maghapon akong naglako ng kakanin, naglakad sa ilalim ng tirik na araw, kumatok sa bawat pintuan, nagsumiksik sa palengke, at halos lumuhod sa mga tao para bumili sila. Pero kahit anong kayod ko, hindi pa rin sapat. Ang tanging kasama ko sa buhay ay si Nanay. Wala na akong iba. Matagal nang iniwan kami ni Tatay. Ang mga kamag-anak namin? Matagal na kaming kinalimutan. Wala kaming ibang maaasahan kundi ang isa't isa. At ngayon… parang unti-unti siyang kinukuha ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии