Zenxuie Rey Nathaniel Jhon's POVHindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nang salubungin niya ako ng yakap! Ngunit ramdam kong natakot siya kay Dad sa hindi ko malamang dahilan. Ayaw ko mang iwan siya, pero kailangan dahil may pag-uusapan kami ni Dad.Ang totoo niyan, ayaw akong payagan ni Dad na lumabas. Pinilit ko lang siya na kaya ko, dahil ayaw ko talagang magtagal doon—wala akong kasama. Sa likod kasi nitong bahay may sarili akong doktor. Oo, may sarili akong doktor at maliit na klinika! Lahat ng kailangan ko, nandoon na, dahil ayaw ko talagang ma-confine sa ospital.Mula pagkabata, sanay na akong mag-isa. Lahat ng gusto kong gawin, may limitasyon. Lagi akong may bantay, may nakatalagang doktor na nagmamasid sa akin. Minsan, pakiramdam ko, nakakulong ako sa isang mundong ako lang ang nakakaramdam ng sakit. Pero dumating si Maya, at nag-iba ang lahat. Naramdaman ko kung paano maging normal kahit sandali lang. Sa tuwing nakikita ko siya, parang nabibigyan ako ng dahilan para buman
Maria's POVPagdating ko sa bahay, nagulat pa si Aling Linda, ang kapitbahay namin, maging si Nanay ay nabigla sa aking pagdating. Marahil nagtataka sila kung bakit ako nandito nang mas maaga kaysa sa inaasahan."Oh, Maria, anak, anong nangyari at napaaga ang uwi mo?" tanong ni Nanay habang may mapanuring tingin."Eh, Nay, napakain ko ng seafoods yung amo ko, ayun, kamuntikang mamatay," malungkot kong sabi habang nakabusangot. Lumapit naman si Nanay sa tabi ko at bahagyang hinaplos ang aking likod.Nakakalungkot lang dahil iyon ang unang trabahong napasukan ko, tapos hindi pa ako nagtagal. Kahit itago ko ang lungkot sa aking mukha, kilala ko si Nanay at alam kong maging siya ay nagtataka at hindi kumbinsido sa aking paliwanag."Hindi man lang ba sinabi kung ano ang bawal at hindi bawal bago ka nagsimula, anak?" ani Nanay. Oh, 'di ba? Sabi ko na nga ba, hindi siya kumbinsido sa paliwanag ko. Haha! Nanay ko 'yan eh."Sinabi naman, Nay, maliban doon sa allergy niya. Siguro nakalimutan ni
JHON'S POVHindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na nagpresinta kay Dad na ako na ang susundo kay Maya. Matagal na rin akong hindi lumalabas ng bahay, at sa unang pagkakataon, ngayon lang ako muling lalabas."Dad, ako na ang susundo kay Maya!" agad kong sabi habang sinusundan siya papunta kay Yaya upang ipabalik si Maya.Napahinto siya at seryosong tumingin sa akin, halatang nagtataka."What the hell, son! Really?" tanong niya na may halong saya sa boses, isang bihirang bagay para sa kanya na laging seryoso."Yeah! What's wrong, Dad?" sagot ko, kunot-noo.Pinasamahan niya ako sa driver upang sunduin si Maya. Pero bago iyon, tinanong ko muna kay Yaya kung saan sila nakatira.Habang nasa biyahe, napansin kong tahimik ang paligid. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang labas ng bintana habang dumaraan kami sa iba't ibang kalye. Nang makarating kami sa lugar nila Maya, napansin ko ang mga matang nakatutok sa akin mula sa mga kapitbahay niya. Hindi ako sanay sa ganoong tingin, pero hindi ko na
Chapter 12Maria's POVHalos abot-langit ang hiya na naramdaman ko nang sabihin niyang magsuot ako ng bra. Ganoon na ba ako kataranta para makalimutan iyon? Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali o sa kaba na dulot ng presensya niya, pero nakakahiya talaga!Sa loob ng sasakyan, tanging katahimikan ang pumuno sa paligid. Ang tunog lang ng makina at ang mahihinang ugong ng sasakyan ang maririnig. Naramdaman ko ang bigat ng atmospera sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan, pero hindi ko rin kayang tiisin ang nakakabinging katahimikan."Ahh, sir... hindi ba magagalit ang daddy mo kapag nakita ako?" basag ko sa katahimikan, bahagyang kinakabahan.Natatakot talaga ako sa daddy niya. Paano ba naman kasi, nakita kong nag-iba ang kulay ng mata niya! Ganoon na lang ang kaba ko—hindi ko alam kung anong klaseng pamilya ba ang napasukan ko.Nabaling ang tingin niya sa akin, na kanina pa nakatutok sa labas. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata haba
