
Married to a Heartless Ugly Billionaire
Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan.
Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog.
Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko.
Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti.
Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya?
Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Read
Chapter: Chapter 20NARRATOR'S POVHindi mapakali si Maria sa isang sulok. Pakiramdam niya, lahat ng taong dumaraan at napapatingin sa kanya ay binibigyan siya ng mapanuring tingin. Para bang wala siya sa lugar, at lalo lang siyang nanliit sa kanyang suot na simpleng damit habang ang iba ay nakabihis nang bonggang-bongga."Sir, mauuna na po akong umuwi," agaw niya ng pansin kay Jhon, na abala sa pakikipag-usap sa ilang bisita.Simula nang makilala ni Jhon si Maria, tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili. Hindi na siya takot humarap sa maraming tao, at nagpapasalamat siya kay Maria dahil dito. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, agad siyang napalingon sa dalaga at lumapit. Ngunit hindi pa man siya nakakalapit nang husto, biglang dumating ang kakambal niyang si Rhian, na agad siyang ginawaran ng mahigpit na yakap.Napaiwas ng tingin si Maria. Parang may bahagyang kumurot sa kanyang puso sa nakita.'Sa harap ko pa talaga!' inis niyang sambit sa sarili sabay irap sa hangin.Sabay na nagbitaw sa yakap
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 19MARIA'S POV"Get ready, we're going somewhere!"Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Jhon sa aking silid. Halos mahulog ko pa ang tinutupi kong damit dahil sa gulat.Ni hindi man lang marunong kumatok ang loko! Ang kapal talaga ng mukha. Napalingon ako sa kanya, kita ko ang nakataas niyang kilay habang nakatayo sa pintuan, para bang siya pa ang naiinis."Hindi ka na marunong kumatok?" inis kong tanong habang nagkakrus ang aming paningin.Hindi siya agad sumagot, sa halip ay ngumiti lang ng nakakaakit.Sh*t! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi na tama ang tibok ng puso ko?"Don't ask questions. Just dress up," utos niya sa malamig na tono.Napairap ako. Masama bang magtanong?"Why would I?" sagot ko, ngunit napahinto ako nang mapansin kong napa-English ako. Ayan na nga ba sinasabi ko! Kahit kailan talaga, nadadala ako sa pagsasalita niya. Madalas kasi siyang mag-English kapag nagsasalita, kaya minsan parang nahahawa na rin ako.Ngunit imbes na sagutin ako, tinaasan niya
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 18MARIA'S POVIlang araw na ang lumipas mula nang pumasok si Jhon sa aking silid at nakita akong nakatapis. Simula noon, iniiwasan ko na siya. Hindi ko alam kung napapansin niya, pero kapag nararamdaman ko ang presensya niya sa paligid, agad akong umaalis o lumalayo upang hindi magkrus ang landas namin. Nakakahiya kasi! Hindi ko matanggap na nakita niya ako sa ganoong estado—at ang pinakamasama? Nakatitig lang siya!Ngayon ay nandito ako sa kanyang silid, inaayos ang kanyang mga gamit. Wala siya, kaya panatag akong kumikilos. Mabuti na lang at lumabas siya—ayaw ko siyang makita dahil baka maalala ko na naman ang nangyari. Napapailing na lang ako sa sarili ko."Maria, hija, pagkatapos mong mag-ayos diyan, maaari mo bang hintayin ang magde-deliver ng tubig sa labas?" tawag ni Yaya Rosa mula sa kusina."Opo, Yaya!" magalang kong sagot at agad tinapos ang aking ginagawa.Sa totoo lang, madali lang naman ang trabaho ko—asikasuhin ang pagkain ni Jhon, linisin ang kanyang kwarto, at tiyaking m
