Maria's POVPagdating ko sa bahay, nagulat pa si Aling Linda, ang kapitbahay namin, maging si Nanay ay nabigla sa aking pagdating. Marahil nagtataka sila kung bakit ako nandito nang mas maaga kaysa sa inaasahan."Oh, Maria, anak, anong nangyari at napaaga ang uwi mo?" tanong ni Nanay habang may mapanuring tingin."Eh, Nay, napakain ko ng seafoods yung amo ko, ayun, kamuntikang mamatay," malungkot kong sabi habang nakabusangot. Lumapit naman si Nanay sa tabi ko at bahagyang hinaplos ang aking likod.Nakakalungkot lang dahil iyon ang unang trabahong napasukan ko, tapos hindi pa ako nagtagal. Kahit itago ko ang lungkot sa aking mukha, kilala ko si Nanay at alam kong maging siya ay nagtataka at hindi kumbinsido sa aking paliwanag."Hindi man lang ba sinabi kung ano ang bawal at hindi bawal bago ka nagsimula, anak?" ani Nanay. Oh, 'di ba? Sabi ko na nga ba, hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko. Haha! Nanay ko 'yan eh."Sinabi naman, Nay, maliban doon sa allergy niya. Siguro nakalimutan ni
Last Updated : 2025-02-21 Read more