Maria’s POVMasaya ako habang pinagmamasdan siya. Para siyang batang nakawala sa matagal na pagkakakulong. Ang dati niyang malamig at seryosong mukha ay napalitan ng saya at pagkamangha. Wala siyang pakialam sa mga tingin at bulungan ng mga tao sa paligid—sa halip, abala siyang i-enjoy ang bawat sandali.Naglakad kami patungo sa kabilang bahagi ng parke kung saan matatagpuan ang playground. Namamangha siyang lumapit doon, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Mabuti na lang at walang mga bata sa paligid, kaya malaya siyang makapaglibot nang hindi naiilang."Let’s go," aniya bigla, sabay hawak sa kamay ko.Napatingin ako sa magkahawak naming kamay, tulala at hindi makagalaw. Hinila niya ako papunta sa isang slide. Nang bumalik ako sa ulirat, napansin kong nasa itaas na kami. Pinauna niya akong umupo sa slide habang siya naman ay pumwesto sa likod ko, iniikot ang kanyang mga braso sa aking baywang.Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nakayakap siya sa akin. Naiilang ako,
.MARiA’S POVDahan-dahan kong tinapik ang kanyang pisngi habang nakahilig siya sa aking hita. Ramdam ko ang mabagal at pantay niyang paghinga, senyales na mahimbing ang kanyang tulog. Narating na namin ang harapan ng kanilang bahay, ngunit hindi ko pa rin maalis ang kaba sa aking dibdib matapos marinig ang sinabi ni Manong Driver kanina."Hinahanap na siya ng daddy niya."Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa ama ni Jhon, lalo na’t hindi ko naman intensyong dalhin siya kung saan-saan."Jhon, nandito na tayo," mahinahon kong bulong habang patuloy siyang tinatapik.Napapaungol siya nang mahina, tila ayaw pang magising mula sa kanyang mahimbing na tulog. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata, ngunit halata pa rin ang antok. Inunat niya ang kanyang mga braso at nagtakip ng bibig habang patuloy na nililidlid ang kanyang mga mata.Hindi ko naiwasang matawa sa kanyang reaksyon—parang batang puyat na pinilit gumising para pumasok sa eskwela. O mas tamang s
MARiA's POVMabilis lumipas ang isang buwan, at masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap alagaan si Jhon. Minsan nga, iniisip ko kung bakit pa talaga siya kailangan ng yaya, pero dahil na rin sa trabahong ito ay may maayos akong hanapbuhay, kaya wala na rin akong reklamo.Ngayon, inutusan ako ni Supremo na mamalengke. Ewan ko ba kung bakit "Supremo" ang tawag sa kanya ng mga tao dito, kaya nakisabay na rin ako sa pagtawag sa kanya ng ganun. Hindi ko na rin tinanong kung bakit, baka mamaya may istorbo pa akong hindi dapat malaman.Maaga akong gumayak para mamalengke, lalo na’t wala si Yaya Rosa dahil day-off niya ngayon. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguradong tulog pa si Jhon. Hindi ko na siya ginising, tutal hindi ko naman siya kailangang isama.Nang palabas na ako ng kwarto, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhon. Nagulat ako sa kanya, at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Saglit siyang natigilan at napatingin sa
NARRATOR'S POVPagdating nina Jhon at Maria sa mall, agad na napakunot ang noo ng dalaga nang mabasa ang nakasulat sa malaking signage sa harapan ng gusali—RHIAN MALL.Napaisip si Maria. Sino si Rhian? Isa kaya ito sa mga babaeng nagustuhan ni Jhon? Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mabilis niya iyong iwinaksi sa isip niya, pinili niyang huwag bigyan ng ibang kahulugan. Dapat lang siyang mag-focus sa pamamalengke, iyon naman ang pakay nila rito.“Let’s go,” malamig ngunit mahinahong yaya ni Jhon.Tumango na lang siya at sumunod sa binata, pero ramdam niyang maraming mata ang nakatutok sa kanila habang naglalakad. Sa loob ng isang buwan niyang pananatili sa bahay ni Jhon bilang yaya, unti-unti niyang napansin ang pagbabago sa binata. Nasanay na ito sa presensya ng ibang tao, isang malaking progreso mula sa pagiging mailap at mahilig magkulong sa bahay. Palagi niya itong hinihikayat na lumabas—maglakad-lakad sa village, tumambay sa
Maria's POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may malamig na tubig na dumampi sa aking balat. Bigla akong kinabahan nang makita kong nakangising nakatayo si Jhon habang may hawak na balde—na ngayon ay wala nang laman."Kailan ka ba magsasawang pahirapan ako?" sambit ko habang unti-unting tumatayo. Ngumisi lang siya bago nagsalita."Until you are here! So go away!" malamig niyang sagot, walang kahit anong emosyon.Iyan ang palagi niyang sinasabi—palagi niya akong pinalalayas. Pero nangako ako sa mommy niya na hindi ko siya susukuan at hindi ko siya iiwan. Kaya paninindigan ko ang pangakong iyon."Hindi ako aalis dahil mag-asawa na tayo!" matigas kong sagot.Nagulat na lang ako nang bigla niya akong tinulak, dahilan ng pagtumba ko sa kama—na ngayon ay basang-basa na. Pinilit niyang tanggalin ang aking saplot bago ako sapilitang pinadapa. At kasunod noon, ginawa na naman niya ang marahas na bagay na palagi niyang ginagawa sa akin—ginamit na naman niya ang aking katawan.Sa