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 17JHON'S POVHabang abala si Maria sa pagkuha ng mga nakasulat sa listahan, natanaw ko si Rhian—ang kapatid ko—na tila may inaasikaso rin sa di kalayuan. Agad ko siyang nilapitan, at nagulat pa siya nang makita ako."Kuya! Anong ginagawa mo rito?" masayang bati niya habang mabilis akong niyakap.Napangiti ako. "Dumalaw ako sa mall mo, syempre. Ikaw naman, parang hindi mo ako pwedeng makita sa ganitong lugar."Natawa si Rhian at umiling. "Hindi naman! Hindi lang ako sanay na makita kang nasa pampublikong lugar nang kusa! Alam mo namang madalas kang nakakulong sa bahay."Sa totoo lang, medyo sanay na ako sa mataong lugar dahil madalas akong isama ni Maria kung saan-saan—simbahan, parke, at kung minsan, nagjo-jogging pa kami. Naiirita nga lang ako tuwing may lalaking napapatitig sa kanya. Kapag naglalakad kami sa labas, halos lahat ng makasalubong namin ay sumusulyap sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaapekto sa akin ang ganitong bagay, pero hindi ko rin kayang balewalain."Oh
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 16NARRATOR'S POVPagdating nina Jhon at Maria sa mall, agad na napakunot ang noo ng dalaga nang mabasa ang nakasulat sa malaking signage sa harapan ng gusali—RHIAN MALL.Napaisip si Maria. Sino si Rhian? Isa kaya ito sa mga babaeng nagustuhan ni Jhon? Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Mabilis niya iyong iwinaksi sa isip niya, pinili niyang huwag bigyan ng ibang kahulugan. Dapat lang siyang mag-focus sa pamamalengke, iyon naman ang pakay nila rito.“Let’s go,” malamig ngunit mahinahong yaya ni Jhon.Tumango na lang siya at sumunod sa binata, pero ramdam niyang maraming mata ang nakatutok sa kanila habang naglalakad. Sa loob ng isang buwan niyang pananatili sa bahay ni Jhon bilang yaya, unti-unti niyang napansin ang pagbabago sa binata. Nasanay na ito sa presensya ng ibang tao, isang malaking progreso mula sa pagiging mailap at mahilig magkulong sa bahay. Palagi niya itong hinihikayat na lumabas—maglakad-lakad sa village, tumambay sa
Last Updated: 2025-02-21
Chapter: Chapter 15MARiA's POVMabilis lumipas ang isang buwan, at masasabi kong naging maayos naman ang trabaho ko dito. Sa totoo lang, hindi naman mahirap alagaan si Jhon. Minsan nga, iniisip ko kung bakit pa talaga siya kailangan ng yaya, pero dahil na rin sa trabahong ito ay may maayos akong hanapbuhay, kaya wala na rin akong reklamo.Ngayon, inutusan ako ni Supremo na mamalengke. Ewan ko ba kung bakit "Supremo" ang tawag sa kanya ng mga tao dito, kaya nakisabay na rin ako sa pagtawag sa kanya ng ganun. Hindi ko na rin tinanong kung bakit, baka mamaya may istorbo pa akong hindi dapat malaman.Maaga akong gumayak para mamalengke, lalo na’t wala si Yaya Rosa dahil day-off niya ngayon. Alas-sais pa lang ng umaga, kaya siguradong tulog pa si Jhon. Hindi ko na siya ginising, tutal hindi ko naman siya kailangang isama.Nang palabas na ako ng kwarto, sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jhon. Nagulat ako sa kanya, at mukhang nagulat din siya nang makita ako. Saglit siyang natigilan at napatingin sa
Last Updated: 2025-02-21

Mafia Boss, Judge Me!
Sa murang edad ni Rain na 13y/o naranasan nya ang masawi sa pag ibig, dahil pinag tabuyan sya ng kanyang nobyo at mga magulang ng araw na kumalat ang video na hindi naman sya,,, lumayo sya hindi nya alam kong saan sya pupulutin.
Lumabas sya sa condo unit ng kanyang nobyo at sa kanyang pag labas bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.
Sakto naman dumaan ang isang taong mag babago ng buhay ni rain, pag aaralin sya nito kapalit ng pag titraning nya bilang isang agent.
Sa pag lipas ng maraming taon magiging isa syang malakas at kinakatakutang agent.
Muling mag tatagpo ang landas nila ng dating nobyo na si shon Dave miller ngunit dahil bata palang sya noon hindi sya nito makikilala.
***
Uusbong ang galit sa kanyang puso at mag hihigantihan sya rito.