MARIA POVIsang buwan ang mabilis na lumipas, ngunit wala pa ring nagbabago sa pakikitungo sa akin ni Jhon. Sa halip, habang tumatagal, lalo pang lumalala ang kanyang pagtrato sa akin. Sa harap ng ibang tao, isa siyang mabait at magalang na lalaki, ngunit sa tuwing kami na lamang ang magkasama, bumabalik ang kanyang pagiging malamig at marahas. Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawalan ng pagkatao sa piling niya.Matapos niyang kumain, ako naman ang sumunod. Nasa harap ako ng kusina, tahimik na kumakain mag-isa. Nasasanay na rin ako sa ganitong routine araw-araw—isang piging ng katahimikan at pag-iisa. Isang kutsarang kanin ang isinusubo ko nang marinig ko ang isang boses mula sa aking likuran. Napapitlag ako sa gulat.Laking gulat ko nang makita si Madam, ang ina ni Jhon, nakatayo roon na may matalim at mapanuring tingin. Kunot-noo niya akong tinitigan bago nagtanong."What are you doing? Why are you eating there?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Bago pa
Maria's Pov Bagsak ang balikat ko habang tinutungo ang aking kwarto, ramdam ko ang bigat ng pagod sa buong katawan ko. Isang mahaba at nakakapagod na araw na naman ang lumipas. Ang nais ko lang ay mahiga at makatulog nang maayos, makalimutan kahit saglit ang bigat ng mundo. Ngunit mukhang malayo pa iyon sa realidad. Matapos maglinis ng katawan, agad akong humiga, umaasang makakatulog nang mahimbing. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakapikit, may narinig akong katok sa pinto. Napakunot ang noo ko. Alas nuwebe na ng gabi—sino pa ang may kailangan sa akin sa ganitong oras? Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig niyang titig. "May ipag-uutos ka pa ba?" tanong ko sa mahina ngunit magalang na tinig, pilit na itinatago ang aking pagod. "Massage me," malamig niyang sagot, walang bahid ng pakikiramay sa tono. Napalunok ako. "Pero pagod na ako," sagot kong may halong pagmamakaawa. Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang ganitong paulit-ulit na sitwasyon
MARiA POVIsang malutong na sampal ang sumalubong sa akin nang makaalis ang nag-deliver ng tubig. Ni hindi man lang niya tinanong kung bakit doon ako sumakay, basta na lang niya akong sinaktan nang hindi nagtataka o nagtatanong.Agad na tumulo ang mga luha ko nang dumapo ang kanyang kamay sa aking pisngi. Tahimik akong umiiyak habang siya ay walang emosyon, nakatingin lang sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan niya ako ng kamay, at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—takot ba, sakit, o galit?Hindi ko kayang pigilin ang aking sarili. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit doon ako nakasakay?" Tanong ko sa utal-utal na boses, hinahangad na kahit papaano ay maipaliwanag ko ang sarili ko. Nakatingin siya sa akin ng matalim, ang mga mata niyang puno ng galit. Siguro kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig."Why am I asking? I clearly saw you flirting with that fvcking guy!" Sabay banggit ng pangalan ng lalaki. Nagngangalit ang kanyang ba
MARiA POV's Sunod sunod na katok ang nag pagising sa akin napatingin ako sa side table at nakita kong alas nuebe na ng umaga. Napapikit pa ako at tanghali na pala naririnig ko narin ang galit na boses ni jhon sa labas ng pinto habang paulit ulit itong kinakatok!. "Saglit lang!" Sambit ko at tumayo ngunit napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong kumirot ang maselang parte ng aking katawan at dun ko naalala ang nangyare kagabi, hindi ko alam pero bigla nalang napatulo ang luha ko ng maalala ang sinapit ko kagabi. "Damn you! You are not a queen to wake up like that!" Galit na sambit nito sa pasigaw na boses Unti unti akong lumapit sa pinto upang pag buksan ito, nabungaran ko syang nakakunot ngunit agad ding nawala dahil napalitan ito ng nakakalokong ngiti bago napatingin sa aking kabuuan at dun ko napag tanto na isang manipis na tela lang pala ang suot ko dahil sa pagod at sakit na naramdaman ko kagabi ni hindi ko na nagawang mag linis at mag ayos ng gatawan. "Do you want me t