Papasok sya bilang isang secretary ng binata at pag lalaruan nya ito, paiibigin nya ang dating nobyo na nang husga at sinaktan sya.
Ngunit isang gabi ng tinungo ni shon ang kanyang kumpanya ng lasing, sakto namang nandoon pa si rain,,, may mangyayare sa kanila at mabubuntis sya. Lumayo sya,,, Hindi nya sinabi sa binata na buntis sya hanggang isang araw na wala ang kanilang anak at ang pinag hihinalaan niyang kumuha ng anak nya walang iba kong hindi si Shon.
Saan mapupunta ang pag hihiganti nya? Makakamit nya kaya ang pag hihiganting ninanais oh mahuhulog sa sarili nyang laro?.
Abangan sa mga susunod na kabanata.
Read
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Finale ☺️☺️FiNALE (happy ending) NARRATOR'S pov Pag harap ni Rhian sumalubong sa kanyang paningin ang lahat ng mga mahalaga sa buhay nga ng nakangiti! medyo malayo man ay hindi sya maaaring mag kamali na parents at mga kapatid nya yun maging sila Kaira at Eula nandoon, Maging ang kanyang anak na si Sheldon kasama nito si Brianna na malawak ang pag kakangiti. Sa harap ng altar nakita nya si Shon ng malawak ang pag nakangiti, Halo halo ang kanyang nararamdaman. natutuwa sya na naiinis may pa surprise pala si Tanda sa kanya. "Ano pang hinihintay mo go mag lakad kana baka agawin ko pa yan!" Pang iinis ni Lea sa kanya sabay tawa, Natawa sya sa sinabi ni Lea. Habang nag lalakad pinipigilan nyang tumulo ang luha, inisip nya na wag iiyak! Dapat maganda sya sa paningin ni Tanda. Nang makalapit sya sa tabi ni Shon kinurot nya ito na kinatawa lang si Shon sabay sabing, "Akala ko iiwan mona ako!" Anito ng nakanguso. Kinabig ni Shon si Rhian sabay hinalikan ng mabilis na
Last Updated: 2025-02-11
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Chapter 50RHiAN POV Abala ako sa pag aayos sa aking sarili, para lalong mabaliw sa akin si Tanda haha. Naka suot ako ng white dress na off shoulder na hapit sa aking katawan. Lalong lumabas ang hubog ng aking katawan. Ilang oras akong nag isip kong ano ang aking susuotin kaya natagalan talaga ako. Nang makuntento sa aking suot at makita kong maayos na ang lahat nag pasya na akong bumaba. Baka nag hihintay na sa akin si Tanda. Habang pababa ako nakasalubong ko si yaya. "Nasa baba na po si Sir kausap ang parents mo ma'am!" Magalang na anito kaya nag madali ako, sa sobrang pag mamadali ko kamuntikan pa akong madapa haha. Pag baba ko wala akong makitang Tanda, nag palinga linga ako sa paligid pero wala talaga. Ang nandito lang si Mom and Dad. Napatingin ako sa kanila ng nakakunot ang noo bago nag salita. "Mom nasan napo si Tanda?" Tanong ko natawa sya pero si Dad ang nag salita. "He said he won't marry you" ani Dad na nag palungkot ng sobra sa akin. "K
Last Updated: 2025-02-10
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Chapter 49Shon POV Eto ang araw na ipapakilala ako ni Rhian sa parents nya. Natatakot na kinakabahan, damn nakakabakla pala pag ipapakilala ka ng taong mahal mo sa parents nya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Namamawis ang kamay ko habang nag mamaneho, ngayon lang ng yare ito damnit!. What happened to me? Sh*t! Sana lang maging maayos ang pag uusap namin ng parents nya!. Nag mamaneho ako papunta sa sinabing address ni Rhian sa akin, damn! Dapat pala nag tanong ako kay Steve kong ano ang pakiramdam pag ipapakilala kana. Hindi ko tuloy alam kong ano ang dapat kong gawin sh*t, bahala na jan basta patutunayan kong mahal ko si Rhian. Isa pa may anak na kami siguro naman hindi na sila tututol pa sa aming dalawa. Ang buong akala ko wala na syang parents, siguro naman magugustuhan nila ako para sa anak nila. Kaya ko namang buhayin ang mag ina ko. Wala akong ideya kong sino ang kanyang magulang!. Nalibang ako hindi ko namalayang nandito na pala ako sa hara
Last Updated: 2025-02-08
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Chapter 48Narrator's POV hindi mapakali si Jen sa hospital, nananalangin ito na sana maging maayos si Dymon. Napatingin si Jen sa gawi ni Rhian, lumapit si Jen kahit alam nyang may galit si Rhian sa kanya. "Rhian patawarin mo ako sa nagawa ko sa anak mo! Hindi ko gustong gawin yon maniwala ka napilitan lang ako!" Ani Jen habang na nginginig ang boses. Hindi kumibo si Rhian, nanatili lang syang nakatingin ng blangko kay Jen. Naniniwala sya kay Jen na nag sasabi ito ng totoo. "Nag papasalamat ako sayo, sakabila ng lahat ng kasamaan ni Dymon nag malasakit ka parin sa kanya! Alam kong masakit na nalayo sayo ang anak mo. Ngayon ko naiintindihan!" Ani Jen sabay hawak sa tiyan nito. Sumama sya sa hospital para malaman ang kalagayan ni Dymon, "Pinapatawad na kita Ate Jen!" Ani Rhian nanlaki naman ang mata ni Jen at hindi makapaniwala sa narinig mula kay Rhian. Natuwa si Jen kaya bigla nyang nayakap si Rhian, hindi nya namalayan nakayakap na din si Rhian sa kanya. Gumaan ang
Last Updated: 2025-02-02
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Chapter 47 3rd Person POV Galit ang makikita sa mukha ni Supremo sa taong nasaharapan nila ngayon. Nakahandusay ito at wala ng laban. "Save your life! What is your reason for doing this sh*t?" Malamig na sabi ng Supremo habang nag aapoy ang dalawang mata sa galit. Kanina pa sya nag titimpi na wag p*tayin ang taong wala ng buhay. "Ang isang malaking kasalanan ko lang, nag mahal ako ng isang taong hindi na dapat. Kaya ako nakagawa ng maling gawain!" Sabi ng lalaking nakahandusay sa hirap na boses. Hindi maintindihan ni Supremo ang sinasabi ng lalake kaya nag salubong ang kilay nito. Nanatiling nakikinig ang mga tao sa paligid maging ang asawa ni Supremo. "What do you mean?" Kunot noong tanong ni Supremo. "You're wife is my first love, mag kababata kami! halos hindi kami mapag hiwalay ng mga panahong mag kasama kami, pero nag bago ang lahat ng makilala ka nya. Nawalan sya ng oras sa akin, na aksidente sya at nawalan ng memorya kasama ako sa nakalimutan nya, kaya nagalit ako
Last Updated: 2025-02-02
Chapter: Mafia Boss, Judge Me! Chapter 46Shon POV Maayos naman ang pag uusap ni Rhian at Bri. Nag kasundo sila pag dating kay baby. Nagulat lang ako ng mag pakilala sya kay Bri ng Malia. Tss Umuwi na sila. mag isa ko dito sa condo, sana lang maging maayos na ang lahat!. Alam kong hindi pababayaan ni Bri si Baby Gavenn, nasanay na akong Gavenn ang itawag sa kanya since un ang nakasanayan ko. *** Nandito kami ngayon sa harap ng gate, nalaman ng mga tauhan ni Supremo na dito mismo matatagpuan ang taong matagal nya ng hinahanap, ang taong may gawa ng lahat ng gulo sa pamilya nya. Ang taong naging dahilan ng pag kamatay ng kaisa isa nyang anak. Tahimik ang lugar na animoy walang nakatira sa bahay, dahil liblib ito mukhang mag isa nya lang dito wala syang kasama. Napapaligiran namin ang bahay, wala na syang kawala!. Nagulat ako ng may dumating na sasakyan at lumabas doon si Supremo at isa pang babae na medyo may katandaan na pero maganda pa rin. Nag lakad ito patungo sa gawi namin, bago nag salita. "D
Last Updated: 2025-01-30