(SPG18+) MARiA POV's Nang matapos na akong maligo mag suot lang ako ng manipis na tela upang matakpan ang aking kabuuan. Yun kasi ang sabi ni Jhon kanina kaya sinunod ko nalang para hindi na sya magalit. Dahil sa ginawa ko naligtas ko si Nanay kaya kung ano man ang consequences na magaganap tatanggapin ko wag lang mawala si Nanay. Hindi ko pinag sisisihan ang naging desisyon ko kahit labag sa loob ko dahil yun ang dapat!. Kumatok muna ako sa kanyang kwarto bago pumasok, hindi ako nakarinig ng kahit ano mang ingay kaya pinili kong buksan nalang ang pinto nakita ko syang nakaharap sa mini table habang nakatuon ang attention sa laptop. Nang naramdaman nya ang prisensya ko itinigil nya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin hindi ko alam pero mula ng ikasal kami natatakot ako sa pinapakita nyang awra. "Ahh Jhon, kailangan ba nating gawin to?" Lakas loob kong tanong baka kasi mag bago pa ang isip nya. Napahawak sya sa kanyang baba na parang nag iisip bago tumayo at lumapit
NARRATOR'S POVWalang nangyaring enggrandeng kasal sa simbahan. Bagkus, isang pirmahan lang ito—walang bulaklak, walang musika, at higit sa lahat, walang pagmamahal. Isang papel ang inabot sa kanila, at nang lumagda si Jhon, doon pa lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng desisyon ng kanyang mga magulang. Wala siyang nagawa.Pinirmahan din ni Maria ang dokumento, ngunit ramdam niya ang malamig na aura ng lalaking pinakasalan niya. Hindi niya inasahan na ganito ang magiging simula ng kanyang buhay may-asawa. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, isang mapait at mapanuksong ngiti ang bumakas sa labi ni Jhon."Get ready, darling," bulong nito sa kanya habang lumalapit sa tainga niya. "I will make your life a living hell."Napasinghap si Maria sa takot. Walang alinlangang boses. Walang emosyon sa mukha ng lalaking ngayon ay asawa na niya. Ngunit kahit nanginginig sa kaba, hindi siya nagpahalata. Sa kabila ng kanyang takot, nanatili siyang nakaupo nang tuwid habang ang iba ay masayang bu
MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas, hindi ko pinahalata ang nangyari kay Nanay at kahit isa sa kanila, wala akong pinagsabihan. Kanina ko pa hinahanap si Jhon, ngunit hindi ko siya makita. Saan na naman kaya nagpunta ang isang ‘yon? Akala mo kabuti—kapag hindi mo hinahanap, saka biglang susulpot.Naglalakad ako sa sala nang makita kong may kasamang magandang babae si Supremo, ang ama ni Jhon. Sabay silang naglalakad habang magkahawak-kamay. Naku, babaero din pala ang daddy niya! Haha!Parang isang modelo ang babaeng naglalakad patungo sa bukana ng kabahayan. Sumusunod sa bawat paghakbang niya ang alon ng kanyang mahaba at magandang buhok. Pinagbuksan siya ng pinto ni Supremo, habang ako naman ay nakatitig lang sa babae.Sh*t, ang ganda niya! Ang kutis niya, parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok. Wahh!"If I'm not mistaken, you are Maria, right?" aniya habang malawak ang pagkakangiti.Napapitlag ako nang mapagtantong nasa harapan ko na pala sila ni Supremo. Bigla akong nakar
MARIA'S POVNatapos ang party, pero hindi ko man lang nakita o nakilala ang mommy ni Jhon. Epal kasi ‘yung asawa ng kapatid niya—sinapak ba naman si Jhon! Napasama pa tuloy ang unang pagkikita nilang magkapatid. Kung di lang talaga kita boss, sinapak ko na rin siya para makaganti!Lumipas ang ilang linggo mula nang maganap ang kaarawan ng ina ni Jhon. Sa loob ng dalawang buwan kong pananatili rito sa mansyon, hindi ko pa rin nakikilala ang mommy niya. Siguro mas mabuti na rin ‘yon. Kung ang ama niya nga lang nakakatakot na, paano pa kaya ‘yung ina? Baka mala-dragon ‘yon! Mahirap na. Huhu!Nasa kwarto ako ni Jhon at abala sa paglilinis. As usual, kalat-kalat na naman ang mga gamit niya. Pero wala na akong magagawa—trabaho ko ‘to. Kung may medalya lang siguro ang pagiging makalat, paniguradong champion na siya!Habang nililigpit ko ang mga gamit niya, biglang may mainit na katawan na dumikit sa likod ko. Isang pares ng bisig ang mahigpit na yumakap sa aking bewang.Napasinghap ako.Pero